Chapter 3. Jake Martin O'Hara

1717 Words
PHOENIX POV Kasabay ng paghihikab ko ang pag-iinat ko ng mga braso. "Inaantok na po ako, ma. Sana lang pagkagising ko bukas, hindi ko na maririnig ang kasal-kasal kemerut, ha? Ang bata-bata ko pa. May gatas pa 'ko sa labi. Char! Kape pala. Wala pala tayong gatas. Poor lang tayo." Idinaan ko pa sa biro kahit seryoso ang mukha niya. Tuluyan na akong umakyat sa kwarto at nahiga sa kama. Si mama naman ay hindi ko namalayang sumunod pala kaagad sa akin. “Pumayag ka na, 'di ba?” “Hindi n'yo naman po kasi sinabi na kasal pala 'yung kapalit." Sumimangot pa ako. sabay hila sa kumot at itinakip sa aking katawan. “Anak, naman. Naayos na nila ang lahat! Bago ka pumasok sa senior high, ikakasal ka muna." “Kayo na lang po ang magpakasal. Basta ako, no way highway.” Tuluyan na akong pumikit upang matulog, umaasang pagkagising ko sa araw ng bukas ay hindi na niya ako kukulitin pa na magpakasal sa lalaking guwapo nga pero mukhang mas ma-attitude pa sa akin. Hindi kami magkakasundo panigurado. THIRD PERSON'S POV Si Jake Martin O'Hara ay ang nag-iisang anak at tagapagmana ng mag-asawang Francis at Maybelline O'Hara. He's twenty-four at kasalukuyang nasa ikatlong taon sa kaniyang pangalawang kursong management. Ang una niya kasing natapos ay ang accounting and he even graduated as a c*m laude, one of the reasons why many women are obsessed with him. He just has that boyfriend, ‘everyone’s crush’ look. He’s so charismatic and definitely fits the ‘good-looking college crush’ stereotype. He’s extremely handsome and manly. His dimple smile kills all the girls. Really, he has the best smile. He fits your typical korean drama male-lead handsome, and more. He sounded very strong most of the time and his deep voice is sexy. His lips are kind of swollen but they are just plump and rosy and have the prettiest shape ever. His brows are on point and his eyes are so piercing. He’s definitely the hottest and manliest. But! Dahil nga sa dami ng nahuhumaling na kababaihan sa kaniya ay nagsimulang maligaw ang kaniyang landas nang matutunang makisalamuha sa mga ito. He became a womanizer for how many years bago niya nakilala ang kasalukuyang girlfriend na si Belle. And Belle, became the way for him para subukan niyang tahakin ang daan ng pagbabago. Ngunit tila huli na ang lahat dahil sa dalawang buwan niyang pagiging matino ay ngayon pa siya napuna ng kaniyang ama. “Baliw lang ang magpapakasal sa isang fifteen years old!" he shouted. Hanggang ngayon ay nagtatalo pa rin sila ng kaniyang ama na si Francis dahil sa usapin na ito. “At masasama ka sa listahan ng mga baliw na 'yon, Jake!” matigas na tugon nito sa kaniya. Nasa loob sila ngayon ng sarili nitong opisina sa kanilang bahay, sa ikaapat na palapag. Sinadya niyang puntahan ang ama para kausapin matapos magpaalam kanina ng mag-inang Phoenix at si Maya. “Ano ba talaga'ng gusto n'yo at pinagpipilitan n'yo 'kong magpakasal?!” Alam niyang wala na siyang magagawa kapag ang daddy na niya ang nagdesisyon. Para itong hari na kapag nagdesisyon ay iyon na 'yon. Hindi na mababali pa. Ngunit iba sa pagkakataon na 'to. Kasal. Ibig sabihin ay buhay niya ang nakataya rito kaya kahit na alam niyang wala siyang magagawa ay susubukan niya pa ring umalma, sa pagbabakasakaling umubra. “Para tumino ka! Para maging maayos ang buhay mo! Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? Kung sinu-sino'ng babae ang sinasamahan mo?!” Nagsalubong ang kilay niya sa naging sagot nito sa kaniya. Dahil lang do'n? He thought to himself. "Isa kang O'Hara, Jake! You're the only heir of this family! Pero ano'ng ginagawa mo?!" Napahawak pa ang kaniyang ama sa sariling batok habang siya ay sinesermonan. “Honey, tama na 'yan…” Agad namang lumapit rito ang kaniyang misis, si Maybelline, at tumayo sa kaniyang likuran. Ipinatong nito ang kamay sa magkabilang balikat para pakalmahin ito. "Ako na ang kakausap sa anak mo." Francis stood up angrily at diretsong lumabas sa kaniyang opisina. Naiwan naman ang mag-ina. Nang tuluyang sumara ang pintuan ay naupo si Maybelline sa leather couch na naroon at tinabihan naman siya ng kaniyang anak. "Ayokong magpakasal." Inunahan na siya nito agad kahit wala pa man siyang sinasabi. “Anak…” She quietly looked down on her fingers. “Mom, kung pipilitin n'yo lang din ako, you're just wasting your time." Pinagkrus ko pa ni Jake ang mga binti at saka nag-iwas ng tingin sa ina, na ngayon ay nakayuko pa rin. "Anak..." Nagbago ang timbre ng boses nito. Tila mababasag iyon kaya napilitan siyang lingunin ito. “Anak, isipin mo na lang na ang pagpapakasal mo ay isang pagpapasalamat sa papa ni Phoenix at pagtanaw man lang ng malaking utang na loob." Nagsalubong ang makakapal niyang kilay habang nakikinig dito. Pagtanaw ng utang na loob? Saan?" "Matalik na kaibigan ng daddy mo ang papa ni Phoenix. Malaki ang naitulong n'ya sa atin noong nabubuhay pa s'ya,” her mom stated. “At kung hindi dahil sa kan'ya baka…” “Baka ano?” he asked. Matagal itong hindi kumibo bago humila siya ng tissue sa tissue box na nasa harapan nila. She used it to dry her tears. At mas lalo siyang na-curious nang hindi na siya makakuha pa ng sagot mula rito. “Wala, anak. Sige na. Magpahinga ka na. Bukas pupuntahan mo si Phoenix sa kanila." Tumayo ito at tuluyang lumabas sa opisina, habang siya ay naiwang naguguluhan. Ngunit kahit ano pa man ang dahilan ay ayaw pa rin n'yang magpakasal. PHOENIX POV Naramdaman ko na tinatanggal ni mama ang nakabalot sa 'kin na kumot. “Anak, bumangon ka na d'yan. Umaga na. Parating na si Jake!” “Mama, naman…ang aga-aga pa! Inaantok pa po ako," reklamo ko at muling hinila ang kumot para italukbong sa buo kong katawan, maging sa aking mukha. “Bumangon ka na. 'Wag kang makulit. Kahit kailan talaga napakahirap mong gisingin! Pa'no na lang kapag wala na 'ko? Sino'ng manggigising sa'yo?! O mas gusto mo 'yung maghapon kang maturat sa higaan?" Napilitan akong ibaba ang kumot dahil sa panenermon niya. Napakamot pa ako sa ulo ko bago bumangon. Manggigising na nga lang, magdadrama pa si mama. Tumulala muna ako ng ilang segundo para ipahinga ang mga mata ko. Makalipas ang ilang sandali ay inalis ko na ang damit ko at inihagis sa higaan. Ngunit bago ako tuluyang pumasok sa banyo ay nagpakamot muna ako ng likod sa kaniya. “Ma, pakamot nga po likod ko.” “Ikaw talaga bata ka! Dapat sanayin mo na ang sarili mo na 'wag iaasa sa 'kin ang lahat,” sermon niya pero nilapitan pa rin naman ako at hinagod ang parte na itinuro ko sa kaniya. Nang makuntento na ako ay saka pa lamang ako pumasok sa banyo. At dahil hindi ko na naman isinara ang pinto kaya rinig ko ang pagkausap niya sa akin. “Ano'ng gusto mong almusal?” tanong niya habang inaayos ang kama. “Fried rice, fried chicken, sunny side up at hotdog!" 'Yon kasi ang favorite ko na kinakain kapag umaga. Nang lumabas na si mama at naiwan akong mag-isa, sinimulan ko na ang pag-co-concert. Lilibangin ko na lamang ang sarili ko para hindi ako matakot sa banyo. Kumakanta ako nang malakas at may kasama pang sayaw habang sina-shampoo ang aking buhok. "This girl is on payeeeer!" *** Pagkatapos kong maligo, habang nagbibihis ay narinig ko ang pagsigaw ni mama. "Phoenix!" Tinatawag na niya ako kaya humablot na agad ako ng damit at lumabas sa kwarto na baby bra pa lamang ang suot at shorts. Sa labas na lang ako magbihis dahil isa pa ay gutom na gutom na ako. I “Phoenix! Ano ka ba! Sabi ko sa'yo bago ka lumabas ng kwarto magsusuot ka na ng damit!" Hindi ko na napagtuunan ng pansin si mama dahil nahagip ng tingin ko 'yung lalaki na ipapakasal nila sa kin. Ano ba'ng ginagawa n'ya rito?! “Hoy, ikaw! Ano'ng ginagawa mo rito?” pagsusungit ko sa kaniya, palapit pa lamang sana ako sa direksyon niya nang hilahin ni mama ang tela ng damit ko sa likuran. “Phoenix!” saway niya sa 'kin. At imbes na ako ang lalapit sa lalaking 'yon ay siya ang lumapit para ayain itong mag-almusal. Nakasimangot akong sumunod sa kanila at naupo sa tapat ng lalaking 'yon. Si mama naman ay nasa tabi ko. "Pray muna bago kumain," sabi ni mama at saka niya ako binalingan para senyasan na ako ang mag-pray. Binalingan ko naman ang lalaking nasa harap ko at sinamaan s'ya ng tingin sabay sabing, "Bilang ko 'yang hotdog!" Nasulyapan ko pa ang pagkagulat sa mukha niya bago ako pumikit at magsimula ng isang saglit na prayer. Oo, inapura ko lang. Nagpasalamat lang ako sa biyaya at amen na kaagad ang kasunod. "Ang bilis, ah?" mahinang puna sa akin ng lalaking kaharap ko, ngunit hindi 'yon nakaligtas sa aking pandinig. "Baka kasi pagdilat ko itinakbo mo na pala ang ulam namin," sagot ko sa kaniya sabay tinaasan ko pa siya ng isang kilay. "Phoenix, isa." Muli akong sinulyapan ni mama kaya tumahimik na ako. Pero ang mata ko ay hindi ko inalis sa lalaking kaharap ko. Pinagmasdan ko lang siya. At noong kukuha na siya ng hotdog, inunahan ko siya at tinusok ko agad sa tinidor ko ang dapat ay tutuhugin niya. Hindi niya ako pinansin at kukuha na lamang sana ng iba, 'yung katabing hotdog din, pero gano'n ulit ang ginawa ko, inunahan ulit siya para hindi niya 'yon makuha. At kahit saang hotdog niya itusok ang kaniyang tinidor ay hinaharangan ko iyon. Nang mainis ito sa ginagawa ko ay fried chicken naman ang tiningnan niya pero bago pa siya makakuha ay hinila ko na agad ang platong pinaglalagyan no'n palapit sa akin para hindi niya maabot. Gano'n din ang ginawa ko sa pinaglalagyan ng itlog at saka ko siya inirapan. Nakatingin lang sa akin si mama at mukhang wala rin masabi sa ginawa ko. “It sa'yo oh…” Kinuha ko ang bote ng ketchup at 'yon ang inilapit sa kaniya. Inis niyang isasandal sana ang likuran sa upuan ngunit na-realized niyang walang sandalan ang inuupuan niya kaya naman muntikan na siyang bumaligtad. "Ay, sayang..." *evil laugh inside* Mwahahahahahaha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD