Chapter 29: Pigil Lang

2168 Words

Atubili si Mihan na pumasok sa restoran kahit kasama niya si Yhona. “O, ba’t parang umandar yata ang pagka-inferior mo ngayon, Mihan?” puna ng kaibigan niya. Sinulyapan nito ang kanyang kamay na basta na lang napahawak sa braso nito. Para siyang bata na kumapit sa ina. Hinila na siya nito papasok sa loob at mabilis siyang napatingin sa paligid. Elegante ang mamahaling restoran na iyon. Halata agad sa maliliit na kumikinang na chandeliers na may disenyong nakabaliktad na kabuteng nakabitin sa kisame. Maaliwalas ang lugar at maganda ang pagkakaayos ng mga pabilog na mesang nakahilera nang perpekto. May dalawang hilera ang mga ito saka puro malaginto ang nakatabong tela sa mga mesa. Bumagay ito sa malaginto ring kulay ng dingding sa kanang bahagi kung saan may matingkad na mural ng pagsikat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD