NAG-AAYOS ng uniporme si Aryanda para sa kaniyang trabaho sa Vintage Club nang lapitan siya ng kanilang boss na si Sir Vintage, may hawak itong papel at ballpen.
"Ekang, kailangan nating mag-usap tungkol sa resignation mo rito sa Club ko," malungkot na saad ng matanda niyang boss.
"Pero, Sir Vin, hindi naman po ako magri-resign, e, isa pa bakit ko naman gaga---"
"Kinausap ako ni Mr. Nicolas kahapon, sinabi na niya sa akin ang pagtratrabaho mo sa kumpanya niya. At sinabi niya na hindi ka na dapat manatili rito. Si Mr. Nicolas ang isa sa kasosyo ko rito sa Club at hindi dahil sa tulong niya ay hindi ko maipapatayo nang mag-isa ito. Hindi ko man gusto na tanggalin ka, Ekang pero kinakilangan dahil ito nararapat, makukuha mo pa rin ang seperation pay mo na 10 thousand pesos. Gusto kong pirmahan mo ito para sa kasunduan sa ibibigay kong pera sa iyo," paglalahad nito.
Para na niya itong Tatay at nalulungkot siya sa ginawa ni Zachary. Tsk, sinisimulan na yata nito ang kalbaryo na kaniyang haharapin sa piling ng isang antipatikong boss niya.
Pinirmahan niya ang kasulatan at ibinigay nito sa kaniya ang sobre na may lamang pera.
"Maraming salamat, Sir Vintage."
Nginitian siya nito at hinawakan sa balikat. "Magpakabait ka sa bago mong boss, Ekang."
Iniwan siya ni Sir Vintage at nilapitan naman siya ni Arci na kadarating lamang.
"Bakit ang tulis ng nguso mo?" tanong nito habang inilalagay sa sabitan ng bag nila ang bag nitong dala. Tinanggal din nito ang suot na denim jacket na itinupi nito pagkatapos ay inilagay sa bag.
"Hindi na ako magtratrabaho dito sa Club, Arci." Balita niya rito habang namamasa ang kaniyang mga mata.
"Ha? E, saan ka magtratrabaho niyan? Hoy, Ekang, nag-resign ka ba?" gulat na tanong ni Arci na nanlalaki ang mga mata.
"Hindi, no, ano kasi may... may nag-offer sa akin ng trabaho si... si Sir---"
Hindi pa natatapos ni Aryanda ang sasabihin niya nang bigla siyang lapitan ni Zachary na sumulpot sa kung saan. Nakatitig ito sa kaniya habang nginingitian naman ni Arci. Nakaramdam siya ng kaba dahil nakakatiyak siya na mapaparusahan siya nito dahil sa ginawa niya kanina. At sa kasunduan nila, labag iyon dahil tanging ang Vintage Club lamang ang exception at ang pag-sideline niya bilang cashier sa Jolly Good.
Siniko siya ng malakas ni Arci kaya naitulak siya nito kay Zachary. Naumpog siya sa dibdib ng binatang kaharap niya.
"Aryanda, hihintayin na kita sa labas," anito na tinalikuran siya kaagad.
Napalunok siya dahil masama ang kutob niya. Kung pwede nga lang sanang magpalamon siya sa lupa upang magtago ay ginawa na niya, makaiwas lamang sa presensiya ng guwapong boss niya.
"Siya b-a a-ang bago mong b-boss, Ekang. Gosh, k-kinikilig ako, oh my gad," utal-utal na bulalas ni Arci.
"Gusto mo ba siyang maging boss?" tanong niya na kinakabog ang dibdib.
"Oo naman... kung pwede nga lang tayong magpalit, why not! Hoy, Ekang, huwag mong aakitin si Mr. Nicolas, ha. Ipaubaya mo siya sa akin at ako ang gagawa no'n, kahit lahi lang ni Mr. Nicolas, masaya na ako," nakakalokong saad ni Arci.
"Kabahan ka nga, Arci!" saway niy rito.
"Bakit! Ang guwapo niya, tapos maganda naman ako." Iniwagayway pa nito ang buhok. "Maganda ang lahi namin."
Tinawanan ni Ekang ang sinabi ng kaibigan niya. Oo, maganda nga si Arci, matangkad ito at balingkinitan ang katawan pero tulad niya hindi ito ipinagpala sa hinaharap. Bigla tuloy siyang nanliit sa dibdib ng secretary ni Zachary.
Tsk! Ano ba ang masama sa cupsize 34A!
Tinanggal ng dalaga ang kaniyang uniform at mabilis na nagpalit sa CR ng mga staffs. Kinuha rin niya ang backpack niya at saka nagmadaling lumabas. Baka lalong umusok ang ilong ni Zachary kapag mabagal siyang kumilos.
NAKITA niya itong nakasandal sa labas ng kotse nito at may kinakausap sa cellphone. Mukha itong nakikipagtalo through phone at sa itsura ni Zachary ay nakakatakot itong magalit dahil makailang ulit nitong sinuntok ang hood ng kotse nito. Tsk, kawawang Mitsubishi Expander, sinasaktan at hindi iniingtan.
Ibinulsa nito anf cellphone na hawak nang makalapit siya.
"And there you are! Sakay na may importante akong lakad!" maawtoridad na utos nito na hindi man lamang siya pinagbuksan ng pinto. Minabuti niyang sa backseat maupo. Nakita niya roon sa loob ang apat na paperbags.
"Sa hotel tayo didiretso... starting from now magiging escort na kita. Isuot mo mamaya ang mga damit na iyan. Inilipat ko na ng department si Diane and you take her place as my secretary... that is when I neen you, and one more thing ihanda mo ang sarili mo para sa consequences ng ginawa mo," anito na hindi man lang nag-abalang tignan siya.
"Wala akong alam sa---"
"Wala kang ibang gagawin kun'di hawakan ang kamay ko... the whole meeting." Sinulyapan siya nito. "Mahirap ba iyong gawin, Aryanda?" Nginisihan siya nito. "Maybe... dahil mas mahirap magtatalon at magsisigaw sa harapan ng maraming tao just to cheer, right?" muling tanong nito.
Hindi na siya umimik. Hindi naman na siya kinibo ng binata. Dumiretso sila sa Night and Sanctuary Hotel ito ang exclusive luxury hotel ng probinsiya nila. At may entertainment center din ang loob ng hotel dahil minsan na niyang napasok iyon nang maging isa siya sa napiling mag-participate ng eskuwelahan nila para sa table setting designs.
Bitbit niya ang mga paperbags at sumunod dito. Nakasampay sa balikat nito ang coat nito. Nakasuot na si Zachary ng skyblue longsleeves, black slacks at necktie, at siya naman suot pa rin ang damit niya kaninang umaga dahil hindi pa siya umuuwi sa kanila.
Kinuha nito ang susi sa hotel desk, naka-reserve na pala ang hotel room nila. Sumunod siya rito dahil mabilis itong maglakad. Dumiretso sila sa elevator, nauna itong pumasok bago siya.
"Sa iisang kuwarto lang tayo mag-i-stay..."
Napalunok siya. "Hindi naman p'wede iyon, Sir!" napalakas ang boses niya.
Naningkit ang mga mata nito. "Then pay your own room." Pinindot nito ang fourt floor. Ilang saglit ay nagbukas ito.
"Kung may ipambabayad sana ako, why not," bulong niya habang nakatayo sa likod nito.
"Then, wala kang karapatang magreklamo." Nauna itong lumabas. Ibinigay nito sa kaniya ang beepcard na siyang susi niya sa pintuan ng hotel room nila. Habang si Zachary naman ay ang key na duplicate.
"Hihintayin kita sa sixth floor." Tinignan nito ang relo sa bisig. "May kalahating oras ka pa para magbihis." Bumalik ito sa elevator at muling kinuha sa bulsa ang cellphone nito. Matalim niya itong tinignan.
Kinakabahan siya habang binubuksan ang pinto ng magiging kuwarto nila. Para talaga sa mga big guest ang kuwarto dahil malawak ang loob no'n at talaga namang napakaganda.
Isinara ni Aryanda ang pintuan at sandaling umupo sa sofa na naroon. Isinandal niya ang likod niya roon at saka pumikit.
"Ekang, kailangan mong magkaroon ng kapangyarihan maglaho!" sermon niya sa sarili.
Bumuga siya ng hangin at binuksan ang laman ng mga paperbags na ibinaba niya.
Isang off shoulder red dress na maiksi na hanggang puwetan lamang yata niya ang haba. Tsk, iyon madalas ang suot ng mga GRO sa kanilang baranggay. Red din ang sandals na may two inch ang taas, napamura siya, hindi nga siya marunong magsuot ng may takong. May mga sets ng pabango, lotion, make ups at liptints. May mga underwears din na lace at skin type, at eksakto ang mga sukat para sa kaniya. Alam din ba nito ang vital statistics niya?
Walang nagawa ang dalaga kun'di maligo at suotin ang mga iyon. Bahala na, naging champion naman siya sa karate noong elementary siya, mukhang magagamit niya iyon in case of emergency.
DUMATING na sa hotel ang hinihintay na ka-meeting ni Zachary ngunit hindi pa rin dumarating si Aryanda sa meeting place nila. Tumayo siya para makipag-kamay kay Engineer Custavio, ang namumuno ng construction firm sa kanilang lugar, kailangan niyang makuha ang pagiging supplier sa Airport Building. Ang malaking site na pagtatayuan ng Airport sa kanilang probinsiya sa kanila dapat kumuha ng mga materyales na gagamitin.
Billion ang kikitain niya kaya kailangan niyang magpa-impress dito.
"Nice to meet you, Mr. Nicolas of El Joseo Steels and Nicolas Marketing."
"I'm glad to see you, Engineer Custavio."
Umupo silang dalawa at sinimulan niyang i-discuss ang proposal niya.
Dumating si Aryanda na hinihingal habang sapo nito ang dibdib.
"I'm so---" hindi nito naituloy ang sasabihin dahil agad niya itong nilapitan.
"Engineer Custavio, this is---"
Tumayo si Engineer Custavio at nginitian si Aryanda. "Ekang?" tanong nito na ikinagulat niya.
"Sir Kakashi este Sir Vincent!" Nilapitan ni Aryanda ang matanda at niyakap ito.
"O, kumusta ka na, matagal na panahon na mula noong magtrabaho ka bilang assistant ko, a. Kay Mr. Nicolas ka na pala ngayon nagtratrabaho. Aba, dalaga ka na pala, noon lang Highschool ka pa, a. Teka, si Lola Loleng, kumusta na?"
Mukhang magkakilala ang dalawa. At malaking tulong iyon para sa proposal niya.
Kailangan niyang magbait-baitan sa harapan ni Aryanda for the sake of his proposal.
"Mabuti naman po..."
Tinignan niya ang dalaga, she's wearing the dress na ipinabili niya kay Diane. Pero napangiwi siya nang makita ang suot nitong converse na kulay puti. Ito ba ang new fashion sa babaeng ito, but she's damn beautiful kahit na iyon ang sapin nito sa paa.
"So... lets start?" mahinang tanong niya.
Umupo si Aryanda sa tabi ni Engineer Custavio.
"Ano ang proposal mo, Mr. Nicolas?" tanong nito.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Engineer Custavio, gusto ko na ang Company ko ang mag-supply ng mga materyales para sa gagawin ninyong project. I'm willing to less the full price to 10 percent."
Tumango ang matanda. "Maganda nga ang produkto ng bakal ninyo. At ikaw, Ekang, may proposal ka ba?"
"Sir Vincent, kung pipiliin mo ang Company ng boss ko para maging supplier malaking tulong po ito hindi lamang sa boss ko kun'di sa mga tauhan ng Nicolas Marketing. Quality is the best, iyan ang motto ng company namin, kaya naman makakasiguro kayo, Sir Vincent na hindi kami papalpak."
"Iyan ang gusto ko sa iyo, Ekang, iniisip mo pa rin talaga ang mga trabahador. Anyway, dahil malakas sa akin si Ekang, I will accept your proposal, Mr. Nicolas. At ibibigay ko sa iyo ang listahan ng mga materyales na kakailanganin namin. I hope na magiging mabuti at maayos tayong partners in this business." Tumayo ito at nakipagkamay.
"Thank you so much, Engineer Custavio, for trusting us," aniya na malapad ang ngiti.
"My pleasure..." anito na nakangiti. Binalingan nito si Aryanda. "Ekang, hanggang sa muli ha, mukhang ikaw ang magiging luckycharm ng boss mo."
Ngumiti ang dalaga rito. "Ako rin naman lucky charm ninyo noon, Sir Vincent."
Tumawa ang matanda. Nagpaalam din ito dahil may importante pa itong pupuntahan. Inihatid ito ni Aryanda sa bukana ng pintuan bago bumalik sa tabi niya para iligpit ang mga gamit niya.
"P'wede na ba akong umuwi, Sir?" tanong nito na hindi nakatingin sa kaniya.
"No,! May pag-uusapan pa tayo. It's all about you and your actions."
Tumingin ito sa kaniya. "Sir, wala akong nilabag na utos mo, p'wera na lang sa high heels na hindi ko isinuot. Ano pa bang gusto mo, tinulungan na kita sa proposal mo at---"
Hinatak niya ito at hinapit ang bewang pagkatapos ay mariing hinalikan sa labi. Nagpumiglas ito sa ginawa niya.
SINAPO ni Aryanda ang labing niyang hinalikan ni Zachary. Nabura yata iyon matapos siya nitong siilin ng halik. Halos hindi siya nakahinga sa ginawa nitong iyon sa kaniya.
"Ang sama mo!" inis na sabi niya habang matalim ang tingin dito.
Umupo muli ito sa office chair at pinagsiklop ang dalawang kamay at saka ipinangalumbaba iyon.
"Binasa mo nang mabuti ang kontratang pinirmahan mo hindi ba, Aryanda? Pero bakit lumabag ka pa rin sa rules ko? Sinasadya mo bang magalit ako?" maawtowaridad na tanong nito habang seryosong nakatingin sa kaniya.
Napalunok siya. "Walang nakasulat doon na---"
"Aryanda umupo ka!" pasigaw na utos nito.
"Ayoko!" mariing niyang tanggi sa binatang nakaupo sa harapan niya. "Hindi mo ako dapat na ginaganito, Zachary! Hinalikan mo ako nang basta-basta, pagkatapos gusto mo akong manatili rito! Ibabalik ko sa iyo ang mga perang ibinigay m---"
Nilapitan muli siya ni Zachary. "At saan ka kukuha ng ipambabayad mo?" nakangising tanong nito habang inilalapit ang mukha sa mukha niya.
"Kay... sa kaibigan ko... kay..." nauutal niyang sagot.
Nginisihan siya nito at mabilis na isinandal sa pader. "Nakapirma ka sa kontrata, Aryanda, at dahil nakapirma ka ibig sabihin lang no'n na pagmamay-ari kita." Tumingin ito sa labi niya at hinawi ang buhok niyang nasa nakatakip sa kanang pisngi niya. "Simula ngayon sa akin ka lang magtratrabaho, maliwanang ba, Aryanda Luisa Corpuz!"
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Wala na siyang takas maliban ma lamang kung kusa siyang maglalaho sa paningin nito.
"Sasamahan mo ako ngayong gabi, at isa pa, ala onse na, pagod na ako para ihatid ka sa bahay ninyo. At escort kita ngayong gabi so wala kang choice kun'di sumunod sa gusto kong gawin mo. Maliwanag ba, Aryanda?"
"Pero paano naman ang Lola ko? Matanda na iyon at walang kasama sa bahay," nag-aalalang sabi niya rito na nakipagtagisan ng boses.
"Kumuha ako ng private nurse na titingin sa Lola Loleng mo habang wala ka. Marahil sa oras na ito, tulog na tulog na ang Lola Loleng mo."
Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito.
"O, bakit ganiyan ka makatingin?" tanong nito at saka muling umupo sa inuupuan nito. Ipininikit nito ang mga mata roon at saka sumandal.
"May puso ka rin pala," mahinang bulong niya. "Salamat sa ginawa mo sa Lola Loleng ko, babayaran kita."
"Hindi ako katulad ng lalaking iniisip mo, Aryanda. Mas marami akong gawa kaysa salita hindi katulad mo. At isa pa, mag-sorry ka sa boyfriend mo dahil hinalikan kita," sabi nito habang binubuklat ang mga files na nasa lamesa nito. "At huwag mong sabihin na babayaran mo ako dahil wala ka pang pera. Bayaran mo ako kapag nakatapos ka na. At kailangan mong ayusin ang trabaho mo sa akin, maliwanag ba?"
Napangiwi siya, iniisip talaga ni Zachary na boyfriend niya si Tyron. Marahan siyang tumango sa sinabi nito.
"Hindi ko boyfriend si Tyron," mabilis niyang tanggi.
Nginisihan muli siya nito habang nakapikit. "Huwag ka nang magsinungaling, Aryanda. By the way, mauna ka na sa kuwarto, alam ko napagod ka sa pagtatalon kanina, dito muna ako sa opisna dahil may client pa akong kakausapin at hindi ka puwedeng humarap."
Tsk, siguro babae.
Pipihitin na niya ang seradura nang magsalita muli ito.
"Kada isang mali mo, Aryanda ay halik ang magiging kabayaran. At ang pinakamatindi, you will pay the pain that I want," seryosong sabi nito sa kaniya.
Kinabog tuloy ang puso niya. Tinutukoy ba nito ang s****l activities nitong ginagawa.
"Understood!" malakas na sabi nito.
Tumango lamang siya. "Good night..." Mabilis siyang lumabas patungo sa elevator.
Idinampi niya ang daliri sa labing hinalikan ni Zachary. Ito ang una niyang halik. At hindi niya akalain na may kakaibang kiliti iyon na gumapang sa buo niyang pagkatao. Mabilis na tumibok ang kaniyang inosenteng puso. Pero kailangan niya iyong pigilan sa pagtibok dahil hindi niya gustong masaktan pagdating sa pag-ibig na hindi pa niya nararanasan.