"ANG KULIT mo talagang babae ka, ano?" nakangiwing saad ni Angelo kay Serene habang pinapanood niya ang dalaga sa pag-aayos nito ng kan'yang buhok. "'Yan tuloy, imbes na nasa klase ka ay nandito tayong dalawa ngayon," dagdag pa nitong sambit. Nasa clinic kasi sila ngayon at katatapos lang gamutin ng nurse ang sugat niya. "E'di bumalik ka na roon sa classroom, Angelo," naiinis na sambit ng dalagita bago ito tumayo at inilagay sa bulsa ang suklay nito. Pakiramdam niya kasi ay sinusumbatan siya ni Angelo at nagsisimula na siyang maburyong dahil doon. Sa hindi kasi inaasahang pagkakataon ni Serene ay biglang bumuka ang maliit niyang sugat habang nasa klase siya. Kahit kasi pinagpapahinga pa siya ni Angelo ay hindi siya sumunod dito. Pumasok pa rin siya sa eskuwelahan kahit na medyo masakit