THE DESPERATE LOVE
EPISODE 2
IN LOVE
ARTEMIS’ POINT OF VIEW.
“I’M SO sorry, Artemis! Sana hindi na lang kita iniwan. Nabastos ka pa tuloy! Are you okay? Gusto mo ba na dalhin kita sa ospital? Artemis!” sunod-sunod na sabi ni Fabio sa akin. Pero ang buong atensyon ko ay nakatuon ngayon sa lalaking tumulong sa akin.
Kausap siya ngayon ng mga police at ang seryoso ng kanyang mukha ngayon habang nagsasalita—mas lalo akong nahuhulog.
“Artemis Blithe Montenegro Miller!”
Napakurap kurap ako sa aking mga mata at napatingin kay Fabio. Nakita ko na nagkasalubong na ang kanyang kilay habang nakatingin sa akin. Huminga ako ng malalim at ngumiti ako sa kanya.
“O-Okay lang ako, Fabio….”
Bahagya siyang napanguso at napatingin siya sa kanina ko pa tinitignan.
Nakita ko ang pagtaas ng kanyang kilay at bahagyang pagngisi bago siya muli tumingin sa akin.
“Artemis—”
“Mali ‘yang iniisip mo!” pagtuloy ko sa kanyang sasabihin at pinanlakihan ko siya ng aking mga mata.
Tumawa si Fabio.
“Wala pa akong sinasabi, Artemis! Ang defensive, ah?”
Inirapan ko siya.
Umayos na rin ako kaagad nang makita kong papalapit na sa amin si knight and shining armor.
“Hey, are you okay now?” tanong sa akin ng lalaking tumulong sa akin. Sobrang lumanay ng kanyang boses, para akong nanghihina.
Napakurap-kurap ako sa aking mga mata at hinay-hinay akong tumango.
“Y-Yeah… okay lang ako. Salamat pala sa pagtulong sa akin kanina,” nahihiya kong sabi.
Ngumiti siya sa akin. “No worries, Miss. Ayaw na ayaw ko kasi na makakita ng babaeng binabastos. Tama lang din ang nangyari sa lalaking ‘yun. For now, dinala na ng mga police iyong bastos sa police station at sila na ang bahala rito,” wika ng lalaki.
Napangiti rin ako sa sinabi niya.
“Uhm… a-ako nga pala si Artemis Blithe Miller. Ikaw?”
Finally! Nasabi ko na rin ang pangalan ko.
Tumango-tango naman siya, parang nakilala niya ako. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa akin? Anak ako ni Damon Adler at kilalang kilala ang ama ko sa businessworld. Kaya kung may negosyo itong si Davien, sigurado akong kilala niya ang ama ko.
“I’m Davien Conrad Maranzano, Miss Miller,” pakilala niya sa akin at inabot niya ang kanyang kamay sa akin kaya inabot ko rin ang aking kamay at nag shake hands kami.
Shems!
Ang lambot ng kanyang kamay.
“Thank you for saving my best friend, Mr. Maranzano. By the way, I’m Fabio De Luca,” singit na sabi ni Fabio at nakipag shake hands din siya kay Davien.
“It’s pleasure to help your friend, Mr. De Luca. Magpapaalam na muna ako sa inyo. Kailangan ko pang sunduin ang anak ko,” nakangiting sabi ni Davien at umalis na siya sa harapan namin ni Fabio.
Para naman akong nabingi sa sinabi niya.
Anak niya?
May anak na siya?
“Nako! Ang malas naman nitong kaibigan ko! Sayang, may anak na pala,” wika ni Fabio at inakbayan niya ako.
Tinignan ko naman siya ng masama.
“Wag mo nga akong asarin! Hindi pa natin sure ‘yang anak!” inis kong sabi sa kanya.
Natawa si Fabio.
“Anong hindi? Kakasabi lang nga diba?”
Napakurap kurap ako sa aking mga mata at umiwas ng tingin kay Fabio.
“B-Baka fur parent siya, kaya nasabi niyang anak… hindi pa sure ‘yan! ‘Wag mo muna kasi pangunahan. Ihatid mo na nga lang ako sa mansion dahil gusto ko nang magpahinga!” inis kong sabi kay Fabio at umuna na akong maglakad palabas ng bar.
Humalakhak si Fabio at sumunod siya sa akin palabas at hinatid na niya ako pauwi sa mansion.
Nang makauwi ako sa mansion at makarating sa kwarto ko ay hindi pa rin maalis sa aking isipan si Davien.
Inilabas ko naman ang aking cellphone at agad kong sinearch sa internet ang pangalan ni Davien.
Searching…. Davien Conrad Maranzano.
Mabilis na lumabas ang mga results sa internet at nakita ko rin kaagad ang pagmumukha ni Davien.
Sabi ko na nga ba… he’s a businessman just like my father and my brothers. Alam na alam ko kasi ang tindig ng mga businessmen eh at ito ang nakikita ko kay Davien.
“No way!”
Nang mapatingin ako sa edad niya ay hindi ako makapaniwala sa aking nakita.
He’s already 37 freaking years old!
Ang tanda na niya! Pero hindi halata sa mukha niya. Para siyang nasa 20s pa ng makaharap kami sa loob ng bar. Totoo ba ‘tong source na pinasukan ko? Maghanap nga ulit ako ng source, baka fake news lang ito eh kasi imposible talaga.
Naghahanap pa ako ng ibang source, pero mas lalo lang sumakit ang ulo ko dahil pare-pareho lang din ang sagot…. 37 years old na si Davien!
He’s 12 years older than me. Oh my God! Mas matanda pa siya kay Kuya Ambrose.
“Artemis—”
“Ay matanda!” napahawak ako sa aking dibdib sa gulat nang biglang bumukas ang pintuan ng aking kwarto at pumasok sa loob ng kapatid ko na si Athena.
Kumunot ang kanyang noo at naglakad siya papalapit sa akin kaya mabilis ko rin na pinatay ang phone ko.
“Anong matanda ang pinagsasabi mo diyan? Weird!” sabi ni Athena at umupo siya sa aking kama.
Huminga ako ng malalim at tinignan ko siya.
“What do you want, Athena? At pwede ba, next time naman ay kumatok ka! Hindi ‘yung bigla ka na lang pumapasok dito sa loob ng kwarto ko!” inis kong sabi sa kanya.
Napasinghap siya at napatakip sa kanyang bibig habang nakatingin sa akin.
“Oh my gosh! Are you watching porn videos, sister?”
Kinuha ko ang aking unan at hinagis ko ito sa kanya. Mabilis niya naman itong nakuha at humalakhak siya sa pagtawa.
“Gaga! Hindi ‘no!” inis kong sabi sa kanya.
Muli pa siyang natawa. “Ikaw kasi eh! Bakit ba, what’s wrong?”
Huminga ako ng malalim at napasandal ako sa headboard dito sa aking higaan at napatingin ulit kay Athena.
“I-I think I’m in love, Athena….”
Nanlaki ang kanyang mga mata at napaawang ang kanyang bibig.
“Wait… seriously? Sandali nga! Do you even know what love is?!” natataranta na sabi ni Athena.
Inirapan ko naman siya.
“Of course, I know what love is, Athena Cantia!”
Napakurap kurap siya sa kanyang mga mata.
“Then who are you in love with?”
Huminga ako ng malalim at sinagot ang tanong ng aking kapatid.
“I’m in love with Davien Conrad Maranzano.”
TO BE CONTINUED...