Ah, mierda! pagmumura ni Thiago sa isip habang napaungol. Hindi niya akalaing ang lakas palang sumuntok ni Mihan. Kasinglakas iyon ng mga ka-sparring partner niya sa gym. Sabagay, stuntwoman ito. Bakit nga ba niya nakalimutan iyon? Tuloy ay nagkapasa siya. Masakit pa ang panga niya na parang lumuwag ang ilang ngipin niya. Sana naman ay huwag siyang mabunutan at bawas pogi points iyon. Napahugot siya ng malalim na hininga at napatayo nang tuwid. Nakita niya kasing nag-walk out ang babae sa boutique. Kailangan niyang habulin ito. “That was epic, ThiQ!” pambubuyo ni Ax sa kanya na kay lapad ng ngisi. Bakit ko ba ‘to isinama rito? Mierda! Napagtanto niyang malamang gagawin siyang katatawanan ng gago kapag nakabalik sila sa isla at ipagkakalat ito sa mga kaibigan nila. Pero bahala na, kail