After that heart-warming talk with Tita Rose and the little talk with Life, everything just went well the other days. Kagaya nang sinabi ni Life sa akin ay hindi na niya hiningi ang tulong ko. Pero sa bawat paglipas ng araw ay nakikita ko ang mga pagbabago sa kanilang dalawa ni Alison.
Kung dati ay tila may ilangan sa kanilang dalawa, ngayon ay sabay pa silang tumatawa. I can see that they’re being closer as time passes by. That’s okay though, I know in myself that I can get over this pain too in no time.
Hindi man mawala ang sakit ay alam kong makakasanayan ko naman.
“Ano, kain muna tayo bago umuwi?” nakangiting tanong ni Life. At kagaya ng mga ibang araw na nagdaan ay kasabay namin si Alison.
“Well, it’s up to you, I mean, wala naman akong ibang gagawin,” nakangiti at mabilis na sagot ni Alison tapos ay inilipat nila ang tingin sa akin.
“Baka kayo na lang, may nakalimutan pa akong gawin eh, next time siguro,” pagdadahilan ko.
“Are you sure?” Kunot-noong tanong ni Life. Tumango naman ako at ngumiti, I gave Alison a peck on her right cheek and flashed her a smile.
“But—” Aangal pa sana si Alison pero tinalikuran ko na sila.
“Take care, okay?” I shouted not turning my back to face them. I don’t want them to see the tears that are forming in my eyes.
This has been my cycle these past few days. Masakit, madalas ay umiiyak ako, pero gano’n talaga.
Sa bawat pagdaan ng araw ay mas pasakit nang pasakit at pabigat nang pabigat ang nararamdaman ko kapag nakikita ko silang dalawa na magkasama. Siguro ay mas mabuti na rin ito, mas mabuting masaktan ako para makasanayan ko agad. Para mas mabilis maghilom ang sugat.
“Sila na ba?” Napatingin ako sa taong sumalubong sa akin, nakatitig siya sa paalis na kotse ni Life.
“H-Hindi pa,” simpleng sagot ko.
I just then realized that it was Luke Ramos who talked to me, the guy who bullied me a couple of years ago and called me nerd. Siya iyong sinuntok ni Life. Bakas sa mukha niya ang lungkot at panghihinayang habang nakatingin sa paalis na sina Alison at Life.
“Hindi pa? So it only means that there’s a chance,” peke siyang tumawa pero hindi niya naitago ang sakit na nararamdaman niya sa akin.
I just shrugged my shoulders. I suddenly remember what Alison told me before, that there’s already something happened between them two.
“Y-You love Alison.” I stated. He sighed heavily and flashed me a weak smile.
“So damn much. Siguro karma ko na rin ito sa lahat ng kagaguhan ko, I… I just hope that your bestfriend will love her the way she deserves to be.” Bakas sa boses niya ang pait. Alam ko kasi iyon din ang nararamdaman ko.
“I… I hope so too.” Inangat niya ang mukha at tinignan ako.
“Y-You’re in love with your best friend. too.” Nagkatinginan kami at sabay na natawang malakas. “Damn! We’re both broken, eh kung tayo na lang kaya?” Biro niya habang tumatawa kaya natawa na rin ako.
“Ayoko nga. Baka i-bully mo lang ako lagi,” sagot ko naman.
“Yea, about that, I’m really sorry.”
“Wala na iyon, nagbibiro lang ako, ano ka ba? Mga bata pa naman tayo no’n.” Tumango tango naman siya sa sinabi ko.
“Hindi ka pa uuwi?” tanong niya.
“Ah, oo nga pala, uuwi na ako,” sagot ko naman.
“Sumabay ka na sa akin, tapos kain na muna tayo. Libre ko na, pambawi sa pambubully ko sa ‘yo noon,” tumawa ulit ako at marahan siyang hinampas sa braso.
“Huwag na! Gagastos ka pa, ayos na sa akin iyon.”
“No, I insist, hindi ako papatulugin ng konsensiya ko, sige ka.”
At sa huli, napa-payag din niya ako. Sa SM kami pumunta at kumain sa Classic Savory. I know exactly how expensive foods here are. Ayaw ko sana na dito kami kumain at ayos lang sa food court pero nagpumilit siya. Wala na akong nagawa sa huli.
Habang kumakain ay tawa kami nang tawa tungkol sa kung ano ano na lang. I have never imagined that Luke and I will be in good terms, to think that he was always bullying me way back then, but they’re right, everything in this world is changing. Nothing’s constant and we’re all dynamics.
“Imagine? Dati pinapa-iyak mo ako pero ngayon, pinapatawa mo naman ako,” humalakhak na naman ako.
Kinu-kwento kasi niya iyong nangyari sa kanya noong sinapak siya ni Life noon. I think we were just freshmen that time.
“Totoo, apat na tigyawat ang napisa noon sa mukha ko sa lakas ng suntok niya.” Natawa na naman ako.
“Ikaw kasi, bully ka masyado, kilala mo naman iyon, sobrang protective pagdating sa akin,” sagot ko naman.
“I notice, and seriously,” sigla siyang sumeryoso. “I… I thought that you and Life are together for quite some times now.” Natahimik ako at ngumiti na lang sa kanya.
“Sana nga eh.” Ngumiti siya sa akin at umiling. “Halika na, baka hinahanap na ako ni Tita.” Tumango naman siya at sabay kaming lumabas ng SM. “Sasakay na ako dito—”
“Hindi, ihahatid kita,” pagputol naman niya sa sasabihin ko.
“Baka nakakaabala na ako sa ‘yo, Luke. Ayos lang talaga ako.” I said trying to convince him but he still insisted.
“Maliit na bagay lang ito kumpara sa pambubully ko sa ‘yo noon, kaya halika na.” He grabbed my wrist and dragged me on the parking lot where he parked his car, and that left me no choice but to just go with him.
Luke is nice and easy to be with. Hindi siya nauubusan ng k’wento para lang mapatawa ka. Ngayon ay mas lalo akong nainggit kay Alison.
Bukod sa may isang Luke na sobrang nagmamahal sa kanya, pati lalaking mahal ko, nagustuhan din siya. Well, I can’t blame them. Alison is an ideal girl, she’s pretty, kind and smart. Kaya siguro kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang makaramdam ng inis sa kanya kasi napaka-bait niyang tao. Tanging inggit lang ang nararamdaman ko.
“Dito na.” Saad ko nang makarating na kami sa harap ng gate. He parked the car at the back of Life’s Vios. Tumingin ako sa kanya at ngumiti “Thanks Luke, nag-enjoy ako.” Ngumiti siya at tumango.
“Thank you as well. You know… t-this may sound gay but I found a friend in you. Can I have your digits? I’m hoping that we can still hang out?”
Inabot niya sa akin ang cellphone niya na agad ko namang kinuha at tinipa ang numero ko.
“Oo naman, basta magpakilala ka ha? Hindi ako magre-reply kapag hindi ka nagpakilala.” Ngumiti siya at marahang tumango.
Pagkatapos ay bumaba na ako ng sasakyan niya, bumaba rin naman siya. “One last apir para sa mga broken?” Saad niya at umamba ng apir, umapir naman ako sa kanya at tumawa.
“Apir!” we both said in chorus. “Umalis ka na nga, puro ka kabaliwan! Thank you ulit.” Nakangiting saad ko.
Ngumiti naman siya at tumango. Pagka-pasok ko sa loob ay naabutan ko si Life na naka-upo ulit sa sofa, nakakunot ang noo niya at mukhang naiinis.
“So you two are friends now?” tanong niya na hindi nakatingin sa akin pero bakas sa boses niya ang iritasyon.
Noong una ay hindi ko maintindihan ang gusto niyang sabihin pero naliwanagan naman ako. Si Luke nga pala ang kasama ako, ang taong kinaiinisan niya.
“What’s the matter? Am I not allowed to be friends with anyone?”
“Huwag mong sagutin ng tanong ang isa pang tanong.” Sarkastikong saad niya.
“To answer your question, yes, we’re friends, now what?” iritadong tanong ko rin.
I just don’t get if why he’s making a big deal out of it.
“What? Baka nakakalimutan mo na siya ang laging—”
“Come on, Life. You’re being unreasonable this time. Lahat ng tao nagbabago. Atsaka napaka-bata pa natin noon, teka nga, ba’t ba kung makapag-react ka sobra?”
“Nevermind!” Nag-walk out siya agad nang sabihin iyon.
Napailing na lang ako sa inasta niya at napabuntong hininga. Nakita ko si Tita Rose sa kusina na natatawa.