NASA Pampanga si Trent Gabriel Falcon para mag-ocular visit sa property na nabili niya. Balak din kasi niyang magpatayo ng isang resort do'n. Magkikita din sila ng kaibigan niyang si Xander para makita din nito ang property. Isa kasing Architect si Xander at may-ari din itong Architectural Firm. Ang ang firm ng kaibigan ang gusto niyang humawak sa project niyang iyon.
"Nandito na po tayo, Sir," imporma naman ni Manong John--ang driver niya ng sandaling iyon nang makarating sila sa pupuntahan.
Umayos naman si Trent mula sa pagkakaupo niya sa backseat ng marinig niya ang sinabi nito. Pinatay naman na ni Manong John ang makina ng kotse at saka ito bumaba do'n para naman pagbuksan siya nito ng pinto.
Bumaba naman si Trent ng sasakyan. At hindi niya napigilan ang mapakunot ng noo nang maramdaman niya ang init ng araw na tumatagos sa balat niya.
It's eleven o'clock in the morning right now. Quarter to nine sila umalis ng Manila, pero inabot sila ng dalawang oras sa biyahe dahil sa traffic.
Hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha ni Trent ng lingunin niya si Manong John sa kanyang tabi. Agad naman nitong nakuha ang ibig niyang sabihin sa tingin niya dahil humakbang ito patungo sa likod ng kotse at kinuha nito do'n ang itim na payong.
Binuksan nito iyon. At akmang papayungan siya nito ng pigilan niya ito. "Ako na," wika niya. Ibinigay naman na nito sa kanya ang payong. "You can wait here." Hindi naman na niya ito hinintay na magsalita, humakbang naman na siya patungo sa site na pupuntahan niya.
Nakakalimang hakbang lang siya nang mapatigil siya ng may pamilyar na boses na tumawag sa kanya.
"Trent."
Lumingon naman siya sa kanyang gilid at nakita niya si Architect Xander na naglalakad palapit sa dereksiyon niya. Napansin niya ang pagsilay ng ngiti sa labi nito nang magtama ang mga mata nila.
"How are you?" tanong naman nito nang tuluyan itong nakalapit sa kanya.
"I'm fine," maikling sagot naman niya.
Napansin naman ni Trent ang pag-angat ng dulo ng labi no Xander sa maikling sagot niya. Hindi na lang niya ito pinansin. Xander was his classmate back in college. Kilala na siya nito sa pagiging man of few words niya.
"Anyway," mayamaya ay wika ni Trent. "Have you seen the property I told you about?" tanong niya dito.
Xander nodded. "The property you acquired is both beautiful and spacious," sagot ni Xander bago nito inalis ang tingin sa kanya at inilipat nito iyon sa malawak na lupain kung saan binabalak niyang pagtayuan ng resort. "At accessible siya dahil malapit lang siya sa City," dagdag pa na sagot ni Xander.
"Yeah," wika naman niya. Well, hindi naman bibili si Trent ng property kung magiging loss lang niya iyon. Lahat ng mga ginagawa niya ay pinag-aaralan niyang mabuti. Kaya lahat nga ng negosyong ipinatayo niya ay naging succesful.
He is Trent Gabriel Falcon—one of the young CEO and Billionaire here in the Philippines. Pag-aari niya ang Falcon Empire. Major stock holders din siya sa malalaking kompanya sa bansa. Sa edad niyang trenta’y dos at marami na siyang napatunayan sa Corporate World. At isa ang Falcon Empire ang nangungunang korporasyon sa bansa.
At binansagan nga din siyang Heartless Billionaire sa Corporate World dahil wala siyang sinasanto. Maliit o malaki man na kompanya iyon. Marinig nga lang ng mga ito ang pangalan niya ay nanginginig na sa takot ang mga kalaban. And no one dare to mess with him. Mga empleyado nga niya ay takot sa kanya, takot nga din ang mga ito na makipag-eye to eye sa kanya.
At kahit na marami na siyang negosyo ay hindi pa din siya tumitigil sa pagpapatayo ng panibagong negosyo. May gusto kasi siyang patunayan sa isang taong iniwan sila dahil lang sa pera.
Ipinilig naman ni Trent ang ulo para maalis iyon sa isip niya. Humugot din siya ng malalim na buntong-hininga.
"And actually, may nabi-vision na akong design for your resort," wika pa sa kanya ni Xander.
"If the design is complete. Show me right away. Once I approve the design. I want to start the construction of the resort right away." wika naman niya dito.
"Okay," sagot naman ni Xander.
Saglit namang namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. "Anyway," basag naman nito sa katahimikan. "Marami ka nang negosyo, Trent. Bakit hindi ka pa din tumitigil?" tanong ni Xander sa kanya.
Hindi naman niya napigilan ang pag-seryoso ng ekspresyon ng mukha niya sa tanong nitong iyon. At mukhang napansin iyon ni Xander dahil napansin niya na saglit itong natigilan at mayamaya ay humingi ito ng sorry sa kanya.
Sa halip naman na mag-komento ay tiningnan niya ang suot na wristwatch. "I I have to leave," mayamaya ay wika niya kay Xander. "I have an appointment later."
Humugot naman ng malalim na buntong-hininga si Xander. "Okay," wika nito.
Hindi naman na siya sumagot. Tumalikod na siya at humakbang na patungo sa kinapaparadahan ng kotse niya. Mukhang nakita naman na siya ni Manong John na palapit dahil lumabas ito sa sasakyan para pagbuksan siya ng pinto sa may backseat. Inabot naman niya dito ang hawak niyang payong at saka siya sumakay sa backseat.
Maingat naman na isinara ni Manong John ang pinto at saka ito sumakay din sa driver seat.
"Let's go, Manong John," utos niya dito.
"Yes, Sir," sagot naman nito sa kanya.
Saktong binuhay nito ang makina ng kotse ng maramdaman ni Trent ang pag-vibrate ng cellphone na nasa bulsa ng suot niyang pantalon. At nang kunin niya iyon mula sa bulsa niya ay nakita niyang si Xander ang nagpadala ng text message.
Sorry, Trent. I didn't mean to ask you that.
Basa niya ng buksan niya ang text message nito. Humugot naman ng malalim na buntong-hininga si Trent bago niya ni-replyan si Xander.
It's okay.
Nang maipadala niya ang reply ay muli niyang ibinulsa ang cellphone. Pagkatapos niyon ay isinandal niya ang likod sa headrest ng backseat at saka niya ipinikit ang mga mata.
Alam ni Trent kung bakit humingi ng sorry si Xander sa kanya sa itinanong nito. Dahil kilala na siya nito ay alam nito naging buhay ng pamilya niya noon. Na-i-kwento kasi niya iyon dito dati.
Masaya ang pamilya ni Trent noon kasama ang mga magulang niya. Pero noong seventeen years old siya ay sinubok ng problema ang pamilya nila.
Nagkaroon kasi ng malaking problema ang family business nila. Konting-konti na lang ay malapit nang mag-declare ng buncruptcy ang Papa niya. Nabaon din ang pamilya nila sa utang para lang maisalba ang negosyo nila. At dahil din do'n ay nagsimulang magkalamat ang masayang relasyon ng magulang niya. Sinisisi kasi ng Mama niya ang Papa niya kung bakit nangyari ang lahat ng iyon sa pamilya niya.
At sa halip na damayan ng Mama niya ang Papa niya sa problemang kinahaharap nito ay iniwan ng Mama niya ang Papa niya. Hindi man lang kinonsider ng Mama niya ang mararamdaman niya sa ginawa nitong pag-iwan sa Papa niya. At ang masakit ay nalaman niyang sumama ang Mama niya sa business partner ng Papa niya. Nalaman din ni Trent na ayaw maranasan ng Mama niya ang maghirap kaya sumama ito sa business partner ng Papa niya.
Ipinagpalit sila ng Mama niya sa pera kaysa makasama sila ng ama sa hirap.
Dahil sa mga nangyari ay na-depress ang Papa niya, mahal na mahal kasi nito ang Mama niya pero iniwan lang ito ng Mama niya. Hanggang sa hindi nito nakayanan ang depression at nagpakamatay ito.
The loss of his father left him feeling sad. And at the same time, Trent is mad at her mom for leaving them just because she doesn't want to suffer.
Sa pag-iwan sa kanya ng mga magulang niya ay ang Lolo at Lola niya sa father side ang kumupkop sa kanya. Ang mga ito ang pumunan na dapat obligasyon ng magulang niya. Ang mga grandparents ang nagpalaki at nagpaaral sa kanya.
At ipinangako ni Trent sa sarili na kapag nakapagtapos siya sa pag-aaral ay magsisikap siya, babangon siya. At ipinapangako niya na magiging succesful siya sa buhay. Ipapakita niya sa Mama niyang nag-iwan sa kanila na mali ang pinili nito, ipapamukha niya dito kung ano ang sinayang nito.
Nagtagumpay naman si Trent dahil sa batang edad ay naging succesful siya. At gaya ng sinabi niya, he is young CEO and Billionaire here in the Philippines. Nabawi din niya ang lahat ng nawala sa kanila noon, hinigitan pa niya.
At mayamaya ay naalis ang iniisip ni Trent ng biglang nag-preno si Manong John.
"f**k!" Mura ni Trent nang magmulat siya ng mga mata. Hindi nga din niya napigilan ang mapakunot ng noo. "Manong John, what happened?" malamig ang boses na tanong niya.
"Sorry, Sir Trent. May bigla po kasing tumawid," paliwanag naman nito. "Saglit lang po," wika nito bago ito bumaba ng kotse.
Hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya ng tumingin siya sa harap ng bintana. At nakita niyang nilapitan ni Manong John ang isang babae na nakatulala sa harapan.
Napansin niyang kinakausap ito ni Manong John. Inalis naman niya ang tingin sa dalawa at inilipat niya iyon sa wristwatch na suot. He took a deep breath. At nang hindi siya makatiis ay binuksan niya ang pinto at bumaba siya do'n. Napansin naman niya ang pagsulyap ng babae sa gawi niya. Napansin nga niya ang bahagyang pag-awang ng labi nito habang nakatingin ito sa kanya.
Hindi na naman niya napigilan ang mapakunot ng noo. "Manong, matagal pa ba iyan? I'm in hurry," wika niya sa seryoso pero baritonong boses.
“Sir, saglit lang,” sagot naman nito. “Miss, okay ka lang ba?” tanong ni Manong John sa babae.
Napansin naman niya na inalis nito ang tingin sa kanya at inilipat nito iyon kay Manong John.
"O-okay lang po ako," sagoy ng babae, her voice is sweet. Narinig pa niya na nag-usap pa ang dalawa. At dahil nagmamadali siya ay napagpasyahan niyang lumapit sa dalawa.
Napansin naman niya na napahinto ang mga ito sa pag-uusap at nag-angat ng tingin ang babae sa kanya. Maliit ang babae, hindi man lang umabot sa leeg niya ang ulo nito.
Sinalubong naman ni Trent ang titig nito. Dinukot niya ang wallet niya sa likod ng bulsa niya at kumuha siya do'n ng dalawang libong peso.
"Here," wika niya sabay abot ng pera dito. Sa halip naman na kunin ng babae ang pera ay tiningnan lang nito iyon. "Kunin mo na para makaalis na kami," wika niya sa malamig na boses ng hindi pa ito kumikilos.
Hindi naman niya napigilan ang mapailing. Muli niyang dinagdagan ang perang nasa kamay niya. Iyong dalawang libo ay naging sampung libo na. Mukhang hindi sapat ang unang perang inaabot niya dito para kunin nito.
At nang hindi pa ulit kumikilos ang babae ay sapilitan niyang inilagay ang pera sa kamay nito. May naramdaman si Trent na parang boltahe ng kuryente na dumaloy sa katawan niya ng hawakan niya ang kamay nito pero hindi niya iyon pinansin. Ang napansin kasi niya ang ang paghawak nitong mabuti sa pera na inilagay niya sa kamay nito na para bang babawiin niya iyon dito.
Hindi na naman niya napigilan ang mapailing sa napansin. Mukha din palang pera ang babae.
"Let's go, Manong Fred," wika na lang ni Trent bago niya tinalikuran ang mga ito.