1 - Who's back?
Aevo shot mo na!"
Kumunot ang noo ko bago tiningnan ang nakalahad na alak sa aking harapan.
Fuck! I can't drink anymore.
Umiikot na ang paningin ko. Nasisilaw na rin ang mata ko sa mga ilaw. Naririndi ako sa background music ng bar.
"Excuse me"
Hindi ko ininom ang alak bagkus ay umalis ako sa kumpol ng mga tao. My sight is spinning and I can't walk properly. That's how drunk I am.
"Hey handsome, want to have some fun?" Tanong pa ng isang babaeng humarang sa akin.
She's pretty but I'm in a hurry right now.
Hindi ko siya sinagot at hinanap ang CR.
Parang may gusto kasing lumabas sa sikmura ko. Pigil na pigil ko ang sarili at sinikap na kunin at gisingin ang sarili.
Ilang tao ang nabunggo ko bago ako nakapasok ng CR at kaagad ako pumasok sa cubicle para sumuka sa inidoro.
Fuck!
Hindi ko na matandaan kung ilang beses na ganito ang ikot ng buhay ko. Kahit ilang suka pa yata ang aking ilabas, hindi pa rin nawawala 'yong sakit sa dibdib ko.
Pinunasan ko ang bibig bago pinindot ang flush at sinarado ang inidoro bago lumabas para pumunta ng sink at maghilamos.
Kahit ang pagbubukas ng gripo ay hindi ko na magawa ng tama sa sobrang kalasingan.
I looked at my reflection.
Ako ba talaga 'to?
Feeling ko tumanda ako ng ilang years kumpara sa aking edad. Mahaba na ang buhok ko at pwede ng ipitan, ang balbas ko at bigote ay nakalimutan ko na ring ahitin. Ang eyebags ko ay kitang-kita.
Ganito pala mabuhay ng puno ng hinanakit. Ganito mabuhay kapag ayaw mo ng mabuhay.
Tanginang puso 'to.
Tatlong taon na ang nakakalipas pero naglalamay pa rin.
Puta!
Sinong makakamove on kung iniwan ka ng walang dahilan?
Dahil naisip ko na naman, parang gusto ko pa ulit mag-inom.
Muli akong lumabas ng CR at naupo muna sa gilid para magpahinga dahil nahihilo na ako.
Pinukpok ko ang ulo sa pader ng ilang beses para lang magising at kahit papaano ay mahimasmasan pero dulot ng sobrang kalasingan, unti-unti ng sumasara ang mga talukap ko.
And even before I fall into a deep slumber, I saw her.
Yes, my eyes trick me again.
She's wearing a black lovely flowy dress while worriedly looking at me.
'Azeleia Promettre'
The girl I love the most. The reason why I'm miserable right now.
"I want to forget you. I want you out of my life anymore. This is the last day you'll see me miserable"
That is what my last words before I fell sleep.
________
"Goodmorning hangover!"
Hindi na bago sa akin ang sakit ng ulo.
Minulat ko ang mata bago tiningnan ang paligid. I'm in my condo. What happened last night? Ang natatandaan ko lang ay nasa bar ako.
Sino naghatid sa akin dito?
Or baka hindi ko lang natandaan na nakauwi pa pala ako.
Umiling na lang ako at bumangon na. I don't like my smell that's why I decided to take a bath to refreshed.
After taking a bath, I went to the sink and reached for my shaving foam.
I remember last night. Naalala ko na ito na ang panghuling araw kong magpapakalugmok. I remember 'her'
Sinabi ko sa harapan niya kahit imagination lang 'yon, kaya paninindigan ko na. Huwag lang talaga siya papakita sa akin ulit. Hindi ko talaga siya mapapatawad.
Inahit ko ang balbas at bigote ko, pagkatapos ay nagsuot ng pambahay na damit at lumabas para pumunta ng barber shop.
"The usual clean cut sir?" tanong ng barbero.
I have a usual haircut.Naalala ko pa na gustong gusto niya iyon kaya sa pagbabagong buhay, iibahin ko.
"Undercut." Sagot ko.
After my haircut,Pumunta ako kina Treyn. Treyn is my bestfriend. Siya rin ang kasama ko sa bar kahapon.
"Hindi ikaw ang naghatid sa akin bro?" I asked Treyn. We are in his house. Nasa sala kami at nagkwekwentuhan.
"Nope. Nagulat na lang ako wala ka na sa bar." pagrarason niya. "May kinama ka?" dagdag niya pang tanong.
"Wala. Nasa condo ako at mag-isa."
Bumuntong hininga ako. Baka nga ako naghatid sa sarili ko noong lasing ako. Pero ang alam ko lasing na lasing ako. Na-Imagine ko pa nga sa harapan ko 'yong ex ko eh.
"By the way, you're looking good. Bumata ka ng 10 times haha" nagthumbs up siya sa style ng buhok ko.
"I've decided to continue my life. That's the first step." I sighed.
"Finally! After 3 years bro ngayon mo lang narealize?? Isang himala ito. Alam mo bang pinapadasal kita sa simbahan at pinapaalbularyo. Buti gumana-"
"Gago" I showed him my middle finger. Tumawa lang siya.
"I-celebrate natin 'yan. Ano? Inom ba ulit-"
"Pinayagan na kita mag-inom noong isang araw" Joi, Treyn's Wife showed up, holding a tray of finger foods.
Kaagad na tumiklop si Treyn nang makita ang asawa. "Sabi ko nga hindi na" kumamot siya ng ulo bago bumaling sa akin. "Tama, huwag na tayo mag-inom kasi nga magbabagong buhay ka na" sabi niya with taas-taas kilay pa.
I tsked.
Ang corny talaga ng gagong ito.
~Phone's vibrating~
I reached for my phone when I heard the vibrate of my phone. When I open it I saw a one notification coming from my mom.
Mom:
Can you come home? Mayroon tayong pag-uusapan.
Kumunot ang noo ko sa text ni mom. Pag-uusapan? Ang unusual ng text pero since hindi ako masiyadong bumibisita, pupunta ako. I only replied 'okay' before bringing back my phone in my pocket.
Hindi na din ako nagtagal kina Treyn. Bumalik ako sa condo para maligo muli at magbihis. I wear a simple V-neck shirt and a cargo brown short.
And drive all the way to my parent's home.
Pagkarating ko doon, naabutan kong busy ang lahat ng katulong. Nakita ko si mom sa kusina at nagluluto ng maraming dish habang ang ilang katulong ay inaayos ang aming mesa.
"May celebration ba?" Salubong kong tanong kay mom.
Kaagad napalingon sa akin ang aking ina. Kumislap ang mata niya at kaagad na binitawan ang sandok para yakapin ako.
"Omy! I miss you anak!" Niyakap niya ako ng mahigpit.
Niyakap ko din siya pabalik. "I miss you too" hinalikan ko siya sa noo bago muling tiningnan ang busy na araw sa bahay. "May celebration ba mom?"
Kaagad siyang bumitaw para balikan ang kaniyang niluluto. "Yes. Una sa pagbisita mo at ang isa pa ay may malaking bisita tayo mamaya"
Salubong pa rin ang kilay ko. Sino kaya 'yong malaking bisitang tinutukoy ni mom.
"By the way, help me here!"
Tinulungan ko si mama sa pagsala ng pasta noodles.
"Sino 'yong malaking bisita mom?"
Naramdaman kong natigilan si mom. Mas lalong nagsalubong ang kilay ko nang lumingon siya sa akin ng kabado.
"Ahm...basta k-kilala mo anak"
"So sino nga?"
"Masusurprise ka na lang anak"
Hindi na siya nagsalita at muling bumalik sa pagluluto. Nagtataka pa rin ako pero hindi ko na masiyadong pansin. Makikilala ko rin naman ang bisita.
"Si Dad?" Tanong ko ulit.
"In work"
Tumango na lang ako at tumulong sa kaniya. We prepared three types of dish. Inayos rin ang design ng table. Nagmukha tuloy elegante sa mga bulaklak sa gitna at ilang candles.
Pinaghandaan din ang pag-aayos ng mga table napkin at mga utensils.
"Should I wear something elegant?" I asked my mom wearing a beautiful elegant dress.
Kakauwi lang din ni Dad na nakasuot ng magandang suit for this dinner.
"Yes, you should son" sagot ni Daddy.
Ayokong maging killjoy kaya pumunta ako sa dating kong kwarto at naghanap ng magandang suit para sa akin.
Paglabas ko ng kwarto ay nakarinig na ako ng tunog ng makina ng kotse kaya alam kong naandiyan na ang mga bisita.
"Aevo anak, sunduin mo ang bisita natin" Utos ni Dad sa akin.
Tumango lang ako at kaagad na lumabas ng bahay.
Pagdating ko sa gate ay saktong lumabas ang isang babaeng hindi ko inaasahan na bisita.
Kaagad na tumibok ang puso ko sa kaba at unti-unting nanginig ang buo kong sistema. Hindi ako makagalaw.
It was my ex-girlfriend's mom.
She elegantly smiled at me. "Goodevening Aevo. It is nice to see you again" she greeted.
Pero hindi ko siya magawang batiin dahil tumutok ang mata ko sa isa pang babaeng lumabas ng kotse.
My body became tensed. My teeth is gritting so hard. Kaunting-kaunti na lang pakiramdam ko nandidilim ang paningin ko.
Why?
Why she's here?
Bakit naandito si Azeleia?