Chapter 6

1394 Words
NANG matapos si Yssabelle sa trabaho niya sa mansion ay nagtungo na siya quarters nila para magpahinga. Pagdating naman niya do'n ay nakita niya si Ate Mae at Ana na nagkakape at nagku-kwentuhan sa may dining table sa loob ng quarters nila. Para kasing bahay ang Maid's quarter. May sarili iyong kusina, dining area at may living room din. Para ngang hindi iyon isang Maid's Quarter, para talagang bahay iyon. At kasama ni Yssabelle sa kwarto ay si Ate Mae at si Anna. "Oh, Yssabelle, halika, kape tayo," Yaya naman ni Ate Mae sa kanya nang makita siya nito na pumasok sa loob ng quarters nila. Huminto naman siya sa paglalakad at bumaling siya sa mga ito. "Bihis lang po ako saglit. Tapos balik po ako," wika naman niya. "Sige," wika naman nito. Nagpatuloy naman ng naglakad si Yssabelle patungo sa gawi ng kwarto niya. Kumuha naman siya ng damit sa drawer at saka siya pumasok sa loob ng banyo para maghalf bath. Ang maganda sa quarter's nila ay bawat kwarto ay may sariling banyo. Hindi naman masyadong nagtagal si Yssabelle do'n. Nang matapos siya ay lumabas na siya ng banyo at tuloy-tuloy na lumabas ng kwarto para balikan sila Ate Mae. Gusto din naman makisama si Yssabelle sa mga kasama niya do'n para mapalapit siya sa mga ito, siya lang kasi ang bagong pasok do'n, ang mga katulong do'n ay halos tatlong taon at ang pinakamatagal ay sampung taon at si Manang Susan iyon. At ayaw naman niyang mapagsabihan na killjoy kung hindi siya makikipag-bonding sa mga ito. Nang makalapit siya ay nagtimpla din siya ng kape para sa kanya at saka siya umupo sa tabi ni Ate Mae, kaharap naman niya si Ana--halos magka-edad sila ni Ana, dalawang buwan lang ang agwat nilang dalawa. "Okay lang naman ba ang trabaho mo dito, Yssabelle?" mayamaya ay tanong ni Ate Mae sa kanya. "Okay lang naman po. Wala naman pong mahirap na trabaho para sa akin. Basta po marangal," sagot naman niya sa tanong ni Ate Mae. Tumango-tango naman ito bilang sagot sa sinabi niya. "Tama. At hindi naman mahirap ang trabaho dito sa mansion. Huwag ka lang gagawa na ikagagalit ni Sir Trent sa 'yo," wika ni Ate Mae sa kanya. Bigla tuloy siyang na-curious kay Sir Trent na hanggang ngayon ay hindi pa din niya nakikita. "Ano po ba ugali ni Sir Trent?" hindi niya napigilan na itanong iyon sa mga ito. Maliban kasi kung ano ang hitsura nito ay Naku-curious din siya sa ugali nito. Mabait ba ito o masungit? Napansin naman niya na nagtinginan ang dalawa sa naging tanong niya. "Masungit ba si Sir Trent?" curious na tanong niya. Base kasi sa pagtitingin ng dalawa ay parang masungit ang ugali ng boss nila. "Oo." "Sobrang." Halos magkasabay na sagot ni Ate Mae at Ana sa kanya. "Sabagay, matandang binata naman kasi si Sir Trent kaya siguro ganoon ang ugali niya," Hindi niya napigilan na sabihin iyon. Ganoon kasi ang mga matandang binata at dalaga sa kanila, napakasungit ng ugali nila. Napansin naman ni Yssabelle na nagtinginan ang dalawang kausap at mayamaya ay nagtaka siya ng biglang tumawa si Ate Mae at si Ana. Napakurap-kurap naman siya habang nakatitig siya sa dalawa na tumatawa. Naguguluhan siya kung bakit ganoon ang naging reaksiyon ng mga ito sa sinabi niya. May nakakatawa ba sa sinabi niya? "Bakit kayo tumatawa?" tanong niya sa dalawa. Nagpunas naman ng mata si Ate Mae dahil napaluha ito sa kakatawa. "Inakala mo ba na matanda na si Sir Trent?" tanong naman sa kanya ni Joan, may mababakas sa boses nito na amusement. Tumango naman siya. "Oo," sagot niya. "Bakit, hindi ba?" tanong naman niya, base kasi sa reaksiyon ng dalawa ay parang mali siya ng inaakala. "Hindi matanda si Sir Trent, Yssabelle. Bata pa si Sir, trentay dos lang niya." Sa pagkakataong iyon ay si Ate Mae ang sumagot sa kanya. "Oh," bulalas naman ni Yssabelle. "Akala ko ay matanda na si Sir, ang yaman-yaman kasi niya," pagpapatuloy pa na wika niya. Dahil alam niyang mayaman si Sir Trent, may malaking mansion, maraming negosyo ay inakala niya na matanda na ito. Sa tingin kasi niya ay imposibleng ma-achieve nito kapag bata pa ito, dahil para sa kanya kapag ma-achieve niya ang bagay na iyon ay kailangan niya ng mahabang panahon. "Hindi lang bata si Sir Trent, Yssabelle. Ang gwapo-gwapo din niya," pagpapatuloy pa na wika ni Joan, halata ang kilig sa boses nito. "Hindi ba, Ate Mae?" mayamaya ay tanong nito kay Ate Mae nang sulyapan ito ni Ana. Nakangiting tumango naman si Ate Mae bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Ana. "Nasubukan mo na ba na magbasa ng pocketbook, Yssabelle?" tanong ni Ana sa kanya. Tumango naman siya bilang sagot. Hindi naman siya masyado mahilig sa pocketbook, ang kaibigang si Tanya ang mahilig magbasa niyon, kapag sa bahay ng mga ito siya nakikitulog ay lagi itong nagbabasa, minsan pinapahiram siya nito ng pocketbook para basahin din niya. "Ang mga male lead sa pocketbook. Kung paano i-describe ng writer ang mga bidang lalaki sa mga kwento nila. Ganoon si Sir Trent. Tall, Fair-complexion and handsome," wika sa kanya ni Joan na kinikilig ulit. Biglang namang pumasok sa isip niya iyong araw na tumawag sa kanya si Sir Trent, hindi ito boses matanda. Sa katunayan, his voice is deep and baritone. Iyong bang katulad ng boses ng isang host o DJ. "Marami ngang babaeng nagkakagusto kay Sir Trent, pero wala pang nakakabihag sa puso niya," dagdag pa na wika ni Ana sa kanya. Wala pang babaeng nakakabihag sa puso nito pero marami naman itong babaeng naikakama, hindi naman niya napigilan isambit sa kanyang isipan. Kinagat naman niya ang ibabang labi ng maramdaman niya ang pamumula sa magkabilang pisngi niya sa sandaling iyon ng maalala na naman niya ang pinabili nito sa kanya na isang box ng condoms. Gagamitin yata nito ang mga iyon sa mga babae nito. "Oh, Yssabelle, ano ang nangyari sa 'yo?" mayamaya ay tanong ni Ate Mae sa kanya, nang sulyapan niya ito ay nakita niyang nakatingin ito sa kanya, napansin din niya na nakakunot ang noo nito. "Po?" "Bakit namumula ang magkabilang pisngi mo?" tanong nito sa kanya, mukhang napansin nito ang pamumula ng magkabilang pisngi niya. "W-wala po, nainitan lang po ako sa kape na iniinom ko," wika na lang naman niya, nahihiya siyang sabihin dito ang totoo kung bakit namumula ang pisngi niya. Mabuti na nga lang at hindi na nagkomento pa si Ate Mae sa kanya. "May boyfriend ka na ba, Yssabelle?" mayamaya ay tanong ni Ana sa kanya. Umiling naman si Yssabelle. "Wala," sagot niya kay Ana. No boyfriend since birth si Yssabelle, marami namang nanliligaw sa kanya pero wala pa siyang ini-entertain sa mga ito. Wala pa kasi sa priority niya ang magkaroon ng boyfriend, ang priority niya ay ang mag-trabaho para makaipon siya ng pera para maipagpatuloy niya ang pag-aaral. "Sa ganda mong iyan walang manliligaw sa 'yo?" hindi nakapaniwalang tanong sa kanya ni Ana. "Mayro'n naman. Pero wala akong ini-entertain sa kanila. Mas priority ko kasi ang makapag-trabaho para makapag-ipon. Gusto ko po kasi maipagpatuloy ang pag-aaral ko," wika niya kung bakit hindi niya priority ang pagkakaroon ng boyfriend. Tumango-tango naman si Ate Mae bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. "Sabagay, may punto ka. Iba pa din kasi kapag may pinag-aralan ka. Tingnan mo ako, hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. Kaya hanggang dito na lang ang trabaho ko," wika naman ni Ate Mae sa kanila, may nabakasan nga din siyang lungkot sa boses nito ng sabihin nito ang mga salitang iyon. "Wala naman pong masama sa pagiging katulong. Marangal naman pong trabaho ang pagiging katulong," sabi niya. "Marangal pero iba pa din ang nakapag-aral at may magandang trabaho. Kaya habang bata pa kayo ay tupadin niyo ang mga pangarap niyo," wika nito sa kanila ni Ana. "Ang pangarap ko, Ate Mae, ay makapag-asawa ng mayaman. Para hindi na lang ako mag-trabaho. Hihilata na lang ako buong araw," natatawang wika naman ni Ana. "Walang magkakagusto na mayaman sa tulad natin, Ana. Ang mga mayayaman ay para lang sa mga mayayaman," wika ni Ate Mae dito. Kinuha naman ni Yssabelle ang baso niya na may lamang kape at saka siya humigop do'n. May punto si Ate Mae, ang mayayaman ay para lang sa mayayaman. At sa pocketbook lang na nabasa niya nangyayari na may mayamang lalaki na ma-i-in-love sa mahirap na babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD