HUMINTO si Yssabelle nang makarating siya sa tapat ng pinto sa condo unit ng boss niyang si Sir Trent. Kinuha naman niya ang card key sa loob ng sling bag niya. Pagkatapos ay ginamit niya iyon para mabuksan ang pinto. Nang mabuksan niya iyon ay agad siyang pumasok sa loob ng condo para gawin niya kung ano ang trabaho niya kung bakit siya naroon sa condo nito sa sandaling iyon.
Iyon na ang panlimang beses ni Yssabelle na pumunta siya sa condo ni Sir Trent. At gaya na lang ng nauna ay hindi pa din niya nati-tiyempuhan ang lalaki do'n. Kapag naroon siya hindi niya nakikita ang lalaki. Siguro dahil nasa trabaho ito. Umaalis kasi siya sa condo nito before 5 o'clock. Eh, ang alam niya ay hanggang 5 o'clock ang working hours sa opisina. Depende pa kung mag-o-overtime ito o kung hindi ay may pupuntahan pa ito. Hindi naman siguro puro trabaho ang inaatupag nito. Hindi ito magpapabili ng isang box ng condoms kung wala itong personal life.
Hindi na naman napigilan ni Yssabelle ang pamulahan ng mukha ng maisip na naman ang condoms na pinabili nito sa kanya.
Nagbago na din ang nabi-vision ni Yssabelle na hitsura ni Sir Trent matapos silang mag-kwentuhan nina Ate Mae at Ana noong nakaraang linggo. Mali pala siya sa inaakala na matanda na si Sir Trent, hindi naman kasi niya masisisi ang sarili kung ganoon ang isipin niya. Mga mayayaman kasi sa kanila, lalo na mga businessman ay puro matatanda na kaya inakala din niya na matanda na din si Sir Trent, iyon pala ay isang young businessman ito.
Sa kwento nina Ana sa kanya ay nabi-vision niya na isang tall, fair-complexioned and handsome si Sir Trent gaya na lang kung paano i-describe ng isang writer ang male lead sa mga nobela na isinusulat nila. Nasisiguro niya na habulin ng babae si Sir Trent, dahil hindi lang ito gwapo, sobrang yaman din nito.
Ipinilig na lang naman ni Yssabelle ang ulo para maalis iyon sa isip niya. Pagkatapos niyon ay tuluyan na siyang pumasok sa loob ng condo. Inalis naman niya ang sling bag niya at saka niya iyon inilapag sa sofa.
At bago siya mag-umpisa sa trabaho ay ipinusod muna niya ang mahabang buhok in a messybun style.
Ang trabaho niya ngayong araw ay ang linisin ang buong condo ni Sir Trent. Siyempre, hindi kasali ang kwarto nito dahil restricted siya do'n. At ayaw naman niyang sumuway sa inutos sa kanya dahil mahal niya ang trabaho niya.
Una naman niyang nilinisan ay ang living room ng condo nito. Hindi naman siya masyado nahirapan dahil hindi naman masyado marumi ang living room nito. At ang isinunod naman niya ay ang kusina nito. Sa pagkakataong iyon ay medyo marami siyang nagawa dahil nakita niyang maraming hugasin do'n. Nakita din nga niya ang mga nagkalat na canned beer sa ibabaw ng mesa. Mukhang pinag-inuman iyon ni Sir Trent. Kinuha naman niya ang wala nang laman na canned beer at saka niya itinapon sa basurahan, pinunasan niya ang table at saka niya hinugasan ang mga huhugasin na nasa sink. Nang matapos siya ay binuksan niya ang fridge para isulat ang mga kailangan niyang bilhin sa susunod na punta niya do'n. Ibinilin din kasi ni Manang Susan sa kanya iyon kanina bago siya umalis ng mansion. Hindi naman niya napigilan ang mapataas ng isang kilay nang makita niya na ubos na lahat ng canned beer na binili niya noong unang beses siyang pinag-grocery ni Manang Susan.
Isang box iyon, naubos na agad ni Sir Trent?
Hindi naman alam ni Yssabelle kung isasama ba niya iyon na ilista pero inilista pa din niya, itanong na lang niya kay Manang Susan kung bilhin ba niya iyon o hindi. Nailista naman na niya ang lahat ng kailangan niyang ilista. At akmang isasara niya ang fridge ng mapatigil siya ng may maalala.
Wala namang sinabi sa kanya pero naisip na lang niyang ipagluto si Sir Trent ng dinner nito. Baka sakaling maisip nitong kumain mamaya. May nakita siyang liempo sa loob ng freezer kaya inilabas niya iyon. Naisip niyang sinigang na lang ang iluto niya. Saktong may sangkap pa sa fridge na kailangan niya sa pagluluto sa sinigang. Inilabas niya ang lahat ng kailangan niya.
At sa mga sumunod na sandali ay abala na si Yssabelle sa pagluluto. At makalipas ng kalahating oras ay luto na ang iniluluto niya. Naisipan ulit ni Yssabelle na mag-iwan ng note para kay Sir Trent. Sinabi lang naman niya sa note na nagluto siya ng Sinigang kung gusto nitong kumain. At sinabi ulit niya na ipainit muli nito iyon bago nito kainin. Nang ma-isulat niya iyon ay idinikit ulit niya ang post-it-note sa pinto ng fridge.
Pagkatapos ay lumabas na siya sa kusina. Kinuha naman niya ang sling bag na ipinatong niya sa ibabaw ng sofa kanina at saka siya naglakad palabas ng condo nito. Siniguro naman niyang naka-lock ang pinto bago siya umalis.
Humakbang naman na si Yssabelle palapit sa elevator. Pinindot naman niya ang G-button. At habang naghihintay siya ay napansin niya na hindi pala maayos ang pagkakatirintas ng suot niyang rubber shoes.
Yumuko naman siya para ayusin iyon. Hindi pa siya tapos sa pag-aayos ng maramdaman niya na huminto ang elevator sa floor kung nasaan siya at bumukas iyon.
Nag-angat naman si Yssabelle ng mukha. At hindi niya napigilan ang pagkurap ng kanyang mga mata nang pag-angat niya ng tingin ay nakita niya ang isang lalaki na nasa loob ng elevator.
The man inside the elevator is good looking. Kulang ang salitang gwapo para i-describe niya ang lalaki. He is tall, fair-complexioned and freaking handsome.
Nakasuot nga ito ng itim na pantalon at puting long sleeves. Nakalihis ang manggas ng long sleeves nito hanggang sa siko nito, napansin din niya na nakasampay ang itim na coat sa balikat nito. At nang tumigil ang tingin niya sa mukha nito ay napakagat siya ng ibabang labi nang makita niya na nakakunot ang noo nito habang nakatingin ito sa kanya. Gayunman, kahit na nakakunot ang noo nito ay hindi pa din nakakabawas iyon sa ka-gwapuhan nito. At habang tumatagal na nakatitig siya sa gwapong lalaki ay hindi niya napigilan ang manlaki ng kanyang mga mata ng unti-unti niyang nakikilala ito. Hindi siya pwedeng magkamali, ang lalaking nasa harap niya sa sandaling iyon ay ang lalaking nagbigay sa kanya ng sampung libong piso. At ang lalaking muntik ng makasagasa sa kanya noong unang beses niyang nagpunta sa Manila. Ito iyong lalaking pinagkamalan siyang modus ang pagpapasagasa para nakalikom ng pera!
Hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya nang makita ang paghakbang nito. Pero napatigil ito sa harap niya, niyuko siya nito. At sa sandaling iyon ay hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito habang nakatingin sa kanya. Amoy na amoy nga din niya ang mabangong amoy nito na nanunuot sa kanyang ilong. Nakakahiya naman sa pawis na amoy niya.
"You're blocking my way, Miss," he said in a cold but baritone voice, his forehead still furrowed.
"Oh," sambit naman ni Yssabelle. Hindi pa nga niya na-i-i-ayos ang tirintas ng sapatos niya ng tumayo siya mula sa pagkakayuko niya. Muntik na nga siyang ma-out of valence dahil naapakan niya ang tirintas ng sapatos niya, mabuti na nga lang at agad niyang na-ibalanse ang katawan. Nakakahiya kung matumba siya sa harap nito kung sakali.
Mas lalong nagsalubong na naman ang kilay ng gwapong lalaki. Sa sobrang pagkakasalubong nga ay nag-isang linya na iyon. "You're still blocking my way," wika nito sa malaming na boses.
Bahagyang namang nanlaki ang mga mata niya. At mayamaya ay mabilis siyang umalis sa harap nito para makadaan ito. "Sorry po," paghingi naman niya ng paunmanhin dito sa mahinang boses.
Hindi naman ito nagbigay komento sa paghingi niya ng sorry.
He stared at her for a moment before stepping out in front of her.
Nasundan na lang naman ni Yssabelle ang papalayong likod ng lalaki.