Chapter 7

2260 Words
HINDI totoo na may ka-meeting pa si Zachary kaya niya pinaalis si Aryanda. Gusto lamang niyang mapag-isa at mag-isip tungkol sa mga bagay-bagay. Tinawagan siya kanina ng Mama ni Caroline, nag-suicide daw ito. Ngunit mabilis na naitakbo sa hospital. Wala na siyang pakialam pa kay Caroline, sobra na ang isang taon para humabol pa ito sa kaniya after what she did to him. Pareho lamang sila ng kaniyan Mama, mga cheaters na hindi deserving sa second chances. Ipinilig niya ang ulo at mariing pumikit. At naalala niya kung paano niya halikan si Aryanda kanina. Malambot ang mga labi nito, tastes sweet as a candy. Ngayon lang yata siya nagkaroon ng interes sa mga labi ng babae. After he did to her gusto niyang muli itong halikan. Umiling siya sa kalokohang iniisip niya. "Desires huh?" aniya na bumuga ng hangin. Tumayo siya at kinuha ang pinirmahan ni Mr. Custavio. Napahanga siya ni Aryanda at tulad ng sinabi ni Mr. Custavio mukha ngang si Aryanda ang magiging swerte niya. Kikita siya ng malaki sa pagsu-supply at napakinabangan naman siya ng dalaga. Fair enough para maging patas ang lahat at wala siyang ipapagpasalamat. Inobserbahan niya si Aryanda at marami siyang natuklasan tungkol sa pagkatao nito. Mag-isa lamang itong nag-aalaga sa Lola Loleng nito na isang senior citizen. Nagtataka siya kung bakit nahuli ito sa pag-aaral. Bente sais anyos na kasi ito at sa ganoong edad karamihan mga professional na. Lumabas siya sa meeting room ng hotel at ipinasyang pumunta sa kuwarto nila ni Aryanda. Ang luxurious suit na para lang talaga sa kaniya. Pagpasok niya sa loob ay naabutan niya itong nakahiga sa sofa. Suot nito ang damit nito kanina at hindi ang dress na binili niya na suot nito kanina. Natutulog na ito nang madatnan niya. Ilang minuto siyang nakatayo at pinapanuood ang paghilik nito at pagtaas ng mga kamay sa ere. Napangiti si Zachary at tinalikuran ang dalaga. Hindi batid ni Aryanda na ang hotel na kinaroroonan nila ay isa sa pagmamay-ari niya. Ibinenta ito sa kaniya ng isang American friend niya bago ito bumalik sa America. Kumuha siya ng damit sa drawer at saka nagtungo sa sliding white door na banyo. Hinubad niyang lahat ang saplot niya sa katawan at saka itinapat ang sarili sa shower. Sumandal siya roon sa pader habang sinasabon ang buo niyang katawan. Malapit lamang sa kuwarto nila ang shower kaya maririnig mula sa labas ang tunog ng shower. At kitang-kita rin siya sa loob no'n pero blurd ang itsura dahil white ang salamin at harang no'n. Ano kaya ang gagawin ni Aryanda kapag nakita siya sa ganoong sitwasyon. Napailing siya at napangiti. Fck mind! KINUKUSOT ni Aryanda ang mata dahil na naalimpungatan siya. Bigla siyang nakaramadam ng pananakit ng tiyan kaya dali-dali siyang pumunta sa CR. "Hey!" Sigaw sa kaniya ni Zachary. Mabilis siyang nagtakip ng mata habang nakaharap sa binatang nakahubad sa harapan niya. "Hindi ka ba marunong kumatok?" malakas nitong tanong na mabilis na nagtakip ng katawan. "Magagawa ko pa ba iyon kung sumasakit ang tiyan ko," aniya habang ang isang kamay ay nakahawak sa tiyan niya at ang isa ay nakatakip sa mata niya. "Wala bang ibang banyo rito?" Pero hindi iyon nakatakip dahil may siwang iyon. "s**t!" Isinara nito ang pinto. Namula si Aryanda na nangingiti. Hindi siya liberated na babae pero manyak din ang utak niya dahil dahil sa kaibigan niyang si Arci. Manyak sa utak pero hindi wasak. Napailing si Ayanda sa motto nilang iyon ni Arci. Lumabas si Zachary na nakasuot ng boxer shorts at nakasampay sa balikat nito ang puting tuwalya. Pinupunasan nito ang basang buhok nito. Napanganga siya habang nakatingin dito. Macho pala talaga ito at hindi make up ang mga litrato nito sa billboard. "Akala ko ba magbabawas ka?" untag nito sa kaniya. Agad niyang binuksan ang isang pintuan papasok sa comfort room katabi lamang kasi iyon ng shower side. Ini-lock niya ang pinto at tinignan muna ang paligid baka may CCTV delikadong mabosohan siya. No way! LUMABAS si Aryanda sa CR at tinungo muli ang kuwarto nila ni Zachary. Wala roon ang binata, nakahinga siya nang maluwag. Paupo na siya sa sofa nang biglang bumukas ang pinto. May hawak itong mga pagkain na nasa tray. Isinara nito ang pinto gamit ang paa nito. "Halika na sabayan mo ako." Aya ni Zachary sa kaniya. "Wala akong pambayad, Sir." "Wala itong bayad, Aryanda," sagot naman nito na walang emosyon. Parang wala itong pakialam sa sinabi niya. Nilapitan niya ito sa may lamesa. Hinugasan niya ang mga kamay niya at saka umupo sa upuang kaharap nito habang nakataas ang isang paa. Umupo rin si Zachary na tila nandidiri na yata sa ginagawa niya. Bahagya siya nitong tinignan at saka uming-iling. "Hindi ka ba nagkakamay, Sir? Masarap magkamay, try mo?" aniya habang sinusubo ang kanin sa bunganga niya. Umiling ito habang hindi ito tumitingin sa kaniya habang kumakain sila. Mukha pa namang masarap ang mga pagkain na nasa harapan nila, fried rice, seafood delicacies, chicken ala king at ang dessert nilang fruit salad at ice cream. "Sir, bawal magtanong ng personal mong buhay tama? Lilinawin ko lang kasi ayokong mahalikan." Nag-angat ito nang tingin. "At ano ang itatanong mo na labas sa personal kong buhay, Aryanda?" Ngumiti siya. "Kailan ang day of ko? I mean mayroon ba? Kasi... next week hindi ako p'wede bilang escort mo. Dahil dito sa hotel na ito kami mag-o-OJT at..." "You need cash assistance? Magkano?" tanong agad nito sa kaniya. "Twenty thousand pesos..." mabilis pa sa kidlat niyang sagot. Tumango lang ito. "Ibibigay ko mamaya... iyon lang ba? Wala ka ng ibang kailangan maliban doon?" "Wala na, sir. Salamat..." "No need to say that. Tinanggap mo ang offer ko kaya wala kang dapat ipagpasalamat, pinagtratrabahuan mo ang perang nakukuha mo sa akin," seryosong anito. "Nakalimutan mo yata na kaya ka nandito dahil pinapag-arap kita." "Nagtataka lang ako kung bakit ako ang napili mo, marami namang iba pero ako talaga?" usisa niyang tanong dito. "Huwag mong isipan ng masama, nakita ko lang kung gaano ka ka-dedicated sa trabaho mo kaya kita kinuha." Tumayo ito habang siya naman ay kumakain pa. Binuksan nito ang refrigerator na naroon at saka siya hinagisan ng isang can beer. Nasalo niya iyon. "Hindi ako umiinom..." aniya na ibinaba ang can beer sa lamesa. "Really?" anito na naningkit pa ang mga mata. "Yeah, masama akong malasing," nakangiti niyang sagot. Tinapos niya ang kinakain at naghugas ng kamay. "Sayang ang mga pagkain, napakarami mong binili. Alam mo, sir. Sa panahon ngayon maraming tao ang nagugutom, maraming kumakalam ang sikmura. Tapos tayo nagsasayang tayo ng mga pagkain." "And the hell that I care. Bakit hindi sila maghanap-buhay, magsikap, iyan ang problema sa mga mahihirap, they arguing with the government pero wala silang ginagawa to improve their selves. Magbanat sila ng buto para may maibili sila ng makakain nila. Kapag inubos ba natin iyan? Do you think na mabubusog sila?" nakangising tanong nito na tinawanan pa siya. "Hindi, 'di ba?" Bumuga siya ng hangin at inilagay sa malinis na plastic ang mga tirang pagkain. Pagkatapos ay kinuha niya iyon. Napakapilosopo rin pala nito at hindi lamang masama ang pag-uugali. "Lalabas muna ako, sir. At ibibigay ko ito sa mga batang kumakalam ang sikmura sa labas. May nakita akong mga bata roon kanina." Hindi siya nito pinansin. "Wala talagang puso ang taong iyon," naiinis na aniya habang bitbit ang isang plastic bag na naglalaman ng mga pagkain na tira nila. PAGLABAS niya sa hotel ay nakita niya ang mga batang nasa kalye. Naghahalungkat sa mga basurahan. Kinawayan niya ang mga ito at saka naman siya nilapitan. Umupo sila sa labas ng hotel stairs at sinamahan ang mga batang kalye. "Ate, salamat po," anang isa na may sugat sa kanang pisngi. "Walang anuman, teka napano ka?" nag-aalalang tanong niya rito. "Nakipag-agawan kasi kami kanina ng pagkain tapos may isang siga roon." Turo nito. "Sinuntok niya ako, ate." Pagsusumbong nito. "Aba, sa susunod iharap mo nga sa akin at---" "Papaluin ko," anang tinig na nasa likuran niya. Nilingon ni Aryanda ang lalaking nagmamay-ari ng tinig na iyon. Napangiti siya nang makita si Mr. Superman sa harapan niya. Isinara nito ang kotse na naka-park sa gilid ng daan. "Hello, sir. Good evening," bati niya rito na nakangiti. Tumabi ito sa kaniyang pagkakaupo. "Good evening too..." sagot nito. Mukhang nanggaling ito sa business meeting dahil nakasuot pa ito ng office suit attire. Umalis ang mga bata sa harapan nila. Nanatili pa rin silang nakaupo, nakatukod ang magkabilang kamay nito sa kalsada at nakatingin sa mga bituwin sa langit. "May problema ka, sir?" tanong niya rito. Hindi niya alam pero bigla na lamang natutuwa ang puso niya kapag nakikita niya ito. Marahil dahil sa ginawa nitong pagmamalasakit sa kaniya at sa nakikita niyang mabuting ugali nito. Hindi tulad ni Zachary na gusto na yata siyang lamunin ng buhay. Nilingon siya nito habang nakaangat pa rin ang ulo. "Marami... about business... anyway bakit ka nga pala nandito? Wala ka na bang masakyan pauwi sa inyo?" Umiling siya kahit gusto niyang umuwi na lang at maiwasan si Zachary na nasa pinakamataas na palapag ng Hotel. "Then, bakit ka nandito?" "Ahm, ano... may hinihintay ako, sir." Bigla siya nitong kinabig sa balikat. "Sabi mo nga sa akin ako si Superman... maipagtatanggol kita from anyone." Inalis din nito ang kamay sa balikat niya at saka tumayo. "Kailangan ko nang umalis, Luisa, at huwag kang mahiya na tawagan ako kapag may problema ka. Tinanguhan lamang niya ito. Sumakay ito sa kotse nito at mahinang binusinahan siya. Kinawayan lamang niya ito habang inihahatid ng tingin palayo. "Sayang nahuli ka ng dating... superman..." Bumalik si Aryanda sa hotel room nila ni Zachary. Wala ang masungit niyang boss saan mang dako ng kuwarto nila. Bumuga siya ng hangin at saka humiga sa malambot na kama na sobrang lapad at laki. May nakita siyang sulat sa tabi ng lampshade. Kinuha niya iyon at saka binasa. "Sa Wednesday na lang tayo magkita, iniwan ko na ang credit card na magagamit mo kapag kailangan mo ng pera, may importante akong pupuntahan ngayon. Ps. Zac." "Saan naman kaya naroon ang lalaking iyon?" tanong niya sa kaniyang sarili. At ilang sandali pa ay nararamdaman na niya ang pamimigat ng talukap ng kaniyang mga mata. KASAMA ni Tyron ang mga kaibigan niya habang nakatambay sa may pathway ng kanilang eskuwelahan. Inuusisa siya ng mga ito tungkol kay Aryanda. "Naka-score ka na, Captain?" Nginisihan siya ni Andie. "Mukhang matatalo ka sa pustahan dahil hanggang ngayon hindi mo pa nakukuha si Aryanda." Inihagis niya ang bola rito. "Ako pa ba! Huwag nga kayong atat, pera lang naman ang katapat ni Aryanda, e, at saka hindi ako kailanman natatalo kapag sinabi ko na makukuha ko siya... maghintay lang kayo at ipapapanuod ko pa sa inyo ang scandal naming dalawa." Tumawa ang mga ito at nagsikuhan. "Okay hihintayin namin ang video scandal." Nag-apir ang mga ito sa harapan niya. Nagtatawanan pa sila nang binuksan ng mga security guard ang gate ng University nila. Pumasok mula room ang magarang kotse at huminto iyon sa harapan nilang limang magkakaibigan. Bumaba ang matipunong lalaki na nasa middle thirties na ang edad. Kilala niya kung sino iyon, ang panganay na kapatid ni Zachary si Guiller Nicolas. Mabilis itong umibis ng kotse nito at binuksan ang pintuan ng drivers seat. Bumaba mula roon si... Ekang? "Thank you, sir, sa paghatid." Nagkakamot ito ng ulo. Nakasuot si Aryanda ng maong black pant at white t-shirt na may tatak na West University nasa leeg din nito ang ID nila at nakasukbit ang backpack nito. Gaya ng dati ay converse pa rin ang sapatos nito na may tatlong kulay lang na memorize na yata niya kung ano ang schedule ng pagpapalit nito ng kulay ng sapatos. White the whole week, black again... black and white again the other week. Sinimangutan siya nito nang makita siya. "Hi, Ekang?" bati niya rito na agad itong tinabihan. "You are always welcome, Luisa. On the way lang naman sa pupuntahan ko ang University mo. And you guys... don't hurt her... or else." Ngumisi ito sa kanilang lima. Nginitian lamang niya si Guiller na para bang wala lang sa kaniya ang sinabi nito. Tinignan niya si Aryanda na bahagyang namula ang mga pisngi. "Sir, mapagbiro naman kayo, kaibigan kaya namin si Aryanda, 'di ba, Ekang?" ani Sid na inakbayan pa si Aryanda. "Aryanda... Ekang?" kunot noong tanong nito. Nilapitan ito ni Aryanda. "Ahm kasi sir, Aryanda Luisa ang buong pangalan ko... Ekang ang palayaw ko." "Really? Sige mauuna na ako, Ekang," ani Guiller na bahagyang nakatitig dito. Binigyan ni Tyron ng space ang mga ito bago magpaalam ito kay Aryanda. Masama ang tingin niya rito dahil mukhang alam na niya kung bakit hindi ito nakadalo sa Varsity Ball nila kagabi dahil sa boyfriend nitong isang widow. "Ekang, boyfriend mo?" tanong ni Andie rito. "Sugar daddy?" natatawa namang tanong ni Jio. "Ano ba!" Bulyaw niya sa mga kaibigan niya. "Ekang, sandali nga mag-usap tayo." Hinila niya ang kamay nito. "Tyron, bitiwan mo ako, ano pa bang gusto mo! Wala na akong atraso sa iyo, at malinaw na isang pagpapanggap ang ginawa ko sa laro mo." Sinipa siya ni Aryanda sa hita. Nabitawan niya ang kamay nito at mabilis itong tumakbo palayo sa kanilang lima. Tinawanan siya ng mga ito at sa inis niya kinuha niya ang gitarang bitbit ni Jio at ipinalo iyon sa sementadong upuan na inuupuan niya kaniya. Nanlaki ang mga mata ng mga ito bago niya iwan. Nakadama siya ng selos sa nakita niya. Hindi maaring maagaw ng iba sa kaniya si Aryanda... hanggat hindi niya ito nakukuha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD