Azeleia and I will be having a private wedding.
She agreed with that.
Ayaw ko namang maging trending sa social media dahil pagpapakasal ko sa Promettre.
But I know for sure magiging laman din kami ng iba't ibang social media platforms and magazine after the wedding.
"What the hell man? Papakasal ka na talaga?" Gulat na sabi ni Treyn. "You mean...with your ex?"
I deeply sighed. "What can I do? She's persistent. Siya lang ang kilala kong ghoster na nag-aya ng kasal dahil gusto niya kami magkabalikan"
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari.
Ang bilis kasi.
"Ng gano'n gano'n na lang?"
I nodded. "Oo. Pagkarating niya sa bahay namin, iyon na agad ang bungad."
"Nag-usap na ba kayo?"
"For what? Wala na kaming dapat pag-usapan"
Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako kahit nakaupo lang naman ako sa sofa at kausap si Treyn. Gusto kong uminom pero wala naman ako sa mood.
Tinatamad ang buong kalamnan kong gumalaw.
"Pero magpapakasal na kayo tsaka nakabalik na siya, bakit hindi mo pa kausapin? Talk about what really happen"
"I don't want to hear any reason she will say. Isa pa, ni wala nga akong makitang kahit anong emosyon sa mukha niya. Parang nakalimutan niyang may iniwan siyang boyfriend"
Pakiramdam ko walang saysay ang pagluluksa ko ng ilang taon. Ako lang yata ang naging broken hearted.
"Paano na ang pagmo-move on mo niyan?"
"Nakamove on na ako"
Treyn squinted his eyes. "Weh?"
"Oo nga at ano naman kung hindi?" Inangat ko ang tingin sa kisame at pinagmasdan ang ilaw doon. "Hindi pa rin ako babalik"
"Baka mamaya puro ka salita ah? Nung isang araw humahatungal ka pa habang sinasambit ang pangalan niya"
"Noong isang araw pa 'yon. Iba na ngayon Treyn. I decided that I will move on and that's what will I do. Kahit pa kasal kami bro, I will not let myself be swayed again"
Kapag babalikan mo ang mga pinaggagawa ko noon, gusto kong suntukin ang sarili ko. Puchaa! Ang tanga tanga ko.
Hindi ko hahayaang pasukin na naman ni Azeleia ang sistema ko. No, not this time.
Kahit pa napwersa niya ako magpakasal sa kaniya, hindi niya ako mapwepwersa para mahalin siya o magustuhan siya ulit at gagawin kong opportunity ang kasal para saktan siya.
Oo. Sasaktan ko siya tulad ng ginawa niya sa akin.
I'll break her heart into pieces.
_______
"I'm sorry..."
That's all mom could say after betraying and caging me into the decision I didn't want.
She's fixing my neck tie. Today is our wedding.
I remained silent. Gusto kong iparamdam sa kaniya na galit ako.
"I did it not because of the Company but also for you. Alam kong mahal niyo ang isa't isa. Alam kong maaayos niyo ang relasy-"
"Shut up mom." Pagputol ko sa kaniya.
I don't want to be rude but she's saying something ridiculous.
Dumaan ang sakit sa mata ng aking ina na agad tinapos ang pag-aayos ng neck tie at tipid na ngumiti.
Ayaw ko sanang masaktan siya pero magpapakamanhid muna ako ngayon.
Alam ko naman sa sarili ko na patatawarin ko rin siya pero hindi ngayon.
Wala ako sa mood.
We choose a small chapel near their subdivision. Family lang namin ang present.
Si Mom and Dad, si Auntie Ailee, Azeleia's mom and Azrael, her older brother.
"Aevo" sambit ni Azrael na nakipagshake hands sa akin.
"Take care of my sister"
I only nod as a respect. As if I will take care of her. Kaya na niya ang sarili niya tss.
Hindi rin tumagal at pumasok na si Azeleia. Ayoko siyang tingnan pero anong magagawa? She's my bride. My eyes automatically laid with her.
She's wearing a simple white dress and a simple gold flower crown connected to a short belo. She look fresh in her light make up while holding a bouquet of white and pink roses.
While looking at her, I suddenly remember our past where we are laying on the grass on the field, holding each other arms while planning our future.
Naalala kong pinangarap kong makasal sa kaniya.
If she didn't ghosted me, maybe I'm the happiest person right now.
Pagkalapit sa akin ni Azeleia ay inoffer ko ang aking braso. Matagal siyang tumitig sa akin bago niya ipinilupot ang kamay sa aking braso bago kami naglakad sa gitna ng altar.
I can feel that she's staring me but I remained quiet and focus my attention in front.
Sinimulan na ng pari ang seremonya. Parehas lang kaming tahimik ni Azeleia at nakikinig sa lahat ng instruction na gagawin.
Pagdating sa pag-exchange ng vows ay may binasa lang kami.
Buti na lang at ganoon lang. Wala kasi akong masasabi sa kaniya. Baka lang mareal talk ko siya.
"Aevo Clint Elleazar, do you take Azeleia Promettre as your Wife?"
I look at Azeleia before showing my grim face. I want her to know that I'm not favor to this wedding.
"I do father" labas sa ilong ko na sabi.
"Azeleia Promettre, do you take Aevo Clint Elleazar as you Husband?"
"I do father" mabilis na sagot ni Azeleia habang tutok na tutok ang mata sa akin.
At hindi na nga pinatagal pa ng pari.
"You may now kiss the bride"
My eyes automatically went on her lips and lean forward to slightly kiss her on the side of her lips but I was caught of guard when she initiate to kiss first.
She hold my jaw in place before kissing my lips in a passionate way.
I was stunned to back off. I didn't expect her aggresiveness.
Nanatili akong nakatayo hanggang sa kusa siyang humiwalay. She even lick her lips in front of me.
I frowned. Is she trying to seduce me?
Hindi na iyan tatalab.
Kumurap ako ilang beses bago ko inayos ang postura at pinunasan ang bibig ko. I don't care if the people inside the chapel will notice.
Umalis kami ng chapel at kumain sa hotel na pagmamay-ari ng Promettre. The table is awkward. Walang umiimik. Lahat ay tahimik. Nagkaroon lang ng conversation when my Dad talks about business.
"Are you already tired Azeleia?" Tita Ailee asked.
Tumingin ako sa kinakain ni Aze. It's all full of vegetables. Well...it's not new.
Azeleia is strict on her diet even before. Ang hirap niyang dalhin kung saan-saan at hirap niya ding pakainin.
Kaagad kong winaglit sa isipan ang mga naiisip kong nakaraan namin.
Past is past never discuss ika nga.
"A little bit" Azeleia answered.
Dahil lang sa sagot na iyon ay naging tahimik at naging mabilis ang pagkain naming lahat.
"By the way, here's my gift to your wedding. Congratulations!"
Tita Ailee gave me a sport car. Umawang ang bibig ko habang nakatingin sa labas ng hotel nila. It's not like we can't afford to buy a car but this car is expensive as f**k!
"I don't need that" I can't still take away my eyes on the brand new sport car.
"Oh you need that. Gamitin mo 'yan para puntahan ang bagong bili kong bahay para sa inyo ng anak ko. Pinalinis ko na iyon. Naando'n na din ang inyong gamit. Congratulations newly wed"
I'm still speechless. Kung hindi lang yumakap si Tita Ailee ay hindi pa rin ako makakarecover.
I still thank her for the gift. Ayaw ko pa ring tanggapin pero pinilit na niya ako.
Nagpaalam na rin si Mom and Dad dahil kailangan asikasuhin. They said congratulations on Azeleia before leaving.
Umalis na rin ang pamilya ni Aze kaya naiwan kaming dalawa.
"Can I get the key?" Tanong ni Azeleia na inilahad ang kamay sa harapan ko.
Kumunot ang noo ko. "Why would I give it to you?"
"Do you know how to drive my mother's gift? It is not compared to other cars. There are new features."
Ibinigay ko na lang sa kaniya ang susi. "Edi ikaw na ang billionaire" suplado kong sabi.
"And you're lucky to have a billionaire wife"
"Hindi ako swerte! Mas gugustuhin ko pa 'yong pulubi kaysa sayo" kaagad kong rebat.
"You're just saying that because you're mad at me"
"I'm not mad. I really hate you"
Tumahimik na siya at wala ng maisagot. Tss. Sapol!
Sumunod na ako sa kaniya papasok. Hindi ko maiwasang mamangha sa bagong sasakyan ko. Parang ayaw kong madumihan.
Para tuloy akong naging ignorante saglit.
Habang nasa daan, Azeleia is teaching me how to operate the car. Mataimtim akong nakinig at nanood. Mabilis ko naman nagets lahat.
I'm excited to drive this car.
Buti na lang pagkarating namin sa magiging permanente naming bahay ay hindi malapalasyo. It is a two floor modern house na may maliit na garden at sa likod ay may maliit na pool.
Pagkapasok namin ay may dalawang katulong na naglilinis.
They welcome us and guide us to the bed room.
Oo, doon kami kaagad dinala.
"Are we going to have s*x?" Tanong ni Azeleia, direct to the point.
As a man, muntikan na akong mabulunan.
Masiyado siyang straightforward.
Pagpasok namin sa kwarto ay inihanda talaga iyon ng bagong maghohoneymoon.
Petal of roses are scattered on the floor. The scented candles bring up the mood. There's also a heart petal on the bed and a erotic music played.
I inhaled sharply before looking at Azeleia.
She is staring at me intently like she was waiting for me to move.
Kinuyom ko ang kamao ko. Puta!
Ano kayang iniisip niya? Na magiging ganito kami karomantic after ng kasal?
The f**k?
Instead of answering her, I find my luggage.
"What are you doing?" Lumapit siya nang makita akong hinihila ang mga gamit ko.
"Ikaw naman ang iiwan" patama ko sa kaniya.
I'm not planning to stay here anyway. What for? Aarte kami na parang mag-asawa? The hell I will do that.
"You can't go Aevo" She said with an authority.
Tinigil ko ang paghila sa maleta ko at pinagkatitigan ng maigi si Azeleia. I held her chin and stare at her intently. "Oh, I can"
Gusto ko makitang masaktan siya. Gusto ko iparamdam sa kaniya ang galit na nararamdaman ko pero katulad din ng dati, wala siyang emosyong pinapakita. Nanatili siyang emotionless. Hindi ko na siya mabasa ngayon.
She look at me with her emotionless eyes. Wala siyang sinabi ng mga ilang segundo. Tumingin lang sya sa akin.
Dahil sa nakakailang nitong tingin ay umiwas na ako at lumayo na sa kaniya. Kinuha ko ang susi ng aking kotse at lumabas ng kwarto.
Ramdam ko ang pagsunod nya sa akin hanggang sa pagbaba ng hagdan.
Hinuli nito ang aking braso sa huling pagkakataon.
"Leave if you want but you will find yourself coming back to me." That's her message before letting me go.
Too confident huh?
Hindi na ako sinundan palabas ni Azeleia. She was in the center of the stairs, looking at me, leaving her.
Napatigil pa ako dahil parang napansin kong may tumulong luha sa kaniyang mata or kung ano ano lang nakikita. Maybe I'm just hallucinating.
Hindi ko na iyon pinansin at nagpatuloy sa paglabas.
Buti nga ako alam niyang aalis ako samantala siya wala kahit pa paalam.
Tuluyan na akong lumabas at nagtungo sa brand new car na bigay sa akin ni Tita.
Ang galing naman. Alam ni Tita kung anong kailangan ko.
I'm also excited to drive this anyway like how excited I am to leave Azeleia alone.