THE DESPERATE LOVE
EPISODE 10
CALL
ARTEMIS BLITHE’S POINT OF VIEW.
HINDI AKO MAKAPANIWALA! Ngayon ay ikakasal na ang kapatid ko na si Athena sa kanyang long time crush na si Lorenzo Silvano Dela Valle, ang kababata namin. Natupad na talaga ng kapatid ko ang matagal na niyang ninanais.
“Jusko naman Athena! Para kang natatae sa mukha mo ngayon. Okay ka lang ba?” tanong ko sa aking kapatid.
Ngayon ang kasal niya, pero mukhang hindi kasal ang pupuntahan namin ngayon kundi lamay. Ang lungkot ng kanyang mukha ngayon, parang hindi siya ikakasal sa lalaking pinakamamahal niya.
“Anong natatae ang pinagsasabi mo diyan? Okay lang ako, Artemis!” sabi niya at napatingin sa kanyang sarili sa salamin.
Habang tinitingnan ko ang kapatid ko ngayon na nakasuot ng wedding gown ay parang… parang may inggit akong nararamdaman. Gusto ko rin na makasuot ako ng wedding gown at makasal ako sa lalaking pinakamamahal ko—kay Davien.
Hindi ko muna guguluhin ang utak ng kapatid ko tungkol kay Davien dahil araw niya ngayon. Sa aking utak ko muna ang mga naiisip ko ngayon na gusto kong sabihin kay Athena. Siguro sasabihin ko na lang sa kanya kapag nakauwi siya galing honeymoon nila para may ma-chismis din sa akin itong kapatid ko.
“I love you so much, Athena! Masaya ako para sayo. Sana maging masaya ka sa buhay asawa mo,” wika ko habang yakap ko ang aking kapatid na si Athena bago kami pumunta sa event place ng kanilang kasal.
Close family and friends lang ang invited ngayon sa kasal ni Athena at Lorenzo. Pero laking gulat ko nang makita ko sa loob ng chapel si Davien… at kausap niya ngayon si Kuya Ambrose!
Napalunok ako sa aking laway at inaayos ko ang aking sarili. He’s here! Iiwas na sana muna ako sa kanila nang makita ako ni Kuya Ambrose at tinawag niya ako.
“Artemis!”
Nanlaki ang aking mga mata sa gulat sa kanyang pagtawag, pero nagawa ko pa rin na ngumiti. Napatingin na rin sa akin si Davien. Lumapit ako sa kanilang dalawa.
“K-Kuya Ambrose! I’m glad to see you here at the wedding,” sabi ko sa aking Kuya at niyakap siya. Ngumiti si Kuya Ambrose at tumango.
“I may not approve of this marriage, but Athena is still my sister. Of course I will be here,” sabi ni Kuya Ambrose at muli siyang ngumiti.
Napatingin naman ako kay Davien at binati ko siya. “H-Hey! You’re here….”
Tumango siya at bahagyang ngumiti. “Your father invited me here, Artemis. I’m part of the close friends, you know?” pabiro na sabi ni Davien and he also chuckle.
Damn him! Ang pogi niyang tumawa. Ang sarap niyang laplapin—f*ck this mouth! Kung anu-ano na lang ang nasasabi.
“O-Oh… that’s good to hear, Davien. Maiwan ko muna kayo,” sabi ko at umalis na muna sa harapan nila dahil magsisimula na ang entourage. Mamaya ko na lang siguro lalandiin—I mean kakausapin si Davien pagkatapos ng kasal.
HINDI KO mapigilan na maiyak nang matapos ng ikasal ang kapatid ko kay Lorenzo. Tinutukso pa ako rito ni Apollo na katabi ko ngayon na ang pangit ko raw umiyak. Tinukso ko rin siya dahil pati rin naman siya ay naiiyak na rin eh, pinipigilan niya lang siguro dahil ayaw matawag na mahina dahil umiyak bigla.
Ngayon ay papunta na kami sa sarili naming hotel kung saan gaganapin ang reception ng kasal ni Athena at ni Lorenzo. Habang nandito ako sa loob ng reception ay hinahanap ko na si Davien sa paningin ko. Hindi pwedeng umuwi ka agad siya, kailangan naming mag-usap ulit.
“Sino ang hinahanap mo diyan?”
“Ay palaka!” napatalon ako sa gulat nang may magsalita sa aking likuran.
Nang mapatingin ako rito ay naiinis ako bigla ng makita ko ang kapatid ko na si Ares na tuwang-tuwa sa pagkagulat ko.
“Bwisit ka talaga! Bakit ka ba nanggugulat diyan?!”
Si Ares ay nakakabata kong kapatid at minsan lang din siyang nakakauwi sa mansion dahil pumasok na siya ng AFP.
“I’m just curious kung sino ang hinahanap ng maganda kong Ate Artemis,” nakangisi niyang sabi.
Bahagya akong napanguso hanggang sa hindi ko na napigilan ang aking sarili na mapangiti.
“Binobola mo na naman ako! Pasalamat ka miss kita.”
“Edi salamat po.”
Umiling-iling na lang ako at niyakap ko si Ares bago ako magpaalam sa kanya at ipinagpatuloy ko ang aking paghahanap kay Davien hanggang sa iba ang aking nahanap… si Fabio na umiinom ngayon ng champagne ng mag-isa. Nilapitan ko ang aking broken hearted na kaibigan.
“Fabio!”
Napatingin siya sa akin at parang nagulat ng makita ako.
“A-Artemis….”
Ngumiti ako at niyakap ko siya ng makalapit ako sa kanya.
“Pumunta ka talaga rito,” sabi ko habang yakap ko siya.
Huminga siya ng malalim at tumango. “Hindi naman pwede na wala ako sa kasal ng bestfriend ko, Artemis.”
“At ng crush mo!” dugtong ko sa kanyang sinasabi.
Napairap siya at bahagyang tumawa.
“Wag mo nga akong tinutukso diyan….”
Natawa ako at kumapit sa kanya. “Okay lang ‘yan! Samahan na lang kita, okay? Gusto mo bang lumabas na muna dito at pumunta doon sa pool side?”
Ngumiti si Fabio at tumango. Lumabas na muna kami sa reception at pumunta na muna doon sa poolside kung saan may mga turista at ibang guests ng hotel.
Naupo kami ni Fabio sa may pool lounge chair habang may hawak na alak. Nagsimula na siyang uminom at napatingala siya at huminga ng malalim.
“Ang sakit pala ‘no?” mahina niyang sabi.
Nakatingin lang ako ngayon kay Fabio.
“Pero anong magagawa ko? Hanggang kaibigan lang talaga ang pagmamahal ni Athena sa akin at wala nang iba….” muling sabi ni Fabio at mapaklang tumawa bago siya uminom ulit ng alak.
Magsasalita na sana ako nang biglang tumunog ang aking phone. Tinignan ko naman ito at nagulat ako ng makita ko na may tumatawag sa akin ngayon at ang mas nakakagulat ay kung sino ang tumatawag… walang iba kundi si Davien!
“Who’s calling you?” tanong sa akin ni Fabio. Napansin niya na rin ang pagtunog ng phone ko.
Itinago ko naman ang aking phone upang hindi niya makita sa screen ng aking phone na si Davien ang tumatawag.
“U-Ummm… wait lang Fab, sagutin ko muna ang tawag,” sabi ko at tumayo na ako at bahagyang lumayo sa pwesto ni Fabio upang hindi niya marinig ang pag-uusap namin ni Davien sa phone.
Nang makalayo-layo na ako ay agad ko na rin na sinagot ang kanyang tawag sa akin.
“Hello?”
“You were searching for me earlier and now you are with another guy?”
Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi at napatingin tingin ako sa paligid hanggang sa nakita ko si Davien sa hindi kalayuan, sa may bar area na may hawak na baso ng alak at ang isang kamay niya naman ay may hawak na phone at ang kanyang tingin niya ngayon ay diretso lang sa akin.
Napalunok ako sa aking laway at bigla akong kinabahan.
“D-Davien….”
“You said you like me? Nakahanap ka na kaagad ng kapalit?”
Bahagya akong napanganga sa bigla niyang naging tanong sa akin. Na speechless ako! Hindi ako sanay na ganito si Davien sa akin.
“W-What?”
“Leave that guy and follow me,” malamig na sabi ni Davien bago niya pinatay ang tawag at hindi na niya ako pinatapos sa pagsasalita. Umalis na siya at naglakad palayo. Bigla akong nataranta dahil baka bigla siyang mawala sa paningin ko.
Patakbo akong bumalik kay Fabio at nagpaalam sa kanya.
“F-Fabio, I’m so sorry! Gustuhin man kita na samahan ngayon, pero kailangan ko nang umalis,” natataranta kong sabi.
Kumunot ang noo niya. “Huh?”
“I love you, Fabio! Bye!” hinalikan ko muna siya sa pisngi at patakbo na akong umalis at sinundan si Davien.
Bwisit na lalaking ‘yun! Pag ito walang napala, mapapatay ko talaga siya!
Pero syempre… papatayin ko siya sa pagmamahal.
TO BE CONTINUED...