Chapter 7: Tenacious Crush

1298 Words
Namangha man ang beinte y tres anyos na si Mihan sa narinig mula kay Thiago ay hindi siya nagpahalata. Baka akalain pa nitong interesado talaga siya sa lalaki kahit hindi naman. Laking pasalamat niyang iniligtas siya ni Kuya Banoy nang kailangan na niya talagang lumayo sa lalaking sobra ang presko at hambog. Kahit na sinabi nitong hindi ito nagmamayabang ay ganoon pa rin ang dating sa kanya para ma-impress siya. Iyon nga ay wala naman siyang pakialam kung sobrang yaman nito. Sobra naman kasing flirt ng lalaki. Unang tagpo pa lang nila ay halata na talaga kung ano ang pakay nito sa kanya. “Sino nga pala ang lalaking ‘yon kanina, Mihan?” tanong ng nagmamanehong stunt coordinator na trainer niya. “Ah, eh… iniligtas niya lang po ako kanina nang bumagsak ako.” “Ah, gano’n ba? Ba’t hindi mo agad sinabi sa ‘kin at napasalamatan ko rin sana?” “Tsk! Kuya, hindi na po kailangan ‘yon.” Oo nga, ‘no? Hindi ko man lang siya napasalamatan kanina. Bigla siyang tinamaan ng konsensiya kahit paano. Siguro ay sa susunod na lang kapag nakita ko siya ulit. Pero iyon lang, wala nang iba pa. Ayoko ngang makipaghalubilo sa lalaking iyon. Halatang napakababaero niya. Siguro silang lahat ng mga kaibigan niyang nakahubad. Napatingin siya sa kalangitan at marahang napabuga ng hangin. Ayoko na nga siyang isipin kahit na siya pa ang unang halik ko. Nandito lang ako para sa trabaho ko. Para kay Nanay. “Kuya, ayos lang ba kahit na hindi ako lumanding sa target ko kanina? Hindi ba nila ako papalitan?” “Ah, hindi naman. Nakita naman kanina ni Logan na matapang ka kahit nag-off course ka,” ang sagot nitong tumawa. Napangiti na lang si Mihan kahit paano. “Sinabi mo bang first wingsuit flying ko ‘yon, Kuya?” “Siyempre hindi kahit na na-gets niya ‘yon.” “Huh? Bigla akong na-pressure ulit, Kuya,” wika niya saka tinapik-tapik ang dibdib. “Nasubukan mo naman nang tumalon kaya magiging maayos rin ‘yon sa susunod basta magko-concentrate ka lang, Mihan,” paniniyak nito para bigyan siya ng kumpiyansa sa sarili. “Okay po.” Humugot siya ng malalim na hininga at pinakawalan iyon. *** Sumakay ulit sina Mihan, Logan at Kuya Banoy sa helicopter para mag-practice ulit ang dalaga. Hindi perpekto pero nagawa niya rin kahit paano. Sa pangatlo ay saka na niya nakuha iyon. Ilang beses pa siyang tumalon hanggang sinabi ni Logan na ayos na iyon. “You got the hang of it,” anitong tinapik ang kanyang balikat. Lingid sa kanya ay nanonood si Thiago sa kanya mula sa rooftop ng hotel gamit ang teleskopyo. “Nandito ka lang pala. Hindi mo man lang tinapos ang laro natin,” sabi ni Damian. Napalingon siya sa kaibigan at napangisi. “Sorry, amigo. I just found my perfect nemesis that I want to play with.” Napatawa si Damian kahit paano. “The perfect nemesis?” Pagkatapos ay napatango ito. “Oo nga naman. Tingin mo sa lahat ng mga babae ay kaaway mo pero ginagamit mo.” “Ah, spare me your preaching, Damian,” turan niya na napaungol nang marahan at saka umupo sa isang silyang gawa sa bakal. May apat pang parehong silyang iyon na nakapalibot sa isang mababang mesa na gawa rin sa bakal. Kinulayan ang mga ito ng itim. Ipinatong niya ang teleskopyo sa mesa at sinulyapan ang kaibigang umupo sa tapat niya at naka-dekuwatro. Tinitigan siya nito nang maigi. “So, this one is your newest nemesis, huh? Ano naman ang gagawin mo sa kanya? Mukha namang hindi interesado sa ‘yo. I heard she’s a stuntwoman.” “Huh. Ang bilis talaga ng balita. Kuha agad sa radar mo, Damian.” “I work at the hotel after all. I know all my clients, ThiQ,” kalmanteng sagot nito. “Aren’t you supposed to be cautious? Baka masaktan ka lang ulit, ThiQ,” dagdag nito sa parehong tono. Ngunit ang mga mata ni Damian ay tila nanunuot sa kaluluwa niya. Hindi siya sumagot agad kundi ay inubos niya muna ang laman ng kopita na may dilaw na cocktail. “No, Damian. I won’t get hurt ever again. That, I promise you,” paninigurado niya. Ngumiti sa kanya nang makahulugan ang kaibigan at saka ito napatingin sa papalubog na araw. “You know she’s different, isn’t she?” Napatitig siya sa kaibigan. “I agree, so I want to tease her death.” “I hope you’re not the one who’s going to die in her hands, my friend,” saad ni Damian. Biglang tumunog ang cell phone nito kaya naman ay iniwan na siya ng kaibigan. Mukhang may sekreto ang kaibigan niya. *** Naningkit ang mga mata ni Mihan nang makita ang kanyang kapatid sa bahay. Nakaupo ito sa harap ng TV sa may maliit nilang sala. Batid niyang day off ngayon nito hanggang kinabukasan. Sana naman ay hindi na nga ito bumalik sa pagsusugal kung ganitong narito ito sa bahay nila. “Binisita mo man lang ba si Nanay sa ospital habang wala ako?” sita niya kay Habagat. “Ikaw ang hindi nagpakita roon mula pa kahapon. Saan ka ba nanggaling?” inis nitong balik sa kanya. “Huh! Nag-text akong kailangan kong magtrabaho. Malaki-laki rin ang magiging kita ko roon. ‘Tsaka tinanong kita kung binisita mo nga ba si Nanay, Kuya. Gusto kong malaman kung ayos lang siya habang wala ako.” “Ayos lang siya. Hindi tumawag ang nurse na may nangyaring masama sa kanya,” pakli nito. Nanlaki ang mga mata ni Mihan sa sinabi ng kapatid. Ibig sabihin ay hindi ito pumunta ng ospital. “Kuya, wala ka bang pakialam kay Nanay?” Napatayo ang binata at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya. “Mihan, ilang buwan na siyang hindi nagigising. Malaki na ang utang natin at babayarin sa ospital—” Biglang uminit ang sulok ng mga mata ng dalaga at namilisbis ang luha sa kanyang pisngi. “A-ano’ng ibig mong sabihin? Na… na susuko na lang tayo? Gusto mong alisin na lang natin ang life support niya? Gano’n ba, Kuya?” Napatingin sa kanya nang desperado ang kapatid. “Mihan…” Napakuyom ng mga palad ang dalagang nakatingin sa nakatatandang kapatid sa nanlalabong mga mata. “Ayokong mawala si Nanay, Kuya! Ayoko pa. Hindi pa ako handa! Kailangan pa natin siya sa buhay natin, Kuya.” Tila may pagmamakaawa sa boses niya. Napatiim-bagang ang kanyang kapatid at namumula rin ang mga mata nito. Napaiwas ito ng tingin. “Malaki ka na, Mihan. Hindi mo na kailangan si Nanay.” “Kuya!” Hinihingal siya sa galit para sa kapatid at sa awa para sa kanilang ina na nasa ICU pa rin hanggang ngayon. “Gano’n na lang ba ‘yon? Porke ba malaki ka na ay hindi mo na kailangan si Nanay? Porke ba wala na siyang silbi sa ‘yo ay hindi mo na siya kailangan ngayon, ha? Ano’ng klase kang anak?” Patuloy na dumaloy ang masaganang luha sa kanyang pisngi. Napasinok-sinok pa siya at halos hindi makahinga nang normal. Para pang may bumara na kung ano sa kanyang lalamunan na pilit niyang itinulak sa pamamagitan ng paglunok ng laway. Hindi nakasagot ang kanyang kapatid at sa halip ay iniwan na lang siya nitong mag-isa sa sala. Pumasok ito sa maliit nitong silid at ini-lock ang pinto. Napahagulhol na lang si Mihan at pabagsak na umupo sa luma na nilang sofa. Nasa mukha niya ang dalawang kamay at napaisip sa kanilang kawawang ina na nasa ospital. ‘Nay… Ayos lang na kahit na malilibing pa tayo sa utang basta gagaling ka lang… Ayaw kitang sukuan, ‘Nay! Hinding-hindi kita pababayaan, pangako ko ‘yan sa inyo…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD