Chapter 5

2026 Words
Tinignan muna ni Sam ang itsura niya sa malaking salamin sa kwarto bago siya bumaba para puntahan ang Kuya niya. Ayaw naman niyang makita siya ng Kuya niya na iniyakan na namang muli ang manlolokong boyfriend- no ex boyfriend na pala. Tama naman kasi ang nakakatatandang kapatid e.   Mabuti na lang at nalaman ko agad bago pa mahuli ang lahat.   Naabutan pa niya na tutok na tutok sa laptop nito ang Kuya Stephen niya habang nakaupo sa couch sa living room ng makababa siya. Inikot niya ang paningin para hanapin si Aiko pero wala siyang nakita ni anino nito. Agad naman siyang napaisip sa posibleng dahilan kung bakit umalis na agad ang girlfriend ng Kuya niya.   "Hi Kuya, why?" Umupo siya sa tabi nito at inangkla ang braso sa braso ng Kuya niya. Close na close kasi talaga ang dalawa kahit pa may pagka-seryoso minsan ang nakatatandang kapatid ay mabait at maalaga naman ito. "Mukang busy'ng busy ka ah?" Hindi siya nilingon nito at nanatili lang itong naka-focus sa ginagawa.   "Oo e. Sobrang busy. Bigla kasing tumawag si Daddy at may pinapatapos siya saking report at kailangan na agad by tomorrow." Nakakunot ang noo nito habang nagtatype.   "Ah ganon ba. Kawawa naman si Kuya ko." Lambing niya dito ng maalalang itanong ang Ate Aiko niya. "Ah. Kuya?"   "Hm." Tipid na sagot ni Stephen.   "Nasan pala si Ate Aiko? Diba kasama mo siya kanina?" Paguusisa niya. Matagal ng mag-nobyo't nobya ang Kuya Stephen niya at si Aiko. High school pa lang ang mga ito ng maging sila. Although, mahal na mahal ng mga ito ang bawat isa pero malimit pa ding magaway ang dalawa. Minsan nga kahit simpleng bagay ay pinalalala pa. Masyado kasing mataas ang pride ng dalawa.   "Umuwi na siya e." Tipid na sagot ng nakakatandang kapatid. Hindi na siya nagtanong pa kasi mukang magka-away na naman ang mga ito. Kusa namang nag-oopen up ang Kuya niya at iintayin na lamang niya iyon.   "Ah ganon ba." Pinilit niyang wag ipakita ang lungkot sa boses niya. Ayaw naman kasi niyang mangialam sa mga ito. Tanging pagtango lang ang naisagot sakaniya nito. "Nga pala. Bakit mo pala ako tinawag Kuya?" She changed their topic. Baka ayaw na nitong pagusapan pa si Aiko.   "Oo nga pala. Tumawag si Grandma kanina. She wants you to go there. Wala daw kasing kasama sila ni Lolo. Alam mo naman si Lolo, paboritong apo ka. Wala namang pasok bukas kaya pumayag na din ako." Agad namang nagliwanag ang mga mata niya. Para siyang batang nabigyan ng paborito niyang barbie doll. Maka-lolo at Lola kasi talaga siya ever since. Parents ang mga iyon ng Mama nila. Simula ng namatay ang Mama nila, sakaniya na binuhos ng mga ito ang pagmamahal sa anak. Kamukang kamuka daw kasi siya ng Mama niya nung edad niya. Pero sa isip niya ang ganda ganda kaya ng Mama niya paanong nasabi ng mga ito na kamuka niya ang ina?   "Waah!" Malakas na tili niya. Excited kasi siyang pumunta sa mansyon. Buhay prinsesa kasi siya kapag nandon siya. Lahat ng gusto niya ay binibigay ng mga ito. Hindi naman nagseselos si Stephen dahil mahal na mahal din naman niya ang nakababatang kapatid.   Agad namang napahawak sa tenga ang binata. Parang mabibingi na ata siya sa pagsigaw ni Samantha. Pambihira talaga!   "Makasigaw ah. Lakad na magimpake ka na. Susunduin ka ni Mang Lito dito." Yumakap at humalik muna siya sa pisngi nito bago masayang nagtatakbo paakyat.   I'm super duper mega egzzoited na talaga! Haha.   Kinuha niya ang medyo may kalakihang traveling bag sa cabinet at nagsimula ng maglagay ng mga damit doon. Shirts, blouse, pants, shorts, undergarments, toiletries and of course ang cellphone at laptop niya.   "Ayyayay! Mamaya talaga mag-iemail ako sayo 'Dear Cupid'. Haha."   Nagpalit lang siya ng short at malaking tshirt bago bumaba dala ang bag niya. Naabutan pa din niyang nakatutok sa laptop ang Kuya niya at mukang hindi man lang to tumayo or gumalaw.   Kawawa naman si Kuya. Masyado kasing workaholic er!   Sila ang may-ari ng Elizalde Comforts. Ang pinaka-malaki at pinaka-sikat na fabric company sa buong bansa maging sa Spain. Which is pinamana ng Lolo niya- sa side ng Daddy nila na pure espanyol. Nagsusupplies sila sa mga hotels, condominiums and even sa mga resorts. Cheaper man ang price nila pero maganda ang quality noon which made them on top. And her Kuya is getting for the position as President and CEO of Elizalde Comforts. Magreretiro na ang kaniyang Daddy sooner or later.   Pero simple lang ang buhay nila. Ayaw nila ng masyadong mataas ang tingin sakanila ng mga tao. Kumbaga nakalapat pa din ang mga paa nila sa lupa. Pwera lang sa Kuya niyang inborn na ang pagiging masungit. Well ganoon naman talaga ang mga hot bachelor. Gwapo, mayaman at masungit. Haha.   Umupo siya sa tapat nito at nagkalikot na lamang ng cellphone. Nagbukas ulit siya ng mga accounts niya at natigilan siya sa nag-appear sa news feed niya. Hindi pa pala niya naba-block ang ex boyfriend niyang manloloko.   Hindi na niya tinignan ang picture na pinost nito at caption na sobrang haba at binlock na niya agad ang lalaki sa f*******:, twitter at kahit sa IG.   Mabuti na at wala na siyang kahit anong koneksyon pa sa lalaki. Hindi ako bitter ha. Slight lang! Haha.   Nagpatuloy lang siya sa pagtingin tingin sa f*******: hanggang sa nag-decide naman siyang buksan ang IG niyang may 95 followers.   Nanlaki ang mata niya ng makita ang post ni Jace.   JMVillafuente: Happy to see you again my lady! Can't wait to hug and kiss you. I love you!   It was a picture of him and his girlfriend Janine Arianne Lee.   Madaming comments at hearts na ang post ni Jace sabagay madami naman kasing followers ang binata. Miski siya ay pina-follow niya din ito kahit pa inis siya dito at hindi sila close.   Nilike niya iyon at agad na nag-log out. Di niya alam pero nakaramdam siya ng kakaiba ng mabasa ang post ni Jace. Masyado palang sweet at very vocal sa feelings ang binata. Kahit pa long distance relationship ang dalawa ay hindi man lang niya nakitang may ibang babae ito.   Bakit ganon? Bakit feeling niya nainggit siya kay Janine? Bakit parang gusto niyang maging boyfriend ang isang Jace Villafuente? Pero ang pinagtataka lang niya, bakit sinabi nitong girlfriend siya nito sa lahat ng estudyante?   Hmm. "Argh! No Samantha! No!" Late na niyang narealize ang malakas na sigaw niya. Nakatingin na sakaniya ang Kuya niya at takang taka ito sa nasabi niya. Geez, nako naman Sam! Ang bibig mo talaga!   "Tsk. Itulog mo yan. Sabi sayo masama ang nagpupuyat." Iling iling ang Kuya niya ng muli nitong binalik ang tingin sa ginagawa. Malalim na buntong hininga na lamang ang pinakawalan niya. Hindi naman nagtagal at may bumusina na sa labas. Mukang nandon na si Mang Lito.   Tumayo ang Kuya niya at kinuha ang bag na dala niya at nauna ng lumabas ng bahay. Sumunod lang siya dito at nakita niyang inaabot na nito ang bag niya sa matandang driver ng Lolo at Lola niya.   "Take care princess. Tawagan mo lang ako kapag nagka-problema sa mansyon." He kissed her forehead at ito pa ang nagbukas ng pintuan ng kotse sa tapat niya. "Ingat kayo Manong sa pagmamaneho. Dahan dahan lang po." Sabi pa nito.   Sobra talagang protective ang Kuya niya sakaniya. Hindi man halata sa itsura nitong sweet at caring ito sa kapatid.   Sumakay na siya sa kotse at muling nag-wave sa nakatatandang kapatid.   Medyo malayo ang subdivision ng Lola at Lolo niya. Sa Paranaque pa ang mga ito samantalang sa Makati naman sila.   Nagsuksok na lamang siya ng earphones magkabilang tenga bago pinikit ang mga mata. Alam naman niyang kahit anong gawin niyang kausap sa matandang driver ay hindi siya nito papansinin. Hindi naman sa suplado si Manong, masyado lang itong focus sa daan. Which is good para iwas aksidente.   Hinayaan na lang niya ang sariling tangayin ng antok habang nasa byahe.   -   "Miss Samantha, nandito na po tayo." Agad siyang nagmulat ng mga mata at inikot ang paningin niya. Nasa harap na nga sila ng 3-storey mansion ng grandparents niya at nasa garahe na ang sasakyan.   Lumabas siya agad at kinuha ang bag niya sa tabi na mabilis namang inabot ng katulong sa mansyon.   "Tara na po Miss Sam. Nasa living room po ang Lolo at Lola niyo." Sumunod lang siya sa katulong na mukang kasing edad lang ng Kuya niya. Hindi niya ito nakikita kapag nasa mansyon siya kaya hindi sakaniya pamilyar ang babae.   "Ah. Ate. Anong name mo?" Feeling close na tanong niya. Ayaw naman kasi niyang 'Ate' lang ang itawag dito.   "Amor po." Tipid na ngumiti si Ate Amor bago muling naglakad papasok sa mansyon.   Pagala gala lang ang mga mata niya sa loob hanggang sa makarating sila sa living room. Rinig niya ang ingay sa loob at mukang hindi lang Lolo at Lola niya ang nasa mansyon.   "Nasa loob po sila. Dadalhin ko lang po ang mga gamit niyo sa kwarto niyo." Tumango lang siya dito at matamis na ngumiti.   Pumasok naman siya loob ng living room at nakaupo sa favorite chair nito ang Lola niya habang nasa tabi naman nito ang Lolo niyang nakaupo sa wheel chair.   Lumapit siya agad sa mga ito at niyakap ng mahigpit ang Lolo at Lola niya. "Apo." They acknowledge her. "Mabuti at nandito ka na. Lagi kang hinahanap ng Lolo mo." Agad siyang tumingin sa Lolo niya na malapad ang ngiti sakaniya.   Her Lola is only 63 years old at looking good pa while her Lolo is now 71 years old at kakabirthday lang nito last month.   Umupo siya sa tabi ng Lola niya at laking gulat niya ng makitang may ibang tao pa pala sa loob ng silid. Sa sobrang excited na mayakap at makita ang mga ito ay hindi na niya napansin ang dalawang lalaking kausap ng mga ito.   Kilala niya ang dalawang lalaki sa loob pero di niya ineexpect na nandoon din ang isang lalaking member ng heartthrob sa school.   Pinsan na din niya ba ang lalaki?   "Hi couz!" Lumapit sakaniya ang kaisa-isang pinsang lalaki sa side ng Mommy niya. "Namiss kita. You look good in your eye glasses." Namilog naman ang mga mata niya at mahinang hinampas ang pinsan. Nagawa pa akong bolahin. Kaloka!   Dalawang magkapatid lang ang Mommy niya at Mommy ni Sandro- ang pinsan niyang kaharap ngayon. Tatlong taon lang ang tanda nito sakaniya kaya naman Kuya na din niya ito. Swerte niya ano? Dalawang hunk ang Kuya niya. Si Sandro ang nagmamanage ng company ng mga De Asis which is ang surname ng Mama niya nung dalaga pa ito. De Asis Publishing Company ang pagmamay-ari ng mga ito.   "Hi Kuya Sandro. Buti nandito ka din para naman may kasama kami nila Lolo at Lola." Hindi nakatira ang pinsan niya sa mansyon at ang alam niya sa condo unit sa Quezon city ito nakatira. Ang mga magulang naman ng binata ay parehas nasa ibang bansa.   "Oo nga e. Buti wala masyadong ginagawa sa company at pwede kong dito na lang dalhin sa mansyon. Nga pala, nandito ang tropa ko." Lumayo sakaniya si Sandro at lumapit sa 'tropa' daw nito. "He's Coby Samonte. Kapitbahay ko to don sa bahay nila Mom at Dad sa CQ. Hindi ko pa siya napapakilala sayo kasi busy siya sa pagaaral. Coby, si Sam pinsan ko. Nagiisang pinsan kong babae yan." Natawa pa si Sandro habang pinapakilala siya kay Coby na matagal na naman niyang kilala.   "I know her Sand." Rinig niya ang mahinang pagtawa ng pinsan at mukang hindi nito ineexpect na magkakilala na silang dalawa. Inabot nito ang kamay sakaniya at malapad na nginitian siya.   "Nice to see you again, Samantha." Nakangiting sabi nito at hindi makahagilap ng salita sa Samantha.   Hindi niya alam kung ano bang nangyayari ngayon sakaniya. Nung una, hindi niya ineexpect nung pinagtanggol siya ni Jace Villafuente at ipapakilalang girlfriend daw, tapos ngayon pa, hindi niya akalaing makakaharap niya ng ganito si Coby Samonte na ubod ng gwapo na crush na crush niya. At ang malala pa kaibigan pala ito ng pinsan niya.   Nice one tadhana! You're really playing a game. Right?   Fine. I will play fair sa laro mo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD