Naging abala ang boutique pagkatapos ng eksenang iyon nila ni Thiago. Kahit paano ay nawala sa isipan ni Mihan ang halik nito. Kaya lang ay bumalik iyon nang kinulit siya ni Yhona na ikuwento kung paano sila nagkakilala ng binata. Wala siyang nagawa kundi ang isalaysay ang lahat-lahat sa kaibigan habang kumakain sila ng pananghalian sa mini-kitchen ng boutique habang ang dalawang kasamahan niya ay nag-aasikaso ng mga kustomer at ang mga ito ang magkakaroon ng breaktime mamaya. “Paano kaya kung siya na ang nakalaan sa ‘yo, Mihan?” nasabi ni Yhona nang nakangiti sa kanya. Ngumiwi si Mihan at nagdikit ang dalawang kilay. “Ano? Sinaniban ka ba ng masamang espiritu? Ang manyak na ‘yon? Huwag na, salamat na lang! Ayos lang ako kahit na magiging matandang dalaga ako.” Lumabit si Yhona. “What i