Unti-unting pumikit si Mihan nang maramdaman ang malambot at masarap na labi ni Thiago. Para siyang naka-program at awtomatikong tumugon sa bawat galaw nito. Ibinuka niya pa ang kanyang mga labi hanggang sa dumiin ang paghalik nito sa kanya. Lumalim. Lalong mapaghanap. Isang mahinang haluyhoy ang tumakas sa kanya nang maging mas mapusok pa ang mga halik ng binata. Napaanas siya sa pangalan nito at bumilis ang kanyang paghinga. Parang may nagsihabulang mga kabayo sa loob ng kanyang dibdib sa lakas ng pagtibok ng kanyang puso. Muli siyang napahalinghing nang bumaba ang mainit na labi ng binata sa kanyang panga at leeg. Napatagilid ang kanyang ulo upang bigyan ito ng daan at niligo nito ng halik ang bahaging yaon ng kanyang leeg at pababa sa kanyang balikat kung saan puwede pa nitong maab