“Earth to Nerdy, please!” My mind kicked me back to reality as I heard Life’s voice. Gulat pa akong napalingon sa kanya dahil halos pasigaw nang sabihin niya iyon.
“What?” naiiritang tanong ko sa kanya.
“Tulala ka!” Marahan siyang humalakhak, pero bigla rin siyang sumeryoso nang mapansing seryoso ako. “What’s the matter?” He asked all of a sudden. I shook my head and flashed him a fake smile.
“I just missed Mama,” sagot ko.
Totoo naman iyon. Nami-miss ko lang talaga si Mama. Nami-miss ko iyong pag-aalaga niya sa akin. Kumusta na kaya siya? Maayos lang ba siya? Masaya ba siya ngayon? Nami-miss din kaya niya ako?
Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ko magawang pakitunguan si Papa ng maayos ay dahil alam ko sa sarili ko na siya ang dahilan kung bakit lumaki ako na hindi kumpleto ang pamilya. Kung bakit hindi ko nakuha ang atensiyon ng mga magulang na dapat ay ibinibigay nila sa kanilang mga anak.
“It’s okay, Nerdy,” hinawakan ni Life ang balikat ko nang sabihin niya iyon.
“Hindi naman eh,” sagot ko, tapos ay may luhang namuo sa mga mata ko.
“s**t! Don’t cry!” agad akong natahimik at nagulat nang biglang nag-alala si Life. “Baka akala pa ni Mama pinapa-iyak kita, pipingutin na naman ako no’n, the last time that you cried she blamed me, remember?” Reklamo niya na tila hindi alam ang gagawin.
I laughed with what he just said. This guy never failed to make me smile and laugh. He never failed to lighten up the dark aura beside me.
Kung hindi pa niya pinaalala ang nakakatawang pangyayari na iyon, baka ngumangawa na ako ngayon. Hindi siya nabigo na laging palitan ng masaya at nakakatawang alaala ang mga malungkot na naaalala ko.
“Life, thank you,” saad ko habang pinupunasan ang luhang tumakas mula sa mga mata ko. Marahan naman siyang tumango at niyakap ako.
“Anything for you, Nerdy. Alam mo naman na kasiyahan mo lagi ang uunahin ko, hindi ba?” seryosong saad at tanong niya kaya mas lalo akong napangiti.
“That’s why I am thankful. Siguro kung hindi mo ako nakita sa bakanteng lote no’n hindi tayo ganito ngayon,” nakangiting saad ko, pilit na inaalala kung paano kami unang nagkita at nagkakilala. “Siguro mag-isa lang ako ngayon,” dagdag ko pa.
“God will never do that. Just come and think of it, everything happens for a reason, Nerdy. Kung hindi siguro ako natakot magpatuli noon ay hindi ako tatakbo at magtatago sa bakanteng lote,” natawa ako sa sinabi niya.
Totoo iyon. Iyon kasi ang dahilan kung bakit napunta siya sa bakanteng lote na lagi kong pinupuntahan noon.
“Nagka-mali tayo. ‘Yon na ‘yon. Hanggang doon na lang iyon at wala na tayong magagawa! Hindi pa ba sapat na pinakasalan at pinanindigan kita? Ba’t kailangan pang sumama ako sa recognition niya? Hindi por que ako ang tatay niya ay maibibigay ko na ang lahat ng oras ko sa kanya, I’m such a busy man in case you didn’t know. Just ask her if what gift she wants and I’ll give you money so you can buy it!”
Pagkaka-mali. ‘Yan na naman ang narinig ko mula kay Papa. He never failed to hurt me even if I am still young by his words. Sa inis ko ay tumakbo ako palabas ng bahay at nagtago sa bakanteng lote.
Agad akong nagtago sa likod ng puno, umupo, yumuko at tahimik na umiyak. Mama keeps on telling me that Papa loves me, but how come I cannot feel it?
Paulit ulit na lang. Paulit ulit niyang sinasabi sa akin, paulit ulit akong naniniwala, paulit ulit akong umaasa na totoo nga at paulit ulit akong nasasaktan.
“Hoy bata, bakit ka umiiyak?” narinig kong tanong ng isang batang lalaki pero hindi ako nag-angat ng tingin, hindi rin ako sumagot, nanatili lang akong nakayuko habang umiiyak.
Ayoko ng may kasama. Ayoko ng may maka-usap. Gusto ko lang mapag-isa kaya nanatili akong nakayuko at hindi siya pinansin. Nabigla naman ako nang lumapit siya sa akin at inabutan ako ng candy.
“Sabi ni Mama, kapag nalulungkot ka, kumain ka ng matamis para sumaya ka.” Saglit kong pinagmasdan ang candy bago ito inabot at nag-angat ng tingin sa kanya.
“T-Talaga?” Tumango naman siya at ngumiti.
“Bakit ka pala umiiyak?” tanong ulit niya sa akin.
“S-Si Papa kasi hindi ako mahal,” sagot ko.
“Hindi totoo ‘yan, sabi ni Papa at Mama lahat ng magulang ay mahal ang mga anak nila. Baka naman kasi makulit ka, o baka may nagawa kang kasalanan kaya ka pinagalitan,” napanguso ako sa sinabi niya.
“Sabi rin naman ‘yan ni Mama, pero hindi ko maramdaman kay Papa. Hindi man nga niya ako kinakausap at pinapansin,” sagot ko. Nabigla ako nang punasan niya ang mukha ko gamit ang panyong hawak niya.
“Kung gusto mo ipapakilala kita kina Mama at Papa, mababait sila at p’wede mo rin sila maging parents.” Biglang lumiwanag ang mukha ko sa sinabi niya.
“Talaga? Sige ba, gusto ko!” Hindi ko maintindihan kung bakit bigla siyang namutla.
“Ah, p-p’wede bang s-sa ibang araw na lang?” kinakabahan niyang tanong.
“Bakit naman?” tanong ko rin.
“Kasi ipapatuli daw nila ako ngayon kaya natatakot ako,” sagot niya.
“Ano ang tuli?” Hindi niya ako sinagot.
Pero magmula nuon ay lagi na kaming nagkikita sa bakanteng lote, naglalaro ng taguan, habulan at kung ano pa. Things between me and my family didn’t change. Pero hindi ko na naiisip ang lahat ng problema dahil may kaibigan na ako.
Masaya na ako na kasama ko siya.
“Damn memories.” Life uttered as he shook his head, we both burst out laughing.
“Takot ka nga palang magpa-tuli,” nakita kong namula ang buong mukha ni Life pati ang magkabila niyang tenga at agad niya akong sinamaan ng tingin.
“That was before, Nerdy. Atsaka hindi ko naman alam na masyado pa akong bata para doon at hindi pa pwede. Ang sabi kasi ni Papa puputulin daw ang ano ko, hindi naman pala. Tinatakot lang pala nila ako noon,” mahinang sagot niya, namumula pa rin ang mukha. I was about to say something more when Tita Rose knocked on the door.
“Life, Nerdy! Kakain na tayo, nandito na ang Papa niyo!”
“Yes, Mom, bababa na po kami!” sagot naman ni Life
Tumingin ako sa kanya habang tumatatayo tapos ngumisi. Pina-ikot lang niya ang mata niya kaya natawa na naman ako. Agad naman kaming nagtungo sa kusina.
Pagkababa namin ay naabutan naming sina Tito at Tita na nakaupo na sa hapag, agad naman kaming umupo ni Life para daluhan sila.
“Hi Tito, Good evening po,” bati ko, ngumiti naman siya at tumango tapos ay agad na inabot sa akin ang plato ng kanin.
“Good evening, hija, I heard you’ll be staying here? That’s good! Para naman mahawaan mo ng kasipagan ang tamad na ‘yan,” biro ni Tito kaya natawa na naman ako.
Si Life naman ay mas lalong sumimangot. Ugali na ni Life iyon pero hindi naman siya napipikon kahit na anong pang-aasar ang gawin namin sa kanya, madalas nga ay ako pa talaga ang laging naaasar.
“Dad!” reklamo niya kaya natawa ako, tapos ay inabot ko sa kanya ang plato ng kanin na agad naman niyang tinanggap.
“What? It’s true! Nagtataka nga kami ng Papa mo kung paano ka napagta-tiyagaan ni Nerdy eh, ang hirap mo pa namang turuan.” Dagdag naman ni Tita.
“Well, that is because she loves me!” mayabang naman na sagot ni Life. “Right, best friend?” dagdag pa niya kaya napangiwi ako.
“Who told you so?” Tito and Tita burst out laughing with what I just said.
Napa-iling na lang si Life at nakitawa sa amin, alam niya na wala siyang panalo sa amin kapag kaming tatlo na ang nang-aasar sa kanya, pero sigurado ako na gaganti ng asar sa akin ang isang ito mamaya kapag hindi na nakikita nina Tita at Tito.
“Anyway, how’s school?” tanong ni Tito, iniiba na ang usapan.
“It’s fine po, Tito. Actually out of 35 students in our room, Life is already on top 31, better than the last which is top 34.” Malakas na humalakhak sina Tito at Tita sa sinabi ko.
“Should I be glad then?” pabirong tanong ni Tito.
“I’m trying, okay? I’m working hard! Atsaka atleast hindi ako ang pinaka-engot sa klase. Muntikan lang,” mayabang ulit na saad niya habang tumatawa.
“Let’s make a deal then,” Napatingin silang lahat sa akin. “Kapag nakapasok ka sa top 15 this sem, I will grant you two wishes, anything!” biglang nagliwanag ang mukha niya sa sinabi ko.
“Sounds interesting,” saad ni Tito habang tumatango, si Tita naman ay natatawa na lang.
“What if he didn’t make it?” tanong naman ni Tita.
I stopped for a moment and then I flashed Life a smile.
“Then we will not talk for two months.” Nanlaki ang mga mata ni Life sa sinabi ko.
“That’s unfair!” Reklamo niya, nagkibit lang ako ng balikat at ngumisi sa kanya.
“It’s for you. Anyway, I can’t stand two months without you too, so I’ll help you,” saad ko.
Natawa na naman sina Tito at Tita habang tumatango tango sa sinabi ko.
“You never failed to amaze us, Nerdy,” saad ni Tito.
Ngumiti naman ako at nagpatuloy sa pagkain. Tapos ay tumingin ako kay Life na tahimik na kumakain habang nakasimangot.
Para siyang napagsakluban ng langit at lupa sa itsura niya ngayon.