Chapter Nine

1406 Words
Bumaba ako sa harap ng subdivision at sumakay ulit ng tricycle papasok. Kung lalakarin ko ay sasakit lang ang paa ko dahil may kalayuan. Hindi pa ako tuluyang nakakarating sa harap ng bahay ay natanaw ko na ang Vios ni Life. So he’s already home. “Dito na lang po.” Sabi ko sa tricycle driver at inabot ang bayad. Huminga ako ng malalim at nagpasyang pumasok na sa loob ng bahay nila. I saw him seriously sitting on the sofa as if he’s waiting for someone. “Nerdy.” Napatayo siya nang makita ako. Lalapit sana siya sa akin pero itinaas ko ang kanang kamay ko para pigilan siya. “Life, not now, please.” Agad ko siyang nilampasan at nagsimula nang maglakad papasok sa guestroom pero bago ako makalayo ay nakita ko ang pagkunot ng noo ni Tita Rose na nasa kusina at pagsunod niya ng tingin sa akin. “Nag-away kayo?” Narinign kong tanong pa niya kay Life bago ako tuluyang makapasok sa guestroom na tinutuluyan ko. Marahas kong ibinagsak ang sarili ko sa kama at tumitig sa kisame habang nag-iisip ng bagay na hindi ko naman alam kung ano. Wala lang. Para lang akong baliw na tulala. Mayamaya lang ay nakarinig ako ng mga katok sa pintuan at narinig ko rin ang marahang tunog nito na parang binuksan. “Life, please. I want to be alone,” saad ko ng hindi tumitingin sa pinto. “Nerdy, can we talk?” napatayo ako nang marinig ang maamong boses ni Tita Rose. Ngumiti ako sa kanya at marahang tumango. Umupo naman siya sa tabi ko at hinawakan ang magkabilang kamay ko. “Sige po.” Nahihiyang sagot ko. Bahagya niyang pinisil ang kamay ko at ngumiti. “What happened?” She asked, her voice is full of concern. “Ang ibig kong sabihin ay normal na sa akin ang makita kayong nag-aaway pero hindi tulad ng ganito kasi pinapansin mo pa rin siya kahit na nagta-tampo ka na,” kumunot ang noo ko sa sinabi niya, did Life asked her to go after me? “If you’re thinking that he asked me to talk to you, no, sweetie. Nag-aalala lang ako. Life looks devastated downstairs and you look… hurt, saad pa niya. “Did he hurt you?” dagdag at tanong niya. Gusto ko sanang isagot na ‘Oo’ pero hindi ko magawa kaya umiling na lang ako. “Hindi po,” mahinahong saad ko. Hindi naman talaga. Hindi niya ako sinaktan, nasasaktan ako kasi mahal ko siya at hindi niya kasalanan iyon. “Then what happened?” tanong ulit niya kaya natahimik ako. “Come on Nerdy, parang anak na rin kita, ang tagal na nating magkakilala at nagkasama, you can tell me the things that are bothering you, you know.” huminga ulit ako ng malalim at marahang tumango sa sinabi niya. “H-He wants me to help him with Alison, c-close friend ko po.” I said in a low voice. “’Yon lang ba? What’s the matter with it?” She asked curiously, but I can see that she’s hiding a smile as if she already has conclusions with her. Iyong pagtatago niya ng ngiting iyon ay nakakatakot at nakakakaba sa totoo lang. Parang pinaparating talaga niya na may alam siya. “I… I told him I don’t want to. K-kasi naman po, they’re both my bestfriends and what if they had a relationship and it didn’t work? Madadamay lang ang friendship naming tatlo.” I replied. “And he can’t understand that, I think.” I added. “Iyon lang ba talaga?” “O-Opo.” “Come on, Nerdy, I know you enough to say that you’re lying.” I don’t know if Tita already knows about what I feel for her son or she’s still trying to figure things out. “I-Iyon lang po.” I replied in a low voice. She sighed heavily and smiled. “I actually wanted to hear this thing coming straight from you but you are so uptight, hija. You love him, right?” I was taken aback with what she just said. My eyes even grew wide and my jaw literally dropped. “S-Siyempre naman po, h-he’s my best friend.” I replied in a low worried voice. “That’s not what I mean, sweetie. You love him more than that and I can see it in your eyes in a way you look at him.” Huminga ako ng malalim at marahang tumango. Was I really that obvious? Nakakahiya! “S-Sorry po.” “Why? Don’t be sorry for wonderful things in life, Nerdy.” Tumingin ako kay Tita Rose at nakitang nakangiti pa rin siya sa akin. “Alam mo bang gustong-gusto kita para kay Life? Pero hindi natin masasabi kung hanggang saan kayo dadalhin ng tadhana. But that’s not what important right now, what’s important is you two should talk and settle things for the sake of your friendship. Hindi naman kasi dapat natin madaliin ang mga bagay, hayaan natin ang panahon na ipa-realize sa inyo kung gaano kayo kahalaga sa isa’t isa.” Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko kaya napangiti ako ng mapait. “H-Hanggang magkaibigan lang naman po kami, t-tanggap ko naman po. If he’ll ask for my help with other girls, I’ll help him and I mean it. Ayoko lang po kasing masira ang pagkakaibigan naming tatlo kaya... nahihirapan po akong tulungan siya kay Alison,” tapos ay yumuko ako sa kahihiyan kasi alam ko naman na iyon ang totoo. “Don’t say that, Nerdy.” Pinisil ni Tita Rose ang kamay ko kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya. Bakas sa mukha niya ang simpatya. “You know what? I can see that Life also loves you romantically, and he’s just too naïve not to notice what he feels for you. What I can see is, he is just blinded by the fact that you two are just best friends and you shouldn’t cross the line, but I’m pretty sure that one day, he’ll realized how much you mean to him.” I want to believe Tita Rose but at the same time, I don’t ever want to give myself a false hope anymore. Tapos na ako sa parteng iyon ng buhay ko. “K-Kakausapin ko na po siya.” Tumango naman si Tita at hinaplos ulit ang kanang pisngi ko bago siya tumayo. “Okay, I’ll just cook our dinner, would you be fine here?” tanong niya, tumango naman ako at pilit na ngumiti. “Thank you po, Tita, and p-please d-don’t tell him a-about this.” Marahang halaklak ang pinakawalan ni Tita bago siya tumango. “Of course not, sweetie, it’s not my story to tell and it’s between you two.” Nakangiting saad niya sa akin at tumalikod na. Agad naman akong nag-palit ng pambahay na damit tapos ay bumaba na. Life is still sitting on the sofa where I saw him awhile back. Naka-kunot pa rin ang noo niya na parang malalim ang inisiip. Umakyat ulit ako at pumunta sa veranda, natanaw ko ang bahay namin sa harap na parang napakalungkot ng dating. Simula pagkabata ko hanggang ngayon ay napakalungkot pa rin ng bahay. Walang kasigla sigla, halatang malungkot din ang nakatira. I just shook the thought off my mind and sighed heavily. I took my phone out of my pocket and texted Life. Ako: Nasa Veranda ako. Narinig ko ang mga yapak ng pagtakbo ni Life mula sa baba, nagulat pa ako kasi napakabilis niyang naka-aakyat na parang nagmadali talaga. “God! Nerdy, I’m sorry. Please, sorry for shouting at you! Pangako hindi na kita pipiliting tulungan ako kay Alison.” Salubong niya sa akin, tipid ko siyang nginitian at marahan akong tumango. “It’s okay, Life. I should be the one saying sorry because I was being unreasonable.” I can’t even let this day end without making clear things out with him because at the end of the day, he’s still my best friend, the guy who never left me through my ups and downs. “Pangako, Nerdy, ako na lang ang gagawa ng paraan, hindi na kita idadamay.” I flashed him a weak smile and slowly nodded my head. And with what he just said, another familiar pang of pain crashed in my heart. But it’s fine. Kung magising sila ni Alison, tatanggapin ko at pipilitin kong maging masaya para sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD