Chapter 28: Init

1594 Words

Nagulat si Mihan sa kanyang nagawa. Hindi niya sinadyang sampalin nang ganoon kalakas ang binata. Reflex lang iyon sa kanya. Buti at hindi kamao ang gamit niya kundi ay panibagong pasa iyon na maaangkin sana ni Thiago. “S-sori…” nasambit niya at gumulong palayo sa binata saka umupo nang nakatiklop ang mga tuhod na animo’y magme-meditate siya. “Hindi ko ‘yon sinadya.” Pansin niya ang paghawak nito sa pisngi at hinimas-himas iyon. Napakagat-labi ang dalaga at napahiya sa nagawa. Kung tutuusin ay nasa awkward position siya nang magising at hawak nito ang gilid ng dibdib at hita niya. Bumalik ba naman agad sa kanya ang mainit na tagpo sa hotel. Nang analisahin niya ang kanyang kalagayan na iyon nang magising ay muntik na nga siyang mahulog kung hindi siya nahawakan at nasalo ng binata. Sobr

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD