“Nerdy, Life!” Bati ni Tita nang makita niya kami ni Life na bumaba ng sasakyan. Kasalukuyan siyang nasa harap ng bahay nila at dinidiligan ang mga halaman niya.
Ngumiti naman ako at agad na humalik sa pisngi niya, gano’n din ang ginawa ni Life.
“Good afternoon, Tita, how are you?” magalang na bati at tanong ko sa kanya.
“I’m good, sweetie. Thank you for asking. Pumasok na kayo sa loob at magpahinga. I’ll make you guys some snacks once I’m done here, I’m pretty sure schooling is tiring,” saad niya, ngumiti naman kami at sinunod ang sinabi niya.
Pagkapasok namin ay agad na kinuha ni Life ang channel. Napansin ko naman na pumasok na rin si Tita at dumiresto sa kusina nila. Kumunot ang noo ko nang mapansing boxing ang pinapanuod ni Life.
“Life, ilipat mo nga ang channel sa balita. You keep on watching boxing, no wonder you felt like you were a boxer before and hit Luke’s face,” tinaasan lang niya ako ng kilay at agad na pina-ikot ang mga mata, tapos ay ibinalik na niya ang tingin sa TV para manuod ulit.
“This is my television, Nerdy Nerd. Go home or get yourself your own television,” sagot niya.
Agad ko namang kinuha ang isang maliit na unan at ibinato sa kanya, tumama iyon sa mukha niya kaya padabog siyang tumingin sa akin.
“Ano ba?” naaasar na tanong niya.
“Life, I’m warning you! Switch it to news channel or I’ll tell Tita that you’re bullying me!” Mas lalo siyang sumimangot sa sinabi ko.
“Fine, fine! You really are a nerd,” saad at pagsuko niya, marahan naman akong natawa nang i-abot niya sa akin ang remote. Kinuha koi yon agad at inilipat sa news channel.
He knows exactly that his Mom would definitely side on me, and one thing that he doesn’t want is to get an earful of words from her.
“Nerdy, Life, your snacks are ready!” Mula sa kusina ay tawag ni Tita mayamaya lang.
Mabilis naman akong tumayo para puntahan siya at agad na umupo sa hapag. Nakita kong may apat na egg sandwich sa nakalagay sa mesa at nakahapag, tapos ay may isang pitchel ng orange juice din.
“Thank you, Tita,” magalang na saad ko at agad na kumuha ng isang sandwich at kinain agad iyon.
“Anything for you, sweetie. Oo nga pala, naka-usap mo na ba si Ruben?” tanong niya, ang tinutukoy ay si Papa.
Nilunok ko ang nasa bibig ko at uminom ng juice, tapos ay saglit na lumingon kay Life at tumingin ulit kay Tita bago sumagot sa tanong niya.
“Hindi po, Tita. May kailangan po ba kaming pag-usapan?” tanong ko.
“Why mom, is there a problem?” tanong din ni Life habang nakakunot ang noo at mukhang nag-aalala, ngumiti naman si Tita at agad na umiling sa amin.
“Wala namang problema mga anak, Ruben actually talked to me and asked a favor. He’s asking if I can let Nerdy stay here for a few days so we can look after her.”
I felt like something was stabbing my heart because of what she said. Kung tutuusin ay matagal ko na rin namang gustong umalis doon, matagal ko na siyang gustong iwan pero kahit na papaano ay nagaalala pa rin ako sa kanya, kahit na papaano ay gusto kong may mag-aasikaso pa rin sa kanya.
“I-Is that how eager he is to kick me out of his house?” nakangiting tanong ko kay Tita, nakangiti ako pero alam kong hindi nakawala sa kanila ang sakit sa ekspresyon ko.
Agad namang lumapit sa akin si Tita at mahigpit akong niyakap kaya kahit na papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.
“No, hija. He needs someone to take good care of you while he’s away,” mahinahong sagot naman ni Tita sa akin.
“W-Where is he going?” tanong ko, nagkibit naman siya ng balikat.
“I’m sorry, Nerdy, but I wasn’t able to ask him. But he said that it’s really important,” sagot niya.
“That’s good then, atleast I get to have my personal maid and tutor,” biro ni Life, siguro ay para pagaanin ang awra.
Isa ito sa mga bagay na gusto ko sa kanya. Lagi siyang nagbibiro kapag alam niyang malungkot ako. Ginagawa niya ang lahat para lang mapasaya at mapatawa ako. Tumawa si Tita sa sinabi ni Life kaya sumimangot ako.
“Magtigil ka nga, Life. Ikaw ang gagawin naming katulong dito,” sagot ko kaya mas lalong natawa si Tita.
“You two are really funny. Alright, you both have a rest after eating and I’ll start preparing our dinner. Armando might come home anytime soon,” saad niya, ang tinutukoy ay ang asawa niya, ang Papa ni Life. “Life, help Nerdy fix her things after eating. I had already arranged the questroom and the things that she might need,” ngumiti si Life kay Tita at agad na tumango.
“Alright, Mom,” sagot niya.
“Sa tingin mo, sa’n ang lakad ng Papa mo?” tanong ni Life sa akin.
Kasalukuyan akong nag-aayos ng gamit dito sa guest room nila. I just can’t understand why Papa wanted me live with them. Nasa kabila lang naman ang bahay namin. I want to tell Tita that I’m just fine alone and I can actually live on my own but then, I don’t know how to tell it to her since she looks really excited about my stay here with them. Isa pa, nahihiya ako kasi naayos na niya ang guest room na tutuluyan ko.
“I don’t know,” maikling sagot ko.
I actually want to say that I don’t care but I would be lying. Kasi kahit na hindi ko naramdamang importante ako kay Papa, mahal ko pa rin siya. Siguro isa iyon sa maraming bagay na hindi mawawala sa atin.
Kahit naman hindi niya ako binigyan ng atensiyon ay binihisan pa rin niya ako, pinakain, binuhay, at iyon ang mahalaga. He’s not a perfect father, but he gave me life. He’s the reason why I’m here, and that fact alone is more than enough to be thankful.
Aaminin ko, mahal ko pa rin si Papa kahit na ganito ang nangyari, pero aaminin ko rin na malayo ang loob ko sa kanya.
Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame, biglang bumalik sa akin ang mga nangyari noon, kung paano unang lumayo ang loob ko kay Papa.
I was just four years old and playing the Barbie doll Mama bought me. Hinihintay ko si Papa para ipakita sa kanya ang medal na nakuha ko. I was just kinder and I am the bright child or first honor. Mama told me that Papa would be so proud and that’s what I wanted.
I wanted him to be proud of me hoping that if he did, I’ll finally get his attention. It may sound impossible but yes, at the age of four, alam ko na na may mali sa kung paano makitungo sa aming dalawa ni Mama si Papa.
Sa kahihintay kay Papa ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako nang makarinig na tila salaming nabasag. Agad akong binalot ng takot at kaba kaya nagmadali akong lumabas ng k’warto dala ang manikang binigay ni Mama sa akin.
“Stop acting like a wife when we both know exactly that we’re just married on papers!” narinig kong sigaw ni Papa. Nakita ko ang mukha ni Mama na basang-basa ng kanyang sariling luha, nag-aalala ako. Nakita ko ang sakit sa reaksiyon niya pero wala naman akong magawa.
I mean, what can a four year old do? Nothing…
“Why can’t you love me?” halos wala nang lumabas na boses kay Mama nang itanong niya iyon kay Papa.
“Am I not making myself clear? Fiona left me the moment she found out that you’re bearing my child! Takot ang magaling kong ama sa kahihiyan kaya napilitan akong pakasalan ka ng dahil sa pagkakamaling nagawa natin!” Sigaw ulit ni Papa.
Pagkakamali. ‘Yan ako. ‘Yan ang tumatak sa isip ko. Sa murand edad, ‘yan ang tumatak sa isip ko na sigaw ni Papa. Bigla na lang na may namuong luha sa mga mata ko.
I suddenly remember when my teacher told Mom that I am special. Matalino daw ako, sobrang talino kumpara sa mga batang kasing edad ko.
Madali ko raw maintindihan ang mga bagay. She told Mom that it’s a gift and a blessing, and we should be thankful for it.
Is it really a blessing? Understanding my parent’s situation at an early age is a nightmare.
“P-Please, b-baka magising ang anak natin. K-Kahit siya na lang… k-kahit hindi na ako,” pagmamaka-awa ni Mama. Hinihintay kong sumagot si Papa pero wala siyang naging tugon.
“Mama…” tawag k okay Mama, ang mga luha ay patuloy sa pagtulo.
Sa murang edad hindi ko inakala na masasaktan ako ng ganito. Agad na tumayo si Mama mula sa pagkakaluhod at lumapit sa akin, she hugged me tightly and flashed a smile.
“B-Ba’t gising ka pa? H-Hindi ka ba makatulog? D-Do you want me to tell you stories?” nakatitig lang ako sa mukha niya habang sinasabi iyon.
Nakita ko na pinilipit niyang huwag umiyak at magmukhang masaya kaya mas nasasaktan ako.
Hindi ako kumibo, ang mga mata kong lumuluha ay nanatili sa aking Ama na ngayon ay nakatitig lang din sa akin.
“H-Hindi po ba tayo mahal ni Papa?” tanong ko.
I saw how my Papa’s jaw dropped and his eyes grew wide.
“No! That’s not true!” Sigaw ni Mama kaya nabigla ako, agad naman niya akong niyakap ng mahigpit.
“Kung hindi po tayo mahal ni Papa umalis na lang po tayo para hindi ka na masaktan.” Nakita ko ang pagpigil ni Mama sa paghagulgol nang sabihin ko iyon.
“M-Mahal ka ng Papa mo, okay? Don’t think that way,” sagot ni Mama. Nakita ko ang pag-iwas ng tingin ni Papa at pagyuko. “T-Tara, matulog ka na. I-I’ll tell you stories,” dagdag pa ni Mama.
“T-Tungkol saan? Tungkol po ba ulit sa magbestfriend na nagkaroon ng anak? Na ‘yong reyna ay umaasa pa ring may happy ending sila no’ng hari kasama ang prinsesa nila?” tanong ko, nakita ko ang pagyuko ng Mama dahil sa sinabi ko.“Ayaw ko na po iyon, wala namang happy ending.”
I was clueless about the story because I really don’t know what happened to them. Napatingin ako kay Papa nang bigla siyang suminghot na tila umiiyak bago kami tinalikuran.
“Anak, that’s the bad side of life. Hindi lahat ng story may happy ending. Pero tandaan mo na lahat ng tao ay meron nito. It’s up to us if how we wanted to end everything and the only key for a happy ending is acceptance and being happy despite of all the pain.”
Hindi na napigilan ni Mama ang paghagulgol pagkatapos sabihin iyon kaya agad ko siyang niyakap.