Chapter 4

2180 Words
Hindi na siya nagpakita sa mga kaibigan niya at nagdesisyon na siyang sumakay ng may tumigil na taxi sa harap niya. Hindi na niya nagawang umattend pa sa Ethics na subject nila.   Bahala na sa Monday kung anong ipapaliwanag ko kay Mr. Antonio.   Mugto ang mga mata niya ng dumating siya sa bahay. Akala niya tuluyan ng mawawala sa isip niya ang ginawang panloloko sakaniya ni Jaypee, hindi pa pala. Ilang ice cream cups pa ba ang pwede niyang ubusin?   Habang nasa taxi siya ay wala na siyang ginawa kundi umiyak ng umiyak hanggang sa paglalakad niya pauwi. Para na siyang baliw sa itsura niya at madaming tao ang lumilingon sakaniya pero wala siyang pakialam sa mga ito.   Wala na ba talagang matinong lalaking ngayon? Lahat na ba sila manloloko?   Tanong niya ng makapasok siya sa loob ng bahay. Hanggang sa pumasok sa isip niya si Jace. Si Jace kaya matino? Si Jace kaya mabait sa girlfriend nito? Si Jace kaya hindi kagaya ni Jaypee?   Hays baka oo at malas lang niya siguro at manloloko ang napunta sakaniya.   "Dito na po ako." Walang ganang sigaw niya ng makapasok na siya ng tuluyan sa loob. Alam niyang ang Kuya Stephen lang niya ang aabutan niya sakanila. Wala doon ang Daddy niya at baka kasama na naman nito si Tita Jenny niya- ang girlfriend ng ama.   "Nandito ako sa may kusina, Sam!" Malakas na sigaw ng nakatatandang kapatid. Lumabas na nga ito mula sa kusina habang may suot pang apron sa katawan.   Sakanilang dalawang magkapatid, Kuya Stephen niya ang mahilig magluto na sa tingin niya ay minana nito 'yon sa Mama nila. Dalawa lang silang magkapatid at kahit medyo malayo ang agwat ng edad ng dalawa ay magkasundong magkasundo pa din ang mga ito.   "Bakit ata ang aga mong umuwi ha?" Lumapit siya sa Kuya Stephen niya para yakapin ito bilang pag-bati sa nakatatandang kapatid.   Umiwas lang siya ng tingin para hindi nito mahalata ang gagawin niyang pagsisinungaling.   Patay na talaga! Di ko alam kung anong gagawin kong palusot.   Huminga muna siya ng malalim bago nagdesisyong magsalita. "Wala na kasi kaming klase Kuya. Sige, akyat na ako ha-" Patakbo na sana siya ng mabilis na hinawakan ang kamay niya at buong pwersa siyang iniharap sakaniya.   "Wag mo nga akong lokohin, Samantha. Anong nangyari?" Tinignan siya nito gamit ang nakakatakot nitong mga mata.   Fine! Suko na ako. Kakatakot talaga si Kuya kapag ganitong seryoso e.   "Eh kasi Kuya...si Jaypee.." Mahinang sumbong niya. Pinipigilan niyang maiiyak na naman kasi kotang kota na siya kakaiyak. Nakakasawa din aba. "Niloko niya ako." Buong tapang na sumbong niya. Hindi naman niya napigilan ang pagiyak muli ng maisip na wala na talaga silang dalawa ng lalaking pinakamamahal.   Tinanggal nito ang malaking salamin niya at pinunasan agad ang luha niyang hindi na napapagod sa pagbagsak.   "Stop crying, Sam. Hindi lang naman yung Jaypee na 'yon ang lalaki sa mundo. Buti na lang din at naghiwalay na kayong dalawa." Natatawang sabi nito sakaniya na mukang masaya pa sa nangyari sakanila. Nakatanggap naman ito ng mahinang hampas mula sakaniya.   Nasasaktan na nga ako dito tapos tatawanan lang niya ako? Huhu. I hate you na Kuya!   "Samantha, hindi ka nababagay sa lalaking 'yon. Puro lang naman yabang ang meron don. At hindi mo ba nahahalata na, inuuto ka lang non?" Seryosong sabi nito sakaniya. Mas lalo naman siyang naiyak dahil doon.   Durog na durog na nga ako dito lalo pa niya akong dudurugin. Kuya naman e.   "Oo na Kuya. Alam ko naman e. Wala na talagang magkaka-gusto sakin. Bakit kasi ang panget panget ko e. Ikaw naman pogi ka naman. Bakit ako lang ang nagka-ganito satin?" Pag-tatantrums pa niya na para bang 8 years old. Akala niya ay maaawa sakaniya ang kapatid pero mas lalo lang siya niyong tinawanan. "Bakit ka ba tawa ng tawa Kuya ha? I hate you na talaga!" Padabog siyang umupo sa couch at agad na nag-krus ang dalawang braso.   "I'm not laughing, okay? Natutuwa lang ako sayo." Uh. Ganun din 'yon. Tumatawa pa din siya sakaniya. Grr. Bad ka Kuya! "Listen to me, Sam. Maganda ka okay? You're beautiful inside and out. Tanggalin mo lang to." Pinatong nito ang makapal niyang salamin sa lamesa at muling lumingon sakaniya. "Ayusin mo lang tong buhok mo at bawasan mo yang kapal ng kilay mo. Sure akong madaming magkakagusto sayo." Seryosong sabi pa nito pero may nakasilay pa ding ngiti sa mga labi ng nakatatandang kapatid.   "Kuya, bakit ka ganyan? Don't tell me?" Tumigil siya sa pagiyak at malapad na ngumiti sa Kuya niya. May halong pangaasar sa tono niya. Pero maganda na din 'yon at kahit papano nawala ang sakit na iniinda niya.   Thanks to my Kuya Stephen! And Jace of course!   "Wag mo ng ituloy yang gusto mong sabihin. Sa gwapo kong to at sa ganitong abs?" Tinaas pa nito ang shirt niya at pinakita ang 6-pack abs nito sakaniya. "Bakla? Wag. Madaming iiyak." Natatawang sabi ng Kuya niya.   Oo nga naman, ang gwapo gwapo kaya ni Kuya niya para maging bakla. Madaming manghihinayang talaga. Masasabi mo talagang pwede ito sa mga magazines ng hot bachelor talaga sa lakas ng dating nito na kahit walang ginagawa ay madami pa ding humahanga.   "Teka, ano yung naririnig ko?" Sabay na lumingon ang magkapatid sa bagong dating. Si Aiko pala. Aiko Marini- ang nakabihag sa masungit na puso ng Kuya Stephen niya. "Hi Mahal. Hello Samantha. Heart to heart talk ba to ng mag-kapatid?" Lumapit pa sakanila si Aiko at hinalikan sa pisngi ang Kuya niya at pati na din siya. Sweet talaga ang girlfriend nito at hindi mo maiisip na nagsimula lang sa asaran ang pagiibigan nilang dalawa.   "Wala po Ate. Sige Kuya, akyat na ako ha." Lumapit siya sa mga ito na mukang wala ng pakialam sakaniya at puros paglalambingan na ang inaatupag.   Ginulo ni Kuya Stephen ang buhok niya kaya napasimangot na lang siya sa kalokohan ng Kuya niya pero ang Ate Aiko niya ay tinawanan pa siya."Tse! Magsama kayong dalawa dyan." Dinilaan niya ang dalawa atsaka nagtatakbo paakyat sa kwarto niya. Mabuti pang magkulong na lang siya sa kwarto niya kaysa ma-op siya sweetness ng dalawa.   Hindi man kasing laki ng mansyon nila ang mansyon nila Macy ay maigi pa din naman ang buhay nila. Kumbaga, maihahalera pa din sa mayayaman ang pamilya nila dahil sa business nila na ang Kuya niya ang nagma-manage.   Pagakyat niya sa kwarto ay agad siyang nagpalit na pambahay. Buti na lang at wala silang pasok bukas at wala ding assignments kaya pwede siyang magpuyat ngayon. Kinuha niya ang laptop niya na regalo ng Kuya niya sakaniya last christmas. Dumapa siya sa malambot niyang kama habang nagba-browse sa internet. Una niyang binuksan ang f*******: account niya at may anim siyang notifications. For an ordinary girl like her, nakakagulat na iyon. Hindi naman kasi siya sikat at nasa 300 lang ang friends niya sa f*******:.   Una niyang inopen ang messages niya, a message from Macy and Donita. Napailing na lang siya dahil sa dalawang kaibigan. Hindi pa nga pala siya nakakapagtext sa mga ito ng umalis sila ni Jace kanina.   Una niyang binuksan ang message ni Donita.   Donita Paner: Girl, how are you? Are you fine now? Please let us know. We're really worried na. :(   Hindi muna niya nireplayan si Donita at tinignan naman niya ang message ni Macy na sigurado niyang parehas lang ng sasabihin to at dinouble send lang sakaniya.   Macy Jewel Villafuente: Besty, where are you? How are you Sam? Huhu, I'm so galit na talaga sa Jaypee at that Monette girl. Lagot them to me! Grr!   I can't help but to smile. I'm very lucky to have a girl friends like them.   I read another message from Macy.   Macy Jewel Villafuente: Saan kayo nag-went ni Jace? Is he really your boyfriend? But I love my bro na talaga, he saved your ass besty.   Iling iling siya ng magsimula na siyang magtype ng message. Hindi pa niya nasesend ang message niya ng tumunog ang skype niya. Tinignan niya iyon at tumatawag na pala sakaniya si Macy.   Sinagot niya 'yon agad at nag-video call.   "Hi besty!" Macy waved to her at ganon din naman ang ginawa niya dito.   Kita sa background ng kaibigan niya ang kulay pink nitong kwarto. Nakapunta na siya sa bahay ng mga ito, dalawang beses na din siguro at masasabi niyang mayaman talaga ang pamilya nila. Sabagay sino bang hindi yayaman kung artista ang Daddy niya at Architect naman ang Mommy niya tapos may sarili pa silang company. Pero kahit naman mayaman sila, mabait pa din naman ang ito at hindi sila matapobre sa mga mahihirap. Kahit nga si Jace na bad boy ay mabait din.   Yes, pinuri ko na po siya!   "How are you? Okay ka na ba besty? I'm thankful naman to Jace for saving you from that evils." Masanay na kayo sa way ng pagsasalita ni Macy, ganito talaga siya. Parang pinilipit ang dila. Haha.   Saglit naman siyang napaisip, oo nga buti na lang talaga at tinulungan siya ni Jace kundi mas lalo siyang katawa-tawa.   "Oo nga e. Buti na lang mabait pala yung twin brother mo. Anyway, nasan pala si Donita? Bakit di pa nag-oonline ang bruha?" Usually kasi kapag nag-vivideo call sila ay nagcoconference ang mga ito para silang tatlo ang maguusap usap.   "G-R-R-R. I'm very sure na may boys na naman ang baklitang 'yon." Natatawang sabi ni Macy sakaniya. Mahilig kasi talaga sa lalaki yung si Donita, bawat section nga at department may crush 'yon. Pero pinaka-crush niya talaga si Darwin. Patay na patay talaga siya don sa IT na 'yon.   "Haha. Baka nga iniistalk si DARWIN!" Sabay pa na sabi ng dalawa.   Parehas naman silang natawa. Ewan ba nila don kay Donita, mas gusto pa ang lalaki eh may mga nagkakagusto din naman sakaniyang babae. Sayang lang ang gwapo pamandin non ni Donita. Haha. Nagtataka siguro kayo noh? Gay po kasi si Donita. At Douglas ang tunay niyang pangalan. Nag-fifeeling lang 'yon ng Donita. Haha. Nagmamaganda kumbaga.   "Don't change the topic, besty. How are you? Are you okay na ba talaga?" Sincere na tanong nito sakaniya. Tumango lang siya dito at tipid na ngumiti. They are friends since high school kaya madami na talagang alam ang mga ito tungkol sa bawat isa. "Don't try to fool me. I know you're hurt. I'm here, I will kinig you." Ha? Ano daw? Kinig? Tsk. Sakit talaga sa bangs kausap si Macy. Sasakit ang tenga mo kapag siya ang kakwentuhan mo.   "Okay lang talaga ko, besty. Wala ka ng dapat i-worry. Nga pala, what time tayo bukas?" Pagiiba na lang niya ng topic. Ayaw na kasi niyang pagusapan pa ang nobyo niya- ex boyfriend pala.   Buti na lang talaga at bago pa magkagulo kanina ay nasabi ni Donita na aalis sila bukas   "I'll text you na lang, besty. Jewel, nasan yung shirt kong black? Geez. I'll you call you na lang bukas besty. Jace is here kasi e. Bye besty." She waved goodbye at her at hindi na siya nakapagbabye dito kasi nag-log out na agad ito.   Hindi naman napigilan ni Sam na matawa. Sure siyang malalagot ang bestfriend niya kay Jace. Mahilig kasi itong manghiram ng damit dito. Maarte lang si Macy pero ang porma nito ay pang-lalaki. Mas comfortable daw kasi siya sa ganon.   Nag-log out na din naman siya sa skype at nag-open na ulit siya ng f*******: ng may nag-pop out na notification sa sss niya. Binuksan naman niya agad 'yon at halos manlaki ang mata niya sa nareceived na email. Dear Cupid? What is this? Binuksan niya agad ang entire message and read kung anong nakalagay don. Anonymous lang ang nakalagay na sender. Kaya walang idea si Sam kung sinong nagpadala non sakaniya.   Hi there! We have new application for you. Here's 'Dear Cupid.com.ph'. You can write all your problems, questions or issues in love and send it to our modern Cupid. He will answers your questions and send you advises through emails. So start writing now! You'll never know what fate awaits for you.   Dear Cupid   Dear Cupid? Seryoso to? Meron bang ganitong application sa internet? Aba ayos din ah. Pumunta siya agad sa google at nagstart na siyang iopen ang Dear Cupid na website. At oo nga, meron nga talagang ganon.   Ang galing naman. Alam kaya nila na broken hearted ako at kailangan ko ng advise?   She's indeed a lucky girl. She was about to start writing kasi wala namang mawawala sakaniya kung magmessage siya dito, when someone knock at her door.   "Sam!" It was her Kuya's voice. "Sam, lumabas ka muna please." Dagdag na sigaw pa nito mula sa labas ng kwarto niya.   "Wait lang Kuya. Lalabas na po." Tinignan niyang muli ang laptop kung saan kitang kita niya ang logo ng naturang website.   Bukas na lang ako magsusulat sayo, Dear Cupid. Sana lang masagot mo lahat ng tanong ko at mabigyan mo ako ng advises para sa kagaya kong broken hearted.   She shut down her laptop bago inayos ang sarili atsaka lumabas ng kwarto. Baka hindi pa talaga sila meant to be ni 'Dear Cupid' ngayon. Siguro bukas ay makapag-message na siya dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD