bc

The Chaos Behind Peace (Scarce Series #16)

book_age18+
1.5K
FOLLOW
5.0K
READ
billionaire
revenge
dark
sex
badboy
kickass heroine
twisted
bxg
campus
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

WARNING: RATED SPG

Ang tanging pangarap lang naman ni Serene Faith Alcantara ay mabigyan ng masaya at mapayapang buhay ang kan’yang pamilya. Para magawa iyon, kailangan niyang mag-aral nang mabuti at tiisin ang pangungutya sa kan’ya ng kanilang ka-baryo na hindi naniniwala na matutupad niya ang pangarap niya. Ginawa naman niya ang lahat, at nagtagumpay siya, pero nang mawala ang dahilan kung bakit patuloy siyang nagsisikap, parang bigla na lang gumuho ang mundo niya.

She did her best to cope up with the world, because time won’t stop even if she’s hurting. She may look at peace but there’s chaos at the bottom of her heart. Will her ex-lover, Angelo Jacob Hernandez, will be able to meddle with the chaos inside her? Or he will cause another kind of pain for her?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
NOONG WALONG TAONG gulang pa lang si Serene, masyado pa siyang bata para maintindihan ang lahat. Ang sabi sa kan’ya ng ama, dapat ay paglalaro lang ang nasa isip niya dahil iyon ang naaayon sa edad niya. Pero, paano naman niya iyon gagawin kung sa araw-araw ay nakikita niyang mayroon itong pasa sa pisngi, o kaya naman ay pinagdidiskitahan doon sa kanto kapag lumalabas ito ng bahay? ‘Hindi naman ganoon ang laro ng matatanda. Ginagawa nila iyon dahil mahirap lang kami,’ ani Serene sa isip. Sa murang edad ay alam niya na kaagad iyon. “Itay, bakit po palagi na lang nila tayong inaaway?” tanong ng bata sa kan’yang ama habang inaayos nito ang mga gamit na dadalhin ni Felix, ang kan’yang ama, kapag nangisda na siya mamayang madaling araw. “Wala naman po tayong ginagawang masama sa kanila.” Mangingisda ang tatay ni Serene, habang katulong at labandera naman ang ina nito, pero sa ngayon ay kinailangan muna niyang tumigil dahil kapapanganak lang niya sa kapatid nitong si Joseph. Todo-kayod tuloy ngayon ang itay niya, habang si Serene naman ay todo-suporta rin sa pagtulong sa kan’ya. Ito lang naman ang kaya niyang gawin sa ngayon. Wala namang magbibigay ng trabaho sa isang batang katulad niya. Mismong ang sariling ama ay ayaw siyang patulungin sa pangingisda dahil baka raw ay mapahamak ito. “Hindi nila tayo inaaway, anak,” maikli naman niyang sagot ni Felix bago nito inayos ang mga lambat. Siya naman ay doon sa bimpo at iilang inumin ng ama. “Huwag mo na ‘yon pansinin,” dagdag niya pang saad bago ginulo nang bahagya ang buhok ng batang babae. Ngumiwi na lang si Serene bago ipinagpatuloy ang kan’yang ginagawa. Kailangan kasi ay mabilis silang kumilos. Dapat mauna si Felix mangisda para mas marami rin ang mabenta niya. Kakaiba kasi ang baryo nila sa Kawit, Cavite. Imbes na magtulungan, naghihilahan silang lahat pababa. May maihihila pa ba sa amin pababa kung nandito na kami sa pinakailalim ng bangin? “Hindi po ba pang-aaway ang pananakit nila sa iyo?” Lumapit si Serene kay Felix at hinawakan ang kamay nitong punong-puno ng mga sugat at peklat. Nang tumingala ito para tingnan ang mukha ni Felix ay napangiwi na lang din ito. Mayroon din kasing iilang galos at bagong sugat doon. Alam niya kung saan ito nakuha ng ama. Malamang ay doon na naman iyon sa mga lalaking tadtad ng maraming tattoo na palagi siyang pinagt-trip-an. “Itay…” muling pagtawag ni Serene, pero hindi ito sumagot at nanatili lang na nakatitig sa kan’ya. Kitang-kita ang pagbabago ng ekspresiyon niya dahil sa tinanong nito. Ang kaninang nakangiti na mga labi ay bilang namutla, at ang kaninang masaya niyang mga mata ay napalitan na ng pagdadalamhati at kalungkutan. “Patawad, Serene…” Nagulat ang batang babae nang bahagya dahil bigla siyang binuhat ng ama. Napakapit ito sa leeg ni Felix sa takot na baka mahulog siya. Matangkad kasi ang ama, kaya pakiramdam ni Serene, kapag buhat siya nito ay para siyang nasa isang mataas na gusali. Alam naman niya na matindi ang pagkakakapit ng ama at hindi siya nito hahayaang mahulog. Ganoon kalaki ang tiwala ni Serene sa ama. “Matulog ka na,” ani Felix sa isang seryosong tono. “Huwag kang magmadaling lumaki. Maging masaya ka muna sa pagkabata mo,” dagdag niya pa bago ibinaba ulit si Serene sa sahig at itinuro ‘yong papag sa gilid kung saan ay nakahiga ang ina at si Clea, ang isa niya pang kapatid na apat na taon pa lamang. Tumango na lang ang batang babae. Paminsan-minsan ay naiinggit ito roon sa mga ka-baryo niya dahil masaya silang naglalaro, habang siya… ito na kaagad ang responsibilidad na nakapatong sa kan’yang balikat. Ang responsibilidad na maiahon ang pamilya niya sa kahirapan. ALAS-SAIS na ng umaga nang magising si Serene. Napasarap ang tulog nito dahil alam niyang walang pasok. Linggo kasi ngayon kaya puwede siyang magpahinga. Nag-unat muna ito ng katawan bago tuluyang tumayo. Salamat sa Diyos dahil grade three na siya pagpasok sa eskuwelahan bukas. Mahirap man pagsabayin ang pag-aaral at pag-aasikaso, pero ito ang isa sa mga paraang nakikita niya para kahit papaano ay makaahon sila sa kahirapan. Ang pag-aaral niya. Kaya naman ipagpapatuloy niya ito kahit hadlang pa ang mga magulang sa kan’yang pangarap. Pagkatapos no’n ay naghanda na siya ng pagkain. Kakaunting lugaw lang ito at hindi rin sigurado si Serene kung kakasya ba ito sa kanilang lahat, pero kung hindi siguro siya kakain ngayon ay mapapakain niyang ang ibang matitira kay Clea. Ang ilang sabaw naman ng sinaing kanina ay inilagay niya sa ibang lalagyan para naman kay Joseph. Narinig kasi niya sa ama na kailangang bayaran ang kumadronang nagpaanak sa ina. Marami na naman ang bayarin kaya matindi rin ang paghihigpit nilang lahat ng sinturon. “Inay, kumain na po muna kayo.” Lumapit siya sa ina at ibinigay ang isang mangkok ng lugaw na hawak nito. Hindi naman sumagot ang ina niya bago kinuha sa kamay ni Serene ang lugaw. Tahimik lang itong kumain at noong napansin na nandoon pa rin ang batang babae sa kan’yang harapan ay sinamaan niya ito ng tingin. Napalunok tuloy si Serene ng laway dahil sa takot. ‘Mukhang masama na naman ang timpla ng mood ni ina,’ ani Serene sa isip. Medyo sanay naman na siya sa ganito, kaya naman ay tumayo na lang siya at hinugasan ang pinaglutuan ng lugaw. Mas nauna niya pang hugasan ang kaldero kaysa ang maghilamos ng mukha. Matapos no’n ay si Clea at Joseph naman ang pinakain niya. Medyo namimilipit ang tiyan ni Serene sa gutom kaya ay napangiwi siya nang bahagya. Hihintayin na lang niya ang kan’yang ama. Sigurado kasing may dala itong ulam mamaya. Minsan ay napapatingin si Serene sa ina dahil nakikita niya itong pasulyap-sulyap sa kan’ya, pero kapag tinitingnan niya ito pabalik ay kaagad naman din itong umiiwas ng tingin. Hindi na lang siya nagreklamo dahil wala naman siyang magagawa kung ganito pa ang buhay niya sa ngayon. Sa mga katulad nilang mahihirap, ang tanging pagpipilian lang nila ay lumaban… kahit hindi na nila kaya. “ANG SAKIT,” mahinang daing ni Serene habang ibinababad sa tubig-dagat ang paso roon sa kaliwa nitong braso. Hindi niyang kasi sinasadyang madikit ‘yon sa kaldero habang niluluto ‘yong lugaw kanina. Kanina pa ang paso niya pero naramdaman niya lang ang sakit noong tapos na siya mag-asikaso. Sabi kasi ng ama, nakakapagpagaling daw ang tubig-alat sa mga sugat kaya naman tinitiis na lang niya ang hapdi. Hindi na siya nag-abala pang bumili ng gamot para sa isang sugat na kaya naman niyang tiisin. Mabuti na lang din ay malapit lang ang bahay-kubo nila rito sa dagat kaya naman ay iniwan na muna niya roon ang ina at mga kapatid. Ayon sa kanilang ka-baranggay, bawal daw tumira rito sa may dagat dahil mabilis umangat ang tubig at baka malagay sa alanganin ang buhay nila, pero wala naman silang pupuntahan kung aalis man sila rito. Dalawa lang naman kasi ang pagpipilian nila kung sakali. Ang mamatay sa gutom, sa kalsada, o kaya naman ay sa ilalim ng tulay. “Aray!” Biglang inalis ni Serene ang kan’yang braso sa dagat nang hindi na nito kayanin ang sakit. ‘Siguro naman ay okay na ito,’ isip ni Serene bago ito bumalik sa loob ng kubo dahil aasikasuhin pa nito si joseph. Nakita niyang mayroong kausap ang ina niya kaya naman ay mabilis lang siyang bumati sa mga ito bago pumasok sa loob ng kubo. Tiningnan lang siya noong lalaking kausap ng inang si Demi at hindi siya pinansin. At ngayon, hindi na niya alam kung ano ang gagawin dahil kanina pa umiiyak ang bunsong kapatid. Pinakain naman na niya ito, sinubukang patulugin, at hinele na rin, pero ayaw talaga nitong tumigil. Ito ang mahirap sa mga sanggol. Marami kasing kahulugan ang pag-iyak ng isang bata. Puwedeng maganda, puwede ring hindi. Pero sa paraan ng pag-iyak ngayon ni Joseph, mukhang may iniinda itong sakit. “H‘wag ka nang umiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naiiyak na rin ako…” mahinang tugon ni Serene kay Joseph na mas lumakas pa ang palahaw dahil sa sinabi niya. Sinubukan niya pakalmahin ang sarili ngunit hindi siya nagtagumpay. Aligaga na siya at hindi alam kung ano ang gagawin. Naisip niyang tawagin na lang ang ina sa labas dahil baka mapatahan nito si Joseph. Akmang tatayo na sana si Serene, pero kaagad itong napatigil nang biglang sumigaw ang lalaking kausap ni ina. “P.utangina naman, Demi! Ilang buwan na ‘yang sinasabi n’yo palagi na magbabayad na kayo!” Rinig sa buong bahay ang sigaw ng isang lalaki. “Nasaan ba si Felix?! Siya dapat ang kausap ko at hindi ikaw!” Mas lalong lumakas ang iyak ni Joseph noong narinig n’ya ang lakas ng sigaw mula sa labas ng kanilang kubo. Maging si Clea na naglalaro lang kanina sa gilid ay nagsimula na ring umiyak. Lumakas din ang kabog ng puso ni Serene dahil sa sigaw na iyon na para bang pinagbabantaan ang buhay nila, pero kung pati siya ay iiyak din, sino ang magpapatahan sa kan’yang mga kapatid? Mas lalo lang din silang iiyak kapag naging mahina siya. Ano ba ang nangyayari sa labas? Tumayo si Serene saglit upang silipin ang nangyayari. Mukha kasing may kaaway ang ina. Hindi pa naman maganda ang kalagayan nito ngayon at bukod pa roon, wala pa sa bahay ang kanilang ama. Pumunta siya at bahagyang nagtago roon sa may bintana pero kaagad din itong napaatras at napasinghap nang makita ang isang lalaki na napakaraming tattoo sa katawan, may hawak na itak habang masama ang tingin kay inay. Ito ‘yong lalaking laging nananakit sa kan’yang ama. Nakilala niya ito dahil sa tattoo nito sa braso na kanina ay hindi niya napansin. Kaagad na nanayo ang mga balahibo ni Serene. Sa itsura ng lalaki, mukhang handa itong pumatay ano mang oras kapag hindi nito nakuha ang kan’yang gusto. Itay, umuwi ka na… Nanganganib kami rito. “Demi, ito ang pakakatandaan mo, ha? Madali akong kausap, pero mainipin ako!” nanggigil ang tono ng boses nito. “Sa oras na hindi pa kayo magbayad ng utang n’yo, gigilitan ko kayong lahat ng buhay!” Pagkatapos no’n, isang malakas na pagtaga ang narinig sa buong paligid, dahilan para mapasigaw si Serene nang malakas habang hawak-hawak nito ang bibig gamit ang magkabila niyang kamay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.0K
bc

His Obsession

read
90.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook