Chapter 3: Landing on Him?

1565 Words
Ilang araw rin ang pagyayate ng magkaibigang sina Thiago, Ax, Mike, Nicklaus, Damian at iba pa. Exclusive sa kanilang magkakaibigan lamang ang Isla del Amor Yacht Club na itinayo nila nang halos isang dekada na rin. Dumaong sila sa Manila at nagkaroon ng party sa kanyang yate kinagabihan. Maganda ang panahon at maaliwalas ito. May mga babaeng dinala ang ilang bisita nila na kakilala kalimitan ng mga kaibigan niyang taga-Pinas kaya naman nagsasayawan ang mga ito sa malakas na tugtog ng EDM (electronic dance music). Pati ang mga kaibigan niya ay may ka-date na isinama sa yate niya, maliban na lang kay Mike na laging seryoso sa buhay, ayaw mag-asawa at siyang pinakamatanda sa kanilang magkakaibigan sa edad na trenta y siyete—pitong taon ang tanda nito sa edad niyang trenta. Pinsan ito ni Klaus kaya nakaladkad nito sa grupo nila. Kung si Mike lang ang masusunod, mananatili lang ito sa isla kapag wala silang ganitong annual cruising at bonding nila, baka nagbabasa lang ito ng kung ano-anong libro o kaya ay nagga-gardening. May iba’t iba pa silang ginagawang magkakaibigan maliban sa pagyayate at isa na rito ang pag-go-golf doon sa isla na sakop ng Aurora Province. Bilang matalik na magkakaibigan ay may malaki rin silang shares sa Isla del Amor Country Club Hotel, maliban sa kani-kanyang negosyo. At kapag nagkakakumpol-kumpol sila, lalo na kapag nasa Pilipinas siya ay sadyang todo-todo ang kasiyahan nila. Sa taas ni Thiago na six feet, mas matangkad sa kanya nang dalawang pulgada si Mike. Tulad niya ay nakasuot ito ng kaswal, jeans, shirt at loafers. Nakapamulsahan itong nakasandal sa safety rail sa upper deck ng yate niyang pinangalanan niyang Alegría (Joy). Lumapit siya rito saka ibinigay ang isang kopita ng alak. “Che, amigo! (Hey, man!)” aniya rito. “Hey! Thanks, Thiago,” sabi naman nito sa kanya na bahagyang ngumiti. Itinaas ni Thiago ang kopita at sabay nilang ininom ang laman ng kani-kanyang kopita. Napasulyap siya sa kalangitan kung saan nagkikislapan ang mga bituin. Kahit paano ay nakikita naman nila iyon dito. Pero mas magandang mag-stargazing sa isla kaysa Manila. May parapet ang bubong ng mansion niya kaya tumatambay siya roon paminsan-minsan kung hindi man sa yateng nasa daungan malapit din sa bahay niya o kaya sa marina. “Who’s the unfortunate girl tonight, ThiQ?” Bahagyang napangisi sa kanya si Mike na napagala ng tingin sa gitna ng deck na ginawang dance floor. Sa mga kaibigan ay iyon ang palayaw niya paminsan-minsan lalo na kapag inaasar siya. Mula iyon sa pangalan niya (Thiago) at sa unang letra ng kanyang apelyido (Quiroga). Bukod doon ay may istorya ang pagiging “ThiQ” (pronounced as “thick”) niya simula noong makita siya ng isang hotel staff na nakipagtalik sa isang kliyente ng hotel doon sa gazebo. Iyon ay bago pa man siya naging seryoso kay Malena. Iginiit pang sobrang “thick” at laki raw ng sa kanya at kaya napatirik talaga ang kaniig niya noon. Kumalat pa sa isla ang kuwentong iyon dahil sa babaeng hotel staff na iyon at nakilala na nga siya bilang “ThiQ.” Gayunpaman, hindi naman napatalsik ang staff kahit sa pagkatabil ng dila nito dahil wala naman siyang pakialam. Binigyan naman ito ng warning ng kaibigan niyang may mataas na posisyon sa hotel, si Damian. Dumungaw si Mike sa ibabang deck kung saan may nagkukumpulan at naghahalikan din, may mga naghahalakhakan at naglalandian. Patungo na iyon sa kung saan, sana nga lang hindi sa baba kung nasaan ang cabin niya na off limits sa kahit na sino. May bantay naman siya roon kaya safe iyon. Kung may magtatangka man, paalisin ang mga iyon sa yate niya. Wala pang ibang nakakatulog doon sa cabin niya kundi siya lang. Thiago chuckled. “You can choose for me if you want.” May panghahamon sa boses niya. Alam niya kasing parang hindi ito tumitingin sa babae kung maaari dahil naniniwala itong kasamang namatay ng fiancée ang pangarap na magkaroon ng pamilya. “You’re chaffing me, aren’t you?” Parang gusto siya nitong sapakin at lalong lumapad ang ngisi niya. “Mierda! (s**t!) Why can’t you just choose, Mike? Look around us! There’s a lot of them. It’s not that hard to point your finger to one.” Ikinumpas pa ni Thiago ang isang kamay habang nakangisi sa kaibigan. Napailing ito sa kanya. “I’m not the one who’s going to sleep with the woman but you, ThiQ. Why the hell should I choose for you? You’re crazy, man!” Ininom na nito ang natirang laman ng kopita saka inilagay sa tray na hawak ng isang babaeng tagapagsilbi sa party. “You don’t get it, Mike, do you?” Napailing naman si Thiago rito. “If you don’t want to marry, then you can just get laid!” Alam niyang hindi naman ito mahihirapan kung sakali dahil kitang-kita naman na niya na kung hindi sa kanya napapatingin at halos maglalaway ang mga babae ay sa kaibigan niya naman nakatitig. Mike scoffed. “Just like you?” pakli nitong nanghahamon din ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. “No way, man. I’m not insane to go along with your perverted game.” Umiiling itong muli. Ayaw talaga nitong patulan siya. Napatawa na lang siya nang malakas. “Chicken!” tudyo niya pa. Sinapak siya nito sa dibdib at napaubo siya pero hindi niya pa rin ito tinantanan hanggang sa bahagya nitong ikiniling ang ulo at tiningnan ang isang babaeng may mahaba ang buhok at sobrang seksi sa ikli ng damit na hapit na hapit sa katawan. Alam niyang napilitan na lang itong pumili kahit na random lang. Dahil siya naman ang nanghamon ay napilitan siyang lapitan ang babae sabay mura. Alam ng kaibigan na hindi niya iyon tipo talaga dahil sa sobrang putla. Tinawanan na lang siya ng kaibigan at ipinakita ang middle finger niya rito. Later that night after the party, he did f*ck that girl’s brains out at the yacht’s bridge just as she wanted it. *** Parang maiiyak si Mihan nang matapos ang tawag sa kanya ng sikat na stunt coordinator, si Kuya Banoy. May naghahanap daw ng female double para sa isang international movie na “The Mistress and the Assassin” dahil na-injure ang main stuntwoman nito sa filming. Inirekomenda siya ng kanyang stunt coordinator dahil kasing-taas at kasing-laki niya ang aktres na gumaganap at pinagkakatiwalaan siyang magagawa niya iyong mga stunt scenes. Laking pasalamat niya dahil baka magiging big break na niya ito sa international movie industry sa larangan ng stunt performances. Alam niyang mas malaki ang kikitain niya siyempre sa raket na ito. Kahit paano ay ang kakilala niyang stunt coordinator ay hindi nanghihingi ng porsyento sa kanya sa tuwing may ibinibigay ito sa kanyang trabaho dahil alam naman nito ang kalagayan niya, na kailangang-kailangan niya talaga ng pera sa panahong ito. Kaya naman ay napakasuwerte niya kay Kuya Banoy. Nalaman niyang may iba pang local stunt performers na kinuha para sa shooting at kasama roon ang kilala na niya sa organisasyon, si Trixie. Mga apat na taon na rin silang magkakilala nito at competitive ang isang ito. Katulad niya ay trainer nito si Kuya Banoy na nasa mahigit kuwarenta anyos na. Ngayon ay napabuga ng hangin si Mihan. Nakikita niya ang magandang hugis-pusong isla sa baba—parte ng probinsiya ng Aurora—ang Isla del Amor at mga bandang alas diyes ng umaga at sikat na sikat ang araw. Sakay siya, ang dalawang stunt coordinators at isang wingsuit flying expert sa isang helicopter para mag-practice siya sa kanyang wingsuit flying at pag-landing. Ang dropzone niya ay sa itaas ng dagat at dapat na magla-landing siya sa malaking lawn ng five-star hotel ng isla. Isa sa filming locations ng pelikula ang naturang isla na nasa isang oras o mahigit ang layo mula sa Baler sakay sa isang ferry. Nakikita niya ang ganda ng tanawin mula sa itaas habang halos nakabibingi ang tunog ng elisi ng helicopter. May parte ng isla na kakahuyan sa bandang kanan, isang landing strip sa kaliwa para sa mga private jets, mga malalaking mansion na malapit sa dagat, ilang helipads malapit sa mga mansion, maliliit na gusaling pang-komersiyal, malawak na golf course, mga yate na nasa kani-kanyang daungan at iba pa. “Ready?” tanong sa kanya ni Logan, ang American stunt coordinator. Napatango na lang ang dalaga kahit kinakabahan. First time niya ito kaya naman pinapa-practice siya pagkatapos ng ilang instructions sa kanya ilang araw na ang nakararaan. Nasubok na siya ng skydiving noon pero iba naman ang wingsuit flying. Less stable sa pagkakaalam niya at ayon na rin ng mga eksperto na nakausap niya. Lumundag ang puso niya nang lumundag din siya mula sa helicopter. Ramdam niya ang malakas na hangin habang lumilipad. Nagko-concentrate siya para hindi siya mag-off course sa target landing area niya. Ngunit dahil sa isang lumilipad na maliit na ibon ay nagambala siya. “Ahh! Jusko!” Akala pa naman niya ay babangga sa kanya at nag-panic siya nang saglit kaya naman ay nawala na siya sa kanyang destinasyon. Nanlaki ang mga mata niya nang papabagsak na siya sa golf course at hindi niya mabuksan ang drogue o kaya ang parachute kahit na hinila na niya ang string. At lalong namilog ang mga mata niya nang makitang hindi na siya malayo sa isang matipunong lalaking walang suot pang-itaas at mukhang dito siya mismo magla-landing…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD