PANGALAWANG beses ni Yssabelle na pupunta sa condo unit ni Sir Trent ngayong araw. Tumawag kasi ito kay Manang Susan kanina, gusto daw kasi nitong kumain ng lutong bahay pag-uwi nito galing sa trabaho. Kaya inutusan siya ni Manang Susan na pumunta sa condo ni Sir Trent para lutuan ito sa request nito.
Alas kwarto ng hapon ng umalis si Yssabelle sa mansion, as usual ay kasama niya si Manong Fred para may masasakyan siya papunta at pauwi. At saktong alas sinko ng hapon ng makarating sila sa building kung saan matatagpuan ang condo ni Sir Trent.
Naiwan naman si Manong Fred sa kotse at nasa parking lot ito. Siya lang naman ang umakyat patungo sa 10th floor kung saan ang condo nito para gawin ang pinag-uutos sa kanya.
Hindi naman nagtagal ay bumukas sa 10th floor ang kinasasakyan niyang elevator. Humakbang siya palabas do'n at dere-deretso siyang naglakad hanggang sa makarating siya sa tapat ng pinto sa condo ni Sir Trent.
Binuksan naman ni Yssabelle ang bag at kinuha niya ang spare card key na ibinigay sa kanya ni Manang Susan para makapasok siya sa loob ng condo nito.
Nang mabuksan niya ang pinto ay pumasok siya sa loob, isinarado naman niya ang pinto at humakbang na siya ng tuluyan sa loob.
Iginala naman niya ang tingin sa buong paligid, tinitingnan kasi niya kung may lilinisan ba siya pero nang makita niya na malinis ang living area sa condo nito ay tuloy-tuloy na siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa kusina.
Inalis naman niya ang sling bag na suot at ipinatong niya iyon sa dining table. Lumapit naman siya sa fridge at binuksan niya iyon.
Nagtingin naman siya ng pwede niyang iluto sa loob ng fridge. Wala naman binangggit si Manang Susan na gusto ni Sir Trent na kainin. Sinabi lang daw nito na gusto nitong kumain ng lutong bahay. Bahala na siguro siya kung ano ang naisipan niyang iluto para dito.
Naisipan ni Yssabelle na adobong manok na lang ang iluluto niya kaya inilabas niya ang manok sa loob ng fridge at ang iba pang sangkap na gagamitin niya sa pagluluto ng adobo gaya ng patatas, baywang, sibuyas at ginger.
At dahil galing sa freezer ang manok ay kinakailangan pa niya iyong palambutin. Kaya inuna mo na niyang balatan ang mga kailangan niya sa pagluluto. Medyo matigas pa ang manok ng balikan niya iyon kaya nagluto na lang mo na din siya ng kanin sa rice cooker.
At nang balikan muli niya ang manok ay malambot na iyon kaya hinugasan niya iyon kahit na hinugasan naman na niya iyon noon. Siya kasi ang bumili ng manok noong inutusan siya ni Manang Susan na ipag-grocery ang lalaki. Lahat nga ng laman ng fridge at cupboard nito ay siya ang nag-grocery. At mukhang wala pang nagagalaw si Sir Trent sa pinamili niya dahil hindi pa iyon nabawasan, maliban na lang sa canned beer na pinabili din nito sa kanya. Napansin kasi niya ng buksan niya ang fridge ay nakita niya na bawas na iyon. At kung hindi siya nagkakamali ay bawas na iyon ng dalawa.
Iyong condom kaya na pinabili din nito sa kanya? Nabawasan na din kaya nito? Hindi naman napigilan ni Yssabelle na itanong iyon sa isipan. At nang itanong niya iyon ay hindi niya napigilan ang pamulahan ng mukha. Kahit na hindi siya nakatingin sa sariling repleksiyon sa salamin ay alam niyang pulang-pula ang magkabilang pisngi niya.
Naalala pa nga niya ng bumalik siya sa loob ng Mall para sundin ang pinag-uutos nito sa kanya, para bilhin ang condoms na pinapabili nito. Sa totoo lang ay nagdadalawang isip siya kung bilhin ba niya iyon, sobrang kasi iyang nahihiya. Pero kahit na nahihiya ay wala siyang magawa kundi bilhin ang pinapabili nito. Ayaw kasi niyang mapagalitan kung sakaling hindi niya sundin ang pinag-uutos nito, tumawag pa nga ang lalaki para siguraduhin na natanggap niya ang message nito. Mukhang may paggagamitan ito.
Sa totoo nga lang din, mas nahirapan nga siya na bilhin iyon kaysa bilhin ang lahat ng nakalista sa papel na ibinigay sa kanya ni Manang Susan. Inabot nga siya ng kalahating oras para mabili niya ang condoms nito. Halos pamulahan nga siya ng mukha ng damputin niya ang box ng condoms sa harap ng counter at lalo na noong i-abot niya iyon sa kahera para bayaran. Halos hindi nga siya nakatingin ng deretso sa mga mata nito dahil nahihiya siya.
Baka kasi mag-isip ang kahera ng iba sa kanya. At nang mabili nga niya iyon ay dali-dali siyang umalis sa lugar.
Ipinilig naman ni Yssabelle ang ulo para maalis iyon sa isip niya. Nagpakawala din siya ng malalim na buntong-hininga at nagpatuloy na siya sa kanyang ginagawa. Inumpisahan naman na niyang iluto ang adobong manok.
Well, marunong si Yssabelle na magluto. Nang nakatira kasi siya sa bahay ng Tita Amanda niya ay tinutulungan niya itong magluto. Ayaw naman kasi niyang maging pabigat at kapag nakita siya ni Tito Ogie niya na walang ginagawa, paparinggan siya nito na batugan. Kaya minsan kahit na pagod na pagod siya sa trabaho, kapag may nakita siyang hugasin sa maliit na kusina ay hinuhugasan na niya iyon para hindi siya mapagsabihan ng Tito Ogie niya.
Humugot naman ng malalim na buntong-hininga si Yssabelle. Ipinilig na lang ulit niya ang ulo para maalis sa isip niya ang hirap na pinagdaanan ng buhay niya.
Nagpatuloy na siya sa pagluluto. At makalipas ng ilang minuto ay tapos na din siya. Tinikman nga din niya ang niluto niyang adobong manok kung okay na ba iyon sa panlasa niya, hindi nga niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi ng para sa kanya ay okay na ang lasa. At sa tingin niya ay magugustuhan iyon ni Sir Trent, hindi naman sa pagmamayabang, nasarapan siya sa luto niya.
Pinatay naman na ni Yssabelle ang stove. Tiningnan din niya ang niluluto niyang kanin at nakita din na luto na iyon kaya tinanggal na niya iyon sa saksakan. Niligpit at hinugasan naman niya ang mga ginamit niya sa pagluluto para kapag nakauwi na si Sir Trent ay malinis na iyon.
At makalipas ulit ang ilang sandali ay natapos na din siya sa lahat ng kailangan niyang gawin sa condo nito. Naisipan na din niyang umalis do'n, hindi naman na kasi niya kailangan hintayin ang pagdating ni Sir Trent dahil hindi naman niya alam kung ano ang oras ito darating.
Sa dalawang beses niyang nagpunta do'n at hindi niya ito nati-tiyempuhan na makita. Kaya hanggang ngayon ay hindi pa din niya alam kung ano ang hitsura nito. Pero baka nga tama ang hinala niya sa nabi-vision niya na hitsura nito. Maybe, he is old, baka nasa fifties or more na si Sir Trent. Impossible din kasing bata pa ito, eh, sa naririnig niya. Napakayaman nito. At marami itong mga business. Pag-aari nga ni Sir Trent ang Falcon Empire--isa sa mga malaking kompanya sa bansa.
Wala nga din siyang makita na picture nito sa loob ng condo nito. Well, hindi niya alam sa loob ng kwarto nito, eh, mahigpit naman siyang binilinan na huwag siyang pumasok do'n. At kahit na naku-curious siya ay pinigilan pa din niya ang sarili na magpasaway.
Kinuha naman na ni Yssabelle ang sling bag na ipinatong niya sa mesa kanina. At akmang lalabas na siya sa kusina ng mapahinto siya ng may maalala. Binuksan niya ang bag at kinuha niya ang ballpen at post it note na nabili din niya noong nagpunta siya ng grocery. Pagkatapos niyon ay sinulatan niya iyon.
Nag-iwan lang naman siya ng mensahe kay Sir Trent. Sinulat niya sa post it note na kapag kakain ito ay painitin nito ang ulam dahil mas masarap iyon kapag mainit. Hindi naman niya alam kung saan niya iyon ididikit. Kung sa ibabaw ba ng dining table o hindi kaya sa pinto ng fridge. Naisip na lang niya sa pinto ng fridge dahil agad iyon makikita.
Sumilay naman ang ngiti sa labi ni Yssabelle habang nakatingin siya sa post it note na idinikit niya. Saglit siyang nakatingin do'n hanggang sa napagpasyahan na niyang umalis na.
NAKAKUNOT nag noo ni Trent habang nakatutok ang atensiyon niya sa harap ng laptop. Mayamaya ay inalis niya ang tingin sa laptop niya at inilipat iyon sa gawi ng pinto sa opisina niya ng makarinig siya ng mahinang katok.
Hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya ng magsalita siya. "Come in," wika niya sa baritonong boses kung sino man ang kumakatok sa labas ng pinto ng opisina niya.
Hinintay naman ni Trent na bumukas ang pinto. At mayamaya ay bumukas iyon at pumasok do'n ang secretary niya na si Tina.
"Hello po, Sir Trent," wika ni Tina sa kanya ng magtama ang mga mata nila.
"What?" malamig ang boses na tanong niya dito.
Napansin naman niya ang paglunok ni Tina. "May ipag-uutos pa po ba kayo, Sir?" tanong naman nito sa kanya.
"If I need anything from you, I'll give you a call," wika naman niya dito.
"Hmm...S-sir Trent, it's already 5 in the afternoon. Pwede na po ba akong umalis?" mayamaya ay tanong nito sa kanya, napansin din niya na parang nag-aalanganin itong sabihin iyon sa kanya.
Kunot pa din ang noo na tumingin siya sa wristwatch na suot. At doon niya napansin na alas sinko na pala ng hapon. Uwian na. Dahil masyadong nakatutok ang atensiyon niya sa harap ng laptop ay hindi niya namalayan ang oras.
Nag-angat ulit naman siya ng tingin patungo kay Tina. "You can go," wika naman niya dito.
"Sige po, Sir. Thank you po," wika nito sa kanya. Pagkatapos niyon ay tumalikod na ito at humakbang na palabas ng opisina niya.
At sa halip na umuwi si Trent ay muli niyang itinuon ang atensiyon sa harap ng kanyang laptop. Kailangan kasi niyang matapos ang ginagawa niya ngayong araw.
Senend na kasi sa kanya ni Xander ang design para sa project niyang resort na nabili niyang property sa Pampanga. At mabusi niyang tinitingnan iyon kung approved na ba sa kanya ang lahat ng design. Mula sa interior at saka sa exterior. Minimal changes lang naman ang gusto niyang ipabago. And so far so good ay okay naman na sa kanya ang buong design. Hindi nga siya nagkamali sa kinuhang architect para sa project niya. Kailangan na kasi ni Trent na matapos iyon para ma-approved na niya at maumpisahan na niya ang project.
At makalipas ang isang oras ay natapos na din si Trent. Nag-send naman siya kay Xander kung ano ang minimal changes na gusto niyang ipabago sa design na ginawa nito. At nang matapos ay in-off na niya ang kanyang laptop.
Pagkatapos niyon ay tumayo na siya mula sa pagkakaupo niya sa kanyang swivel chair. Dinampot naman niya ang susi ng kanyang kotse at ang cellphone niya na nakalapag sa executive table. At bago siya lumabas ng opisina niya ay kinuha din niya ang coat niya na nakasabit sa coat rack.
Tuloy-tuloy naman siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse niya. Wala ang driver niyang si Manong John dahil humingi ito ng dalawang araw na leave. May sakit kasi ang bunso nitong anak at kailangan daw nitong samahan ang asawa nito sa pag-aalaga. Kaya wala siyang driver.
Sumakay naman na si Trent sa kotse niya. Binuhay niya ang makina ng kotse at saka na niya iyon pinaandar paalis.
Makalipas naman ang tatlumpong minuto ay nakarating na din siya sa building kung saan matatagpuan ang condo niya. Nang ma-i-park niya ang kanyang kotse ay bumaba na siya at tuloy-tuloy siya na naglakad papasok sa loob hanggang sa makarating na siya sa tapat ng pinto ng condo niya.
Dinukot naman niya ang card key niya para buksan ang pinto at saka siya pumasok do'n.
Pagdating niya sa loob ay hinagis niya ang hawak na coat sa may sofa sa may sala at saka siya nagpatuloy na naglakad papasok naman sa kwarto niya. Saglit siyang nagpahinga hanggang sa naisipan niyang maligo. Hindi naman siya masyado nagtagal sa loob ng banyo. Nang matapos siya ay agad siyang nagbihis. Isang puting sando at kulay gray na pajama ang naisip ni Trent na isuot. Pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto niya at dumiretso naman siya sa kusina.
Lumapit siya sa fridge. At akmang bubuksan niya iyon ng mapatigil siya ng may napansin siyang nagkadikit sa pinto ng fridge.
Salubong naman ng kilay ni Trent na kinuha niya iyon para basahin.
Hello po, Sir Trent. Nagluto na po ako ng ulam. Bago nito kainin ay ipainit niyo mo na. Mas masarap po ang adobong manok kapag mainit po.
Basa ni Trent sa nakasulat sa post it note na hawak niya. Hindi pa nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya ng mapatingin niya sa kalderong nakapatong sa stove. At habang nakatingin siya do'n ay naalala niya ang inutos niya kay Manang Susan kanina.
Habang nasa trabaho kasi siya ay nag-crave siya sa lutong bahay. Ilang linggo na din kasi na puro take out foods sa restaurant ang kinakain niya. Gusto din naman niyang maiba. At mukhang sinunod nito ang pinag-uutos niya.
Itinapon naman ni Trent ang hawak na post it note sa basurahan na naroon sa kusina. Tuluyan naman niyang binuksan ang fridge at kumuha siya ng canned beer do'n. Nang makuha niya iyon ay lumapit siya sa kardero. Binuksan niya iyon at bigla siyang natakam nang maamoy niya ang aroma ng adobong manok.
Kumuha naman siya ng pinggan. Nakita din niya na may kanina na ding naluto, nagsandok naman na siya. At akmang magsasandok na din siya ng adobong manok nang mapatigil siya ng maalala niya ang nakasulat sa post it note.
Hindi niya napigilan ang sarili na sundin kung ano ang nakasulat sa post it note. Pinainit niya ang adobong manok. Hindi naman niya iyon hinintay na kumulo, basta nang makita niya na uminit na ay pinatay na niya iyon at saka niya nilagyan ang plato niya.
Nang malagyan ay umupo naman na siya sa harap ng dining table. At bago siya kumain ay binuksan niya ang canned beer at uminom siya do'n.
At saka doon lang niya pinagtuunan ng pansin ang pagkaing nasa plato niya.
At saglit na natigilan si Trent nang matikman niya ang adobong manok na niluto ng kung sino man ang in-assign ni Manang Susan na ipagluto siya. Pero sigurado siya na hindi ganoon ang luto ng dating naka-assign sa condo niya. May pumupunta kasi na maid sa condo niya para maglinis, ipaglaba at ipagluto siya. Thrice a week na pumupunta ito sa condo niya para gawin ang mga iyon.
And Trent had to admit, masarap ang adobong manok na niluto para sa kanya. Kakaiba ang lasa niyon sa mga natitikman niyang luto ng dating naka-assign na maid na nagluluto sa kanya kapag gusto niyang kumain ng lutong bahay.
Tumango-tango naman si Trent dahil sa satisfaction para sa kinakain niya hanggang sa muli na naman siyang sumubo hanggang sa maubos niya ang laman ng plato niya.
Mukhang ang maid ni Trent ang nagluto ng kinain niya ng sandaling iyon ang i-a-assign na ipagluto siya kapag naisipan niyang kumain ulit ng lutong bahay.