Chapter 9: Paglitaw

1148 Words
Agad na napatingin sa direksyon ng magkaibigan ang kapwa saleslady ni Mihan na halos kaedad lang din nila. Binigyan siya agad ng mapanuksong tingin ng mga ito pero pilit niyang huwag pansinin iyon at nagpatay-malisya. “Hoy, tinatanong kita, Mihan,” kulit ni Yhona. “Hoy, magbubukas na tayo. Lampas sampung minuto na, o. Wala nang petiks-petiks,” sabi pa niya sa kasamahan na inignora ang sinabi ni Yhona. Pinandilatan niya pa ng mata ang dalawang kasamahan na umismid sa kanya. Sinulyapan niya si Yhona na pinasingkit ang bilugang kayumangging mga mata. Tumulis pa ang pininturahan ng kulay-rosas na mga labi nito. “Ba’t mo ba ako tinatanong niyan? Walang nangyaring first kiss!” pabulong na singhal niya sa kaibigan. Ramdam niya pa rin ang init sa kanyang pisngi. Nagdududa ang tingin ni Yhona sa kanya. Nakanguso pa rin ito at tinatantiya siya. “Eh, ba’t nagbu-blush ka?” pabulong na ring balik nito sa kanya, halata ang panunudyo sa tono. “Guilty ka, eh, ‘no? Ayaw mo pang sabihin sa ‘kin. Kailan ba ‘yon nangyari, ha? Sino ba ang lalaking ‘yon? Kilala ko ba? Teka, sinu-sino nga ba ang manliligaw mo?” Pinakunot nito ang noo at tila nag-iisip nang malalim. “Uy, hindi ko manliligaw. Wala na akong manliligaw. Idinespatsa ko na lahat sila,” wika niyang hindi naman makatingin sa kaibigan. Humugot ng hangin si Yhona sa pamamagitan ng ngipin at nakakiling pa rin ang ulo habang tinitigan siya. “So, may bago kang lalaki at hindi mo sinasabi sa ‘kin?” “Hoy, ano’ng pinagsasabi mong may bago akong lalaki? Para namang ang dami-dami nila. Eh, sabi mo nga never been kissed pa ako, ‘di ba?” “Never pa nga ba talaga, ha?” Umarko ang kilay ng kaibigan. “Sabihin mo na kasi ang totoo, Mihan!” Bumuka ang labi niya para sana magpaliwanag nang tumunog ang butterfly chimes ng boutique, hudyat na may pumasok na kustomer. Napalingon siya sa entrance/exit ng boutique at nanlaki na lang ang mga mata niya nang makita si Thiago na pumasok doon at may kasama pa itong matipuno at guwapong lalaki. Namukhaan niya rin ito. Agad siyang napatingin sa harap niya, sa kanyang kaibigan, para hindi makita ni Thiago ang mukha niya habang ang traydor na puso niya ay sumirko at lumakas ang pagpintig. Bakit siya nandito at ganitong oras pa? Hindi naman niya siguro alam na dito ako nagtatrabaho, ‘di ba? Ni hindi niya alam ang pangalan ko. Uy, ‘wag masyadong assuming. Baka nagkataon lang na nandito siya. Baka may girlfriend siya o kaya itong kaibigan niya na gusto nilang bilhan ng regalo kaya nandito sila. Nakatuon lang ang pansin ni Mihan sa harapan at dahan-dahan siyang naglakad nang patagilid. Ayaw niyang makilala siya ni Thiago at baka kukulitin siya o ano pa man kung naalala nga siya nito. Kailangan niyang magtago sa silid ni Yhona sa may likod ng boutique hanggang sa makaalis na ang dalawang lalaki para makaiwas na rin. Nanlaki na lang ang mga mata niya nang bigla siyang hawakan ni Yhona sa kamay para pigilan sa gagawin. “Saan ka pupunta? May kustomer tayo, o,” anang kaibigan niya. Nginitian pa nito ang dalawang lalaki. “Kaya na ‘yan nina Lota at Rizza,” pabulong niyang pakli. Naningkit ang mga mata ni Yhona at napatikom ng bibig si Mihan. Napasulyap ito sa dalawang guwapo at matipunong mga lalaki. Tila lalong nagdududa agad ang paningin nito nang bumalik sa kanya. “Magpapaliwanag ako sa ‘yo mamaya, promise!” aniya nang pabulong pa rin at saka mabilis na tumalilis. Subalit bigla rin siyang napahinto nang tinawag ni Thiago ang pangalan niya. “Mihan!” Tila siya biglang naging estatuwa na animo ay may kapangyarihan ang boses na iyon bago pa man makarating sa silid ni Yhona. Namilog ang mga mata niya at nanatili sa kanyang kinaroroonan nang hindi gumalaw. “It’s you, right?” dagdag pa ni Thiago. Sa sulok ng mata niya ay nakita niyang nakapokus sa kanya ang atensyon ng lahat, lalo na nang lumapit sa kanya ang lalaki. Napagtanto niyang huli na ang lahat. Sa una-una pa lang ay wala na talaga siyang kawala rito pero hindi pa rin siya lumingon sa binata. “I thought you’re in Isla del Amor to film,” dagdag pa ng lalaki nang kaswal na tila ba ay matagal na silang magkakilala. Dahil dito ay bigla siyang napaharap na nanlaki ang mga mata. “A-alam mo ang tungkol do’n?” Sa isang sulok ng kanyang mata ay lumapit sa kanila ang kanyang kaibigan na tila pinunit ang mga labi sa laki ng ngiti. “Of course. My friend’s working at the hotel, so I heard about it. And I did watch you doing your wingsuit jumps,” turan nito. Lalong namilog ang mga mata ng dalaga sa narinig. “Oh, so you do know each other. I’m Yhona, by the way, Mihan’s best friend,” sabat ng kanyang kaibigan at inilahad ang kamay sa binata. Napatingin si Thiago sa kamay ni Yhona nang ilang saglit bago tumango at tinanggap. “I’m Thiago Quiroga. Pleasure to meet you, Mihan’s best friend.” Agad din naman nitong binitiwan ang kamay ni Yhona at napatingin ulit kay Mihan. “So… this is where you work,” ang obserba nitong kinausap ulit si Mihan. Pinasadahan pa nito ng tingin ang kanyang beige na uniporme—blusa na may maikling manggas at slacks—na nakahapit sa kanyang katawan, pinaresan ito ng two-inch high-heeled closed shoes. “Yes, this is her actual day job, and I’m her employer,” ang kumpirma ni Yhona nang nakangiti kay Thiago. Sumingit-singit talaga ang bruhildang ‘to. Sinipat-sipat pa ni Yhona ang binata mula ulo hanggang paa, pati na rin ang kasama nitong pangiti-ngiti lang. “I’m Yhona, Mihan’s best friend,” at saka inilahad din ang kamay sa pangalawang binata. “Maximo Salvatore. Just call me Ax,” anitong nakipagkamay nang nakangiti sa dalagang negosyante. “T-teka lang, stalker ba kita?” sita ng dalaga kay Thiago nang nakasimangot. Napatawa si Thiago nang hindi man lang napikon o naasar sa sinabi niya. “I’m just wondering if you’re not supposed to be on the island since you’re part of the stunt crew.” “Pakialam mo?” “Aba, ang taray nito,” ang komento ng kaibigan niya na inirapan siya. “Don’t mind her. I’m actually glad to meet you, Thiago, Ax.” Napasulyap si Mihan sa kaibigan. “Glad?” alunignig niya pang napataas ang mga kilay. Bahagya siyang hinampas ni Yhona sa kanyang braso at napasimangot siya rito habang hinaplos iyon. Ano kaya ang nasa isip ng babaeng ‘to? Nakangiti itong bumaling kay Thiago. “Tell me, you’re Mihan’s first kiss, aren’t you?” Nandilat ang mga mata at nalaglag ang panga ni Mihan sa itinanong ng kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD