Hindi inasahan ni Mihan na gagawin ni Thiago ang lahat ng ito para sa kanya, para makita niya ang kanyang pamilya. Alam niyang napakamahal ng jet fuel. Malamang kahit magbabanat siya ng buto habang-buhay ay hinding-hindi niya mababayaran si Thiago sa lahat-lahat ng binibigay sa kanya. Pero sabi naman niya ay wala akong utang sa kanya. Napababa siya ng tingin dahil sa sobrang lagkit nitong makatingin sa kanya. Hayun na naman at halatang-halata ang pagnanasa sa mga mata nito ngunit wala naman itong ginawang kabastusan. O kahit na ano man na nagpaparamdam sa kanya ng kabastusan. Iyon nga lang ay parang gusto niyang magpapabastos sa binata pagkatapos ng nangyari sa kanila. Putik! Namamanyak na kaya ako nang dahil sa kanya? Lalong uminit ang pisngi niya sa isiping ito. Pilit niyang iwaglit