Hindi na maintindihan ni Samantha kung saan ba niya ipapaling ang ulo niya. Aware na aware kasi siya sa pares ng mga mata na nakatingin sakaniya kanina pa at hindi niya iyon gusto.
Nasa entertainment room sila ngayon kasama ang Lola niya, si Sandro at si Coby. Natulog na ang Lolo niya pagkatapos nilang kumain. Katabi niya naman ang Lola niya habang nasa harap naman nila ang dalawang lalaki. And yes, hindi nakatingin si Coby sa TV at mukang siya ang mas gusto nitong panoorin.
Gosh! Syempre kilig na kilig ang bruha. Crush niya kaya si Coby tapos tinititigan pa siya nito na para bang siya na ang pinaka-magandang babae sa buong mundo. Pero. Yes may pero! Naiilang siya sa way ng pagtitig nito. Hindi siya sanay na nagmamaganda siya! Si Donita lang ang pwedeng magmaganda, hindi siya.
"Hm, Sam. Hindi ko alam na magkaklase pala kaya nito ni Samonte. What a small world nga naman." Iling iling pa ang pinsan niya sa nalaman nito kanina habang naghahapunan sila. Napuno kasi ng kwentuhan at asaran ang hapagkainan kanina. Syempre, si Sandro ang bangka.
Isa pa iyon, buti naituwid nila ang hapunan ng matiwasay at kumalma naman ang puso niya. Nasa harap niya si Coby at panay ang ngiti nito sakaniya kapag nagtatama ang mga mata nila. Feeling ni Sam ng mga oras na 'yon ay siya na talaga ang pinaka-mahaba ang buhok. Tapos nalaman pa niyang wala pa lang girlfriend ang binata. Pak na pak! Ganern!
Pinagsigawan ni Jace sa buong university na girlfriend siya nito tapos eto pang si Coby, laging nakatingin sakaniya.
Ano to? Love triangle na wala namang love?
Bwiset na yan! Gusto lang naman niyang makalimutan ang manlolokong ex boyfriend pero biniyayaan na agad siya ng dalawang naggwagwapuhang lalaki.
Siya na talaga ang Diyosa! Diyosa ng mga manang!
Biglang tumunog ang cellphone ni Coby kaya nagpaalam itong lalabas muna. Tinignan niya ang Lola niya sa tabi at nakatulog na pala ito habang nanonood ng movie ni 'Nora Aunor' na paborito ng kaniyang Lola.
"Ako na ang bahala kay Lola. Sige umakyat ka na sa kwarto mo para makapag-pahinga. Maaga pa tayong aalis bukas." Bumeso pa siya sa pinsan bago naunang lumabas ng entertainment room ng mansyon.
Napag-desisyunan kasi nila na pumuntang Tagaytay bukas para makapa-masyal din sila at makalanghap ng fresh air ang Lolo Gudo niya. Kasi kung dito lang sa Manila ay polusyon ang abot ng abuelo.
Paakyat na sana siya sa taas ng makaramdam siya ng pagka-uhaw kaya naman dumiretso muna siya sa kusina para kumuha ng malamig na malamig na tubig. Hindi naman siya singer kaya pwede siyang uminom non. Hindi din siya conscious sa katawan kasi hindi naman siya tabain.
Sinalin niya ang tubig sa baso ng mapatingin siya sa labas. May malaking swimming pool doon at kahit iisa lang ang ilaw ay hindi nakawala sa paningin niya si Coby na nakaupo sa lounge. Nakatalikod ito sakaniya habang busy sa kausap sa cellphone.
"Ay! s**t!" Nagulat siya ng maramdamang umawas na ang tubig na sinasalin. s**t ang lamig!
Agad naman niyang nahawakan ang bibig dahil sa lakas ng boses. Napatingin siya sa pwesto ni Coby at mabilis siyang nagtago. Lumingon kasi ito sakaniya at mukang narinig ang sigaw niya.
Nanatili lang siyang nakaupo habang nagtatago sa likod ng cabinet ng makarinig siya ng malalaking footsteps papalapit sakaniya. Ewan ba niya feeling niya nasa horror movie siya at si Coby ang mamamatay tao. Grr! Kung si Coby lang naman ay pabor na pabor sakaniya. Gee! Super crush niya kaya ito.
"Sino yan?" Pinikit niya ang mga mata ng maramdaman na malapit na si Coby sa pinagtataguan niya. Iniisip niya kung anong sasabihin niya dito kung bakit siya nagtatago pa. "Sam?" Wala na. Useless na ang pagtatago niya! Daya naman nitong ni Coby ang bilis siyang nahanap. "Anong ginagawa mo dyan?" Ramdam niya ang pagaalala sa tono nito.
"Ah. Wala naman. May nakita lang akong daga kaya hinahanap ko." Umiwas siya ng tingin ng makatayo siya at inisang inom na lang ang tubig na talaga namang pakay niya sa kusina. Hindi ang daga.
"Ah ganon ba. Sila Sandro pala? Si Lola? Tulog na ba?" Tanging pagtango lang ang naisagot niya sa gwapong lalaki sa harap niya. Kahit dim ang lights sa parte nila ay kitang kita niya ang gwapong muka nito. "Hm. Inaantok ka na ba?" Agad siyang napatingin dito at hindi siya makapaniwala na itatanong nito iyon sakaniya.
Haler! Sikat kaya si Coby at simple lang ako. Hindi kami close aba.
"Hindi pa naman. Why?"
"Ah. Tamang tama. Di pa ako inaantok e. Tara kwentuhan naman tayo." Nagulat siya ng biglang hawakan nito ang kamay niya at maingat siyang hinila palabas.
Ganitong ganito din ang eksena nila ni Jace kaninang hapon. Hindi niya inaakala na muli na namang titibok ng mabilis ang puso niya at sa magkaibang lalaki pa talaga.
Sino ba talaga sakanila Samantha?
Err. Feeling! Feeling! Feeling! Malamang, wala sa dalawa. Hinila lang siya ng mga ito, nagmamaganda na agad siya? Tse! Asyumerang palaka! Kokak!
Pinaupo siya nito sa binakantehang lounge habang ang lalaki ay umupo sa may gilid ng pool sa tapat niya. Nakangiti ito sakaniya kaya mas lalo niyang nakita ang kagwapuhan ng binata.
Grabe na to Lord! Pwedeng pwede na po si Coby sakin! Promise! Siya lang sapat na!
"Kwentuhan mo naman ako, Sam." Agad na nagtaas ang kilay niya sa sinabi nito sakaniya. Ang alam niya BM ang course niya hindi story teller. Pambihira! Ginawa pa siya nitong si Lola Basyang. Di bale na. Crush naman niya ito e.
"Totoo bang girlfriend ka ni Jace?" Inangat niya ang ulo at nakatingin ng seryoso sakaniya ang lalaki. Hindi niya mabasa ang tumatakbo sa isip nito pero sapat na ang pagtitig niya dito para mag-rigodon na ang puso niya.
Napaisip naman siya ng dapat sabihin. Ano bang dapat niyang sabihin? 'Hindi ah. Ayaw lang niyang may ibang naghaharian sa school' or 'hindi ko siya boyfriend. Feeling lang niya 'yon. Diba may Janine na siya?' Wiw. Masyado atang bitter yung second option.
"Hindi." Wow. Ang hahaba ng tumatakbo sa isip niya kanina at tanging isang salita lang pala ang masasabi niya. Pambihira talaga!
"Ah buti naman. Kasi may girlfriend na ang best friend kong 'yon. Ayaw ko lang namang masaktan ka." Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng binata. Concern na ba sakaniya ang gwapong lalaki? "Eh. Kasi pinsan ka pala ni Sandro. Kaya ayaw ko namang mabugbog ng isang 'yon kapag nalaman niyang sinaktan ka ni Jace. Leader pa naman ng fraternity 'yon."
Oo nga naman. Bakit naman magaalala ang binata sakaniya. Again... Hindi sila close.
"Wag na nga nating pagusapan 'yon." Pagiiba niya ng topic. Ewan ba niya, pero nakaramdam siya ng pagkirot sa bandang dibdib niya, sa mismong puso. "Bakit pala di ka pa umuuwi?" Naisip ni Sam na wala namang masama kung tanungin niya ito. Sa loob naman ng tatlong taong pagkakakilala nila ay alam niyang ito na ang pinakamabait sa lahat.
"Dito ako matutulog. Wala kasi sila Mommy at Daddy. Nagpunta silang Canada kanina kaya wala akong kasama sa bahay. Si Cassie naman na kila Tita Martha. Ginagawa niya kasing living barbie doll si Macy e." Natatawang kwento nito. Tanging 'ahh' lang ang nasagot niya dito.
"Ah ganon ba." Iniwas na lang niya ang tingin sa binata at laking gulat niya ng tumawa ito ng malakas.
OH-EM-GEE! Ang puso niya hindi na umayos sa pagtibok.
"W-hy?" Kinakabahang tanong niya. Natetense siya promise!
"Wala naman. Masaya lang akong nakausap kita ng ganito. Matagal ka na kasi namin gustong maging kaibigan." What? Namin? Sino naman? "Best friend ka kasi ni Macy tapos 3 years na tayong magkakaklase. At mabait ka at matalino pa." Agad siyang napahawak sa magkabilang pisngi niya. Oh ghad! Pinupuri siya ni Coby! Ayaw na niya. Tama na. Kinikilig na siya!
"Hm. Ikaw naman. Thank you." Pakemeng sabi niya. Bakit ba virgin pa naman siya? At literal na pa-virgin siya. "Hindi naman ako makapaniwala na gusto niyo akong kausapin? Eh sikat na sikat kayo sa University kahit ang pamilya niyo, sikat sa business world. Anak mayaman, gwapo pa. Kaya hindi ko ineexpect na isang tulad ko ay gusto niyang kausapin." Madramang pahayag ko.
"Bakit? Ano bang tingin mo sa sarili mo?" Napatingin naman siya agad kay Coby at sinalubong siya ng tingin nito. Eto na eto na. Titigan to the max na sila! Wah! I kennat! "Well. Sa totoo lang, oo. Hindi ka gaanong kaganda." Aw. Ang sakit non ah! Bad ka Coby! Di na kita crush! "Pero kapag tinitigan ka na at wala kang salamin. Maganda ka talaga. Mas maganda ka pa nga sa ibang babae sa school e." Tinignan niya ito at hindi siya makapaniwalang binobola siya ng isang Mark Coby Samonte.
"I already saw you without your glasses. Nasa canteen ka non. Kausap mo sila Macy. Sa totoo lang, nagandahan nga ako sayo e. Hindi ko ineexpect na ganoon ka pala kaganda." Malulusaw na siya sa way ng pagtingin ni Coby sakaniya. Kahit ang puso niya ay parang bibigay na din ng tuluyan.
Sinabihan kasi siyang maganda e! At ng lalaking crush na crush niya pa! OMG! Thank you po Lord at ang bait bait Niyo po sakin!
"Ehem!" Agad silang nagiwas ng tingin ng may tumikhim sa likuran nila. Napabuga na lang siya ng hangin ng makita ang pinsan na nandoon pala at nakangisi. Kuya naman e. Epal talaga! "Hindi ka pa ba matutulog Sam? It's already 10 o'clock. Maaga pa tayo bukas." Tumayo siya at nagpagpag ng suot na shorts.
"Sige Coby. Goodnight." Tinapik lang siya nito sa ulo na para siyang bata. "Good night din Kuya Sandro." Niyakap niya ang istorbong pinsan at mabilis siyang nagtatakbo paakyat sa taas.
-
"Sam. Samantha gising na!" Minulat niya ang mga mata ng magising sa tawag ng Kuya Sandro niya. Inalis niya ang comforter na nakabalot sakaniya at nag-inat ng braso. "Magbihis ka na. Aalis na tayo within 1 hour." Minulat niya ang mga mata ng makitang nakatayo ang pinsan sa may paanan niya.
Humikab pa siya at nagkamot ng ulo. "Sige po Kuya. Wait lang." Tatayo na sana siya ng mapansin na may tao pala sa may pintuan. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang nakangiti sakaniya si Coby. Mabilis pa sa alas kwatro ang ginawa niyang pagtakbo papasok sa CR. Rinig niya pa ang malakas na tawanan ng mga ito. "Sige Kuya. Labas na kayo. Mabilis lang akong maligo." Inantay niya munang makalabas ang dalawa bago kumalma ang puso niya.
Shete! Nakita siya ni Coby ng ganoon ang itsura niya? Gulo gulo ang buhok at muka pa naman siyang ewan kapag bagong gising. Nakakahiya!
Humarap agad siya sa salamin para tignan kung may muta ba siya at panis na laway sa bibig. And thank God! At wala naman. Pero kahit na, ang pange pa din niya! Huhu!
Nagsimula na siyang maligo at pagkatapos ay nagtoothbrush. Suot ang bathrobe ay lumabas na siya ng CR. Dumiretso siya sa bag niya para maghanap ng susuutin. Mint green polo shirt and black shorts na hanggang tuhod ang sinuot niya. Tinernuhan niya din ito ng white shoes at nagsimula ng mag-ayos. Hindi naman siya nagmemake-up at tanging powder at lip gloss lang ang inilalagay niya sa muka.
Humarap siya sa salamin para suklayin ang medyo mahaba niyang buhok. Mabilis siyang natapos sa pagaayos.
"Woo! Kaya mo yan Samantha!" Kinuha niya ang bag atsaka lumabas ng kwarto. Naabutan pa niya ang Lolo at Lola niya sa may living room at mukang siya na lang talaga ang inaantay. "Good morning po, Lolo. Lola." Lumapit siya sa mga ito at niyakap sabay halik sa noo.
"Good morning din apo. Tayo na." Inalalayan niyang tumayo ang Lola niya habang hila hila naman ng private nurse ang Lolo niya.
Nasa labas na ang dalawang binata at inaayos ang Avanza na siyang sasakyan nila. Lumingon sakaniya si Coby at nginitian siya ng kay tamis.
Grabe sobrang gwapo talaga ni Coby lalo na sa umaga. Siya na talaga ang pinagpala sa lahat ng pinagpala.
Sa unahan umupo si Coby habang Kuya Sandro niya ang driver. Nasa likod nito ang grandparents niya samantalang nasa pinaka-likod naman siya katabi ang private nurse. Sa totoo lang gusto niya sila ni Coby ang magkatabi. Pero hanggang pangarap na lang niya 'yon.
OMG! Ang sarap ng sariwang hangin sa Tagaytay. Ang lamig ng hangin na sumasalubong sakanila. Hinayaan na lang ni Samantha na tangayin ang buhok niya ng hangin at feeling niya ay nasa music video siya.
Grabe. Ang sarap lang ng pakiramdam niya. Free from all stress, pollution and worries in Manila. Ang saya saya naman ng Sabado niya! Nawala kahit papano si Jaypee sa isip niya. Ang saya lang!
Pero mas sasaya kung kasama niya ngayon ang Daddy niya, si Stephen at ang mga kaibigan niya. Pero, next time. Babalik siya dito.
Ramdam niyang may umupo sa tabi niya. Hindi siya nagmulat at hinayaan na lang kung sino man ang naki-share sa upuan niya. Bahala siya dyan! Good mood siya. As in G-O-O-D-M-O-O-D!
"Grabe ang ganda dito." Mahinang sabi niya. Nakapikit siya habang nilalasap ang hangin. Kanina pa sila nakarating ng Tagaytay at nasa hotel pa ang Lolo at Lola niya habang hindi niya alam kung nasan ang dalawang lalaki. Gusto niyang mamasyal magisa pero iintayin na lang niya ang grandparents niya.
"Tsk. Oo nga ang ganda dito. Ikaw na lang ang hindi." Natigilan siya sa narinig na boses. Hindi siya pwedeng magkamali, pamilyar sakaniya ang boses na 'yon. Pero grabe lang talaga, sabi ni Coby maganda siya kaya sinong asungot tong nanggugulo sa tahimik niyang buhay?!
Minulat niya ang mga mata at halos malaglag siya sa kinauupuan ng makita ng malinaw ang lalaki sa tabi niya. Ang lapad ng ngiti nito at mukang masaya pa siyang ginulo nito ang peaceful life niya.
"Grabe. Sinusundan mo ba ako?" Mataray na tanong niya. Hindi siya natatakot sa lalaki. Wala sila sa school kaya wala siyang pakialam dito.
"Tsk. Feeling mo naman, di ka naman maganda." Nagtagis ang bagang niya sa narinig. Kung lalaki lang siya kanina pa niya nasapak ang lalaking mayabang. "And as far as I'm concerned. Hindi sayo ang Tagaytay so baka pwedeng pumunta din kami dito." Ngumisi ang lalaki na lalong nagpagwapo- no nagpayabang dito.
"Jace! Besty!" Agad siyang napalingon sa likod. Nagtatakbo palapit sakanila si Macy at gulat na gulat siyang makita ang mga ito dito. Mukang kagaya ng pamilya niya ay namamasyal din sa Tagaytay ang mga Villafuente.
Well- good luck na lang sa puso, ay este sa buhay niya. Kasama niya ang dalawang lalaking ni sa panaginip ay hindi niya inaasahang darating sa tahimik niyang buhay.
Sino nga ba sa dalawa? Si Jace or si Coby? OMY! Syempre, wala. Oo wala Samantha. Wala!