Chapter 7

2417 Words
She had a long time boyfriend for 3 years. Mahal na mahal niya ang nobyo kahit pa anong mangyari ay hindi niya ito iiwan. Not until, she caught him cheating on her. At ang masakit pa ay sa babaeng akala niya ay best friend lang nito siya pinagpalit. Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Samantha ng malaman 'yon. Niloko na nga siya, nauto pa siya. Akala niya matalino na siya pero hindi pala saklaw non ang pagibig. Pero kahit pa mataas ang pride niya ay binaba niya at nagmakaawa sa dating kasintahan na wag siyang iwan. Wala siyang pakialam kahit pa madami ang nakikinig sakanila at nakikita ang pagpapakatanga niya. Okay lang kung pagtawanan siya ng mga ito at sabihan ng masasakit na salita.   Mahal na mahal niya si Jaypee e. 'Yon lang ang alam niya.   But then the great Jace Villafuente came to the scene. Unexpectedly... Hindi siya makapaniwala na niligtas siya nito sa pagkakapahiya sa madaming tao. Sa ayaw man at sa gusto niya, tinulungan siya ng lalaking hindi niya inaasahan.   Rich kid, mayabang, bad boy at selfish. Yan ang pagkakakilala niya sa isang Jace Villafuente. She didn't expect na may ibabait pa pala ang binata lalong lalo na sakaniya. Ang ginawa nitong pagtulong sakaniya ay tinatanaw niyang malaking utang na loob. Pero nung nginitian siya nito ay lalo na siyang nakaramdam ng inis. Wala itong karapatang ngitian siya lalo na kung dahil don ay bumibilis ang pagtibok ng puso niya.   Diba dapat mainis siya sa lalaki? Kasi mortal enemy sila? Pero ganito ang nararamdaman niya? Bakit parang naiiba? At si Coby lang naman ang gusto niya sa apat e.   Oo si Coby. Speaking of, ff she will choose between Jace and Coby, definitely she will choose Coby. Bukod sa good boy na ay wala pa itong girlfriend at kahit mainlove siya dito ay may chance siyang saluhin nito.   Pero ang tanong, may gustonga  ba sakaniya ang Coby na 'yon? O pinapaasa lang din siya ng binata?   "Hay nako!" Frustrated na sigaw niya. Kahit ano atang gawin niyang pagpapakalma sa puso niya ay useless pa din. "Diba broken hearted lang ako kahapon? Pero bakit bumibilis ang t***k ng puso ko sa dalawang lalaki pa?" Pinagsasabunutan niya ang sarili. Masyado siyang asyumera kaya nagugulo ang buhay niya na hindi naman dapat.   Inangat niya ang muka niya at pinagmasdan ang dalawang lalaking nanahimik pero ginugulo ang puso niya. Nakaupo ang dalawang 'yon sa di kalayuan sa pwesto niya habang naguusap kasama ang pinsan niyang si Sandro.   Pasyal namin to e. Pero bakit nandito din sila Jace? Grr!   "Besty!" Agad niyang pinakalma ang sarili at humarap sa matalik na kaibigan na papunta sa gawi niya. Kakatapos lang nilang mananghalian at oo, magkakasabay silang kumain. "Let's go there oh. May nakita kami ni Cassie na fish pond doon with so many flowers. Tara!" Hinila pa siya nito kaya wala na siyang nagawa kundi sumama na lang. Mas mabuti na iyon para mawala na sa isip niya ang dalawang lalaking nasa harapan niya.   "Nasan pala si Tita Martha at Tito Jake?" Tanong niya habang naglalakad na sila papunta sa tinuturo ni Macy.   "They are still there pa sa hotel. Baka gumagawa ng little sister ko." Nanlaki ang mga mata ni Samantha sa narinig mula sa kaibigan. Grabe talaga ang babaeng to, walang preno ang bibig. "Hehe! I was joking." Nag-peace sign pa ito bago nagpatiuna sa paglalakad.   Kwento lang ng kwento si Macy tungkol kay Theo at halatang patay na patay ito sa binata kahit pa hindi naman siya pinapansin nito. Suplado kasi si Theo. Para bang galit sa mundo at hindi mo man lang maririnig na magsalita. Kaya hindi alam ni Sam bakit gustong gusto ng best friend niya ang lalaki. Hmm, baka kagaya niya lang din na walang dahilan kapag nagmahal. Naks!   "Nanliligaw na ba sayo si Theo?" Tanong niya sa kaibigan out of nowhere. Halata naman kasi ang kilig ni Macy habang binabanggit ang pangalan ng binata so she assumed that something is going on between the both of them at baka hindi lang ito naikuwento sakaniya. Kaya wala siyang alam.   Mabilis ang ginawang pagiling nito sakaniya kaya naman napabuga na lang siya ng hangin. Madaming nanliligaw kay Macy. She's indeed the most beautiful girl in their University. With long black hair na natural ang kulot sa dulo, makinis at maputing kutis, pointed nose at maliit at manipis na labi. Matangkad pa ito at bagay na bagay maging beauty queen. Kaya kabi-kabila ang manliligaw nito at kahit mga dumadaan lang ay hindi pwedeng hindi lilingon sa dalaga.   But then again... why she's loving a man na malabong maging sakaniya? Ganon ba talaga ang pagibig? Yung ayaw sayo, siya pa ang gusto mo? Hays, napaisip naman agad si Sam, ayaw niyang mangyari ang ganoon sakaniya pero mukang hindi niya maiiwasan lalo na't dalawang nag-gwagwapuhang lalaki ang nasa paligid niya at ginugulo ang buhay niya.   Tumigil sila sa isang fish pond at punong puno ng bulaklak ang paligid non. May maliit itong tulay para mas makita ang maliit at madaming isda sa pond. May dalawang bench din dito sa ilalim ng malaking puno. May nakatayo doong isang magandang babae na mukang kasing laki din ni Macy pero halatang mas bata sakanila ang dalaga.   "Hey Cassie. Were here na." Lumingon ang dalaga sakanila at masayang lumapit sakanilang dalawa. Laking gulat niya ng bigla itong yumakap sakaniya. Dahil sa gulat kaya hindi agad siya nakagalaw.   She already saw Cassie nung birthday party ni Macy pero hindi sila nagusap at tanging ngitian lang ang naganap sa pagitan nilang dalawa. Kaya naman hindi niya ineexpect ang ganitong pagbati ng dalaga.   "Hi Samantha. Finally, nagkita rin tayo. Lagi ka kasing kinukwento samin ni Kuya. At mukang tama naman siya. You're so beautiful." Nginitian pa siya nito na nagpasingkit sa mga mata ng dalaga. Ang ganda naman niya.   Natulala na lang si Sam sa narinig. Laging kinukwento ng Kuya niya? Lagi akong kinukwento ni Coby? Bakit?   "Hm, Cassie. Hindi naman ako maganda, ikaw talaga." Nahihiyang kontra niya dito.   "Ah, basta. I know na bakit may gusto siya sayo." Binulong lang nito ang huling salita at malapad na nginitian siya. Hindi na niya tinanong kung anong sinabi nito nung huli. Nagkibit-balikat na lamang siya.   Nakaramdam naman si Sam ng pagkahiya. Ang gaganda kasi ng mga kasama niya, walang wala ang itsura niya.   "Let's go na, Macy and Sam. Let's feed na the fishes." May inabot sakanilang dalawa si Cassie na isang supot na brown na naglalaman ng pagkain ng mga isda.   Masaya silang lumapit sa mga isda at nagpakain sa mga ito. Para silang mga bata ng maglapitan ang mga isda at sobrang dami noon. Nakakatuwa din pa lang bumalik sa pagiging bata. No heartbreaks, no worries and no stress.   Pwede kaya akong bumalik sa pagiging fifteen? Try lang. Haha.   They stayed there for more than two hours. Ang dami pa lang biniling pakain ni Cassie at parang fifty packs iyon. Pero masaya naman sila at ang sayang kasama ni Cassie. Hm, syempre future sister in law niya 'yon. Haha.   Umupo muna sila sa bakanteng bench doon para kainin naman ang binili ni Macy na shawarma sa di kalayuan. Kwento lang ng kwento ang dalawa tungkol sa mga love life nila. Gustuhin mang magkwento ni Samantha pero wala siyang ikukwentong love life. Wala na naman kasi siya non e.   "Kwento sakin ni Kuya pinagsigawan daw ni Jace na girlfriend ka niya. Totoo ba 'yon Sam?" Pagiisyoso ni Cassie. Tumango lang siya at napa-ahh na lang naman ang dalaga. "Pero may gusto ka ba kay Jace?" Diretsong tanong nito.   "H-a? Wala 'no. Kapatid siya ng best friend ko. Kaya hindi kami pwede." Nahihiyang sabi niya. "Tsaka, may girlfriend na 'yon eh." Pinilit na lang niyang tumawa para mawala ang tensyon sakanilang dalawa. Di niya alam kung bakit simpleng tanong lang na 'yon ay nakaramdam siya ng kaba.   May gusto na ba siya kay Jace?   Psh. Malamang wala. Si Coby ang crush niya e.   "Ahh. Oo nga naman. I already meet Ate Ja, last year bago siya umalis papuntang California. Model kasi siya don at gustuhin man niyang wag umalis, magkakaroon siya ng kaso. Nasa contract kasi 'yon." Di malaman ni Sam kung bakit nakaramdam siya ng pagkirot sa dibdib niya. Naaawa ba siya kay Jace at Arianne? Naawa ba siya dahil sa relasyon nila? Hindi pa man niya na-eexperience ang long distance relationship pero alam niyang mahirap 'yon.   Pero awa lang ba talaga? O iba na?   "Ah. Muka namang mahal na mahal ni Jace yung girlfriend niya e." Tanging nasabi na lang niya. Ayaw na niyang pagusapan pa si Jace at ang girlfriend nito. Pwede kaya silang umalis na at bumalik na sa hotel?   "Hay nako. Don't talk na about Jace and Janine na nga. Let's talk na lang about you and Kuya Coby." Hays. Thank you Macy! Tinignan niya ang kaibigan at may mapaglarong ngiti sa labi nito. Mukang alam na niya ang tumatakbo sa isip nito. "Why he's here with your family? Is Kuya Coby already courting you?" Hindi agad siya nakasagot kahit naman alam na alam niya ang sagot doon.   Kuya ang tawag ng mga ito kay Coby kahit pa isang taon lang ang tanda nito sakanila, eto kasi ang pinaka-matanda sa mga anak ng apat. Pero naging kaklase ni Jace si Coby kasi tumigil ng isang taon si Coby. Di ko lang alam ang dahilan.   "Alam mo ba Sam, si Kuya walang girlfriend 'yon. Binatang binata at walang sabit." Natatawang sabi pa ni Cassie. So ganon? Pinagtutulakan siya ng mga ito kay Coby? Ano naman ngayon kung wala itong girlfriend? Eh wala namang gusto sakaniya ang binata, useless din. Oo nga't crush niya ang binata pero haler, hindi naman tamang siya pa ang manligaw dito.   "Kayo talagang dalawa. Kakabreak ko lang kay Jaypee. Ayoko namang humanap agad. Isa pa, si Coby 'yon. Si Coby Samonte? Magkakagusto sa isang tulad ko? In my dreams." Nagkatawanan na lang ang dalawang babae at nagkatinginan. Mukang may alam ang dalawang 'yon at kung ano man 'yon ay wala na siyang pakialam. "Bakit ba pinipilit niyo ako sakaniya?" Oo crush niya si Coby pero imposible naman kasing manligaw ito sakaniya at baka lokohin lang siya nito. Hindi na din. Graduate na siya sa mga lalaking manloloko.   "Ah kasi-"   "Cassandra!" Sabay sabay silang napalingon sa lalaking nakatayo sa di kalayuan. Nakangiti ito sakanila as usual pero ang pakiramdam ni Samantha ay hindi na usual. Ang bilis na naman kasi ng t***k ng puso niya lalo na ng magtama ang mga mata nila.   Bakit? Tinutukso lang siya ng dalawang kaibigan sa lalaking bago dating? Nagkakagulo na agad ang sistema niya? BAKIT?!   Pambihira! Mukang nagpadala na siya sa mga kalokohan ng dalawa. Nakaramdam tuloy siya ng pagkailang sa lalaki na unti unti ng lumalapit sakanila. Umiwas siya ng tingin at mas napili niyang makipagtitigan na lang sa tulay sa harap. Mukang mas interesado pa iyon kaysa sa lalaking sumira ng nananahimik niyang buhay.   Geez. Crush ko lang si Coby. At araw araw kaming nagkikita pero bakit naiba na bigla ang naramdaman ko ng makita ko siya ngayon? Tss! Nako naman!   "Hinanap na nila kayo sa hotel. Let's go." Tumango lang sila sa binata at nanakbo na palapit si Cassie sa kuya niya at inangkla ang braso nito sa lalaki. Hindi agad siya nakatayo at parang nanghina ang mga tuhod niya. Ano na bang nangyayari sakaniya? Nababaliw na ata siya.   "Let's go na besty. What happened to you?" Tinignan niya si Macy at umiling lang siya dito at tipid na ngumiti. Wala lang yung naramdaman niya, wala lang!   Utang na loob Coby, wag na wag ka ng ngingiti ng ganon ulit! Kakalbuhin talaga kita!   -   "Hindi pa din ako makapaniwalang nakikita na kita Jake ng personal. Crush na crush ka ng Mommy ni Samantha noong dalaga pa siya. Punong puno ng mga posters mo ang kwarto niya noon." Natatawang sabi ng Lola ni Sam sa Daddy nina Jace at Macy.   Hindi niya alam na may crush pala ang Mama niya sa Daddy ni Jace. What a small world, isn't it?   "Talaga po? Thank you po kung ganon. Nasan po pala ang Mama ni Samantha?" Tanong ni Mr. Jake Villafuente. Hindi din makapaniwala si Samantha na ang dating sikat na artista ang Daddy ni Jace pero hindi naman siya magtataka dahil gwapo naman talaga ito at hindi mahahalatang nasa 40's na.   "Ah nako Jake. Wala na ang anak ko. Namatay siya sa sakit na leukemia. Late na namin nalaman dahil sa hindi naman ito dumadaing samin." Tipid na ngumiti ang Lola niya pero kita sa mga mata nito ang lungkot ng maalala ang anak na bunso. "Pero kamukang kamuka ni Samantha ang Mama niya." Dagdag pa nito.   "Ah so maganda din ang anak niyo Lola." Agad napahawak sa pisngi si Sam sa sinabi ni Coby. Nagagandahan ba talaga sakaniya ang binata? O pinagtitripan lang siya nito? Wah! Coby, ginugulo mo talaga ang nananahimik kong buhay.   Natigilan ang mga matatanda sa pagkukwentuhan ng malakas na tumikhim si Jace na katabi ni Macy. "Comfort room." Tipid lang na sagot nito bago mabilis na naglakad palayo sakanila. Nasa restaurant kasi sila ng hotel ngayon para magmerienda. Mabilis na nagkasundo ang dalawang pamilya pero ang puso at isip niya ay malabong magkasundo. Napalingon siya sa tabi niya ng kulbitin siya ni Cassie. Pinagigitnaan kasi siya nina Macy at Cassie. "Kinilig ako! I want you for my Kuya Coby." Mahinang sabi nito at halata nga na masaya siya sa nangyari. Pero ano namang nakakakilig don? Sinabihan lang ang Mama niya ng 'maganda din'? Mag-assume na agad siya? Sabagay, asyumera naman talaga siya!   Tipid lang siyang ngumiti kay Cassie at hindi na nagsalita pa. Umiwas siya ng tingin at sa hindi inaasahang pagkakataon ay napatingin siya sa harapan niya. Nagkasalubong muli ang mga mata nila at muli siya nitong nginitian. Nginitian din naman niya ito bilang sagot atsaka umiwas ulit ng tingin. Pasimple niyang hinawakan ang dibdib niya ng tumibok na naman ang puso niya.   Bakit sa tinatagal tagal nilang magkakilala ni Coby? Ngayon lang siya nakaramdam ng ganoong pagkatense? Yes, she has a huge secret crush to him at kahit mga kaibigan niya ay walang nakakaalam non. Pero bakit iba ang pag-beat ng heart niya ngayon? Anong nangyayari sa puso niya?   Hindi siya pinanganak kahapon at minsan na niyang naramdaman ang nararamdaman ngayon sa dating nobyo. Ayaw man niyang aminin pero mukang ayon na nga ata talaga ang nararamdaman niya para sa binata.   Gosh! Am I falling for him already? Ang bilis naman po! Oh God!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD