“Come on, man! It’s just a game,” anang Niklaus Alexzander Calderon. “Hindi natin puwedeng sayangin ‘yong araw, o. Ano’ng oras na?” Ikinumpas pa nito ang araw na halos tirik na tirik na.
Napatingin si Thiago sa kanyang mga kaibigang sina Mike, Damian, Maximo, Klaus at iba pa. Nasa La Pasión Cafe sila, sa may beach, kakakain lang nila ng late breakfast bandang alas nuwebe. Nakatayo siya samantalang ang mga kaibigan ay nakaupo sa kani-kanyang plastik na silya sa ilalim ng malaking parasol na may kulay asul, dilaw at pula.
Malamig ang hanging sumampa sa kani-kanilang balat pero mainit pa rin ang panahon. Kaya naman tumambay rito ang mga kaibigan niya para uminom ng malamig na cocktail. Pansin niyang patingin-tingin sa mga babaeng naka-bathing suit ang iba niyang kaibigan sa likod ng shades na suot ng mga ito. Kahit siya man ay pasulyap-sulyap din sa mga magagandang dilag at may iilan na ring nakakuha ng kanyang pansin. Sa isip niya ay mamayang gabi na siya mangha-hunting ng chicks para ikama.
Napatawa siya ulit sa mungkahi ni Klaus. Umandar na naman ang pagiging mapaglaro nito.
“Are you serious? You want us to strip our clothes and jewelries one by one if we don’t get to shoot the golf ball in the hole?” Napakiling ng ulo si Mike sa suhestiyon ni Klaus.
“Estoy al pedo (I’m not doing anything), so why not? It’s a change anyway. It’s a bore if we just use money to bet.” Kumibit ng balikat si Thiago at ngumisi.
Agad silang nagsialisan nang pumayag na rin ang iba habang nagtatawanan. May iba pang nagtulakan na parang mga bata. Kapag ganitong nagkasama-sama sila ay nagkakaroon talaga sila palagi ng kasiyahan na para rin silang bumalik sa pagka-teenager.
“This is crazy,” pabulong-bulong pang anang Mike at tumayo na rin.
“Don’t be so uptight, Mike,” wika ni Thiago sa kaibigan at tinapik ito sa balikat.
“Don’t tell me you’re willing to strip naked in public, ThiQ,” dagdag ni Mike na nilingon siya.
“Wala namang mawawala sa ‘yo, ah,” sabi niya sa wikang Tagalog.
“You crazy f*ck. That’s why you’re ThiQ!”
Napatawa na lang si Thiago sa sinabi nito. Para na ring sinabi nitong exhibitionist siya. Wala naman siyang pakialam. He just wanted to enjoy life and the company of his friends.
***
Wala pang beinte minuto ay nasa golf course na sila, may dala ng kani-kanilang set ng golf clubs. Kanya-kanya na rin silang kumuha ng kanilang club na gagamitin sa paglalaro. Ang iba ay nasa golf bag carrier o kaya ay golf stand bag. Kumpleto ang mga ito ng iba’t ibang klaseng golf glub tulad ng putter, hybrid, fairway, driver, wedge at iba pa.
Napagkasunduan na ang pagkakasunud-sunod kung sino ang titira ng bola. Nasa teeing ground (o tee box) sila kung saan nagsisimula ang laro. Nauna si Klaus at nag-swing na. Napatawa sila nang bumalik ang bola nito imbes na pumasok sa hole.
Napamura si Klaus pero napatawa naman saka hinubad nito ang relo, inilagay nito iyon mga isang metro mula sa flag. Babalikan din nito iyon pagkatapos ng laro nila, binabantayan ng isang staff.
Nasa may water hazard na sila at nakahubad na ng pang-itaas katulad ng iba niyang mga kaibigan. Suot niya pa rin ang shades niya dahil sa silaw ng araw. Pero mamaya ay baka mapipilitan siyang alisin iyon bago siya makapaghubad—kung aabot man siya sa sitwasyong iyon.
Napangisi siya nang mai-shoot niya ang bola sa butas. Napatingala siya nang biglang napamura si Klaus at kahit na rin si Mike.
Siya man ay napamura din sa isip at napakunot ang kanyang noo. Hindi naman yata siya namamalik-mata lang sa nakikita. May pabagsak na naka-wingsuit at mukhang papunta sa kanya. Inalis niya ang kanyang shades nang wala sa sarili para makita ito nang malinaw.
Narinig niya pa ang pagtili ng babae at sa kanya ito lumanding at tila nagkaroon ng sariling isip ang mga bisig niya na sinalo ito. Napasinghap silang dalawa nang bumagsak sila sa lupang may berdeng d**o. Ang likod niya ang kumunekta sa lupa kaya naman ay napaungol siya pero kapwa namilog ang kanilang mga mata nang magtagpo at magdikit ang kanilang mga labi.