NAPAHINTO si Yssabelle sa paglalakad ng maramdaman niya ang pag-vibrate ng cellphone niya na nakasuksok sa bulsa ng suot niyang uniform. Kinuha naman ni Yssabelle ang cellphone para tingnan kung sino ang nagpadala ng text message sa kanya. At nakita at nabasa niya na ang kaibigang si Tanya ang nagpadala ng text message ng sandaling iyon. Agad naman niyang binasa ang text message nito. Naibigay ko na iyong pera sa Tita mo, Yssabelle. Basa niya sa text message ni Tanya sa kanya. Nag-text kasi si Tita Amanda kagabi, humihiram ito sa kanya ng isang libong piso pandagdag daw nito sa bayarin nito sa kuryente. Puputulan na kasi ang mga ito at kapag naputulan ang mga ito ng kuryente ay mangugulo na naman ang asawa nito na si Tito Ogie. Gusto sana niyang tanungin ang Tita niya kung ano ang