Kabanata 18

1690 Words
"NANDITO pa rin pala siya?" "Sipsip lang naman 'yan sa mga teacher kaya nagiging honor student 'yan dito." "Tapos parang linta pa kung makadikit kay Angelo." Isang buntong hininga na lang ang ginawa ni Serene habang naglalakad ito papunta sa kubo kung saan sila gagawa ng project nila sa MAPEH. Nandoon na si Angelo at kanina pa siguro 'yon naghihintay sa kan'ya. Inutusan pa kasi siya ng teacher nila sa MAPEH na tulungan ang ibang mga kaklase niya roon linisin ang buong lugar. Hindi naman siya makatanggi dahil nahihiya siya. Paminsan-minsan kasi ay natutulungan din siya ng guro sa baon nito sa eskuwelahan. Wala naman siyang ibang pagpipilian kung hindi ang tanggapin ang tulong nito. "Ang cute," bulong niya sa sarili habang tinitingnan 'yong project niya na hindi niya pa natatapos. Gumagawa siya ng isang obra gamit ang mga butones at sinulid. Mabuti na nga lang at maaga siyang natutong manahi kaya naman ay nagagamit niya 'yon sa mga ganitong sitwasyon. Kailangan daw kasi ay unique ang project nila upang makakuha sila ng perfect score. Ang proyekto naman ni Angelo ay ginagamitan nito ng mga posporo at glitters. Naiinis talaga siya kay Angelo kanina sa klase dahil sa dinami-rami ng gagamitin nito ay glitters pa talaga. Ang kalat pa naman no'n tapos ay seatmates pa sila. Lumayo pa tuloy siya sa binata para lang hindi mangati ang buong katawan niya. At natapos ang klase nang hindi man lang nila natatapos ang proyekto nila. Mabuti na lang at nag-extend ang kanilang guro ng deadline at sinabi na bukas na lang sila magpasa, pero ganoon pa man ay goal na ni Serene ang tapusin 'to ngayong araw. Mamaya kasi ay magtitinda pa siya. Bago niyang raket iyon. "Aray!" singhal ni Serene nang banggain siya ng isa sa mga kaklase niya. "Mag-ingat naman sa daan, oh," dagdag niya pang sambit bago hinipan 'yong iilang buhok na kumalat sa kan'yang mukha. Hindi niya kasi 'yon maalis kaya hinihipan niya na lang. Gusto man niya sabunutan ang babaeng kaklase na mukhang isinubsob ang mukha sa harina ay hindi naman niya magawa. Hawak kasi nito ang illustration board sa kaliwa nitong kamay at ang iilang libro sa kanang kamay nito. Mabuti na lang at mahigpit ang pagkakahawak niya roon sa illustration board dahil kung hindi ay baka masira ito kapag nalaglag sa sahig. Kapag nangyari 'yon ay hindi siya sigurado sa sunod niyang magagawa. Baka bigla na lang niyang maihagis 'yong hawak niyang libro rito sa babaeng hindi naman niya kilala pero ang laki na kaagad ng galit sa kan'ya. Ganoon talaga kapag kumikinang, ano? Ang dami kaagad na inggiterang walang magawa kung hindi ang guluhin ang buhay niya. "Bakit ako mag-iingat sa pagbangga sa 'yo, eh sinasadya ko 'yon?" Ay, sumasagot! Hindi kaagad nakapagsalita si Serene dahil sa gulat. Hindi niya kasi inaasahan na magiging ganoon kasarkastiko ang magiging sagot sa kan'ya ng kaklase. Sino ba ito? Sa dami nila sa isang klase ay hindi niya ito matandaan, pero kahit papaano naman ay naaalala niya ang tabas ng mukha nito, at ang style nito na parang laging nginudngod ang mukha sa harina kada papasok ito sa school. "Ikaw, Serene... mag-ingat ka riyan sa ginagawa mong pagsipsip at panlalandi kay Angelo, ha?" Dinuro siya nito bago ito humakbang papalapit sa kan'ya, ganoon din ang mga alipores niyang nasa likod niya lang habang nakakrus ang mga kamay sa dibdib nito. Hindi tuloy niya napigilan ang hindi mapangiwi habang naglalakad siya paatras, hindi dahil sa natatakot siya sa mga ito, kung hindi dahil ay ayaw niyang mahawakan siya nito! Baka kasi ay hindi niya na mapigilan ang sarili at i-untog niya ang sarili sa ulo nito at mapatawag pa siya sa guidance office. "Mga bully wannabe, puwede ba ay tantanan n'yo ako?" Nang makatatlong hakbang na siya ay hindi na niya napigilan pa ang sarili at tuluyan na itong sumabog. Napaptingin sa kanila ang ibang mga estudyanteng dumaraan pero tila ay wala naman itong pakialam sa kanila kahit na magsabunutan pa sila rito. Sa sinabi niyang 'yon ay sabay-sabay na napasinghap ang tatlo niyang kaklase. Pati ba sa mga gagawin ay kailangan sabay-sabay sila at pare-parehas? Naaaliw tuloy siya sa kan'yang nakikita kahit na medyo kinakabahan din dahil baka bigla na lang siyang sabunutan ng mga ito. Ganito kasi ang mga napapanood niya sa mga teleserye na nakikita niyang hilig ng ate Hajira niya. Hindi niya inakalang mararanasan din pala niya 'yon. "Una sa lahat, hindi ako sipsip. Marunong lang akong makipag-communicate sa teachers nang maayos," pagpapaliwanag nito. Pawis man ang kan'yang noo at gusto na nitong umupo sa kubo pero mas nananaig sa kan'ya ang kagustuhan na manermon. "Gusto mo maglaban tayo sa spelling bee or quiz bee ngayon din mismo? Sige, ikaw mamili kung ano'ng topic." Tumaas ang kan'yang kilay pagkasabi niya no'n. Hindi naman siya seryoso roon sa kan'yang sinabi pero kung papatol man sa kan'ya ang mga babaeng nasa kan'yang harapan, aba ay hindi siya tatanggi roon! Bukod sa kan'yang pamilya, ang ideya ng competition ang bumubuhay sa dugo niya. Kaya nga sobrang hilig niyang sumali sa mga quiz bee ay dahil din sa dahilan na 'yon. "At pangalawa, hindi ko nilalandi si Angelo! Mangilabot nga kayo!"  Pakiramdam ni Serene ay nagsitaasan ang balahibo niya pagkasabi niya no'n. Maisip lang niya na nilalandi niya ang kaibigan ay parang gusto niya nang masuka. Kahit na crush niya si Angelo ay hindi niya 'yon gagawin! Hindi niya ibababa ang sarili para lang mang-akit ng lalaki, lalo pa nga at sa edad niya ngayon. 15 years old lang siya tapos ay pinag-iisipan na siya ng ganoon? At bakit nga pala sila nasa topic ng panlalandi at pag-ibig, eh nasa eskuwelahan sila! Dapat ay nag-aaral sila! "Kayo pa nga itong nanlalandi sa kan'ya, eh. Tingnan n'yo nga iyang mga ayos n'yo!" dagdag niya pang wika bago tiningnan ang mga kaklase mula ulo hanggang paa. Mataray pa naman ang mga mata ni Serene kaya naman kahit na simpleng tingin lang naman ang kan'yang ginawa, ang intimidating pa rin no'n. "Itsura ba iyan ng papasok sa eskuwelahan?" Natahimik ang tatlong kaklase habang nakaawang ang labi, pero maya-maya lang din ay natauhan ang kanilang lider at ito ang sumagot sa kan'ya. "Aba't lumalaban ka pa talagang hampaslupa ka—" "Hoy, mga pangit!" Sabay-sabay silang lumingon sa pinanggalingan ng boses at nanlaki ang mga mata ni Serene nang makitang si Angelo pala iyon. Nakakunot pa ang noo nito habang nakapameywang. "Angelo?" nagtatakang pagtawag niya rito. Paano 'yong kubo na binabantayan niya? Siraulo ba siya? "Hindi ikaw, Serene. Huwag kang lumingon." Hah! Tama, baliw nga talaga siya! Napairap na lang si Serene bago ito bumuntong-hininga at naglakad papalapit sa kaibigang mukhang umiinit na rin ang ulo kasabay ng pagtirik ng araw. "So... kami 'yong pangit, Angelo?" Hindi man niya nilingon ang mga babaeng kausap kanina ay alam niyang may sakit at pagtataka sa mga boses nito. Napangisi tuloy siya dahil doon. "Oo, kayo! Manahimik kayo, ha! Kung anu-ano pinagsasasabi ninyo, at dito pa talaga sa lugar kung saan ay maririnig ko kayo!" Napangiwi si Serene nang makalapit siya kay Angelo. Halos tumalsik kasi ang laway nito habang nagsisisigaw, at pinagtitinginan na rin siya ng iilang mga estudyante. Sa bagay, kahit ano naman kasi ang gawin ni Angelo ay pagtitinginan talaga siya. Sikat siya, eh. Kaya nga sumikat din siya ay dahil sa kaibigan niyang 'to. Pero kung ano man ang mga nakamit niyang achievements mula noong elementary siya hanggang sa ngayon na grade 9 na siya, walang tulong ni Angelo ang lahat ng 'yon. Nakuha niya 'yon sa sarili niyang pag-aaral at pagsisikap. Kaya kahit papaano ay masakit para sa kan'ya kapag iniisip ng iba na kaya lang siya nakakakuha ng award ay dahil kay Angelo. "Umalis na nga kayo at huwag n'yong ginagambala ang kaibigan ko!" sigaw pa nito mula sa kaibuturan ng kan'yang puso at akmang maglalakad papalapit doon sa mga babae pero kaagad na tumakbo ang mga ito paalis. Mukhang natakot ang mga ito kay Angelo habang si Serene naman ay nakangiwi lang habang nakatingin dito. "Hoy Angelo! Baliw ka ba? Kapag tayo natawag sa guidance office!" Nawala ang pagmumuni-muni ni Serene nang ma-realize kung gaano kalakas ang boses ni Angelo. Bawal pa naman ang maingay sa school tapos kung makasigaw ito ay para itong nasa soccer field! "Kung anu-ano sinasabi nila sa iyo, eh. Umiinit ang ulo ko!" dagdag pa nitong sabi bago ibinaling ang atensiyon sa kan'ya. "Ayos ka lang ba? Hindi ka naman nila sinaktan, ano?" tanong ni Angelo habang hawak-hawak ang magkabilang side ng kan'yang ulo at tinitingnan ang bawat parte ng mukha niya. "O-Okay lang," sagot niya bago nag-iwas ng tingin. Wala namang malisya ang ginagawa ni Angelo sa kan'ya pero hindi niya maiwasang pamulahan ng mukha. Nagawa lang niyang pakalmahin ang sarili at ayusin ang pag-iisip nang bitawan na siya ni Angelo. Kinuha nito ang mga libro sa kamay niya bago ito umiwas ng tingin. "Alam naman nating walang katotohanan ang lahat ng 'yon, Angelo," saad ni Serene habang naglalakad papunta roon sa kubo. Iniwan pala ni Angelo ang gamit niya roon para walang ibang makaupo roon. Kinakabahan tuloy si Serene dahil baka ay may mawala roon kaya nagmamadali na siya sa paglalakad. "Kung ano man 'tong mga naa-achieve ko ngayon, alam kong bunga 'to ng pag-aaral nating dalawa. Hindi ako maaapektuhan hangga't walang katotohanan ang mga sinasabi nila." Ngumiti siya pagkasabi niya no'n. Sinusubukan niya kasing pakalmahin ang kaibigan. Siguro nga noong una ay nasasaktan pa siya sa mga sinasabi ng iba tungkol sa kan'ya, pero ngayon ay tinatawanan na lang niya ang mga ito ay inaasar pabalik kapag trip niya. Bakit ko sila iisipin kung hindi naman sila ang nagpapakain sa akin? "Napakabait mo! Nakakainis ka na!" bulyaw sa kan'ya ni Angelo. Dali-dali itong lumapit kay Serene at ginulo ang buhok nito. Hindi naman nakaganti kaagad ang dalagita dahil dalawang kamay na nito ang kan'yang ginamit para sa paghawak ng illustraton board. Aish, buwisit naman itong si Angelo! Parang ewan talaga! "At ikaw naman, nakakabuwisit ka! Ang tagal kong inayos 'tong buhok ko tapos ginugulo mo lang-" Pero hindi na niya natuloy ang sasabihin nang may lalaking tumigil sa kanilang harapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD