Prologue
There are billions of people in the world at di natin alam kung sino ba sa isa sa bilyong tao sa mundo ang makakatuluyan mo. Sino ba sakanila ang mamahalin mo at mamahalin ka din pabalik? Sino ba ang dadaan lang sa buhay mo para bigyan ka lang ng leksyon? Sino ba sakanila ang makakasama mo for the rest of your life?
Pwede din naman daw na yung naka-tadhana pala sayo ay nakasakay mo na sa bus pero pumara ka, kaya nawala siya. Pwede din namang nakasalubong mo na pala siya sa kalsada pero napuwing ka, kaya hindi mo siya nakita. Meron din namang matagal mo na pala siyang kilala, nakakasama at nakakausap, pero di mo lang siya napapansin kasi naka-focus ka sa iba.
And according to Albert Einstein, Gravitation is not responsible for people falling in love. Eh sino ba talaga ang dapat nating sisihin? Si Cupid? Isang batang walang saplot na may dalang pana para panain ang mga nananahimik nating puso? Ayos lang sana kung ang papanain niya ay yung dalawang taong nagmamahalan at nararapat para sa isa't isa. Pero hindi e. Papana na nga lang ang batang 'yon sa maling tao pa.
Pero paano kung dahil sa pagkaka-mali ni Cupid magulo na ng tuluyan ang buhay mo? Hindi lang sayo, maging buhay ng lahat? Tatanggapin mo na lang ba ang pag-kakamali ni Cupid? O pipilitin mo pa din ang sinasabi ng isip mo? At kailanman ay hindi ka makikinig sa tinitibok ng iyong puso?