KABANATA 6: TIWALA

1174 Words
THE DESPERATE LOVE EPISODE 6 TIWALA  ARTEMIS BLITHE’S POINT OF VIEW. HINDI PA rin makapaniwala si Davien na nandito ako ngayon sa kanyang harapan. Well, sorry na lang siya, nagkapirmahan na kami at makakasama na niya ako lagi hanggang sa matapos ang bagong building na pinapagawa niya. “Hindi ko alam na ikaw pala ang tinutukoy ni Matthias na magaling na architect,” seryoso na sabi ni Davien habang nakatingin siya sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya at tumango. “Well, not to brag… magaling naman talaga ako—sabi ng karamihan. Kaya rin siguro ako ang na-recommend ng pinsan ko sa trabaho na ito. Don’t worry Mr. Maranzano, I’m professional at work,” sabi ko kay Davien at nginitian ko siya at mabilis na kinindatan. Napasinghap siya sa aking ginawa at mabilis siyang umiwas ng tingin sa akin. Hindi ko na muna nilandi si Davien at pinag-usapan na muna namin ang tungkol sa collaboration ng kompanya niya sa team namin. He wants us to design the building. Syempre kailangan ko rin makipag coordinate sa engineering department at kay Kuya Matthias iyon. Wala na akong problema kay Kuya Matt kasi napag-usapan na rin namin ito kaya ngayon ay si Davien na ang kinausap ko tungkol sa mga gusto niya at sa mga ayaw niya para sa kanyang pinapagawa na commercial building. Habang seryoso kong kausap si Davien ngayon, hindi ko maiwasan na mas humanga pa sa kanya. He’s so compassionate in his work. Ang talino rin ni Davien! Ang dami niyang alam sa architecture kahit na hindi naman siya isang architect. Sobrang detailed ng mga gusto niya kaya hindi ko mapigilan na mas mamangha lalo at ma-excite sa trabaho na ito. Umabot ng tatlong oras ang pag-uusap namin ni Davien. At ang pag-uusap na iyon ay tungkol lang lahat sa trabaho! Nakakaloka siya. Pero mas lalo lang din akong nahuhulog sa kanya. “Thank you so much for your brilliant ideas, Miss Miller! I am looking forward to our collaboration to happen,” nakangiti na sabi ni Davien at tumayo na siya at nakipag shake hands sa akin. Tumayo naman din ako at nakipag shake hands sa kanya. Ang lambot ng kanyang kamay. “Thank you too for trusting me and my team, Mr. Maranzano. Tomorrow, ipapadala ko sa secretary ko ang mga documents,” nakangiti kong sabi kay Davien. Tumango naman sya at muling ngumiti sa akin. Maglalakad na sana si Davien papunta sa kanyang table nang magsalita ulit ako. “Uhm, Davien….” Huamrap naman siya sa akin at hinintay ang susunod ko na sasabihin sa kanya. “Free ka ba tonight? Let’s have dinner!” anyaya ko sa kanya. Please say yes to my invitation! “I’m sorry, Miss Miller, I have an important thing to do with my daughter tonight. Maybe next time?” Napakurap kurap ako sa aking mga mata at pinakalma ang aking sarili. Pangalawang rejection ko na ito galing sa kanya. Pinilit ko na ngumiti kay Davien at tumango. “S-Sure! Next time na lang, Davien. Thank you and good bye!” sabi ko at lumabas na sa kanyang opisina. Nang makalabas na ako sa opisina ni Davien ay nagmamadali ako sa aking paglalakad papunta sa may elevator at pumasok na rito. Napasandal ako sa gilid ng elevator at napapikit sa aking mga mata. “M-Ma’am Artemis, okay lang po ba kayo?” Muli kong iminulat ang aking mga mata at napatingin kay Andrea. Nakalimutan ko na kasama ko pala nag secretary ko ngayon. Ang tahimik niya kasi kanina pa eh, kaya nakalimutan ko na nakasunod pala siya sa akin. “O-Oo, okay lang ako,” malamig kong sabi. “Umiiyak po kasi kayo, Ma’am,” mahinang sabi ni Andrea na ikinakunot ng aking noo. Napahawak ako sa aking pisngi at laking gulat ko ng makaramdam ako ng basa rito. Lumuluha na pala ako nang hindi ko namamalayan. Mabilis kong kinuha ang aking panyo sa may bag at tumalikod ako kay Andrea at maingat na pinunasan ang mga luha ko sa aking mukha. “Hindi po sa nangingialam, Ma’am Artemis… pero tingin ko naman po na may pag-asa kayo kay Mr. Maranzano.” Natigil ako sa aking pagpupunas ng luha ng sabihin iyon ng aking secretary. Humarap ulit ako sa kanya habang nakakunot ang aking noo. “Paano mo naman nasabi na may pag-asa ako sa kanya? Nakita mo naman kanina kung paano niya ni-reject ang invitation ko diba?” malamig kong sabi sa kanya. “Sinabi naman po ni Mr. Maranzano na maybe next time, right? Meaning po ay may chance pa kayo. Habang kinakausap po kayo ni Mr. Maranzano kanina, nakatingin lang siya sa inyo na parang manghang-mangha. Nakikita ko po sa tingin niya sa inyo na gusto ka po niya. Hindi pa man romantically kagaya niyo, pero may chance pa po na magustuhan niya kayo pabalik,” seryosong sabi ni Andrea. Napataas ang kilay ko sa sinabi ng aking secretary. Hindi ko akalain na napaka observant din pala nitong si Andrea. Pero nagpapasalamat din ako sa kanya ngayon at sa mga sinabi niya dahil medyo gumaan ang nararamdaman ko sa dibdib. “T-Talaga? Please Andrea, I don’t want you to sugarcoat me. I want to know your thoughts. ‘Wag kang matakot sa sasabihin mo sa akin ngayon,” seryoso kong sabi sa kanya. Ngumiti si Andrea sa akin. “Totoo po, Ma’am Artemis. Ang cute niyo nga tingnan dalawa kanina eh. Pero ang advice ko lang po sa inyo ay ‘wag masyado magpadala sa damdamin. Ngayon ko lang kayo nakita na interesado sa isang lalaki kaya nag-aalala rin po ako sa inyo. Siguro ay mag set din po kayo ng boundary at ‘wag po masyado gumawa ng mga kalokohan,” sabi ni Andrea at napakamot siya sa kanyang buhok na parang nahihiya sa kanyang sinabi sa akin. Bumukas na ang elevator kaya lumabas na rin ako at sumunod din kaagad si Andrea sa akin. Bago kami tuluyan na makaalis ay humarap ako kay Andrea at tinignan siya ng seryoso. Natigil din siya sa kanyang paglalakad. Nagsalita ako. “Don’t worry, hindi ako magiging desperada sa pag-ibig kung iyan man ang iniisip mo ngayon, Andrea. I’m aware of what I’m doing right now and I will not go beyond just to have him,” seryoso kong sabi sa aking secretary. Ngumiti naman siya sa akin at tumango. “I’m rooting for you and Mr. Maranzano, Ma’am Artemis. Sana po ay magkatuluyan kayong dalawa.” Bahagya akong kinilig sa sinabi ng secretary ko at napatango ako. “Sana nga… sana nga ay magkatuluyan nga kaming dalawa.” Sa ngayon ay iaasa ko muna sa tadhana ang tungkol sa amin ni Davien. Pero malakas ang tiwala ko na mapapasaakin si Davien at magkakagusto rin siya pabalik sa akin. Sa ngayon ay pinipigilan niya pa lang ang nararamdaman niya dahil hindi siya sanay, pero alam ko na kapag tumagal at magkasama kami lagi… madedevelop din ang feelings niya para sa akin. Magiging akin din si Davien… at alam ko ‘yun. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD