"YSSABELLE, Anna. Tawag tayo ni Manang Susan," wika ni Ate Mae sa kanilang dalawa ni Anna ng dumungaw ito sa kusina na kinaroroonan nilang dalawa ng sandaling iyon. Nagtinginan naman silang dalawa ni Anna. Pagkatapos niyon ay sabay silang tumango. Tinigil naman niya ang ginagawang paghuhugas ng mga pinggan sa sandaling iyon. Mula din sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita din niya na tinigil din ni Anna ang ginagawa nito. Sinundan naman nila si Ate Mae ng tuluyan itong lumabas ng kusina. Tuloy-tuloy silang naglakad hanggang sa makalabas sila sa mansion. Nagtaka naman si Yssabelle nang makita niya ang ilang kasamahan sa trabaho sa mansion na nagkukumpulan sa labas. Akala niya ay silang tatlo lang ang pinapatawag ni Manang Susan, hindi pala. Mukhang lahat yata ng nagta-trabaho sa mansio