Chapter 6: Hahabol-Habol

1178 Words
Que parte la tierra! (Wow! What a beautiful woman!), sa isip ni Thiago nang masilayan at matitigan nang maayos ang naka-wingsuit na tao. Akala pa naman niya noong una ay lalaki ito at nagkataon lang na parang babae kung tumili. Iyon pala ay napakagandang dilag nga naman na may maikling buhok. Siguro nga ay hindi ito maganda sa unang tingin. Pero habang tinitigan niya ito ay paganda ito nang paganda. Maganda ang tindig ng dalagang may magandang hubog ang katawan. Halatang sporty ito. Nakakaengganyo ang itim nitong mga mata at natural na mapupulang labi. Hindi masyadong matangos ang ilong nito pero sobrang cute tingnan. Halatang hindi ito kaputian at medyo morena ang balat kaya naman ay swak sa tipo niyang babae. Amoy na amoy niya pa ang mabini nitong halimuyak na pinaghalong pulbo at sampaguita. Medyo boyish itong kumilos pero alam niyang babae ito at hindi lesbiana. Feel Niya lang. Hinawakan ni Thiago ang kamay ng babae nang akto itong aalis at iwanan siya. Agad siyang bumitiw nang tiningnan nito ang kamay niyang nakahawak dito. “Okay. Forget I said about responsibility—for kissing me.” Tumaas lang ang kilay ng babae. Ngumiti pa siya nang nagpapa-cute. “I’m Thiago Quiroga by the way. My friends sometimes call me ThiQ,” at ipinaliwanag niyang base iyon sa pangalan at apelyido niya. Hindi na niya binanggit ang isa pang ibig sabihin niyon at baka lalong matu-turn off sa kanya. Pansin niya ang pagkunot ng noo ng dalaga. “Kailangan ko nang umalis,” sabi nito na hindi man lang ibinigay ang pangalan. Naglakad na ang babae papunta sa direksyon ng hotel. Si Thiago naman ay hahabol-habol sa dalaga. “If you’re going to the hotel, it’s still a bit far. You need at least the golf car to get there if you’re in a hurry,” alok na naman niya sa babae. “Ayos lang. Sanay naman akong maglakad at mag-ehersisyo kaya walang problema,” anito. Lumaylay ang balikat ng binata sa narinig. Mas matigas pa pala sa bato ang babaeng ito. Hindi ito katulad ng ibang babaeng karaniwan niyang nakakabungguan ng siko na puro marurupok at malalandi. Madali niyang maikama ang ganoong klaseng mga babae. Wala siyang ka-effort-effort. Simpleng ngiti niya lang at kaunting usapan o inuman lang, wala na. Sa kama na ang bagsak nila. Pero ang isang ito? Sininghalan at dinuro pa siya kanina. Biglang tila hinamon ang p*********i at ego niya. Ayaw niyang sumuko lang nang basta. No, it’s just not my ego. I’m really attracted to her and I want her! She’s my perfect nemesis, and I want to break her. “If you have no time to have a drink with me right now, maybe some other time?” ang pangungulit pa rin niya habang sumusunod sa babae. Sa hindi kalayuan ay nagpatuloy na sa paglalaro ang mga kaibigan niya. Tumigil sa paglalakad ang babae at hinarap siya ulit. “Puwede ba? Wala akong panahon na makipaghalubilo sa isang tulad mo. Nandito lang ako sa isla para magtrabaho, okay?” Nagmartsa nang muli ang babae. Humabol na naman siya at madali lang naman dahil sa laki ng mga hakbang niya kumpara sa babae. “May I know what’s your work?” “Stuntwoman ako kaya tigilan mo na ako!” Namilog ang mga mata niya sa narinig. Kaya pala ang fit niyang tingnan! Pero hindi ako natatakot kung ‘yon ang gusto niyang mangyari. Napangisi pa siya. “That’s great! I’m a businessman from Argentina. Not only am I in the industries of mining and manufacturing, I’m also involved in entertainment, specifically in recording and TV.”  Napasulyap sa kanya ang babae. Hindi man nagsalita ay nakikinig naman sa kanya. Kaya nagpatuloy na siya sa pagpakilala sa kanyang sarili. Binanggit niyang petroleum at natural gas ang mining industry na kinabibilangan ng negosyo niya, pati na ang manufacturing ng pagkain, textile at apparel. “It’s not to brag. I’m just telling you all about myself,” dagdag niya pa nang mabilis bago pa man iisipin ng babaeng nagmamayabang siya. Tiningnan lang siya nito nang walang kibo. Halatang hindi na-impress. Napakagat siya sa itaas na labi niya habang nag-iisip pa ng dapat na sabihin. Marami na siyang sinabi tungkol sa sarili niya pero hindi man lang ito nag-react o kahit ano pa man. “Aside from speaking my native tongue, Rioplatense or Argentine Spanish, I can speak, read and write English, Filipino, French, German and Italian.” Sinulyapan lang siya nito nang walang ekspresyon sa mukha at napatingin sa itaas na tila may inaabangan pero nagpapatuloy lang din ito sa paglalakad. Kapwa na sila pinagpapawisan dahil sa init ng araw, lalo na ito na nakasuot ng wingsuit. Tumakbo na ang mga butil ng pawis sa leeg at mukha nito. Parang gusto niyang abutin at pahirin ito. Bigla niyang napagtanto na hindi niya gawain iyon. Pero bakit parang natural lang na reaksyon niya iyon sa babaeng ito? This is weird. Gayunpaman ay nagpatuloy siya sa paglalakad kasabay ng dalaga. Hindi niya pinansin ang mga kaibigang lumampas sa kanila para habulin sina Ax, Mike, Damian at iba pa na nauna na. Nagkantiyawan na naman ang mga gago niyang kaibigan dahil sa babaeng pinopormahan niya. Alam na alam na ng mga ito ang likaw ng bituka niya. Napansin niyang may puting kotseng paparating. Huminto ito sa harap nila at iniluwa mula sa driver seat ang isang maskuladong lalaki na nasa kuwarenta anyos mahigit ang edad. “O, Mihan! Kanina pa kita hinahanap, ah! Akala ko pa ay kung napa’no ka na! Mabuti ay ayos ka lang,” anito sa malalim na boses. “Halika na at kailangan mo pang magsanay kahit ilang beses lang.” Sumulyap muna ang babae sa kanya bago ito tumango sa kararating na lalaki at sumakay na sa kotse. Naiwan si Thiago na napasunod na lang ng tingin. Napatiim-bagang siya. “Akala mo ba ay tatantanan kita… Mihan?” Napangiti siya sa kanyang sarili. Hinugot niya ang kanyang cell phone mula sa kanyang bulsa at dumating ang isang golf car na minaneho ng isang staff pagkatapos ng ilang minuto. Nagpahatid siya sa hotel, sinundan ang dalawang nasa kotse. Isinuot niya ang ekstrang T-shirt na dala ng staff para magmukha naman siyang disente. “May alam ka ba kung ano ang ganap sa hotel?” tanong niya sa male staff habang nagmamaneho ito. “Ah, opo, Sir ThiQ,” tugon nito. “May mag-sho-shooting na international action movie. Bukas yata ang umpisa. Naka-book na sila ng mga dalawang buwan dito bago raw sila lilipat sa ibang lokasyon.” Now, that sounds great. It’ll definitely work in my favor. Napangiti siya sa kanyang narinig. Ibig sabihin ay may dalawang buwan siya kahit paano para mapaamo si Mihan. Gusto niyang mas makilala pa ang babae. May kung anong excitement na bumangon sa dibdib niya, bagay na hindi nangyari sa kanya sa loob ng mahabang panahon. Alam na alam niya sa sarili na kakaiba ang magiging karanasan niya sa piling ni Mihan. Hinugot niyang muli ang kanyang cell phone at tinawagan ang isang kilalang private investigator.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD