Chapter 4

2077 Words
ONE WEEK LATER ... ABALA si Yssabelle sa paghuhugas ng pinggan ng mapatigil siya ng may tumawag sa pangalan niya. "Yssabelle." Napatingin naman siya sa kanyang likod at nakita niya si Ate Mae. "Bakit po, Ate Mae?" tanong naman niya dito ng magtama ang mga mata nilang dalawa. "Pinapatawad ka ni Manang Susan," imporma naman nito sa kanya. Hindi naman naiwasan ni Yssabelle ang makaramdam ng kaba sa narinig na sinabi ni Ate Mae sa kanya. Bakit kaya siya pinapatawad ni Manang Susan? May nagawa ba siyang mali sa trabaho niya? hindi niya maiwasan na tanong sa isipan. Si Manang Susan kasi ang mayordoma ng mansion na pinagta-trabahuan niya. Isang linggo na ang lumipas simula noong lumuwas si Yssabelle sa Manila para magta-trabaho. Sa unang araw nga niya sa Manila ay hindi maganda ang naging karanasan niya. Una, ninakaw ang pera niya at hindi na iyon naibalik sa kanya. Pangalawa ay muntikan na naman siyang masagasaan. Pangatlo ay pinagbintangan siyang modus niya ang magpasagasa para makuha ng pera. Sa totoo lang ay masakit para kay Yssabelle ang mapagbintangan nang ibang tao, hindi naman kasi siya ganoon. Kahit na mahirap ang buhay niya ay hindi niya naisip na gumawa ng masama. Sa nangyari nga sa kanya sa unang araw niya sa Manila, she felt helpless. Tiniis niya ang gutom hanggang sa hindi pa siya nasusundo ng susundo sa kanya doon. Halos dalawang oras pa nga siyang naghintay hanggang sa dumating ang sundo niya. Humingi naman ito ng paunmanhin sa kanya dahil late na siya nitong sinundo. Nang sandali ngang iyon ay kinapalan na din niya mukha, hindi na kasi niya kaya ang gutom, nahihilo na din siya. Kaya nga kagit na unang araw lang niya ito nakita ay humiram siya dito ng isang daang piso para makabili siya ng tubig at kahit tinapay man lang, sapat na iyon para kahit papaano ay magkalaman ang tiyan niya. Na-i-kwento nga din niya ang nangyari sa kanya at mukhang naawa ito dahil pinakaain siya nito sa isang fastfood chain. Sobrang nga siyang nagpapasalamat dito dahil sa kabaitan nito sa kanya. At mayamaya mukhang nabasa ni Ate Mae kung ano ang nasa isip niya sa sandaling iyon dahil nagsalita ito. "Huwag kang mag-alala, Yssabelle. Hindi galit si Manang Susan. May sasabihin lang yata siya sa 'yo," wika naman nito. Kahit papaano ay nakahinga naman si Yssabelle ng maluwag. Wala naman kasi siyang natatandaan na nagawa na masama para ipatawag siya ni Manang Susan. Maingat siya sa trabaho at pinagbubutihan din talaga niya. Gusto din kasi niyang nagtagal sa trabaho niya do'n, kailangan niyang makaipon para maipagpatuloy niya ang pag-aaral niya. "Ganoon po ba," sabi na lang niya. Tumango naman si Ate Mae bilang sagot. "Puntahan mo na si Manang Susan. Ako na ang magtutuloy niyang hinuhugasan mo," wika naman nito sa kanya. "Sige po. Salamat," wika naman niya. Hinugasan naman niya ang kamay na may bola. Pagkatapos niyon ay tinanggal niya ang suot na apron at saka niya iyon sinabit. "Puntahan ko na po si Manang Susan, Ate Mae," paalam naman niya. Tumango lang naman ito bilang sagot. Lumabas naman na siya sa dirty kitchen. Nagpatuloy naman siya sa paglalakad hanggang sa makita niya si Manang Susan sa may living room. Binilisan naman niya ang paglalakad nang makita niya na hinihintay na siya nito. "Gusto niyo daw po akong makausap, Manang Susan?" tanong niya ng tuluyan siyang nakalapit dito. "Oo," sagot naman ni Manang Susan sa kanya. Hindi naman siya nagsalita. Hinintay niya ang susunod na sasabihin nito sa kanya. "Simula ngayon ay ikaw na ang gagawa ng mga gawain sa condo ni Sir Trent," wika sa kanya ni Manang Susan. Hindi naman napigilan ni Yssabelle ang napakurap-kurap ng mga mata sa narinig na sinabi nito. Sa loob ng isang linggo na pagta-trabaho niya sa mansion ay never pa niyang nakita si Sir Trent. Ang sabi sa kanya ay bihira lang daw itong umuwi do'n. Dahil madalas ay sa condo ito umuuwi. At dahil hindi pa niya nakikita si Sir Trent ay hindi niya alam kung ano ang hitsura nito, na-vision lang niya na matanda na ito, napapanot at malaki ang tiyan. Ganoon naman kasi madalas ang hitsura ng mga mayayamang negosyante. Gusto namang magtanong ni Yssabelle kung bakit siya na ang gagawa niyon, eh, ang pagkakaalam niya ay may kasamahan siya na gumagawa niyon. Pero hindi na lang niya ginawa baka kasi isipin ni Manang Susan na ayaw niya. "At ito ang mga hindi at dapat mong gawin kapag nasa condo ka ni Sir Trent," mayamaya ay wika ni Manang Susan sa kanya. Nakinig naman siyang mabuti kung ano ang sasabihin nito sa kanya. "Kapag gusto niyang magpa-grocery ay kailangan na bilhin mo lahat ng ibinigay na listahan sa 'yo," wika sa kanya ni Manang Susan. Tumango-tango naman siya para ipahiwatig dito na naiintindihan niya ang sinasabi nito. "At kapag nasa condo ka niya, sa kusina at sa living room ka lang niya. Huwag na huwag kang papasok sa loob ng kwarto niya," dagdag pa na bilin nito. "Naiintindihan mo ba?" pagpapatuloy pa na wika ni Manang Susan sa kanya. Tumango naman siya. "Opo," sagot naman niya. Pagkatapos niyon ay may inabot ito sa kanya na papel. Agad naman niya iyong kinuha. "Pumunta ka sa grocery store at bilhin mo ang lahat ng nakasulat diyan sa listahan. Pagkatapos mong mabili ang lahat ay dalhin mo iyan sa condo ni Sir Trent. Magpasama ka kay Fred," utos sa kanya ni Manang Susan. Ang Fred na tinutukoy nito ay ang driver sa mansion. "Ngayon na po ba?" "Oo," sagot sa kanya ni Manang Susan. Pagkatapos niyon ay inabutan siya nito ng pera. "Ito ang gamitin mo pangbayad." "Sige po," wika niya ng kunin niya ang pera. Nagpaalam naman na si Yssabelle kay Manang Susan. Sinabi niyang magbibihis mo na siya, naligo naman na siya. Papalitan lang niya ang uniform niya. Hindi naman sa kinahihiya niya ang trabaho niya, marangal naman iyon. Gusto lang niyang maging komportable kahit papaano. Nang tumango ito ay umalis na siya sa harap nito. Nagtungo naman siya sa Maid's Quarter. Sa likod ng mansion ay may Maid's Quarter do'n. Maganda at malinis ang quarter nila do'n. Mas malaki nga iyon kaysa sa bahay ng Tita niya. Pagdating niya sa kwarto niya ay agad siyang nagpalit ng damit. Isang puting blouse at kulay itim na pantalon ang napili niyang isuot. Nag-flat sandals lang din siya. Ipinusod din niya ang mahabang buhok in messybun style. Kinuha din niya ang sling bag niya at inilagay niya do'n ang listahan at ang pera na ibinigay sa kanya ni Manang Susan. Nang matapos siya ay lumabas na siya. Mukhang nasabi na din yata ni Manang Susan kay Manong Fred na may pupuntahan sila dahil nakita niyang ready na ito. At mukhang hinihintay na siya nito. "Alis na ba tayo?" tanong ni Manong Fred nang makalapit siya. "Opo," sagot naman niya. "Okay," sagot naman nito. Sumakay naman na ito sa driver seat, sa passenger din naman siya sumakay. Ayaw naman niyang sumakay sa backseat kasi hindi naman siya nito Boss. Binuhay naman na nito ang makina ng kotse at pinaandar na nito iyon paalis. At hindi naman nagtagal ay nakarating na din sila sa Mall kung saan siya mag-go-grocery. Sa Rivas Mall talaga sila nag-grocery ng mga kailangan nila sa mansion. Hindi din iyon ang unang beses niya sa nasabing Mall, nakapunta na siya do'n dahil isinama siya ni Ate Mae noong huling beses silang nag-grocery para sa mansion. "Tawagan mo na lang ako, Yssabelle kapag tapos ka na sa pag-go-grocery mo," wika sa kanya ni Manong Fred nang ihinto nito ang minamanehong kotse sa parking lot ng nasabing Mall. "Sige po," sagot naman niya. Bumaba naman na sita ng kotse. Pagkatapos niyon ay naglakad na siya papasok sa Mall. Dumiretso naman siya sa grocery store, pagdating niya do'n ay agad siyang kumuha ng pushcart at inilabas din niya sa kanyang bag ang listahan ng kailangan niyang bilhin. At hindi naman niya napigilan ang pagtaas ng isa niyang kilay nang makita niya ang unang nasa listahan na pinapabili ni Sir Trent, canned beer. Isang box pa. Mukhang kagaya din nito ang Tito Ogie niya na lasenggo at ang pinagkaibihan lang ay mayamang lasenggo si Sir Trent. Nagpakawala na lang naman si Yssabelle nang malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay nagpatuloy na siya sa paglalakad para bilhin ang lahat ng nasa listahan. Sinigurado nga niya na nabili niya ang lahat, iyon kasi ang mahigpit na bilin ni Manang Susan sa kanya. At makalipas ang isang oras ay nabili naman na niya ang lahat ng nakalista. Nagtungo naman siya sa cashier para bayadan iyon. Nang matapos ay inilagay mo na niya iyon sa pushcart. Hindi naman kasi niya iyon mabubuhat dahil madami at mabigat. Itinulak naman niya iyon hanggang sa makalabas siya ng Mall. Tulak pa din niya ang pushcart hanggang sa makalapit siya sa kotse kung saan naka-park iyon. Lumabas naman si Manong Fred para tulungan siya na ilagay sa likod ang pinamili niya. Saktong nailagay na nila ang lahat nang maramdaman niya ang pagtunog ng ringtone ng cellphone niya. Inilabas naman niya iyon sa kanyang bag at nakita at nabasa niya na si Manang Susan ang tumatawag sa kanya. Agad naman niyang sinagot ang tawag nito. "Hello, Manang Susan," wika naman niya. "Yssabelle, nasaan kayo?" tanong naman ni Manang Susan sa kanya. "Sa Mall pa po. Pero pauwi na po kami," sagot naman niya. "Bakit niyo po naitanong?" "Tumawag sa akin si Sir Trent. Tinanong niya ako kung sino ang inutusan ko na mag-grocery na kailangan niya sa condo niya. At kinuha niya sa akin ang number mo, baka tawagan o i-text ka niya. May ipapabili pa yata," imporma naman ni Manang Delle sa kanya. "Ganoon po ba. Hintayin ko na lang po tawag ni Sir," sabi naman niya. Nagpaalam naman na si Manang Susan sa kanya. Baka daw kasi hindi siya ma-contact ni Sir Trent kapag tatawag na ito. "Alis na ba tayo, Yssabelle?" tanong ni Manong Fred sa kanya. "Mamayang pa po. May ipapabili pa po yata si--Hindi na natapos ni Yssabelle ang iba pa niyang sasabihin ng mapatigil siya ng tumunog ang message alert tone ng cellphone niya. At nang tingnan niya ang hawak ay nakita niya na unknown number ang nagpadala ng message sa kanya. Mukhang si Sir Trent na iyon. Agad naman niyang binasa ang text message nito. At ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makita niya kung ano ang pinapabili nito sa kanya. Isang packed ng condom! At may brand pa itong binangggit na gusto nitong bilhin niya. Napakurap-kurap naman siya ng mga mata habang nakatitig siya sa text message ni Sir Trent sa kanya. Hindi nga niya magawang makapag-reply dito dahil sa shocked na nararamdaman. Totoo ba talagang nagpapabili si Sir Trent ng condom sa kanya? At mayamaya ay napaigtad siya ng tumunog ang ringtone ng cellphone niya. At mas lalong nanlaki ang mga mata niya nang makita na tumatawag si Sir Trent sa kanya. Hindi naman niya alam kung ano ang gagawin. At kung sasagutin niya ang tawag nito ay iyon ang unang pagkakataon na makakausap at iyon ang unang beses na marinig niya ang boses nito. Nagpakawala naman si Yssabelle ng malalim na buntong-hininga bago niya sagutin ang tawag nito. "H-hello?" Lihim naman niyang pinagalitan ang sarili dahil sa pagkatao ng boses niya. "Why did you take so long to answer my call?" he said in an cold but baritone voice. Sa boses nito ay parang hindi ito matanda. "S-sorry po, Sir Trent. Nagulat po kasi ako sa biglang pagtawag niyo," pag-amin naman niya kung bakit hindi niya agad nasagot ang tawag nito. "Did you receive my message?" tanong nito sa halip na magbigay ito ng komento sa sinabi niya. Hindi naman niya napigilan ang pamulahan ng mukha ng maalala niya ang pinabibili nito sa kanya sa sandaling iyon. Parang wala para dito na magpabili ito ng condom sa kanya. "Okay," sagot lang naman nito. At mayamaya ay wala na siyang narinig mula dito. At nang alisin niya ang cellphone sa tapat ng tainga niya ay do'n lang niya napansin na binabaan na pala siya ni Sir Trent ng tawag. Humugot naman si Yssabelle ng malalim na buntong-hininga. Kahit na nahihiya ay kailangan niyang bilhin ang pinapabili nito. Kailangan niya itong bilhan ng condoms. Hindi lang pala ito sa alak mahilig, mahilig din ito sa... Ipinilig naman ni Yssabelle ang ulo para maalis kung ano ang nasa isip niya sa sandaling iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD