Chapter Six

1699 Words
Para akong panandaliang nabingi sa narinig mula sa kanya. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko at hindi ko alam kung anong tamang salita ba ang dapat na isagot ko sa kanya. “Help me get to know Alison more, I mean, you two are close friends, right? You’re the only person who can help me.” Parang sinipa ang puso ko sa narinig. Saglit akong napipi at tila naghahanap ng pwedeng idahilan o sabihin kahit na alam kong wala na akong iba pang magagawa kung hindi pumayag. Unless, I’ll confess right now, which is I know in myself I can’t do. Bakit si Alison pa? Bakit sa dami ng ibabang babae na pwede niyang magustuhan ay ang pinaka-close ko pang kaibigan maliban sa kanya? Kung ibang babae iyon, tutulungan ko siya, kasi kahit na alam kong masakit ay hindi kasing sakit kung kaibigan ko rin ang magiging kasintahan niya. “Y-You mean, you want to date Alison,” saad ko. Yes, it was a statement and not a question. Nagbuntong hininga naman siya at nahihiyang tumango sa akin. “Well, sort of,” sagot niya. Hindi ko alam pero sobrang bigat na ng nararamdaman ko ngayon. How can I possibly help him if I know in myself that I am into him? God, this is crazy. Should I tell him that Alison has a thing with Luke? No, of course not! I wouldn’t dare. It’s not my story to tell. At isa pa, hindi pa naman sigurado kung nagde-date ba talaga sila o ano. “B-Bakit hindi na lang i-ikaw? T-Torpe ka ‘no? Iba na lang ipagawa mo!” sagot ko, pilit at peke pa akong tumawa para subukang itago ang masakit na emosyong naglalaro sa kaloob looban ko ngayon. “Nerdy, please? What if she rejects me? What if—“ “You’ll never know if you never tried.” Saad at pagputol ko sa sasabihin niya, “Another thing, you can never make positive things possible if you’re thinking negative things.” Dagdag ko pa, napanguso naman siya sa sinabi ko. “Please? Nerdy! Matitiis mo ba ako? Hindi mo na ba ako mahal?” Mariin akong pumikit, tapos ay napailing at nagbuntong hininga na lang dahil alam kong wala naman akong magagawa. “Fine!” pagsuko ko sa kanya. Nagulat naman ako nang masaya siyang lumapit sa akin at niyakap ako agad. “Naks! The best ka talaga, bestfriend,” masayang saad niya. Bestfriend. ‘Yan lang talaga ako sa kanya. Humiwalay siya mula sa pagkakayakap sa akin at ngumiti. “Text her right now, sabihin mo sumabay na siya sa atin.” Kahit labag sa loob ko ay marahan kong tumango. I took my phone out of my pocket and texted Alison. Ako: Are you busy? Alison: Nope. Why? Miss me? Ako: Sabay ka na sa aming umuwi. I miss you. Can we catch up? Alison: Sure. Ngayon na ba? I miss you too. Ako: Yes. Parking lot. Alison: Noted. I’ll see you, Nerdy. Pagkatapos ay hindi na ako nagreply. Huminga ako ng malalim, pinipigilan ang pagbuhos ng emosyon. It hurts but I need to endure this pain. I chose to love him silently so I need to bear with the silent pain that’s killing me inside. “What did she say?” tanong ni Life sa akin nang mapansin niyang ibinulsa ko na ulit ang cellphone ko. “M-Magkita na lang daw tayo sa parking lot.” Tumango siya at ngumiti ng malapad sa akin. “Let’s go!” Agad naman niya akong hinila kaya wala na akong nagawa kung hindi umiling at magpatianod na lang sa kanya. “Nerdy!” excited na tawag ni Alison sa pangalan ko, malawak ang ngiti niya habang kumakaway sa akin, pilit naman akong ngumiti at kumaway rin sa kanya. She’s so pretty. No wonder she already caught Life’s attention even without doing anything. She’s hot, I’m plain. She can wear sexy clothes, I can’t. She’s fun to be with, I’m boring. Compared to Alison, I am completely nothing. At kung magiging sila man, hindi ko magagawang magalit sa kanya dahil mabuti siyang tao. Mabuti siyang kaibigan sa akin at kahit na minsan ay wala siyang ipinakita o ginawa na hindi ko nagustuhan. “Hi,” bati ko sa kanya at pilit na ngumiti. “Are you okay? Matamlay ka,” nagaalalang tanong niya at agad akong hinawakan sa noo. “N-No, I’m fine. M-May nakalimutan pala akong gawin, k-kayong dalawa na muna ang magsabay. I’m sorry, Ali,” rason ko kunware tapos ay lumingin kay Life. His jaw dropped and he smiled at me with a small nod. “What? Kung gano’n ay hindi na lang ako sasabay sa kanya.” Ngumiti sa akin sa Alison at hinawakan ang kanang kamay ko, “I’ll just go with you. You invited me Nerdy and you said that we will catch up. Miss na kaya kitang makakwentuhan,” saad niya kaya medyo kinabahan ako. Uh-oh, wrong move. “Nerdy, you can just do it at home. Isa pa, gabi na baka pagalitan tayo ni Mama. Sumakay na kayo.” At sa huli ay wala na akong nagawa kung hindi ang sumama. I’ve waited for Alison to hop in. Kung sa front seat siya sasakay ay sa backseat ako, pero agad siyang pumasok sa backseat kaya naman pumasok na ako sa front seat. “Alison, can we change place?” tanong ko. Tinignan niya ako ng may halong pagtataka, hindi ko alam kung nakakahalata na siya pero huwag naman sana. Ayokong isipan niya ako ng masama. “Why?” tanong niya. “I… I think I want to rest and I am not comfortable here, you see, I’m not really feeling well,” pagdadahilan ko, nang marinig naman niya iyon ay agad ulit siyang binalot ng pagaalala. “Oh, okay. Oo nga, nakatapat ka sa aircon.” Agad akong bumaba sa sasakyan at nakipagpalit sa kanya. “So, what do we need to catch up? May bago naman ba sa buhay mo? Boys? Love life? Don’t tell me may manliligaw ka na? Ipakilala mo sa akin agad nang mahatulan na natin.” Biro ni Alison sa akin, ngumiti naman ako sa sinabi niya tapos ay marahang natawa at umiling. “Wala. I just really missed you,” sagot ko naman. What I said is half truth. I really did miss her, but Life is the reason why she’s here with us right now. He asked me to invite her. Honestly, nothing’s new to my boring life. Kaya hindi na rin ako magtataka kung hindi ako makita ni Life bilang higit pa sa kaibigan. Ni minsan ay wala nga ring nanligaw sa akin. Sino ba naman ang magkakagusto sa isang boring na babae? Sinong magkakagusto sa isang tao na halos pakasalan na ang makakapal na libro? “That’s so sweet, Nerdy. Miss na rin kita. Labas naman tayo minsan,” tumango na lang ako sa sinabi niya. “Oo naman, i-text o tawagan mo lang ako at sabihan kung kailan,” sagot ko. “I’ll just take a power nap. Mag-usap muna kayo, ah? Sorry talaga, Ali, bigla na lang sumama ang pakiramdam ko.” Kita ko ang pagtataka sa mukha ni Alison pero marahan na lang siyang tumango at tumingin kay Life. I close my eyes and pretended to be asleep. Maybe, I’ll just listen to whatever it is that they will talk about. “How are you, Life? Inaalagaan mo naman ba ang bestfriend ko?” tanong at paninimula ni Alison ng usapan mayamaya lang. “O-Of course. I-Ikaw, kumusta?” kinakabahang sagot at tanong ni Life. “Ayos naman, ano kayang nangyayari kay Nerdy? She looks sick. M-May alam ka bang ginawa o nakain niya? Damn this girl, she’s making me worried.” Napangiti ako sa sinabi ni Alison. Ganito talaga siya. Kapatid din ang turing niya sa akin, dati nga kapag nababalitaan niya na may sakit ako ay papasyalan pa niya ako sa bahay at ipagdadala ng kung ano anong pagkain. “W-Wala eh, sa’n pala kita ihahatid?” Tanong ni Life. “Diyan lang sa may kanto ng San Sebastian, I’m really worried about Nerdy. Make sure that she’ll drink meds once she’s home, okay?” sagot ni Alison. “Mom will surely do that. D-Do you want to eat first bago ka umuwi?” tanong ni Life. Napakabigat na ng nararamdaman ko pero mas pinili ko na lang manahimik. “Your mom? You mean sa inyo nakatira si Nerdy?” tanong ni Alison. “Yes, just for the mean time, may inasikaso kasi si Tito Ruben.” “That’s good. At least there’s someone who can look after her.” “Siyempre naman, teka nga bakit siya ang pinaguusapan natin? Gising ‘yan at naririnig naman niya tayo. Right, Nerdy?” I didn’t reply. I’m not in the mood. Naiinis ako at hindi ko alam kung bakit. “Maybe, she’s sleeping,” saad ni Alison nang hindi ako sumagot. “Right, and oh, about my question awhile back, d-do you want to e-eat first?” tanong ulit ni Life, narinig ko ang pagbubuntong hininga ni Alison dahil doon. “Hindi na, katatapos ko lang. Ibaba mo na ako riyan sa tabi. And oh, please make sure you’ll bring Nerdy home safe and sound, okay?” “O-Okay.” Sagot ni Life tapos ay naramdaman kong inihinto na niya ang sasakyan pero nanatili pa rin akong nakapikit.. “Tumayo ka na riyan, Nerdy. Wala na siya.” Saad ni Life ilang sandali lang ang nakakalipas. Bumuntong hininga naman ako iminulat na ang mga mata. “s**t! What happened?” Hindi makapaniwalang tanong niya tapos ay binalingan niya ako ng tingin “Baka naman gusto mo na lumipat dito? Hindi mo ‘ko driver.” Hindi na ako sumagot. Bumaba ako ng sasakyan at lumipat sa front seat. “Why are you acting anyway?” “I’m doing you a favor,” walang ganang sagot ko. I stopped for a moment and gaze at him. “I already made my part, Life.” I added, trying to make him figure out that I’ve done my part and I already did what he asked me to do.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD