Chapter 5

1657 Words
KINAKABOG ang puso ni Aryanda habang nakatingin kay Zachary. Mukhang kailangan niya itong pagpaliwanagan. Kitang-kita niya ang masamang tingin nito sa kaniya. Bigla tuloy siyang napalunok sa parusa na kaniyang matatanggap sa bawat paglabag na magagawa niya na nakalagay sa kasunduan nila. Mababawasan siya ng sampung libong piso sa bawat paglabag na magagawa niya. Kumita nga siya ngayon ng limang libo dahil sa laro ni Tyron pero nawalan naman siya ng sampung libo. Nahugot niya ang hininga at pasimpleng kinawayan ito. Kunwari deadma siya habang niyayakap naman siya ni Tyron na umaabuso na sa pagkakahigpit ng akbay nito. "Congratulations, Team Captain!" Bati ng mga teammates ni Tyron. "Lucky charm mo talaga ang girlfriend mo, a." Nakangiti lamang siya habang pinupuri siya ng mga ito. "Kailangan ko nang umalis," pabulong na aniya kay Tyron na nanatiling nakangiti rito para hindi mahalata ng iba. Hinapit siya nito sa bewang. "May celebration pang magaganap dito mamaya gabi, kailangan pa rin kita." Hinagkan pa siya nito sa noo. Nilingon niya si Zachary sa kinauupuan nito pero bigla itong nawala roon. Sunod-sunod na tumunog ang cellphone niya, agad niyang sinagot iyon at pansamantalang dumistansiya kay Tyron. Si Zachary ang tumatawag sa kaniya. "H-hello..." "Kailangan nating mag-usap mamayang seven pm sa Vintage Club. Marami kang ipapaliwanag sa akin, Ms. Corpuz." Sasagot pa sana siya pero bigla nitong pinutol ang tawag. Malungkot na isinuksok ang cellphone niya sa kaniyang bulsa. Ano na ngayon ang gagawin niya? Si Tyron ba ang sisiputin niya o si Zachary? Nakatingin sa kaniya si Tyron at nakakunot ang noo. "May problema ba, babe?" tanong nito habang nakaabay sa kaniya naglalakad sila patungo sa locker ng varsity players. Tumigil sila sa tapat no'n, pumasok naman ang mga kaibigan ni Tyron sa loob at naiwan silang dalawa. Inialis niya ang kamay nitong nakaakbay sa balikat niya. "Tapos na ang laro kaya hindi mo na dapat ako tinatawag na babe, mamaya break na agad tayo, kailangan ko na ng bayad mo dahil hindi na ako makakapunta pa mamaya, may importante akong pupuntaha---" Isinandal siya ni Tyron sa pader. "Mas importante ba sa akin?" tanong nito na ibinaba ang tingin sa mga labi niya. Itinulak niya ito. "Hoy, Tyron! Malinaw ang usapan natin na magpapanggap lamang ako bilang girlfriend mo kaya huwag kang assuming diyan." Inilahad ni Aryanda ang palad sa harapan nito. "Akin na ang five thousand ko," aniya. Nagkamot ito ng batok at sandali siyang iniwan sa labas. Pumasok ito sa loob ng locker ng mga ito at may bitbit ng bag nang lumabas. Kumuha ito ng five thousand sa wallet nito at iniabot sa kaniya. "Barya lang naman sa akin iyan, babe. Pero kung gusto mong makipag-one night stand sa akin..." Binasa nito ang ibabang labi at hinawakan iyon. "Just tell me..." Kinuha niya rito ang pera sabay sipa sa nakaumbok nitong p*********i. "Mai-in love na sana ako sa iyo, kaso ipinakita mo na ang tunay mong pagkatao, kung kailangan mo ng ka-s*x may kakilala akong bayarang babae na nakikipag-s*x sa kahit sino, p'wede ko siyang ireto sa iyo." Nagtaas siya ng kilay. "Sayang... babe," nakangising aniya bago ito talikuran. Ibinulsa niya ang pera sa likurang bahagi ng pantalong suot niya. Iniwan niya si Tyron na hawak-hawak ang ari nito na sinipa niya. Buti nga sa manyak na iyon, tsk, ano siya sinu-swerte! Nakagat niya ang ibabang bahagi ng labi niya. Tsk, mukhang sa kama rin naman siya babagsak dahil sa pakikipagkasundo niya kay Zachary. HINIHINTAY ni Cynthia ang anak niyang si Guiller habang nakaupo siya sa harapan ng isang banko. Nagpaalam ito sa kaniya na bibili ng pasalubong para kay Giana, ang kaniyang tatlong taong gulang na apo. Kakagaling lamang nila sa hospital para sa kaniyang arawan na check up para sa sakit niyang kidney cancer. Nagtungo na sila noon sa America ni Guiller pero hindi na niya makaya pa ang opera dahil sa edad niyang sixty eight. Mahina na ang kaniyang katawan at ang mga tuhod niya dahil sa gout niya. Nalulungkot siya nang sabihin ni Guiller sa kaniya ang naging pasya nito na iurong ang merging ng Nicolas Steel at Guiller Steel. Masiyado nang mataas ang pride ng kaniyang bunsong anak na si Zachary, halos sampung taon na niya itong hindi nakakasama. Namimis na niya ang kaniyang anak at gusto niyang bago siya mamatay ay makapag-ayos sila. Sinisisi siya ni Zachary sa pagkamatay ni Zac ang ama nito. Pero hindi alam ni Zachary na nambabae rin naman noon ang asawa niya, kaya nagawa niya ang bagay na iyon para pasakitan ito. At nagkaroon sila noon ng pagtatalo na naging dahilan para maatake ito sa puso at mamatay. Hindi niya iyon kasalanan, pilit niyang ipinapaliwanag kay Zachary ang lahat ngunit sarado ang puso ng kaniyang anak. Nababalitaan rin niya ang masamang sinasabi ng ibang tao tungkol sa bunso niya. Nasasaktan siya dahil hindi man lamang niya ito maipagtanggol. Pumatak ang kaniyang luha habang nakatingin sa malayo. Pinunasan niya ang luha sa kaniyang magkabilang pisngi. Hindi niya gustong makita siya ni Guiller na umiiyak dahil mag-aalala lamang ito sa kaniya at magiging dahilan na naman iyon para mag-away ang mga anak niya. Sa kaniyang pagtayo ay nawalan siya ng balanse. Mabuti na lamang at may isang dalagang umalalay sa kaniya. Maamo ang mukha nito at bakas ang pag-aalala sa kaniya. "Okay lang ho ba kayo, 'Nay." Inupo siya nito sa upuang inuupuan niya kanina.. "Nahihilo po ba kayo, may kasama po ba kayo?" sunod-sunod na tanong nito. "Okay lang ako, iha, may kasama ako nasa loob pa." Tukoy niya sa loob ng mall na nasa tabi niya. "Dapat ho hindi kayo hinahayaang mag-isa, paano na lamang ho kapag may nangyari sa inyo rito, naku!" anito na nanggigigil. Natuwa siya sa dalaga. "Nakakatuwa ka, iha. Ano nga pa la ang pangalan mo?" tanong niya. "Ako po si Ekang, 'Nay." "Ekang," nakangiting aniya. "Maraming salamat, iha." "Sige po, mag-iingat po kayo may pasok pa po kasi ako, e. Bawal ma-late, 'Nay." Nagmano pa ito sa kaniya bago magpaalam. "Maraming salamat, iha," malapad na ngiting aniya. Kung magkasundo lamang sila ni Zachary mukhang may mairereto siya ritong babae kapag nagkataon. PALABAS na si Guiller sa Guanzon Mall nang mapansin niya ang babaeng nakasuot ng red at black color t-shirt at may suot na cap sa ulo at black slacks. Pamilyar sa kaniya ang babaeng iyon kaya nilapitan niya, eksakto na kailangan din niyang makabili ng paboritong jolly meal ni Giana. "Good morning, si--- Sir Pogi, naku, sir, ikaw na ba iyan, naks, pumogi ka, a. Kamukha mo na si Superman," bulalas nito kaya pinagtitinginan na sila ng mga tao. Bagong gupit kasi siya at bagong shave, matagal na rin kasi niyang napabayaan ang sarili simula noong mamatay ang kaniyang asawa. Isang taon na rin ang nakakalipas kaya pinasya niyang umuwi na lamang rito sa Pilipinas para sa kanilang negosyo na bumabagsak na. "Salamat, Luisa." "Ano, order mo, sir?" nakangiting tanong nito. "Jolly spaghetti at apat na bucket ng jolly chicken joy, limang coke float na large at apat na burger... for take out," nakangiting sabi niya habang nakatingin dito. "Two thousand five hundred twenty six lahat, sir. Pakihintay na lang po, sir," sagot naman nito sa kaniya na ginantihan ang kaniyang ngiti. Iniabot niya ang bayad rito. "Keep the change, Luisa," aniya rito. "Naku, sir, thank you po," magiliw na sagot ng dalaga na pinaglapat pa ang mga palad at sandaling yumuko sa harapan niya. Umupo siya sa bakanteng silya habang hinihintay ang orders niya. Hindi niya maiwasang hindi tumingin kay Luisa, ano kaya kung alukin niya itong maging secretary niya sa kaniyang kumpanya. Nag-aaral ito at ngayon lamang niya nalaman na working student rin pala ito. Napahanga tuloy siya nito dahil sa sipag na taglay nito para maabot ang pangarap. Nilapitan siya ng isang staff at iniabot sa kaniya ang orders niya. Kinawayan siya ni Luisa dahil busy ito sa dami ng mga customers na nakapila. Lumabas siya sa Mall at inalalayan ang kaniyang Mama na naghihintay sa kaniya sa labas. Hindi na ito sumama sa kaniya dahil mabilis itong mapagod. "Sorry, 'Ma natagalan ako." "Don't worry, iho, nagpagupit ka yata?" takang tanong nito. "Lalo ba akong gumuwapo, 'Ma?" nakangiting tanong niya habang inaalalayan ito papasok ng kotse niya. Tumawa nang malakas ang Mama niya. At masaya siya na marinig muli ang malutong na tawa ng kaniyang ina. "Mas guwapo ka na ngayon kaysa kanina," biro naman nito habang isinasara niya ang pinto ng kotse. Sinabayan na lamang niya ang pagtawa nito kahit alam niyang nalulungkot pa rin ito dahil sa iniinda nitong sakit. "Nagkausap na ba kayo ng kapatid mo, anak?" malungkot nitong tanong pagkapasok niya ng kotse. Umiling siya at bumuga nang malalim. "Busy raw siya sa trabaho, 'ma. At hindi niya rin gusto na makipag-usap sa akin dahil marami siyang ginagawa. Alam ko naman na sinasabi lamang niya iyon dahil gusto niya akong iwasan." Pinaandar niya ang makina ng kotse at saka inatras iyon palabas ng vicinity ng mall. "Gusto kong magkasundo kayong magkapatid bago ako... bago ako mamatay." Tumingin ito sa malayo at saka pinahid ang luha na lumandas sa magkabila nitong pisngi. "Masiyadong malayo ang loob ni Zachary sa akin... ngunit hindi ko siya masisisi dahil mahal na mahal niya ang Papa mo at iniidolo niya ito mula pa noong bata kayo. Sana nga lamang ay mabuksan ang puso niya at mapakinggan ako... mis na mis ko na ang kapatid mo, Guiller." Hindi siya umimik at ipinagpatuloy ang pagdra-drive. Mis na rin niya ang kapatid niya na tumatayo sa sarili nitong mga paa. Kasalanan niya rin kung bakit ito galit na galit sa kaniya. "Gagawa ako ng paraan, 'Ma. Para makapag-usap kayo ni Zac at para malaman niya ang totoo," determinadong sabi niya at saka pinilit na ngumiti rito. "Salamat, anak," humihikbing sagot nito sa kaniya. Kung kailangan niya itong galitin ay gagawin niya, lumabas lamang ito at kausapin siya. Kailangan niyang makaisip ng paraan kung paano niya gagalitin nang husto ang kaniyang walang pusong kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD