JAKE MARTIN O'HARA
“Bye, ma!” paalam nito at humalik pa sa pisngi ng kaniyang ina, si Tita Maya, bago kami tuluyang lumabas sa kanila.
Pagkatapos kasi naming kumain kanina ay nagpalipas lamang ako ng ilang minuto bago nagpaalam na kailangan na namin umalis ni Phoenix. Sila naman kasi ang nagplano nito. Gusto nilang makilala namin ang isa't-isa, at ang ending, ipapakasal nila kami. O, 'di ba? The idea is kinda...stupid.
“Sandali, Jake...” Natigilan ako sa paghakbang nang marinig ko ang pagtawag ni Tita Maya. Ang anak niyang si Phoenix naman ay nauna ng lumabas at hindi man lang ako hinintay.
“Ano po 'yon?”
“Pinagkakatiwala ko sa'yo ang anak ko. H'wag mo sana s'yang pababayaan." Biglang nanggilid ang mga luha niya. Inabot niya pa ang mga kamay ko at hinawakan 'yon. "Kahit ano'ng mangyari, h'wag mo s'yang iiwan. 'Yon lang ang...ang una at huling hiling ko sa'yo." Hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko. Para akong nawala ako sa sarili at napatango na lang. “Sa lahat ng bata, s'ya ang hindi marunong umiyak. Kaya 'wag mo sana s'yang paiiyakin." Muli akong tumango sa hindi ko malamang dahilan.
"Opo. Makakaasa po kayo." Bahagya pa akong ngumiti at bago tuluyang nagpaalam.
“Bakit ang tagal mo? Siguro pinagalitan ka ni mama, 'no?” Hindi ko pinansin si Phoenix. Binuksan ko na lamang ang kotse para makasakay siya.
"Seatbelt." I started the engine without looking at her. Pero mula sa gilid ng mga mata ko, I saw her struggling. I sighed as I turned to her. Ako na ang nagkabit sa kaniya no'n kaysa magtagal pa kami.
Hindi man lang nag-thank you. Huh!
Nagsimula na akong mag-drive pero hindi ko talaga alam kung saan kami pupunta. Wala akong maisip. Dalhin ko kaya siya sa Kidzoona? World of fun?
“Saan ba tayo pupunta?” baling niya sa akin. Mabuti na lang nagtanong siya.
“Saan mo ba gusto?” I asked back.
PHOENIX GONZALES
Nagpunta kami sa amusement park. 'Yon kasi ang request ko sa kaniya dahil gusto kong sumakay sa mga rides.
"Gusto mong mag-rides?" tanong niya sa akin. Sunod-sunod na pagtango naman ang ginawa ko. Mukhang nahalata kasi siya na excited akong nakatanaw sa mga 'yon. "Tara." Naglakad siya at sumunod ako. Bumili siya ng ticket pero nagulat ako dahil para sa akin lang ang binili niya.
"Ayaw mo?" taka kong tanong.
"Masyado na 'kong matanda para d'yan. Hintayin na lang kitang malaglag—I mean, matapos."
"Pssh. Ano ba'ng klaseng dahilan 'yan? Kita mo nga 'yung iba, oh! Mas matanda pa sa'yo!" Sabay turo doon sa ibang mga nakasakay na may edad na kaysa sa kaniya. "Siguro natatakot ka lang, 'no?" pang-aasar ko. Tinawanan ko pa siya nang bahagya.
"Hindi, 'no! Tara na nga!" Sabay hila sa akin papunta sa swing ride. Mukhang effective ang pang-aasar ko sa kaniya.
Magkasunod kami ng upuan. Nasa harap niya ako at nasa likuran ko naman siya kaya noong umandar na ang swing paikot ay hindi ko na siya nakita dahil nag-e-enjoy ako masyado.
"WOOOOH!" sigaw ko habang mahigpit ang kapit sa magkabilang bakal ng duyan. Dinama ko ang hangin, pati ang buhok ko ay damang-dama 'yon dahil mukha na akong mangkukulam na hindi nagsuklay ngayon.
Ilang sandali pa, huminto na ang swing at bumaba na ako. Nang lingunin ko si Jake ay wala na siya sa likuran ko.
"Saan nagpunta 'yon?" Inikot ko ang paningin ko sa paligid pero ko siya nakita.
Hala! Hindi kaya nalaglag na s'ya kanina at tumilapon na lang kung saan? Patay! Paano 'ko uuwi nito?!
Kinakabahan kong inihakbang ang mga paa ko para hanapin ang posibleng kinaroroonan ng bangkay niya. Pero mula sa 'di kalayuan ay natanaw ko siyang nakakapit sa puno, nakayuko at suka nang suka.
Ah! Buti naman at hindi siya namatay. Now I know kung bakit ako lang ang binilhan niya kanina ng ticket. Hahaha!
Hindi ako nagdalawang-isip na lapitan siya. Pero bago 'yon, binilhan ko muna siya ng tubig para may magawa man lang akong mabuti ngayong araw. Tutal kasalanan ko naman kung bakit siya tumatawag ng uwak ngayon. Buti na lang din ay may bente pesos ako sa bulsa para pambayad sa tubig.
"Oh. Uminom ka muna." Inabot ko sa kaniya ang bote ng tubig at agad niya 'yon kinuha. Nagmumog muna siya bago tunggain ang natira roon. "I didn't know you're a coward. Ang baba lang no'n, nahilo ka agad? Psh." Napailing pa ako.
"Stop. Wala ako sa mood. Baka gusto mong ikaw sukahan ko d'yan?" Pinukol niya ako nang masamang tingin.
"Bahala ka na nga d'yan. Mukhang hindi ka nakaka-enjoy kasama. Suka boy." Inirapan ko siya at saka na ako naglakad palayo.
May natanaw akong nagtitinda ng lobo at natuwa ako sa mga kulay no'n. Pastel color. Nakangisi kong nilingon si Jake na ngayon ay palapit na rin sa akin.
"Gusto mo?" tanong niya. Hindi siya nakangiti pero mukhang willing naman siyang bilhan ako.
"Oo."
"Kunin ko na 'yan lahat, kuya." Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya sa tinderong lalaki. Pero deep inside, sobrang saya ko. “Happy?” baling niya sa 'kin nang hawak ko na ang mga tali no'n lahat.
“Super-duper!” pasigaw kong tugon.
Nakatigtig ako sa maraming lobo na hawak ko nang may lumapit sa akin na isang batang lalaki. Sa tingin ko nasa pitong taon ang edad niya.
“Ate, pahingi balloon…” Mukhang nagpapaawa siya habang pinagmamasdan ang mga lobo ko.
“Wag kang madamot, magbigay ka.” Narinig kong sabi ni Jake kaya agad kong inabutan ng isa ang bata. Tutal cute rin naman siya.
Ilang sandali pa, isa-isa nang naglapitan sa akin ang mga bata sa paligid namin at nanghihingi na rin.
Ano'ng akala nila? Pinamimigay ko talaga 'to? Neknek nila!
Tumakbo ako para ilayo ang mga lobo ko pero hinahabol nila ako. Mukhang tuwang-tuwa pa sila. Hanggang sa natalisod ako sa isang bato at nadapa, dahilan kaya nabitawan ko lahat ng hawak ko.
Tumayo ako at pinagpag ang tuhod ko na nagkaroon ng gasgas. Tumingala ako at pinanood ang mga lobo na lumilipad palayo.
Wala man lang natira sa 'kin. Nawala lahat.
'Yung mga bata na humahabol sa akin, tuwang-tuwa pa rin habang pinapanood ang mga lobo sa taas. Pumapalakpak pa ang ilan sa kanila.
“Sabi ko sa'yo magbigay ka." Napalingon ako kay Jake na kalalapit lang sa akin. "Ayan tuloy, nakita mo ang nangyari? Nawala sila lahat dahil masyado silang marami para sa isang tao lang."
“Kung alam ko lang na mabibitawan ko, sana mas hinigpitan ko pa 'yung kapit…” Nakatanaw pa rin ako sa mga lobo. Nakakahinayang.
“Wala na. Kahit tingnan mo sila, hindi na sila babalik…” Nilingon ko siya ulit. Pinagmamasdan niya rin ngayon ang mga lobo sa taas na halos malayo na. “Halika na. Umalis na tayo." Nauna siyang maglakad kaya sumunod ako. Pero hindi pa man kami nakakalayo nang bigla siyang tumigil dahil sa pagtunog ng cell phone niya. Dinukot niya 'yon sa bulsa at kaagad na sinagot. “Hello, mom?" Si Tita Maybelline ang kausap niya. "Saang ospital?" Ospital? "Sige papunta na kami.”
“Sino'ng nasa ospital?” tanong ko nang ibaba na niya ang cell phone at balingan ako.
“Ang mama mo…”
JAKE MARTIN O'HARA
Tumawag sa akin si mommy at sinabing nasa ospital daw si Tita Maya, ang mama ni Phoenix. Tumawag daw kasi ito sa kanila kanina pero wala raw nagsasalita kaya naisipan nilang puntahan dahil na rin sa pag-aalala. Pero pagdating daw nila sa bahay nito, wala na raw malay si Tita Maya.
Pagdating namin sa ospital, agad kaming tumungo sa kwarto na binanggit ni mommy kanina. Naabutan namin siya roon sa labas ng pinto, umiiyak. Lumapit agad ako sa kanila ni dad pero si Phoenix, pumasok sa kwarto para makita ang mama niya.
“Ano po'ng nangyari?” tanong ko kay mommy pero umiiyak lang siya kaya si dad ang sumagot.
“Wala na ang mama ni Phoenix."
Hindi agad ako nakakibo. Napakurap pa ako nang ilang ulit bago ako nagdesisyong sundan si Phoenix sa loob ng kwarto.
“Mama! Mama! Gumising ka, hindi ka p'wedeng matulog! Mama! Mama naman, eh! Mama, bumangon ka d'yan! Mama…mama!” Nakatayo ako sa tabi ng pinto at nakatingin lang sa kaniya habang pilit na tinatawag si Tita Maya. “Mama! Hindi ka p'wedeng mawala. Kapag umalis ka, wala akong katabing matulog! Walang magluluto ng breakfast ko! Gusto mo ba 'kong magutom? Mama! Gumising ka! Kapag umalis ka, wala na magkakamot ng likod ko…”
Tama nga si Tita Maya...hindi siya marunong umiyak. Wala man lang luhang lumalabas sa mga mata niya. Pero mababakas doon ang sakit. Sakit na parang hindi niya mailabas nang husto.
“Mama! Tinuruan ako ni ate na 'wag umiyak, 'di ba? Sige ka, iiyak ako kapag hindi ka gumising. Mama! Mama! Gumising ka sabi! Mama! Papayag na 'ko sa gusto n'yo na kasal, basta gumising ka lang! Mama naman…”
Pumasok si mommy sa kwarto at tumabi sa akin. Nakatingin lang din siya kay Phoenix.
“Mom, ano po ba'ng nangyari? Bakit biglaan yata?” mahina kong tanong.
“Hindi biglaan 'to, anak. Matagal na s'yang may sakit. Hindi n'ya lang sinasabi kay Phoenix. Matagal na s'yang binigyan ng taning ng doctor. 'Yun din ang isang dahilan kung bakit n'ya gustong ipaubaya sa atin si Phoenix. Dahil alam n'yang hindi na s'ya magtatagal."
“Mama, magpapakasal na 'ko. Basta gumising ka. Mama?!” her voice echoed inside the room.
“Pero, mom—“ Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ngunit agad akong binalingan ni mommy.
“Alam ko. Alam ko na ayaw mo s'yang pakasalan. I’ll respect your decision, Jake. Hindi ka na namin pipilitin," she said and looked away. Nilapitan na niya si Phoenix at pilit na inakay palabas ng kwarto.
Ako naman ang lumapit kay Tita Maya na hanggang ngayon ay nakahiga pa rin sa hospital bed at parang natutulog lang.
“Pinagkakatiwala ko sa'yo ang anak ko. H'wag mo sana s'yang pababayaan. Kahit ano'ng mangyari, h'wag mo s'yang iiwan. 'Yon lang ang...ang una at huling hiling ko sa'yo."
Naalala ko ang sinabi niya, pero ayoko rin naman pilitin ang sarili ko sa bagay na hindi ko gusto.
“I’m sorry po…"