Uminit ang pisngi ni Mihan. “Huwag mo na ngang banggitin ‘yan!” angil niya nang pasutsot. Napalinga-linga pa siya sa paligid para masiguradong walang nakarinig na iba sa sinabi ng binata. Nasisiyahang nakatitig sa kanya nang malagkit si Thiago at namumungay pa ang mga mata. Tila tumalon tuloy ang puso niya ngunit pilit niyang huwag magpahalata na nako-conscious siya sa ginagawa nito. Bakit ba ang guwapo-guwapo ng pesteng ‘to? Ang puso ko naman parang baliw. Bakit may patalon-talon pang nalalaman? ‘Di ba puwedeng kalmante lang? Buwisit talaga! “We’re on this topic, aren’t we?” Ayaw paawat ng mokong kaya naging linya ang mga labi ng dalaga. “Titigil ka ba o hindi?” May pagbabanta sa tono niya. Napatikom ng bibig si Thiago. “Fine!” Sumulyap ito sa pagkain na natapos na rin niya. “Drin