bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

book_age16+
29.7K
FOLLOW
250.5K
READ
HE
age gap
arrogant
badboy
heir/heiress
lighthearted
campus
like
intro-logo
Blurb

Walang nagawa si Jake Martin O'Hara nang magdesisyon ang kaniyang mga magulang na ipakasal siya kay Phoenix Gonzalez, isang 15 years old. Maging si Phoenix ay hindi gusto ang ideyang iyon dahil marami pa siyang pangarap sa buhay na gustong makamit. Ngunit wala siyang nagawa nang pumanaw ang kaniyang ina at maiwan sa pangangalaga ng pamilya O'Hara.

But Jake didn't know that marrying Phoenix was actually his promise. And when he remembered it, it was too late because she suddenly disappeared and was thought to be dead.

Five years later, Phoenix is now known as Valerie. She's a popular painter and a rookie fashion designer who appears to have a bright personality. Her name means brave and strong but she still carries the emotional scars of her past inside her. She built an iced cold wall between her and Jake for her to take revenge on her killer—Jake—her own husband. But the ice is slowly beginning to break in her heart toward him when she finds out the truth.

chap-preview
Free preview
Chapter 1. Phoenix
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. INTRO: He's 25 while she's 15. He's smart while she's maldita. He's an heir while she hingi-hingi lang ng baon sa kaniya. He's a cūm laude while she got to the principal's office on her first day of school. He's cool while she's stubborn. He's handsome while she's young and pretty savage. He's brave while she couldn't sleep alone at dapat magkatabi sila. He's serious while she's humorous. He's perfect while she's perfectly imperfect. He's the groom and she's the young bride. Phoenix POV Pagkatapos ng huling klase ay muli kaming tumungo sa paborito naming tambayan ng mga kaibigan ko. Sa labas lamang ng school, sa gilid ng kalsada kung saan nakahilera ang mga nagtitinda ng street foods. "Hoy, Nix? Saan ka mag-aaral?" tanong ni Hanna—isa sa mga best friend ko—habang abala sa pagtuhog ng fish ball sa kawaling may kumukulong mantika. "Oo nga. Dapat same school pa rin tayo..." si Kim naman—kaibigan ko rin— na kasalukuyang nilalantakan ang binili niyang kikiam. Best friend ko silang dalawa. Simula elementary ay hindi pa kami nagkakahiwa-hiwalay ng section kaya lagi kaming magkakasama hanggang ngayon. Sa aming tatlo, si Hanna ang pinakamasama ang ugali. Kaya takot ang karamihan sa kaniya. 'Hanna the devil' nga ang tawag sa kaniya ng iba. Si Kimberly naman ay tahimik lamang pero kapag na-reach mo ang boiling point niyan, magtago ka na sa ilalim ng palda ng nanay mo dahil kayang-kaya niyang suntukin ang puson mo. Naghikab pa ako bago sumagot. "Hindi ko alam. Hindi pa yata naitatayo ang school kung saan ako nababagay." Sabay tinungga ko ang hawak kong buko juice. Ang totoo n'yan, hindi ko talaga alam kung saan ako mag-e-enroll. Lumipat na kasi kami ni mama ng bahay dahil pinaalis na kami sa bahay na aming inuupahan. Dumating na kasi iyong may-ari at doon na sila titira. Kaya ngayon ay tila walang kasiguraduhan kung makakapag-aral pa ako. Wala naman na kasi akong tatay na susuporta sa akin. Matagal na siyang namahinga. Si mama naman, ang maliit na canteen lamang namin ang kaniyang napagkukuhanan ng para sa pang-araw-araw naming pangangailangan. At hindi ko alam kung sasapat pa ba ang kinikita niya para tustusan ang pagtugtong ko sa senior high. "Pero alam n'yo? Excited na talaga 'ko! Akalain n'yo 'yun, pa-petiks-petiks lang at pa-cutting-cutting with over the bakod, pero magse-senior citizen na tayo!" Si Hanna na bahagya pang kinilig. Agad naman itong binara ni Kim, "Senior high kami, b0bo! H'wag mo kaming dinadamay fifteen pa lang kami!" Natawa ako nang bahagya sa reaksyon ni Hanna nang ma-realized niyang mali siya nang pagkakasabi. "Sorry naman! Pareho kasing may senior! 'Tsaka fifteen pa lang din naman ako, ah!" "Fifteen with senior citizen's face!" pang-aasar muli ni Hanna. Napailing na lamang ako habang nakikinig sa kanilang pagtatalo. At oo. Kaming tatlo ay kinse anyos pa lamang. Pareho silang napalingon sa akin nang iangat ko ang aking kanang kamay sa tainga at kunwaring ginawa itong telephone. "Hello, 911? May dalawang matandang gurang pong nag-aaway rito." *** Pag-uwi sa bahay ay agad akong pumasok sa kwarto namin ni mama at dumiretso sa banyo para maligo. Yes. Sa iisang kwarto lang kami natutulog. Hanggang ngayon ay tumatabi pa rin ako sa kaniya dahil hindi ko pa kaya ang matulog mag-isa. Hindi ako sanay. Takot ako sa dilim. At kahit may ilaw, hindi pa rin ako makatulog nang walang katabi. Lagi ngang sinasabi sa akin ni mama na humiwalay na raw ako ng kwarto dahil fifteen na ako. Ang sabi ko naman sa kaniya, hihiwalay lamang ako ng kwarto kapag eighteen na ako. Yes. Duwag po ako. Sobra. Pagpasok ni mama sa kwarto ay agad niya akong sinigawan. "Ano ka ba namang bata ka! 'Di ba ang sabi ko sa'yo kapag maliligo ka, lagi mong isasara ang pinto! Paano na lang kung may biglang pumasok dito sa bahay tapos wala ako?!" Tama. Dahil unang-una, hindi rin ako naglo-lock ng pinto ng banyo kapag naliligo. Dahil gaya nga ng sinabi ko, takot ako. Nai-imagine ko kasi na may kasama ako sa banyo. Lalo na iyong pagkakataon na naghihilamos ako at nakapikit, nai-imagine ko na pagdilat ko, may multo na sa harap ko. "Ma, naman! Matatapos na ako!" Nagmaktol pa ako dahil isinara niya 'yon. At muli ko ulit binuksan, pero maliit na awang na lamang ang ginawa ko. Hindi na katulad kanina na bukakang-bukaka ang pinto. "Bata ka talaga! At ilang beses ko rin bang dapat ipaalala sa'yo na baguhin mo 'yang paraan mo ng paliligo! Malaki ka na! Hindi ka na bata! Kung ayaw mong magsuot ng bra, magsando ka! Tumutubo na 'yang ded3 mo! Bukas makalawa, bulb*lin ka na, hubo't-hubad ka pa rin maligo!" Yes. You heard it right. Bukod sa hindi na nga ako nagsasara ng pinto ay hubo't-hub@d din ako kung maligo. Pakiramdan ko kasi kapag may suot akong damit ay hindi ko nalilinis mabuti ang katawan ko. At saka, ano naman ang masama? Mama ko naman ang kasama ko at kami lang naman dalawa ang nakatira rito sa bahay. May kapatid naman pala akong babae. Pero nasa Japan siya. Ano'ng trabaho? Hindi ko alam, dahil wala naman akong pakialam sa kaniya. Hindi kasi kami magkasundo. Hamak tanda niya sa akin. Twenty-three na siya kaya talagang hindi kami magkasundo dahil magkaiba kami ng interes sa mga bagay-bagay. Lagi lang kaming nagbabangayan noong narito pa siya. Kaya mas mabuti na rin na umalis siya at nagpunta sa malayo para walang gulo na nabubuo kapag magkasama kami. Hindi ko na iniintindi ang panenermon ni mama at idinaan ko na lamang sa pagkanta habang umaagos ang tubig sa aking katawan. Titigil din naman siya mamaya kapag nagsawa na siya kasasalita. "Phoenix Zia Ayezhanea Pauline Gonzales!" Napatigil ako sa pagkanta nang umecho sa buong kwarto, pati na rin sa banyo ang kayhaba-haba kong pangalan. "Nakikinig ka ba sa 'kin?!" Kapag tinawag na ako ni mama sa buo kong pangalan, ibig sabihin ay seryoso ito at hindi ko puwedeng basta na lamang balewalain. "Opo, ma! Nakikinig po ako!" Ayaw kasi siya na kapag nagsesermon ay sasabayan siya ng kanta o kung ano pa man. Kahit sino naman sigurong magulang, hindi ba? "Sorry, ma. Na-LSS lang kasi ako sa kanta ni Moira." 'Handa kong gawin ang lahat, makapiling ka lang. Walang hihigit sa'yo, ikutin pa ang mundo.' Muli iyon nag-play sa utak ko habang si mama naman ay palabas na sa kwarto. At bago siya tuluyang mawala sa paningin ko ay narinig ko pa siyang sumigaw, "Bilisan mong magbihis may importante tayong pag-uusapan." Importante? Ah, baka pag-uusapan na namin ang pag-aaral ko. Nang matapos akong maligo ay agad akong nagbihis. Simpleng t-shirt at pyjamas ang suot ko at saka ko na dinampot ang suklay para sa baba na lamang hagurin ang buhok kong mahaba. "Halika. Maupo ka rito sa harap ko." Itinuro ni mama ang isa sa mga upuang nakapaikot sa bilog naming mesa. Bakas din ang pagiging seryoso sa kaniyang mukha. "Ano ba 'yung importante nating pag-uusapan, ma?" tanong ko at saka ko na sinimulang magsuklay. Tumayo naman siya at nagkabit ng apron. Tumungo siya sa ref at inilabas sa freezer ang isang buong manok. Syempre, iyong wala ng balahibo. At saka niya dinampot ang medyo malaki naming kutsilyo—butcher's knife—bago siya pumuwesto sa lavabo. Mukhang sasabayan niya yata ng pagluluto ang aming pulong. "Makinig kang mabuti, Phoenix..." "Ma, kanina pa po ako handang makinig. Kayo na nga lang ang hinihintay kong magsalita, e." "Hindi ba't gusto mo'ng mag-aral sa magandang school?" Huminto sa bunbunan ko ang suklay sa narinig ko kay mama. Gusto mo ring tumira sa magandang bahay, 'di ba?" Saglit ko siyang sinulyapan bago ko iginala ang aking tingin sa maliit at simple naming tinutuluyan. Up and down ang bahay na ito ngunit hindi kasing gara ng iba. Lumang-luma na ang pintura, maging ang mga kahoy na sala set ay halatang matanda na rin. "Oo, ma." "At pangarap mo ring makasakay sa eroplano at makarating sa iba't-ibang bansa, hindi ba? Lalo na sa South Korea. Para makita mo 'yung mga idol mong hilaw. Si...sino na nga ba 'yon? Si Sungki at Lee Tongsuk. Tama ba 'ko?" Tumikwas agad ang nguso ko sa sinabi niya. Nakakasama ng loob. "Ma, naman! Nilamira mo pa 'yung pangalan nila! Lee Seung Gi at Lee Jong Suk 'yon and 99+ others!" "O, s'ya. Hayaan mo na at magkakamukha lang din naman sila." "Hindi sila magkakamukha, ma!" Heto na naman. Pag-aawayan na naman namin ang mga Koreano kong boyfriend in my dreams. "At saka ni-removed ko na po si Lee Jong Suk sa 99 others ko dahil may IU na s'ya." "Sino 'yon?" kunot-noong tanong ni mama. "Wala, ma. Mas na okay na 'yung si Mel Tiangco at Mike Enriquez lang ang kilala mo." Pero tama si mama. Gusto kong makasakay sa eroplano at makarating sa iba't-ibang bansa, lalo na sa Paris, Rome at Singapore. Pero ang pinakauna sa lahat ay sa South Korea para makita ko rin si Jungkook. I mean, kahit hindi ko na siya makita, basta makarating lang ako sa bansang hinihingahan niya at masagap ang hangin doon ay okay na sa akin. Wala akong pakialam kung magka-covid ako sa paglanghap ng hangin—at least made in Korea ang bacteria. Char! "Kung gano'n ay wala na tayong problema." Sinulyapan ko siyang muli. "Okay na 'yung passport mo at lahat-lahat ng kailangan mo. Mag-aaral ka na rin sa magandang school." Ilang beses akong napakurap para iproseso ang mga sinabi niya. "Pero, ma? Saan ka kumuha ng pera? H'wag mong sabihing nagnanakaw ka? O kaya naman...sumali ka ba sa gang—?" *CHOP!* Hindi ko naituloy ang aking sasabihin nang ibagsak ni mama ang kutsilyong malaki sa ulo ng manok. Dahilan para mamilog ang mga mata ko sa aking naisip. Hindi kaya pum@patay si mama ng tao?! "Ma...'wag mong sabihing...p-pumapatay ka ng—" *CHOP!* This time, paa naman ang natanggal sa manok. "Ano ba'ng pinagsasabi mong bata ka? Mas gugustuhin ko pa na ako ang mapatay kaysa ako ang pumatay!" "Nag-hysterical na, binibiro lang naman..." Hindi ko naiwasang mapanguso bago muling sumeryoso. "E, saan po kayo kumuha ng pera para ayusin nang gan'yan kabilis ang lahat ng offer n'yo sa 'kin? Pati ang pag-aaral ko sa magandang school. Paano mo ako masusuportahan sa gastusin?" "Iba ang magpapaaral sa'yo..." May halong lungkot sa boses ni mama. Likod niya lamang kasi ang nakikita ko ngayon kaya hindi ko malaman kung nagbibiro lamang ba siya. "Ibang tao? Sino? 'Tsaka bakit?" "Para makapagtapos ka." Bigla niyang binitawan ang hawak na kutsilyo at saka bumaling sa aking direksyon. "Para rin 'to sa kinabukasan mo. Sana maintindihan mo, Phoenix. Na gagawin ko 'to para sa kapakanan mo. Ayokong basta ka na lang ibigay sa iba pero iniisip ko rin ang posibleng maging buhay mo kung sakaling—" "Ipamimigay mo ako?" Naramdaman ko ang pag-iinit ng bawat sulok ng aking mga mata dahil sa sinabi niya. "Anak, sana maintindihan mo." Maging si mama ay nanggigilid na rin ang luha. Hindi na ako nakapagsalita dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Para akong nawala sa sarili. Pinaghalong kaba at pag-aalala na lamang ang malinaw kong nararamdaman dahil sa ideyang nabuo sa utak ko. Ipapaampon ako ni mama. "Okay." Wala sa sarili akong tumayo sa aking kinauupuan. Ngunit ang pagsagot ko na iyon ng 'okay' ay para lamang matigil na ang aming diskusyon dahil ayoko na'ng marinig pa ang mga susunod niyang sasabihin. Pero iba yata ang naging dating sa kaniya. "Payag ka na, anak?" Nakangiti siya nang bahagya sa akin at tila hinihintay ang confirmation ko. At ang hindi ko lubos maisip ay kung bakit sinundan ko iyon ng pagtango. "Akala ko mahihirapan pa akong kumbinsihin ka. Mabuti naman at naintindihan mo agad si mama. Sige na. Umakyat ka na sa kwarto. Tatawagin na lang kita mamaya kapag nakaluto na ako." Third Person's POV Tinawagan ni Maya si Francis O'Hara—matalik na kaibigan ng kaniyang namayapang asawa—upang ipaalam na pumayag na ang kaniyang anak sa kanilang napagkasunduan. Kinausap kasi siya nito at sinabing handa itong tumulong sa naiwang pamilya ng kaniyang kaibigan. At upang makatulong si Francis ay napagkasuduan nilang ilagak na lamang si Phoenix sa kanilang pamilya. Kapalit din ng pagpapakasal ng kanilang mga anak. "Okay na ang anak ko. Pumayag na s'ya. Hindi ko nga akalain na gano'n kabilis ko s'yang makukumbinsi," sabi ni Maya sa kausap. "Mabuti naman kung gano'n. Ang anak ko na lang ang dapat kong kausapin para maayos na ang lahat," tugon nito mula sa kabilang linya. "Pero dapat siguro ay bigyan muna natin sila ng kaunting panahon para kilalanin ang isa't-isa. Para hindi rin sila masyadong mabigla." "Iyan din ang naisip ko." "Hindi kaya magulat ang anak mo kung malalaman n'yang ikakasal s'ya sa isang kinse anyos?" "Wala naman s'yang magagawa kapag ako na ang nagdesisyon. At saka hindi naman totoong kasal ang mangyayari dahil bata pa si Phoenix. Saka ko na lamang ipaparehistro ang kanilang kasal kapag tumungtong na ang anak mo sa legal age."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

Rewrite The Stars

read
98.3K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

His Cold Heart [On-Going ]

read
39.8K
bc

WHAT IF IT'S ME

read
69.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

The Real Culprit (Tagalog-R18)

read
108.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook