Chapter 3

1612 Words
TUMAYO si Yssabelle mula sa pagkakaupo niya ng ihinto ng driver ng bus ang minamaneho nito sa terminal nang makarating sila sa Maynila. Kinuha naman niya ang medyo kalakihang bag na nasa gilid niya. Pagkatapos niyon ay naglakad na siya pababa ng bus. Kinagat naman niya ang ibabang labi ng makaramdam siya ng kaba ng makababa siya ng bus. Hindi kasi siya pamilyar sa lugar, hindi pamilyar ang paligid na nakikita niya sa sandaling iyon. Sa unang pagkakataon kasi ay ngayon lang siya nakaluwas ng Maynila kaya hindi niya maiwasan ang makaramdam ng kaba. Nasa Maynila siya dahil tinanggap niya ang trabahong sinabi sa kanya ng kaibigang si Tanya. Pinag-isipan kasi ni Yssabelle mabuti ang naging desisyon niya kung tatanggapin niya ang trabahong inaalok nito sa kanya. At dahil gusto na din naman niyang makalayo sa Tito niyang lasenggero at gusto niyang makapag-ipon para sa pag-aaral niya ay tinanggap niya ang trabahong sinasabi ng kaibigan. Nang tanggapin nga niya iyon ay agad nitong kinausap si Aling Puring at sinabi nitong gusto niyang mag-trabaho. Mabuti na lang din at nagustuhan siya ni Aling Puring kaya ni-recommend siya nito sa kakilala nitong naghahanap ng maid. At mula din kay Aling Puring ay nalaman niya kung sino ang magiging amo niya. Isang mayamang negosyante daw. Hindi lang mayaman kundi isang bilyonaryo daw. At sa mansion siya titira at kung sakali ay ngayon lang siya makakapasok sa isang mansion. Sa TV nga lang niya nakikita iyon. Hindi naman na siya nagawang ihatid ni Aling Puring sa Maynila dahil nga nirayuma ito. Pero sinabi naman nito sa kanya na may susundo sa kanya sa bus terminal na nagta-trabaho din sa mansion. Ibinigay ni Aling Puring sa kanya ang pangalan at contact number ng susundo sa kanya sa bus terminal. Nang makababa siya ng bus ay iginala niya ang paningin sa paligid. Hinahanap niya ang susundo sa kanya. Na-itext naman na niya na malapit na siya sa bus terminal dito kaya alam niyang on the way na din ito. Naghanap naman siya ng mauupuan, pagkatapos ay inilabas niya ang mumurahing cellphone. Mahigpit nga din ang pagkakawak niya sa cellphone niya, mahigpit kasi na bilin sa kanya ni Tanya na ingatan niya ang mahahalagang gamit niya dahil nagkalat daw ang mga snatcher do’n. Konti na nga lang ang mahahalagang gamit na dala niya, makukuha pa sa kanya. Idinial naman niya ang numero ng susundo sa kanya. Kinagat niya ang ibabang labi ng un-attended ang cellphone na tinatawagan niya. Muli naman niya iyong tinawagan pero un-attended pa din. Nagpakawala naman si Yssa ng malalim na buntong-hininga. Nanatili naman siya sa kinauupuhan habang hinihintay niya ang susundo sa kanya do’n. Natanggap naman kasi nito ang text message niya dito dahil nakapag-reply ito sa kanya. Baka nga on the way na din ito. Matiyaga naman si Yssa na naghintay do’n. Palinga-linga nga siya sa paligid baka kasi nando’n na ang sundo niya. Pasilip-silip din siya sa hawak na cellphone baka may text na siya. At mayamaya ay umayos si Yssa mula sa pagkakaupo niya ng mag-ring ang cellphone niya. At nang tingnan niya kung sino ang tumatawag sa kanya ay ang kaibigan niyang si Tanya ang nakita niya. Agad naman niyang sinagot ang tawag nito. “Hello?” wika niya ng sagutin niya ang naturang tawag. “Yssa, nasa Maynila ka na ba?” tanong nito sa kanya. “Oo,” sagot niya. “Pero nandito pa ako sa Bus Terminal. Wala pa kasi ang sundo ko,” dagdag pa na wika niya kay Tanya. “Tinawagan mo na ba iyong number na ibinigay sa `yo ni Aling Puring?” tanong naman nito sa kanya. Tumango naman siya kahit na hindi siya nito nakikita. “Oo,” sagot niya. “Pero un-attended ang numero niya. Pero nakapag-reply naman siya sa akin kanina noong sinabi ko na malapit na ako sa Bus Terminal,” imporma niya dito. “Ganoon ba,” wika naman nito. “Hmm...sige subukan kung tawagan si Aling Puring. Tawagan kita ulit kapag nakausap ko na siya,” mayamaya ay wika nito sa kanya. “Sige,” sabi naman niya dito. “Okay. Ingat ka diyan,” wika nito bago ito nawala sa kabilang linya. Naghintay naman ulit siya sa tawag nito. Makalipas naman ng ilang minuto ay muli siyang tinawagan ni Tanya. Agad niya iyong sinagot. “Nakausap mo na si Aling Puring?” tanong niya mula sa kabilang linya. “Oo,” sagot nito sa kanya. “Anong sabi?” tanong niya kay Tanya. “Medyo busy daw sila sa Mansion. Nabalitaan daw kasi nila na darating ang Boss nila kaya hindi ka pa nila masundo diyan,” imporma naman nito. “Oh,” sambit naman niya. Mukhang very important person ang magiging amo ni Yssa. Naidasal nga din niya na sana ay mabait ito. “Ang sabi ay maghintay ka na lang daw diyan. Susunduin ka naman daw nila kapag dumating na ang magiging boss niyo,” wika pa ni Tanya sa kanya. “Sige, sige,” sagot naman niya. Magtatagal pa sana ang pag-uusap nila ng kaibigan kaso tinapos na niya, baka kasi malowbat ang cellphone niya. Problema pa niya kung saan siya magcha-charge. At dahil sinabi naman na susunduin siya do’n ay matiyaga ulit siyang naghintay. Kung gusto niyang guminhawa ang buhay niya ay kailangan niyang magtiis. Halos dalawang oras na nga si Yssa na naghihintay do’n. Nakaramdam na nga din siya ng gutom, hindi din kasi siya nakakain ng maayos kanina dahil nga sa sobrang kaba na nararamdaman niya. Medyo nakakaramdam na din siya ng hilo dahil sa gutom at idagdag pa na mainit do’n. Mausok din dahil sa dami ng sasakyan na dumadaan. Pakiramdam nga niya ay lahat ng usok ay nalanghap na niya. Nagpakawala si Yssabelle ng malalim na buntong-hininga. Tiningnan naman niya ang wallet niya kung ilan pa ang pera niya do’n. May isang libo pa siya sa wallet niya. Budget niya iyon habang hindi pa siya sumasahod sa pagta-trabahuan. Iyong pera kasing itinatago niya na hindi sa kanya ay ibinigay na niya sa Tita niya. Pang-gastos at pambayad nito sa kuryente. Hindi naman na kasi niya nakita ang estrangherong lalaki na nagbigay niyon sa kanya dalawang araw na ang nakakaraan. Pero sinabi naman niya sa sarili na kapag may pera na siya at nang muli niya itong makita ay ibabalik niya dito ang perang ibinigay nito sa kanya. Hawak ni Yssabelle ang wallet ng tumayo siya mula sa pagkakaupo niya. Maghahanap na lang siya ng makakainan na mura, iyong pasok sa budget niya. Wala siyang nakitang karendirya kaya naisipan na lang niyang sa isang fastfood chain na lang, iyong mura na lang ang bibilhin niya. Sa harap kasi ng bus terminal ay may fastfood chain. At akmang magtutungo siya do'n ng biglang may humablot sa wallet na hawak niya. Saglit naman siyang hindi nakakilos hanggang sa manlaki ang mga mata niya. "Ang wallet ko!" sigaw naman ni Yssabelle. "Tulong! May snacher!" Paghingi naman niya ng tulong, pero mukhang walang gustong tumulong sa kanya kaya nag-desisyon siyang habulin ang snacher. Kailangan niya kasing maibalik ang pera niya dahil iyon na lang ang pera niya. At nang makita na tatawid ang lalaking snacher sa kalsada ay sinundan niya ito. Nasa gitna na siya ng makarinig siya ng malakas na busina ng isang kotse. Napahinto at napatingin naman siya sa gilid niya. At ganoon na lang ang panlalaki niya nang makita niya ang isang itim na kotse na paparating sa gawi niya. Parang replay nga na naulit ang nangyari dalawang araw na ang nakakaraan kung saan muntik na siyang masagasaan ng bigla siyang nahilo no'ng tumatawid siya. At gaya noong una, bago sumalpok ang kotse sa katawan niya ay mabilis na na-i-preno iyon ng driver. Gahibla na nga lang ang layo ng bumber sa kanya. Muntikan na naman siya. Sa sandaling iyon ay nanginig naman ang mga tuhod ni Yssabelle sa kaba, nakalimutan nga niya ang snacher na hinahabol niya dahil sa sobrang kaba na naramdaman niya. Sa panginginig niya ng mga tuhod niya ay napaupo na lang siya. Taimtim din siyang nagpasalamat dahil sa pangalawang pagkakataon ay ligtas na naman siya. Mayamaya ay naramdaman naman niya ang pagbukas ng pinto sa gawi ng driver seat. Sumalabong naman sa kanya ang itim na sapatos. Tumingala naman siya para makita niya kung kaninong sapatos iyon. At ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mata nang makita niya ang isang lalaki. Nakasuot ito ng puting long sleeves na nakalihis hanggang sa siko nito. Naka-shades din ito, hindi niya kita ang mga mata nito pero kita naman niya ang nakakunot na noo nito habang nakatingin sa kanya. Pamilyar sa kanya ang mukha ng lalaki. Parang nakita na niya ito. Hanggang sa manlaki na naman ang mga mata niya nang maalala niya kung saan niya ito nakita. Ito ang lalaki na nagbigay sa kanya ng sampung libo. Hindi makakalimutan ni Yssabelle ang pagmumukha ng lalaki. Bubuka sana ang bibig niya para magsalita ng mapahinto siya. "Is this is your modus?" He asked her in a cold but baritone voice. "Ha?" wika naman niya, hindi kasi niya maintindihan kung ano ang ibig nitong sabihin. "Modus niyo ba ang kunwaring magpasagasa para makalikom ng pera?" wika nito sa kanya sa malamig pa ding boses. Napaawang naman ang ibabang labi niya sa narinig na sinabi nito. Mukhang inakala ng lalaki na modus niya ang kunwaring magpapasagasa para bigyan siya ng pera. "But sorry, Miss. But I will not fall for your modus," dagdag pa na wika nito. Pagkatapos niyon ay tinalikuran siya nito. Sumakay ulit ito sa kotse nito. Inaatras naman nito iyon hanggang sa dumaan ito sa gilid niya. Sa shocked na nararamdaman ni Yssabelle ay hindi siya nakagalaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD