I exited Life’s Vios not waiting for him to open up the door for me just like what he used to do. Hindi ko naabutan si Tita sa harap ng bahay nila na nagdidilig ng mga halaman o sa kusina nila, siguro ay nagpapahinga siya sa k’warto nila ni Tito, si Tito naman ay alam kong mamaya pa darating. Agad akong umakyat papasok sa guestroom ng bahay nila at humiga sa kama.
I feel so damn hurt. ‘Yong mabigat na bagay sa dibdib ko mula kanina ay hindi pa rin nawawala. I can’t get over of what had happened. I’m hurt. It hurts. It really is. And the worst part of it is, si Alison pa. Gusto kong magalit kay Alison pero hindi ko magawa.
Just by thinking how good friend she has been to me, makes me want to curse myself repeatedly.
Why do I have to fall in love with Life? If only I can turn back time then I would turn it back the moment that I fell for him. I’ll surely do everything just to stop the feeling.
Pero kung kaya ko mang gawin iyon, hindi ko rin alam kung saan babalik dahil hindi ko nga maalala kung kailan at paano ko siya minahal.
“Nerdy, are you okay?” tanong ni Life na kakapasok lang. Tumango ako at pumikit ng mariin.
“I’m just really tired,” sagot ko.
“You don’t look fine. At kanina ko pa napapansin. I thought it was just a part of your act.” Hindi ako kumibo. “or was it just my idea? I mean, do you have a problem that you’re not telling me?” again, I didn’t utter any single word. “Come on, Nerdy. Tell me, we’re best friends right?”
Right.
And as if it was that easy. If only I can tell you how much I love you then I will. But I can’t. Not because I don’t want to but because there’s an invisible line between us that I shouldn’t cross, not just yet.
At hindi ko nga alam kung dapat ko bang apakan ang linyang iyon.
Isa sa mga kahirapan kapag nahulog ka sa matalik mong kaibigan na dati ay sinasabihan mo ng problema. Kapag nasasaktan ka na ng dahil sa kanya ay hindi mo masabi. Hindi mo maamin na siya ang problema mo.
“I’m really okay, Life.”
I’m okay. Dalawang simpleng salita na ang hirap sabihin lalo na kung alam mong nasasaktan at nagsisinungaling ka.
“Nerdy,” may bakas ng otoridad ang boses niya nang sabihin iyon. Napailing na lang ako.
I’m sorry Life, but I can’t tell you how I feel. Not now. Not just yet.
“I’m fine, really.”
“Are you sure?” tanong ulit niya.
Tumango naman ako at ngumiti kahit na alam kong pilit. Kahit na alam kong kahit na anong oras ay p’wede nang tumakas ang mga luha sa mga mata ko.
“Okay, I guess you need to rest. I’ll make sure I’ll perfect our quiz tomorrow so that you can help me again with Alison.”
Napabuntong hininga na lang ako at napapikit ng mariin dahil sa sinabi niya.
Masakit.
Hindi ko alam kung ilang beses ko nang sinabi pero iyon ang nararamdaman ko ngayon.
“Whatever, Life,” sagot ko na lang at hindi ko na siya pinansin.
Agad kong tinakpan ng unan ang mukha ko, kasabay no’n ay ang pagtulo ng luha mula sa mata ko.
Tahimik akong umiyak.
I cried the pain, the hurt and all the stupidity I have in me. If only I can do something to ease the pain then I will gladly do it just to get rid of this damn feeling.
Pero wala na. Huli na. Lunod na ako at hindi ko nga alam kung makakaahon pa ako. Hindi ko ginusto na mahalin ko siya.
At hindi ko rin magawang aminin ang nararamdaman ko kasi natatakot akong mawala siya sa akin gayong siya lang ang meron ako.
Paano kung pati siya mawala rin? Paano na ako? Wala nang matitira sa akin. Kapag nangyari iyon, sa tingin ko ay tuluyan na akong tinalukuran ng mundo.
“Nerdy, dinner’s ready!” marahan kong imunulat ang mga mata ko nang marinig si Tita na kumakatok sa pinto ng guestroom.
I took a glance at the wall clock and saw that it’s already seven in the evening. Nakatulog na pala ako.
“Yes po tita, coming.”
Agad akong tumayo, nagtungo sa banyo at naghilamos. I don’t want them to notice that I just cried. Paniguradong uusisain lang nila ako at ayoko nang magdagdag ng panibagong kasinungalingan.
“Pasensiya na po hindi ako nakatulong sa inyo sa paghanda ng hapunan, napagod po kasi ako sa school kaya nakatulog ako,” magalang na saad ko nang umupo na ako sa tabi ni Life.
“Good thing then, you know exactly that I won’t let you help, tama lang na nagpahinga ka,” sagot ni Tita Rose nang nakangiti kaya napangiti rin ako.
“Nakakahiya naman po sa inyo, kaya ko na naman pong tumira mag-isa sa bahay namin, ewan ko ba kay Papa kung bakit inabala pa kayo,” nahihiyang saad ko.
“Why sweetie, don’t you want live with us anymore?” ngumuso pa si Tito Armando nang sabihin iyon kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagtawa.
“It’s not like that Tito, nahihiya lang po talaga ako sa inyo kasi alam ko naman na sobra ko na kayong naabala,” sagot ko naman.
“Sus, huwag mo ngang isipin iyon, hindi ka magiging abala sa amin, at kung sakaling ibigay ka man sa amin tatanggapin ka namin ng walang pagaalinlangan. Nerdy, you know exactly how much we wanted you to be our daughter, right?” marahan akong tumango at ngumiti sa sinabi ni Tita.
“Thank you po,” magalang ulit na sagot ko.
Did I already mention that Life is a miracle child? I don’t know what exactly happened but Tito and Tita were caught in an accident when Tita was pregnant with Life for seven months. Dahil sa nangyari ay hindi na ‘pwedeng magka-anak ulit si Tita.
“Natapos mo na ba ang homework natin?” tanong ni Life, nilingon ko naman siya bago ako marahang tumango.
“Kanina pa habang nagdi-discuss si Miss Marasigan,” sagot ko sa kanya.
“That’s good, can you help me do mine?” marahan akong tumango, ngumiti naman siya at tumango rin sa akin. “Great! Sa veranda na lang tayo mamaya,” tumango ulit ako sa sinabi niya.
“How’s school?” tanong ni Tito sa amin, ngumiti naman ako agad sa kanya.
“It was good, Tito, na-perfect ni Life ang quiz kanina.” Marahang humalakhak si Tito Armando dahil sa sinabi ko.
“You’re really working hard for Nerdy, eh? That’s good son, we always need to work hard for the things that are special to us.” Agad akong namula sa sinabi ni Tito.
I don’t know if it’s just me or there’s really something behind those words. Pilit na lang akong ngumiti sa kanila.
But because of that, I’ve learned one thing. If we love someone, we need to hold on even in just slightest chance that the person we truly love can possibly give us the love that we want in return.
Tumingin ako sa kanya. Nakita kong mataman siyang nakatingin sa akin at nakangiti. Kumunot naman ang noo ko nang tumingin siya kay Tita Rose na nakatingin din sa akin at nakangiti. Nagtinginan silang dalawa tapos ay nag-ngitian.
Iyong tingin nila sa isa’t isa ay parang may kahulugan.
“Right, Nerdy?” tanong ni Tito sa akin.
Pakiramdam ko ay kinabahan ako nang tanungin ako ni Tito. Parang may alam siya na sikreto ko at ano mang oras ay ibubunyag niya ito. Mataman na lang akong ngumiti sa kanya at tumango.
“O-Opo,” kinakabahang sagot ko at pilit na ngumiti sa kanya.