"MAGIGING MAAYOS din ang lahat," saad ni Angelo kay Serene na nakaupo lang ngayon sa may fountain habang hinihintay niyang tawagin ulit siya ni principal Verna roon sa loob ng office nito. Nakapatong ang magkabila nitong siko sa kan'yang mga hita habang nakapatong naman ang kan'yang mukha sa magkabila rin nitong mga kamay. Nakapikit siya at napahilamos na lang ito sa kan'yang mukha nang maalala ang nangyari roon sa loob matapos niyang iparinig ang recording na mayroon siya. "Explain this to me, Miss Quiambao," galit na wika ni Verna bago nito itinaas ang kan'yang cellphone at ipinakita ito kay Rachel. Nagp-play pa roon ang usapan nila ni Serene kaya naman ay halos mapipi si Rachel at hindi makapagsalita. Halos wala nang kulay ang labi nito. Gusto man niyang gumawa ng palusot ay hindi na