Life was oddly quiet the whole time. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na lang ako sa pagkain. I heard Tito Armando chuckled as Tita Rose whispered something. Tumingin ako sa kanila at nakitang nakangisi sila at nakatitig kay Life.
Lumingon naman ako agad kay Life at marahan ding natawa nang mapansing nakasimangit na siya ngayon.
“You really are a blessing to us, Nerdy. Look at Life’s face? I’m pretty sure he’s thinking how to study hard right now,” nakangising saad ni Tito.
Humalakhak ulit ako kasi mukhang hindi talaga mapakali si Life ngayon, halatang kinakabahan.
“What if I failed? Nerdy naman, iba na lang!” Life hissed in a bit irritated tone. Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil sa sinabi niya.
“Kung iibahin ko, sigurado ako na hindi mo rin gagawin, knowing you Life, you are always doing something to get what you want without working hard to get it,” sagot ko.
“Very well,” sagot ni Tita habang tumatango tango pa.
“Mom, do something, please!” bakas sa boses niya ang pagmamakaawa nang sabihin iyon, umiling na lang si Tita at tumawa.
Nagpatuloy na lang kami sa pagkain pagkatapos no’n, habang si Life ay mukhang hindi natutunawan kaya natatawa na lang ako. Sa tuwing mapapansin niya iyon ay sinasamaan niya ako ng tingin kaya pinipigilan ko talaga na hindi humalakhak.
The dinner just went well. We stayed on the living area for a while and watched some TV shows while Life has decided to take a rest on his room. Naka-upo ako sa isang single na sofa habang nasa kabilang sofa naman sina Tita at Tito.
“Are you okay, sweetie?” tanong sa akin ni Tita. Ibinaling ko sa kanya ang tingin ko at nakangiting tumango.
“I’m just thinking about Papa,” magalang na sagot ko naman sa kanya.
“You know what Nerdy, you are so beautiful inside and out. Alam mo sa tingin ko, kung ano ang nasa kalagayan mo ay hindi ko na magagawang isipin pa ang tatay ko,” sagot ni Tito.
Mapait akong ngumiti sa sinabi niya at nagkibit na lang ng balikat.
“He’s still my father after all.” Ngumiti sila sa sinabi ko at tumango at bumaling ulit sa telebisyon.
“Tita, Tito. I’ll just go upstairs and see Life.” Paalam ko, tumango naman sila at ngumiti.
“Nagpapa-alam ka pa. How many times do we have to tell you that this is already your home?” Napangiti ako sa tinuran ni Tita, tumango ako at umakyat na sa itaas.
“Life?” tawag ko sa pangalan niya habang kumakatok sa pinto ng kwarto niya, hindi naman siya sumagot. “Life?” tawag ko ulit.
“Go away, Nerdy. Huwag mo akong kausapin dahil naiirita ako sa ‘yo!” parang batang sagot naman niya kaya marahan akong natawa.
“So childish of you, Life. Papasok na ako,” saad ko bago ko pinihit ang doorknob para makapasok sa k’warto niya.
“Yea right, nerd!” naiiritang saad niya nang tuluyan na akong makapasok.
I was shocked as I saw him reading books and taking down notes. Hindi ko na napigilan ang sarili at malakas na humalakhak. “What’s so funny?” hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.
“You!” sagot ko naman at tinuro ko pa siya.
Paano naman ako hindi matatawa, ito ang kauna unahang beses na nakita ko siyang nag-aaral mag-isa. Sa tuwing tinuturuan ko kasi siya ay hinahayaan niyang ako lahat ang gumawa at nakikinig lang siya sa akin, pati nga projects at assignments niya ay ako rin madalas ang tumatapos, kasi kung hindi ko gagawin iyon ay wala siyang ipapasa.
Humiga ako sa kama niya at patuloy na tumawa habang hawak ko ang tiyan ko. Nabigla ako at agad na natigilan nang bigla niya akong daganan at ngumisi ng nakakaloko sa akin.
“I really hate it when you’re making fun out of me, Nerdy. Don’t start.”Banta niya sa akin kaya natahimik ako. Tinikom ko ang bibig ko at pinigilan ang sarili na tumawa ulit.
“Fine, fine! Get off me!” singhal ko, ginawa naman niya at agad na bumalik sa pwesto niya.
“Argh! Fvck this Math, fvck this life!” naiiritang saad niya. Nagkamot pa siya ng ulo habang ang mukha ay nakabusangot.
“Life, Math is just like a life. Sometimes there are problems that are hard to solve but we can still solve them, just come and think of it. Life is not a problem to solve, but a reality to experience,” saad ko kaya mas lalo siyang sumimangot.
“Yea, your words of wisdom helped me a lot, Nerdy. Thank you so much!” sarkastikong sagot niya at pina-ikot pa ang mga mata.
“Do you want me to teach you on how to solve the problems?” nakangiting tanong ko naman sa kanya.
“Really? Come on, solve these questions for me,” sagot niya at nagliwanag ang kanyang mukha habang inaabot sa akin ang mga papel na nasa harap niya at ang mga libro.
Agad ko naman siyang binato ng unan at sinimangutan dahil doon
“Ang sinabi ko lang ay tuturuan kita, hindi ko matandaan na sinabi kong ako ang sasagot lahat,” saad ko naman kaya nagkamot siya ng ulit ng ulo at ngumisi.
Agad naman akong umupo sa tabi niya para simulant na ang pagtuturo sa kanya. Actually, it’s really nice because he’s paying too much attention unlike before. Nagpatuloy pa ako sa pagtuturo sa kanya, kahit na mukhang inaantok na siya ay hindi ko siya tinigilan, hindi rin naman siya nagreklamo at halatang pinipigilan niya ang antok niya.
“I’ll make an additional prize for you,” pagkatapos kong sabihin iyon ay agad na nagliwanag ang mukha niya at parang nagising ang kanyang diwa.
“I’m up for prizes, Nerdy. What is it?” marahan akong natawa sa naging reaksiyon niya.
“Every perfect exam, you can ask me one thing and I’ll try my very best to do it or to give it to you.” Isang napakalawak na ngiti ang pinakawalan niya at tumango. Saglit akong napatitig sa gwapo niyang mukha.
Saglit lang siyang lumingon sa akin at tumingin na ulit sa ginagawa niya habang hindi maalis ang ngiti sa kanta, litaw na litaw ang dimples niya sa kaliwang pisngi dahil doon na mas lalong nakakalakas ng dating niya.
Kapag nakikita ko ang ngiting iyon ay nakikita ko kung gaano siya kasaya. Parang punong-puno ng buhay at kulay ang mundo niya. Ang ngiti na isa sa mga dahilan kung bakit ako nahulog sa kanya kahit na alam kong hindi naman dapat.
Damn that smile. Bakit ba kasi ang gwapo niya? Nakakainis!
Kinabukasan ay sabay kaming pumasok sa University. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi na ako masyadong naapektuhan na wala ang mga magulang ko, kung tutuusin ay dapat malungkot ako kasi wala sila na dapat ay sumusuporta sa akin.
Pero ang ideya na si Life at ang pamilya niya ang lagi kong kasama ay ayos na sa akin, parang kuntento na ako kahit na alam kong may kulang pa rin.
The whole class was just boring for me, it’s not that I’m lifting my own chair but I already know what the professors were teaching us. Sa tingin ko ay isa iyon sa kagandahan at advantage ng mga mahilig magbasa.
“Life Sandoval,” tawag ni Miss Marasigan sa pangalan ni Life, agad naman nitong inagaw ang atensiyon ko at napatingin kay Life na kinakabahang tumayo.
“Yes, Miss?” halata talaga sa kanya na kinakabahan siya nang itanong iyon.
“Your score in our quiz is perfect, how can I be sure that you never cheated?” natawa ako sa tanong ni Miss Marasigan, si Life naman ay mukhang nakahinga ng maluwag dahil doon.
“Well, I reviewed our lessons last night, Miss, and my best friend here, Nerdy, helped me,” malawak ang ngiting sagot niya tapos ay tumingin siya sa akin at kumindat. Marahang tumawa at tumango si Miss Marasigan sa narinig.
“No wonder, Miss delos Santos is such a good student. Keep it up, Mister Sandoval.” Tapos ay nagpatuloy na siya sa pagsulat ng kung anong hindi ko alam.
I’m fixing my things and putting some of my stuffs back on my backpack while Life is sitting on the chair in front of me. Hindi maalis ang ngiti niya. I raised him one brow in curiosity.
“Why are you smiling like a maniac, Life?” tanong ko, tapos na ang klase at pauwi na kami.
“Remember the deal, Nerdy? Perfect ako.” May bakas ng pagmamalaki sa tono niya. Napangisi naman ako at tumango.
“You know me, Life. I’m true to my words. What do you want?” tanong ko.
Saglit siyang tumahimik at tila nag-isip, tapos ay ngumiti siya ng malapad sa akin, hindi ko alam pero bigla akong kinilabutan at kinabahan sa paraan ng pag-ngiti niya.
“Help me with Alison,” saad niya.
And that made me stop from moving.
Nawala ang ngiti na kanina ay nasa labi ko. Nawala ang saya na kanina ay bakas sa mukha ko. Parang huminto ang lahat. Parang huminto pati pagtibok ng puso ko sa takot na nararamdaman.
“H-Help you what?”
I asked in a low voice as if I didn’t hear him when in fact, what he said is crystal clear.