Chapter 2

1382 Words
Hindi na lamang inintindi ni Sam ang sinabi ni Jace at sinarado na niya ang kaniyang dalawang tenga, ang mga mata at pati na din ang puso at isip niya sa maririnig na masama tungkol kay Jaypee. She loves her boyfriend so much at ayaw niyang masaktan ito ang binata. Umalis na siya sa tapat ng room nila Jaypee at kinuha na lamang ang cellphone para itext ang dalawang kaibigan. Ikakain na lamang niya ang sakit para mabilis na mawala. Pero speaking of, eto na ang dalawa at sinalubong na siya sa hallway.   "Besty buti naman at naabutan ka pa namin. Tignan mo to oh." Inabot ni Donita ang Breeze sakaniya. Breeze ang pangalan ng news paper ng University nila. Mababasa mo dito ang mga happenings, achievements or even gossips about sa sikat na mga estudyante sa University nila- which includes the the four boys, Macy and Heidi and her group- the mean girls.   Inabot niya ang nasabing dyaryo at nagaalangan pa siya kung babasahin niya ba ang tinuturo ng mga ito sakaniya. Tinignan niya muna ang dalawang kaibigan na mukang malungkot bago binasa ang naka-sulat.   Jaypee Artisola and Monette Ang, bagong lovers?   Yan ang title ng headline. Bumilis na naman ang pagtibok ng puso niya nang simulan na niyang basahin ang content ng headline na tungkol sa nobyo at babaeng pinagseselosan niya. "Ang sabi nila mag-best friend lang daw ang dalawa kasi may girlfriend na nga itong si Jaypee na taga ibang department at ayon sa sources ay BSBA ang kurso ng nasabing girlfriend. Pero ano tong picture na nakuha natin?" Binasa talaga ni Samantha ng medyo malakas ang nakasulat at mahigpit siyang napahawak sa dyaryo sa nakitang picture.   Ito ang suot ni Jaypee nung nakita niya ito sa festival mall kahapon. Ang palusot nito ay kasama daw nito ang mga pinsan.   Pero bakit hindi niya inamin sakin na si Monette pala ang kasama niya? May nililihim ba siya sakin? Totoo ba ang nakasulat dito?   "Besty, may aamin din ako sayo." Binaba niya ang dyaryong hawak at tinignan si Donita. Seryoso itong nakatingin sakaniya at parang naiiyak pa ito. "Di iba iisang village lang kami ni Monette? Nakita ko kasi silang dalawa last week. Mag-ka-haw-ak an-g ka-may." Mahinang sabi sakaniya ng kaibigan pero sapat lang para marinig niya ito ng buo.   Nagakyatan ata lahat ng dugo niya sa pisngi at kahit ang pawis niya ay napunta na sa mga mata. Napahagulhol na lamang siya sa narinig na balita. Parang sumisikip ang dibdib niya sa nalaman. Agad naman siyang sinalo ng dalawa kasi muntik na siyang bumagsak sa lupa. Awang awa ang mga kaibigan niya sa nangyayari sakaniya. Mabait si Samantha kahit pa sabihin na nating uto uto talaga ito pero hindi niya deserved ang maloko o kahit sinong babae.   Ayaw mang maniwala ni Samantha sa mga nalaman pero miski naman siya ay naging witness sa pagiging sweet ng dalawa. Akala naman niya ay gaya sa nakasulat ay mag-best friend lang din ang mga ito pero iba na pala ang interpretation sa dalawa. "Masakit pala. Sobrang sakit malaman ang katotohanan." Nanghihinang sabi niya sa dalawang kaibigan.   "Besty. Stop crying okay? He's not worthy of your tears." Pag-aamo naman sakaniya ni Macy. Naisip ni Sam na bakit si Macy, may minamahal din naman itong may mahal ding iba pero bakit parang hindi ito nasasaktan? Ganoon na lang ba katapang si Macy at ganoon na lang ba siya kahina para maging ganito?   Naisip naman niya na ang laki talaga ng panama sakaniya ni Monette. Sa muka pa lang ay walang wala na siya dito. May makapal na salamin pa siya at kahit sa pananamit ay parang napaglumaan na siya. Sexy din ang babae at pang artistahin ang muka. Isa lang naman ang talo niya si Monette e, 'yon yung nasa kanya ang lalaking gusto nito na mukang nakuha pa sakaniya.   Pinahid niya ang mga luha at mabilis na naglakad pabalik sa room nila Jaypee. Pagdating niya don ay wala na ang ibang kaklase nila at tanging silang dalawa na lang ang nandito.   Okay. What you see is what you get!   Huminga muna siya ng malalim bago lumapit sa dalawang tao na busy sa paguusap. Mukang silang dalawa lang ang nag-eexist sa mga mundo nila. "Hi." Kalmadong sabi niya sa mga ito. Hindi mo mababakas ang pagiyak niya kanina sa itsura niya ngayon. Parang biglang gumanda ang mood niya sa paglingon ni Jaypee.   Bakas sa muka ni Jaypee at Monette ang pagkagulat ng makita siya ng mga ito. Agad namang nagbago ang muka ni Monette at nakaangat ang gilid ng labi nito na konti na lang ay mukang ngingiti na to. She wins.   "Babe, kain na tayo halika!" Lumapit siya sa dalawa at inangkla ang braso sa braso ng lalaki. Biglang umurong ang dila niya at hindi niya kayang makipag-break dito. Magpapatayo na lang siya ng rebulto sa tabi ni Rizal at hindi niya iiwan ang boyfriend.   Hinila niya ito palayo kay Monette pero ayaw magpahila ng lalaki sakaniya. Nagulat naman siya ng hawakan din ni Monette ang kamay ng nobyo at para na silang nagta-tug of war. "Wala ka ba talagang modo, Samantha? Alam mo namang naguusap pa kami ng BOYFRIEND mo!" That b***h really emphasize the word 'boyfriend'. "Pwede ba bitawan mo siya!" Maotoridad na utos ng babae. Hindi naman makapaniwala si Sam ng tanggalin ni Jaypee ang kamay niya at tumabi ito kay Monette na hanggang langit na ang ngiti.   "I'm sorry Sam. Pero hindi na kita kayang lokohin pa." Napatingin si Sam sa kamay ng dalawang biglang naglapit at nagalab na ang damdamin niya ng tuluyan ng maghawak ng kamay ang dalawa. "Girlfriend ko na si Monette. At mahal ko siya, mahal na mahal." Tumingin pa ang lalaki sa babaeng katabi na para bang nasa isang drama sila at siya ang kontrabidang pilit naninira sa relasyon ng dalawa. Hindi ba siya ang inagawan? Hindi ba siya ang bida dito? Pero bakit parang pinagtutulungan pa siya sa sariling drama.   Alam ni Sam na madaming estudyanteng nanonood sakanila at alam niyang headline na agad ang nangyari ngayon bukas na bukas din. Wala na siyang pakialam kung pagtawanan man siya ng madaming tao, lumuhod siya sa harap ng dalawang nanakit sakaniya. Napasinghap naman ang mga tao sakanila at kahit ang mga kaibigan ni Sam ay hindi makapaniwala sa ginawa niya.   "Jaypee, please wag mo akong iwan. Gagawin ko ang lahat wag mo lang akong iwan. Mahal na mahal kita." She said between her sobs. Jaypee is her first boyfriend, first love and first of everything. Ang pagluhod na ginawa niya ay hindi na niya naisip na nagmumuka siyang tanga. Ayaw niyang iwan siya ng lalaki dahil mahal na mahal niya nito.   "Tumayo ka nga dyan! Hindi na mababago ang desisyon ko. Buti nga malaman mo na agad para hindi na ako mahirapang makisama pa sayo." Tinignan niya ang dalawa at para siyang ewan na parang nakakita ng sungay sa mga ito. "Nachallenge lang talaga ako sayo kasi uto uto ka. Atleast hindi ako nahirapang gumawa ng mga assignments ko. Thanks sayo kasi makakatapos ako ng college ng walang kahirap hirap." Malakas na tumawa ang binata na siyang nagpasakit sa tenga at puso niya.   Hindi niya inaasahan na ganito pala ang tunay na ugali ng nobyong akala niya ay sobrang bait at mapagmahal. Nalinlang siya, naloko siya. And it breaks her heart into pieces.   "Jay-pee, mah-al n-a mah-al kit-a." Halos pabulong na lang na sabi niya sa mga ito. Lalapitan na sana siya ng dalawang kaibigan ng may mauna ng lumapit kay Sam at sapilitan itong tinayo sa harap ng dalawa.   Nanlaki naman ang mga mata ng dalawang taong nanakit kay Samantha ng makita kung sino ang lalaking tumulong sa kaawa-awang babae.   "Don't cry over a useless man." Bulong nito sakaniya. Hindi man niya maaninag ang muka ng lalaki dahil sa panlalabo ng mga mata gawa ng luha ay alam niya kung sino ang tumulong sakaniya. "Wag niyong paiyakin ang girlfriend ko. Buti na lang at nalaman na niyang gago ka." Nagkuyom ang mga kamao ni Jaypee pero hindi ito nakaalis sa pagkakatayo nito. Kahit ang bibig ni Monette ay hindi na magawang isara sa pagkakagulat.   Wala silang magagawa kahit si Jaypee ay takot sa lalaki. Well this dude who helped her is no other than Jace Villafuente. The selfish bad boy Jace Villafuente.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD