Chapter 1: Kabiguan
Para kay Thiago Quiroga, napakaespesyal na araw iyon ng Linggo. Gabi na at heto siya sa isang flower shop malapit sa Dorrego Plaza sa Buenos Aires. Hanggang sa bandang dito na nasa tapat ng plaza ay maririnig ang sobrang malakas na musika mula roon kung saan may mga lokal na sumasayaw ng tango. Bilang Argentine at taga-Buenos Aires, alam niyang may mga ganitong palabas sa mga espesyal na araw sa plaza lalo na kapag ganitong Linggo. Hanggang hating-gabi ang sayawan at dinudumog iyon ng maraming tao mapa-lokal man o dayuhan para mapanood ang magagaling na mananayaw.
Ilang beses na rin silang nanood ng ganitong kasiyahan ng kanyang nobyang si Malena Carizo. Isang taon at kalahati na silang magkatipan at mahal na mahal niya kaya naman ay sigurado siyang ito na ang pakakasalan niya sa edad niyang beinte y singko anyos. At sa gabing ito ang plano niyang mag-propose na sa kasintahan.
Naaamoy niya ang iba’t ibang halimuyak ng mga bulaklak sa loob ng flower shop. Nakikita niya rin ang mga nakahilerang iba’t ibang preskong bulaklak na nakalagay sa vase malapit sa salaming bintana, sa bandang kanan niya. Sa kaliwa naman ay isang display platform na pahagdan at nakaharap din sa salaming bintana para makita ng mga tao at makakaengganyo ng mamimili.
Lumapit si Thiago sa may counter at saka kinausap ang may-ari ng flower shop. Nakilala na siya nito nang dahil dito siya madalas bumibili nang personal para sa nobya niya. Maganda ang may-ari na nasa mid-thirties to late thirties nito, bilugan ang hugis ng katawan, dark brown ang nakataling buhok at palagi itong nakasuot ng saya at blusa na pinaparesan ng low high heels.
Binili niya ang isang pumpon ng pink roses na may halong puti, ang paborito ng kanyang nobya. Pagkatapos ay may isinulat siya sa card: ¿Te quieres casar conmigo, Malena? (Will you marry me, Malena?)
“Es un momento especial, ¿no? (It’s a special moment, isn’t it?)” ang saad ng may-ari ng flower shop nang may maluwag na ngiti habang ibinigay sa kanya ang pumpon ng bulaklak.
Medyo napakiling siya ng ulo na nakatingin sa babae. “¿Como sabes eso? (How do you know that?)” balik niyang nakangiti. Masyado ba siyang halata? Napaisip tuloy siya.
“¡Te ves tan… buena onda y especialmente guapo esta noche! (You look cool and especially handsome tonight!)”
“Muchas gracias (Thank you),” nasabi na lang niya na nakangiting binayaran ang bouquet. Isinuksok niya rin ang maliit na heart-shaped card sa pumpon.
Nagpaalam na siyang umalis pagkatapos niyon at nakasakay na sa kanyang mamahaling kotse nang biglang tumunog ang kanyang cell phone. Napangiti siya nang makitang tumatawag ang kanyang nobya. Nakakonekta naman na ang smartphone sa Bluetooth ng kanyang kotse kaya sinagot niya ito habang nagmamaneho na.
“Hey, estoy de camino al restaurante (Hey, I’m on my way to the restaurant),” mabilis na sabi niyang nakatingin sa daan. Medyo ma-traffic pa naman papunta sa napag-usapan nilang restoran kaya pahinto-hinto rin siya.
“Lo siento, cariño. No me siento bien, ¿podemos cenar la próxima vez? (I’m sorry, babe. I don’t feel well, so can we just have dinner next time?)” wika ni Malena.
Bigla siyang napapreno dahil sa narinig at agad na nag-aalala para sa katipan. “¿Qué? ¿Necesitas ir al hospital? ¡Estaré ahí! (What? Do you need to go to the hospital? I’ll be right there!)” Narinig niya ang malakas na pagbusina ng nakasunod na kotse kaya naman ay napilitan na siyang patakbuhin ulit ang sasakyan. Buti na lang ay hindi siya nabundol sa likuran.
“No, no tienes que hacerlo. Me quedaré dormido. Te veré mañana, ¿de acuerdo? (No, you don’t have to. I’ll just sleep it off. I’ll just see you tomorrow intead, okay?)” mabilis na tanggi ng kasintahan.
“Pero, Malena—” umpisang salungat niya.
“¡Estaré bien, cariño! No hay necesidad de preocuparse, ¿de acuerdo? Te veré mañana por la noche. ¡Adiós! (I’ll be fine, babe! No need to worry, okay? I’ll see you tomorrow evening. Bye!)” At tinapos na nga ang usapan nila.
Napabuga ng hangin ang binata. Naisip niyang dumaan na lang sa pinakamalapit na pastry shop sa apartment building ng katipan. Bumili siya ng paborito nitong cake, Rogel. (Ang Rogel ay binubuo ng maraming manipis na mga layer na may creamy dulce de leche sa pagitan. Tradisyonal na may kasamang walong layer ang cake, habang ang tuktok ay karaniwang pinalamutian ng Italian meringue. Hindi ito nawawala sa mga espesyal na okasyon sa Argentina.)
Walang kinse minuto ay nasa harap na siya ng mamahaling unit ng kanyang nobya na nasa panglabing-limang palapag. Mula roon ay nakikita niya ang sobrang magandang night view ng Buenos Aires na puno ng buhay na pinangungunahan ng malamig na ilaw na puti at maputlang berde, at may halong ginto at asul. Matatayog ang mga matataas na gusali at hindi niya nakikita ang madilim na kalangitan.
Napatingin pa siya sa kanyang dalang gamot, cake at bouquet nang nakangiti. Naisip niyang masosorpresa talaga ang kasintahan niyang nandito siya. Binuksan na niya ang pinto dahil sa alam naman niya ang kombinasyon ng numerong gamit ng dalaga. Pumasok na siya kaagad pagkabukas ng pinto.
Natigilan na lang siya nang marinig ang paimpit na mahabang ungol ng kanyang nobya. Bigla siyang kinabahan na baka sobrang sakit ng nararamdaman nito at kailangan nito ng ospital, taliwas sa nais ng babae. Agad siyang kumilos pakanan nang may pagmamadali kaya ilang hakbang lang ay nasa may silid na siya ng dalaga.
“Malena!” tawag niya pa sabay tulak sa hindi masyadong nakapinid na pinto.
Bumulaga na lang sa paningin niya ang hubad na babaeng nakatuwad, nakahawak ang mga kamay sa may gilid ng kama habang ang kasama nitong lalaking hubad din ay nasa likuran nito nakatayo at nakahawak sa maliit na baywang ng kasintahan.
Napakuyumos siya sa hawak na pumpon ng bulaklak at carton ng cake na animo’y pinilipit na niya ang leeg ng dalawang nasa harap niya ngayon.
“Thiago!” bulalas ng babae nang makita siya, nanlaki ang mga mata. Naitulak nito ang kaniig na lalaking nagulat din sa pagdating niya at saka umupo ito sa kama nang hindi man lang nagtakip sa kahubdan at kitang-kita ang nakatayo pa rin nitong p*********i. Samantalang kinuha ni Malena ang kumot upang ibalot sa katawan para harapin siya.
Napailing-iling ang binata. “Dijiste que estabas enfermo, por eso no puedes venir a nuestra cena del mes. ¡Pero aqui estas, follando con alguien! (You said you’re sick, that’s why you can’t come for our monthsary dinner. But here you are, f*****g someone!)” sigaw niya sa babae na halos nanggagalaiti dahil sa hinagpis, sakit at selos.
Napalunok ang beinte y dos anyos na babae at hindi man lang makapagpaliwanag sa kanya.
“¿Ni siquiera piensas o te sientes culpable cuando se supone que es una ocasión especial para nosotros? ¿Cómo pudiste hacerme esto a mí? ¿O has olvidado que en realidad es una noche especial para nosotros? (You don’t even think or feel guilty when it’s supposed to be a special occasion for us? How could you do this to me? Or have you forgotten it’s actually a special night for us?)”
“Thiago… Lo siento. Olvidé que es nuestro mesario. Pensé que era solo otra cita para nosotros... ¿Pero sabes qué? Tienes razón. He perdido mi mente. Siempre estás ocupado con tu trabajo y déjame a un lado. Entonces tal vez esa es la razón por la que simplemente... me enamoré. (I’m sorry. I did forget it’s our monthsary. I just thought it’s just another date for us... But you know what? You’re right. I lost my mind. You are always busy with your work and set me aside. So maybe that’s the reason why I just... fell out of love.)”
Matalim niyang tiningnan ito sa mga matang kulay light brown. “Huh! ¿Cómo pudiste decirme eso a la cara? Siempre presto atención a tus necesidades. (How could you even say that to my face? I always pay attention to your needs.)” aniyang iginiit ang huling salita.
“¡Pero no suficiente, Thiago! (But not enough, Thiago!)” Nagtaas-baba ang dibdib ng babae. Halata iyon kahit na nakahawak ito sa kumot sa bandang mayamang dibdib nito. “Y no creo que volvamos como antes. Estoy enamorada de él. (And I don’t think we’re going to get back as before. I’m... in love with him.)” Napakumpas pa ito sa direksyon ng lalaking kaniig.
Uminit na ang sulok ng mga mata ng binata pero pinilit niyang magpakatatag. Kahit na iyon pa ang pinakamasakit na mga salitang narinig niya—na iba na ang mahal ng babaeng mahal niya.
Wala nang salitang namutawi sa kanyang bibig at napasinghot. Sa halip ay naisip niyang hinding-hindi na siya magmahal pa dahil sa sakit na dulot nito na halos hindi siya makahinga.
Nilisan niya ang makasalanang silid na iyon at saka itinapon sa basurahan ang mga regalong dala niya para sa babae.
‘¡Nadie merece mi corazón! (No one deserves my heart!)’ sa isip pa niya.