Hindi alam ni Samantha kung saan ba siya dadalhin ni Jace. Masaya siya at tinulungan siya nito sa pagkapahiya sa madaming tao at the same time ay naiinis siya dahil sa dinami dami ng tutulong sakaniya ay ang lalaking kinaiinisan pa niya. Looks like destiny is setting a game for her.
Tumigil sila sa tapat ng isang magarbong red Ferrari na nakapark sa pinaka-dulo ng parking lot. Ang gwapo ng kotse at halata mong mayaman ang may-ari.
May kinuha ang binata sa bulsa niya at pinindot niya iyon at kusa ng nagbukas ang pinto ng kotse. Yeah, mayaman pala talaga ang may-ari.
Hindi aware si Samantha na madaming mga matang nakatingin sakanila- particularly sa lalaking kasama niya. Wala na namang bago doon. He's Jace Villafuente, that's it.
"Thank you pala for helping me." Nakayukong pasasalamat niya sa binata. Rinig niya ang mahinang pag-tss nito na halata mong hindi sanay na pinasasalamatan. O baka naman hindi talaga bukal sa loob ng lalaki ang pagtulong sakaniya? Hmm, baka nga!
"Don't thank me. Hindi ko iyon ginawa para sayo. Ayoko lang ng may nagyayabang at naghaharian sa school na to bukod sakin. Remember, ako ang hari ng school na to?" Oh, tama nga ako.
Dahan dahang nagangat ng muka si Samantha ng marinig ang mahinang pagtawa nito. She didn't expect from a good looking, rich kid and a bad boy like Jace na magagawang tumawa ng ganoong kalakas. Ayaw mang aminin ni Samantha pero mukang nabawasan ng ilang porsyento ang pagkainis sa mayabang na lalaki. Hindi naman pala ganoong kasama ang ugali nito, gaya ng mga magulang ay may namana pa din pala ang lalaki kahit konting kabaitan man lang.
"Get in." Maotoridad na utos nito. Hindi siya kumilos o kahit tignan lang ang lalaki. Unang una, nakatatatak na sa isip niya na hindi sila magiging magkaibigang dalawa, pangalawa, duh! Si Jace to, si Jace tong kausap niya. "Hindi ako tumatanggap ng thank you lang. In-announce ko sa madaming tao na girlfriend kita, so kailangan ko ng kapalit don."
Agad na napahawak si Samantha sa katawan niya at mainam na tinakpan ang kaselanang bahagi nito. Hindi naman napigilang matawa ni Jace sakaniya. Okay okay, dalawang beses na itong tumawa at masasabi niyang gwapo pala talaga ang lalaking tumulong sakaniya.
Naniniwala na talaga ako sa mga estudyanteng humahanga sakaniya.
No doubt kung bakit ang daming nagkakandarapa sakaniya, ma-babae man o ma-bakla. He's really handsome.
"Hindi ako interesado sayo. Tignan mo nga ang sarili mo."
Tinignan siya nito na para bang hinuhubaran na siya, kaya naman mas lalo niyang pinag-igi ang pagtatakip sa katawan.
"Flat chested, no curves at wala ka man lang s*x appeal. No, but thanks."
Muling nagtaasan ang dugo sa magkabilang pisngi niya at pakiramdam niya ay sobrang init na ng buong muka niya. Minanyak na siya ng lalaki at minaliit pa siya nito pero bakit pakiramdam ni Sam ay natuwa pa siya sa sinabi sakaniya?
Nababaliw na nga ata ako.
Tinignan niyang muli ang lalaki at nakayuko na ito. Nakahawak ang isang daliri sa ilalim ng labi nito na para bang nagiisip ng hihingiing kapalit sa pagtulong sakaniya. Agad namang napahawak ulit si Sam sa dibdib niya ng bumilis muli ang pagtibok ng puso niya.
Ang hot pala talaga ni Jace. Bakit ba ngayon niya lang napagmasdan ang binata? Ah- sabagay, naiilang nga pala siya sa tuwing magkakatinginan sila kaya wala na siyang lakas pa ng loob para titigan pa ng matagal ang lalaki.
"You will treat me... I want ice cream." Napataas ang dalawang kilay ni Sam sa hiniling nito sakaniya. Seryoso? Ice cream lang ang gusto nito? Hindi naman sa minamaliit niya ang ice cream pero sa katulad ni Jace na mayabang at nakukuha lahat ng gusto ay hihingi ng ice cream? That's really impossible! "Get in." Maotoridad ulit na utos nito sakaniya. Hindi naman kumilos si Sam at nanatili lang itong nakatayo sa labas. "Hindi mo magugustuhan ang kaya kong gawin sayo." Para naman siyang robot na de susi na agad binuksan ang pinto at nangangatal pa ang mga kamay ng ikabit niya ang seatbelt sa katawan.
Alam niyang hindi nananakot si Jace, alam nitong kaya talagang totohanin ang banta sakaniya. Villafuente ito e.
Hindi na niya nagawa pang magpa-alam pa sa dalawang kaibigan at itetext na lamang niya ang mga ito pagdating niya sa bahay. Ice cream lang naman ang gusto ni Jace at sure naman siyang agad din silang makakauwing dalawa.
Tahimik lang silang dalawa habang binabagtas ang daan papunta sa pinaka-malapit na mall. Tanging radyo lang sa sasakyan ang nagbibigay ingay sa pagitan nilang dalawa. Hindi naman niya matanong ulit kung saan ba sila pupunta dahil kanina pa siya tanong ng tanong pero ni isa ay wala itong sinagot sakaniya.
Nag-focus na lamang siya sa pagtingin sa tanawin sa labas na para bang iyon na ang pinaka-importanteng bagay sa buong buhay niya.
"Good afternoon listeners. Ito ang nagbabagang balita sa araw ng Byernes. Muling pinangaralan ang batang batang businessman na dating hunk actor na si Mr. Jake Villafuente bilang Businessman of the year sa katatapos lang na Philippine Business Award na ginanap kagabi sa Solaire Resort and Casino. Again, congratulations Mr. Villafuente!"
Laking gulat niya ng biglang patayin ni Jace ang radyo matapos marinig ang balita.
Tss. Binabawi ko na. Nakakainis pa din pala siya!
"Wag mo nga akong tignan ng ganyan na para bang ang laki ng atraso ko sayo. Tandaan mo ikaw ang may utang sakin." Mas lalong hindi makapaniwala si Sam sa naging tinuran ng lalaki sakaniya. So, kasalanan pa ba niyang tulungan siya nito kahit hindi naman niya kailangan? Ay, talaga nga naman.
Hindi na lang sumagot si Sam at nanatili na lang siyang pipi at bingi sa lahat ng kayabangan pinagsasabi ng lalaking mayari ng sasakyan. Ilang minuto din ang ginugol ng byahe nila bago nito tinigil ang sasakyan sa tapat ng isang unfamiliar ice cream shop.
Naunang bumaba sakaniya ang binata at agad naman siyang sumunod dito. Halos mabali naman ang leeg ng mga babaeng nadadaanan ni Jace. Pero ang binata mukang wala man lang pakialam sa mga ito. Napaisip naman bigla si Sam, ever since na naging magkaklase sila wala pa siyang nababalitaang girlfriend nito or kalandian sa campus.
Mukang loyal si bad boy sa girlfriend niyang nasa US. Aba matindi!
"Cookies and cream sakin." Seryosong sabi nito sakaniya ng makapasok sila sa loob. Hindi na siya nito inintay na magsalita at basta na lang umupo sa bakanteng upuan ang binata. She mentally rolled her eyes. Bad boy talaga!
"Hm, hi Ma'am. Good afternoon po." Magalang na bati sakaniya ng babae sa counter. "What's your order Ma'am?" Dagdag pa nito.
"Hm, dalawang cookies and cream po. Yung large na." Tumango lang ang babae sakaniya kaya naman kumuha na siyang pera sa wallet niya. Malaki na binili niya kasi baka mag-reklamo pa si Jace sakaniya.
Hindi naman nagtagal ay dumating na ang inorder niyang cookies and cream. Nahihiya siyang naglakad palapit sa upuan kung saan prenteng nakaupo ang binata. Hindi siya nahihiya gawa ni Jace, nahihiya dahil sa mga matang nakasunod sakaniya.
Siguro nagtataka ang mga ito kung bakit siya ang kasama ni Jace sa dami ng magagandang babae sa Maynila.
Nagkibit balikat na lamang siya at agad na umupo sa tabi ni Jace. Pinatong niya ang large cup sa tapat nito kaya naman nagangat ito ng tingin mula sa pagkaka-busy sa pagkalikot sa cellphone hanggang sa ice cream cup sa harap niya.
"Thanks!" Inangat pa ng binata ang cup at agad na sinimulang kainin ang ice cream. Hindi naman na siya nagantay pa ng pasko at sinimulan na din niyang lantakan ang ice cream niya. "Tapos na." Nanlaki ang mga mata niya ng ibaba ni Jace ang empty ice cream cup niya at natumba pa ito dahil sa wala na nga itong laman.
Hindi siya makapaniwalang wala pang ilang minuto ay naubos na agad nito ang large ice cream na binili niya.
Tsk. Mukang may halimaw sa tyan ang lalaking to.
"Tara na. Kailangan ko ng umalis." Hindi na siya nakapagreklamo ng hawakan siya nito sa kamay at sapilitang hinila palabas ng ice cream parlor. Muli ay habol sila ng tingin ng mga customers hanggang sa makapasok sila sa mamahaling sasakyan ng binata.
"Sa school na lang kita ibababa. May pupuntahan pa kasi ako e." Hindi na siya sumagot pa at hinayaan na lang niyang magmaneho ito.
Pinokus na lamang niya ang atensyon sa ice cream hanggang sa makarating sila sa school. "Thank you, Jace." Hindi ito nagsalita at basta na lang tumango sakaniya. Bumaba siya agad sa kotse nito at agad namang nagpa-andar si Jace.
Being saved by a bad boy is not that bad idea at all.
Ang mahalaga 500 pesos lang ang nawala sakaniya sa panloloko ng boyfriend niya.
"Thank you so much Jace." She whispered habang nakasunod ang tingin sa papalayong sasakyan nito sakaniya.